webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · 青春言情
分數不夠
69 Chs

Nothing More, Nothing Less (3)

Pinalo ko naman siya sa braso niya. Sabihin na lang nating, nadagdagan ng konti ang timbang ko. Paano ba naman ako lagi ang taga-kain ng dala ni Lance at simula noong huli kaming nagkita ni Stan, ang mundo ko ay tuluyan naging black and white. I felt so listless and everything seemed dull. And every night before I go to sleep, I'd see his pained expression and I told myself over and over that I did the right thing. Best friends, nothing more, nothing less.

"Ano? May progress na sainyong dalawa ni Stan?" tanong ni Lance.

Tiningnan ko siya ng nagbibiro ka ba. "Haller. Ano pa ang magiging progress namin? The end na oh. Wala naman nagsimula."

"Hindi naman yung love part ang tinanong ko. Yung friendship part ang gusto kong malaman," paliwanag niya.

"Bro." Initinulak ko na siya papunta doon sa kwarto ni ate. "Ayos na kami. Friends na ulit. 'Wag ka ng mag-alala dyan."

Hindi naman sa nagsinungaling ako kay Lance. Totoo ang sinabi ko dahil noong kinagibihan ng araw na huli kaming nagkita, nakatanggap ako ng text galing sa kanya. Kinabukasan ko na nga nabasa dahil lampas na ng ala una ng umaga niya ipinadala. Sorry Risa. Best friends? >:)<

Isang oras ako tumunganga pagkabasa ko ng text niya bago ako nagreply. Hindi ako masaya. It was more of a relief and emptiness. Isang salita lang ang sagot ko sa kanya. Yep :P

Hindi pa ulit kami nagkikita kasi busy siya sa basketball at girlfriend niya. Wala din masyadong gala ang barkada kasi parehong wala si Dan at Andy. Nagbabakasyon sila sa ibang lugar pagkatapos ng camp ng basketball club. Bukod sa piano lessons ko at mga ilang punta sa mall kasama si Aya at Mia, sa bahay lang ako buong summer. Noong birthday naman niya, April 19, susurpresahin ko sana siya kaya nagpunta ako sa bahay nila at para mawala na ang natitirang ilangan naming dalawa pero pagdating ko doon ay wala siya.

"May date ata. Ang aga umalis eh," sabi ni Tita sa akin.

Iniwan ko na lang yung regalo at maliit na cake na binili ko para sa kanya. Gusto pa nga ni Tita na antayin ko si Stan at Denise dahil doon daw maghahapunan. Sobrang tanga at masokista ko naman noon pag hindi ko tinanggihan.

Message sa facebook ang natanggap ko at may kasama itong larawan. Ang unang pumasok sa isip ko ng nakita ko yung picture ay si Tita siguro ang kumuha. Ang nasa larawan ay yung cake na dala ko, si Stan at ang girlfriend niya. Thank you <3 Dapat inantay mo na kami :))

Wala akong reaksyon ng nakita ko. Isang reply lang ang pinadala ko bago ko isinara ang facebook ko. You're welcome. Tanda mo na! :P Happy Birthday ulit Stanley >:)<

Hanggang ngayon hindi ko pa din tinitingnan kung ano ang reply niya. I was surprisingly tired. Kahit ako ang may gusto na bumalik kami sa dati pero hanggang kailan ba ako magkukunwari? Hanggang kailan bago ko tuluyan mabura ang lahat? Kailan mawawala ang pagtingin ko sa best friend ko? Akala ko madali lang ang lahat. Totoo, mas madaling sabihin kesa gawin.

Noong sabado, nagpunta kami sa swimming pool na hindi kalayuan sa amin para i-celebrate ang birthday ni ate. Nagrent lang kami ng isang malaking kubo. Hindi pa masyadong marami ang tao noong dumating kami. Mga kaklase at kaibigan ni ate ang kasama namin. Syempre, nandoon din si Lance. Nanibago nga ako noong una dahil ngayon ko lang nakita na talaga palang normal ang pakikihalubilo ni Lance sa mga kaibigan ni ate. Ako kasi kay na ate Kath lang malapit.

Inimbitahan ko din sina Aya at Mia kasi sabi nina papa okay lang naman daw kaso bukod silang pumunta. Nasa pambatang pool na ako kasama ang tatlo kong kapatid nang dumating silang dalawa.

"Wow, Risa, tumaba ka ata." Ang unang bati sa akin ni Aya pagkaahon ko sa pool. "Kaya ka ba naka t-shirt?"

Napasimangot ako. Yun na lang ba ang napapansin ng mga tao sa akin? Pati si Ate Kath yun ang unang bati sa akin. Hindi ko na lang pinansin at tinanong ko na lang kung bakit ngayon lang sila.

"Ang tagal kasi nitong si Aya," sagot ni Mia.

"Hindi mo inimbita si Stan?" tanong ni Aya pagkatapos nilang maglagay ng gamit sa may kubo.