webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · 现代言情
分數不夠
85 Chs

Unrealistic Truth

Chapter 36: Unrealistic Truth 

Laraley's Point of View 

I finally entered the homeroom's office at gaya nga nang inaasahan ko ay naghihintay na sa akin 'yung babaeng gurong kakausap sa akin. Nakatayo siya't seryoso ang tingin sa akin kaya pasimple akong naglabas ng hangin sa ilong bago humarap sa kanya. 

"Good morning, kayo po ba ang nagpatawag sa akin dito?" Tanong ko na may pormal na pagtayo. 

Tumango siya bilang pagsagot. "Oo, ako ang nagpatawag sa'yo." Sagot niya. "Maupo ka, Rouge." Inilahad niya 'yung kamay niya sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. Pumunta ako ro'n saka umupo. 

Umupo na rin siya sa swindle chair niya at may inilabas na brown envelope mula sa drawer. Hindi na niya pinatagal.

Marahan niyang inilapit iyon sa akin dahilan para ibaba ko ang tingin na ibinalik ko rin sa gurong na sa harapan ko. Kinuha ko 'yung Brown envelope para makita ang nilalaman. 

Inilabas ko iyon saka ko sinuri ang litrato. Hindi nga ako nagkakamali, ito 'yung mga oras na lumabas ako sa hotel na iyon. "..."

Pinatong ng gurong na sa haparan ko ang kanan niyang kamay sa kaliwang likurang palad niya. 

"May isang estudyante ang nag report sa akin at kinuhanan ka ng litrato." Panimula niya. "Ikaw ba ang taong na sa litrato ng mga ganyang oras?" Tiningnan ko 'yung mga numero na nakaukit sa kaliwa't dulong bahagi ng litrato bago iniangat ang tingin. 

"Ako nga po." Walang pag-aalinlangan kong sagot na nagpatango sa kanya. 

"Rouge, ano ang ginagawa mo? Sa'n 'to at bakit ka nandiyan?" Pagsunod-sunod na pagbato niya ng tanong. 

"Does it matter where I go? And It's not like I'm causing anyone trouble." Pag-kibit balikat ko. 

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ka naman siguro nagta-trabaho, 'di ba? Your parents are working abroad, hindi ka ba nag-aalala sa nararamdaman nila? " Pinutol ko ang sinasabi niya. Masyadong maraming tanong. 

"Hindi naman lahat ng mga estudyante sa E.U may pera, mayro'n kayong scholar na nag-aaral din dito. Pero hindi ko rin sinasabing nagta-trabaho ako." Paliwanag ko para lang paikutin siya. "Papakielaman ako ng school kung may nilabag akong panuntunan." Dagdag ko nang hindi inaalis ang tingin sa mata niya. "Pero mukhang may nilabag yata ako kaya kinakausap n'yo 'ko ngayon." 

"You didn't break any school rules, Rouge. Pero hindi mo ba alam kung ano ang pwedeng maging epekto nito sa conduct mo? Not because your parents are not around, you can just do whatever you want. Consider their feelings." Suway nito sa akin kaya pumikit ako sandali. 

Alam kong wala talaga akong pwedeng maipaliwanag dito. Pwede nilang isipin na nagre-rebelde si Haley dahilan para magkaroon siya ng detention ng mahigit apat na araw at napakasayang niyon sa oras, pwede pang umabot 'yun kay Mama.

Pero hindi ko rin pwedeng sabihin sa kanila na nagta-trabaho siya sa hotel dahil maliban sa nasabi ko na ngang hindi siya nagta-trabaho, pwede nilang i-check 'yung human resources nung hotel para lang makasigurong totoo ang sinasabi ko. Wala talagang problema ro'n kung may mag-aasikaso niyon para sa akin pero ang inaalala ko kasi ay wala talagang nakakaalam sa ginagawa ko ngayon. Wala silang ideya na mayro'n akong ibang pina-priority maliban sa misyon na naka-assign sa amin. 

...In the first place, this issue is my problem alone. Kung ano ang duming nagawa mo, ikaw maglilinis niyon. Huwag mong idadamay ang organisasyon lalong-lalo na kung hindi ito tungkol sa misyon na pinapagawa ng nakatataas. 

Bumukas ang pinto saka pumasok si Jasper. 

"G-Good morning, Ma'am." Bati ni Jasper at naglakad palapit kung nasa'n ang guro. 

"Mr. Villanueva." Tawag ng guro kasabay ang paghinto ni Jasper sa harapan niya. "Ano ang ginagawa mo rito? Huwag mong sabihin na ipagtatanggol mo si Rouge?" Hula nito na inilingan ni Jasper. 

May kinuha siya sa loob ng school blazer niya saka may inilabas na Brown Envelope.

"May nagpadala po kasi nito sa akin," Inabot iyon ni Jasper sa gurong na sa harapan niya. "Pinapasabing iabot daw po ito sa inyo ngayon." Kinuha ng gurong ito ang inaabot ni Jasper saka ipinatong sa ibabaw ng mga librong na sa gilid niya. 

"Sige, salamat, Jasper." Pagpapa-salamat nito saka muling ibinaling ang tingin sa akin. Nakaawang-bibig at akmang may sasabihin noong may sabihin ulit si Jasper. 

"Ta's sinabing urgent daw. Kailangan mo raw pong tingnan," Dagdag ni Jasper habang nakatingin lamang ako sa kanya. 

Muling inilipat ng guro ang tingin kay Jasper bago ro'n sa Brown envelope. 

Ngumiwi siya at walang nagawa kundi tingnan ang laman niyon. Isa rin itong litrato kaya sinuri niya ang nilalaman hanggang sa manlaki ang mata niya dahil sa kayang napagtanto. 

"Ano'ng--" Napatayo siya, gulat na gulat sa kanyang nakita. "Itong estudyanteng ito ang nag report at nagpadala ng litrato sa akin," Tinutukoy niya 'yung litrato ko. 

Tumingala siya para tingnan si Jasper. "Sino ang nagpadala nito sa'yo?" May awtoridad na tanong ng guro kay Jasper. 

Tumagilid si Jasper at tinuro 'yung pinto. "H-Hindi ko alam, Ma'am. Pinapaabot lang kasi 'yan sa akin nung estudyante sa labas." Tugon nito kaya nag crossed legs ako. 

"Na sa labas pa ba?" Tanong ng guro. 

"Wala na yata, Ma'am." Sagot ni Jasper. 

"Hindi ka pa ba nagtaka, Miss?" Lumingon sa akin ang guro. "Nasabi mo kanina na estudyante ang nag report sa 'yo tungkol sa paglabas ko ng alauna dahilan para mabigyan ka ng maling ideya, but I don't blame you for that pero hindi mo man lang siya pinag-isipan kung ano rin ang ginagawa niya ng mga gano'ng oras at nagawa pa 'kong kunan ng litrato," Sumimangot ako. "Napaka unfair niyon sa part ko, Miss." Pagkibit-balikat ko kaya napahawak siya sa noo niya. 

"Ano ba'ng nangyayari sa mga estudyante ng skwelahan na 'to." Bulong niya sa sarili. "Tapos nakasuot pa ng uniporme itong estudyanteng ito." Umiiling-iling na sabi niya bago mapatayo. "Pupunta na muna ako sa A.R (Audio Room), ipapatawag ko si Ramos." Iyon pala ang apilyedo niya. 

"Babalikan kita, Rouge." Segunda ng guro na nginitian ko. 

"Okay, Miss. Pero pwede po bang bumalik na ako sa classroom?" Pag ask ko ng permission. 

Tumango siya "You may." Sagot niya kaya tumayo na ako't tinalikuran siya. Lumabas ako ng office at lumakad na, hindi ko na hinintay si Jasper. Subalit hindi nagtagal ay nakahabol na si Jasper sa akin. 

"Uy, nakalusot ka ro'n. Paniguradong makakalimutan na niya 'yung issue dahil ang alam ko, may parental meeting bukas ang mga elementary hanggang sa Biyernes" Bumaling siya. "But how do you get that?" Tukoy niya sa pina-print ko sa kanyang litrato sa ICT ng college. Sabi ko sa kanya na gawin niya iyon ng walang nakakakita sa kanya at hangga't maaari ay alisin niya lahat ng trace na pwedeng maiwan. 

"She had the same expression as all the people who tried to look down on me. So, I can see right through a lowlife like her that I had no choice but to do that." 

Flashback 

 

Bumaba ako sa hindi gaanong kataasan na hagdan at lumayo nang bahagya para ipamukha sa estudyanteng umalis na ako pero ang totoo ay umikot lang ako at dumaan sa madilim na parte.

Bumalik din ako kung nasa'n sila, umakyat ako sa gusali sa pamamagitan ng rope dart na sumabit doon sa medyo makapal-kapal na antenna. 

Umapak ako sa pader saka umakyat. Noong makarating ako sa tuktok, pumwesto ako't pumunta sa harapan ng estudyanteng iyon kasama ang kasintahan niya. 

Patuloy pa rin sila sa ginagawa nila habang hinihila ko pataas ang sleeve ko para mailabas ang wrist watch kong may nakatagong camera. Mukha lang siyang ordinaryo sa panlabas pero gawa talaga ito ng mga technician sa laboratoryo na may iba't ibang nakatagong buttons/tools. May USB Port, Microphone, Infrared Lights, Time set and Camera. 

May pinindot ako sa kaliwang bahagi ng relo dahilan para umangat ang camera lens, gumamit ako ng zoom in para malinaw na nakikita ang ginagawa ng estudyanteng iyon. Palihim ko silang kinuhanan ng litrato, at nang matapos ay tumayo na ako nang hindi inaalis ang tingin sa kanila.

Lumalakas na ang ihip ng hangin kaya umalis na ako sa lugar na iyon. 

End of Flashback

"It is my sister we're talking about here, I can't just allow anyone to underestimate her." Saad ko na hindi kaagad inimikan ni Jasper, pero mayroon siyang tinanong na mukhang kanina pa nagpapagulo sa isip niya. 

"Pwede ko bang makita si Haley?" Tanong niya at yumuko. "Gusto ko lang siyang makita." Dugtong niya, nakatingin lang ako sa kanya mula sa peripheral eye view nang ilayo ko ang tingin. Sinusundan ang papalayong ibon sa kaulapan. 

Haley's Point of View 

Yakap-yakap ko ang unan ko ngayong nakaupo ako sa sarili kong kama't nakasandal sa headboard. Dumaan nanaman ang gabi na wala pa ring nangyayari, hindi pa rin bumabalik si Lara. Kadalasan kasi, gabi na siya sumusulpot. 

Nilingon ko si Roxas na nanonood sa TV habang kumakain ng chips. Nakaupo siya sa upuan na gawa sa metal, nakaharap sa kanya 'yung likurang upuan para napapatong niya 'yung dalawa niyang kamay roon. 

Lumingon siya sa akin pabalik 'tapos inabutan ako ng chips niya. Malapit lang naman kasi siya sa akin. "Gusto mo?" Alok niya sa akin pero pairap akong naglayo ng tingin. "Hehh... Not a nice way to answer." 

Higpit ko pang niyakap ang unan. "Kailan ako makakaalis dito?" Tanong ko, hindi maiwasang ipakita ang kalungkutan sa aking boses. 

Ngumuya nguya muna siya sa chips niya bago ako sinagot. "Wala rin akong ideya dahil nakadepende 'yun sa kapatid mo," Sagot niya saka ko narinig ang pagyupi niya sa iniinum na soda-in-a-can. "Your twin sister already explained the possibilities once you leave here, right? Pa'no kung hanapin ka ng mga tao sa B.R.O (Black Rock Organization)?" Tanong niya at seryoso akong tiningnan. "Do you want to die?" Dagdag niya kaya isinubsob ko ang mukha ko sa aking unan. 

Mas lalo akong naguguluhan habang lumilipas ang araw. Parang hindi makatotohanan 'tong nangyayari. 

"I want to see my Mother." I whispered and closed my fist. I wanna see them... 

***** 

Pasensiya na kung 2 days akong walang update. Naging busy lang din kasi. But here ya'go. Haha.

If may mga feedback kayo, please leave a comment. Tumatanggap ako ng kahit na anong thoughts mapa-negative most esp. postive. (Of course).

This would help me improve. Thank you!

Yulie_Shioricreators' thoughts