webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · 青春言情
分數不夠
69 Chs

Our Stolen 25 Minutes and More (2)

Nagkwentuhan muna kami ni Lance tungkol sa exam at natanong din niya kung nagustuhan ko yung cake na dala ni ate noong birthday ko dahil siya daw ang pumili noon. Umuna na kasi si Andy at Aya. Pinigilan ko si Lance umuwi dahil wala naman pasok sina ate ngayon kaya pwede niya akong samahan mag-intay. Maya-maya ay dumating na yung dalawa at may kakaiba sa kanilang dalawa, para silang nagkaka-ilangan.

Napatanong tuloy ulit ako kay Lance ng pabulong. "Oi, bro, anong meron dun sa dalawa?"

Tiningnan naman niya ako na parang hindi siya makapaniwala. "'Wag mong sabihin ngayon mo lang napansin. Ilang linggo na yang dalawang yan na ganyan. Wala naman may lakas loob magtanong kung bakit sila magkaaway."

Binati naman ako ni Keith nang napansin na niya ako. Si Stan naman kinawayan ko kaso hindi man lang ako nginitian. Halos mabato ko na siya ng bag ko. Hindi ba niya alam kung gaano kahirap yung ginawa ko.

"Bati na kayo?" tanong ni Lance.

"Yep," sagot ko sa kanya habang tumatango. "Binilihan niya kasi ako ng mamahaling laro."

Alam kong narinig kami ni Stan pero wala pa din siyang reaksyon. Si Lance lang ang nagreact. "Ang dali mo namang suhulan."

Pinalo ko naman siya sa braso at tumayo na siya. "Tara ng umuwi. Nandito na yung inaantay mo. At tsaka gutom na 'ko."

Napatingin sa akin si Keith at Stan. Nakaramdam ako lalo ng pagka-ilang. Gusto ko sanang kurutin si Lance dahil sa bibig niyang masyadong madadal kaso medyo malayo na siya sa akin. Pero hindi din nagtagal, nagpaalam na si Keith na uuna na daw siya.

Sabay kaming naglalakad pababa nina Lance at Stan. Nauuna ng kaunti si Stan at magkatabi naman kami ni Lance. Tahimik lang kami naglalakad. Nang nasa may corner na kami ng hagdan pababa sa unang floor biglang bumulong si Lance. "Akala ko ba bati na kayo. Mukhang hindi naman ah."

Dahil sa sinabi ni Lance, napaisip ako, walang mangyayari sa amin kung wala akong gagawin. Huminga ako ng malalim tapos tumingin ako kay Lance at mukhang naguluhan siya saka ko nilapitan si Stan.

Tinabig ko ang siko niya. "Hoy, ang sungit mo naman. Hindi mo man lang ako pinansin."

Napatigil siya. Yung ngiti ko naman mukhang normal. Natanaw ko si Denise hindi kalayuan sa amin.

"Akala ko ba bati na tayo," patuloy ko ng hindi pa din siya nagsalita. "Papaturo pa naman sana ako sa math."

Hinigit ko bigla si Lance. "Pero mukhang hindi pwede kaya kay Lance na lang ako papaturo."

"Huh?" reaksyon ni Lance. "Baka magselos ang ate mo."

Ako naman ang nag-react. "Huh? Bakit magseselos si ate?"

"Nalaman niya kasi na may gusto ka sakin dati," sagot niya.

"Teka nga-"

"Risa." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na si Stan. Napatingin kaming dalawa ni Lance sa kanya. "Nagpapaturo din kasi si Denise pero pwede naman akong dumaan sainyo mamayang hapon."

Hindi ko alam kung ngingiti ako dahil kinausap na niya ako at pumayag siyang turuan ako o malulungkot dahil hindi ako ang unang priority niya. 'Best friend ka lang,' sabi ko sa sarili ko sa isip ko.

"Hindi na. Libre naman 'tong si Lance." Tiningnan ko ng masama si Lance na nagsasabing pumayag ka na.

"Oo nga," napipilitang sagot ni Lance. "'Wag mo ng alalahanin 'tong best friend mo. Parang kapatid ko na din 'to."

Pagkasabi niya nun ay tinuan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Siya, una na kami at nandyan na yung girlfriend mo."

Tuluyan na kaming bumaba ng hagdan ni Lance. Inayos ko naman kaagad ang buhok ko. Nang lumingon ako, nakita kong nilapitan na ni Stan yung hindi naman pala malaging niyang girlfriend.

"Stanley Ramirez!" sigaw ko. Napatingin sila sa akin pati na yung ibang estudyante. "Sana bumagsak kayo sa socsci! 'Wag mong kalimutan dalhin ang PS mo sa Wednesday!"

So it hit 80 power stones. Wow. Here's the other chapter I promised. I might as well aim for another, right? If Ugly Little Feelings has 100 power stones by 12nn tomorrow, I'll upload two more chapters.

If not, don't worry. There will be an update on Monday.

Anyway, thanks for reading! :)

wickedwintercreators' thoughts