webnovel

PROLOGUE

"Welcome home Rhyennette!" salubong sa kanya ng matandang mayordoma pagkarating niya.

Hindi siya humakbang o lumapit man lang sa matanda. Naninibago siya sa lugar malayong-malayo sa kanyang kinalakihan.

Malaking mansion ang sumalubong sa kanya. Isang malaking mansion. Hindi inakalang dadalhin siya sa isang napaka garbong tahanan.

Mapakla siya tumawa, inalala ang lahat ng pinagdaanan sa buhay bago nakamtan ang mga bagay na meron siya ngayon.

"Ang papa mo naghihintay na sa iyong pag dating! Siguradong matutuwa rin ang Don Vicente dahil makikita narin niya sa wakas ang kanyang apo!" inalalayan siya ng mayordoma papasok sa mansion.

Nginitian lamang niya ito. Nahihiya pa siya sa pakikitungo at hindi siya sanay doon.

Biruin mo nga naman ang pagkakataon. All her life she thought she's a homeless, despised by her mother and feeling unlove.

Tapos heto pala siya.

"Don Vicente! Sir Alfonso! Andito na po si Rheynnette." bakas sa mukha ng mayordomang masaya siya habang ibinabalita sa kanila ang pag dating niya.

"Oh apo!" ugudin at halos hindi na makalakad na matanda ang sumalubong kay Rheynnette. "Apo ko..."

Sakay ng wheelchair, may katabing nurse na nag-aalalay dito.

Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang saya sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang matanda.

Nakataas ang kamay nito pinapahiwatig na gusto siyang hagkan. Hindi naman nagatubili si Rheynnette.

She embraced her lolo Vincente, really tight, because within that eighteen years of longing without knowing who's her father and family is, ngayon masasabi niyang may ama siya at may pamilyang naghahanap pala sa kanya.

"L-lolo." pigil hiningang sambit niya.

She's kinda not use to it, first time niyang tawagin ito, unti-unti naring nabubuo ang tirahan sa kanyang puso, unti-unting naaayos.

"Rheynnette....anak."

Napapikit siya sa tamis ng tawag nito sa kanya, her biological father. The person she's looking for since kid, her tears fell on her chicks like a rushing water.

"T-tatay....." para siyang bumalik sa pagkabata.

Iyon ang kanyang nararamdaman sa oras na iyon.

Siya mismo ang lumapit rito upang yakapin ito.

"All my life I thought I'm alone. She secretly kept you, take you away from me and I didn't know. I'm so sorry, anak." puno ng pagsusumamo ang tinig ng ama.

Tumango siya wari iniintindi ang sinabi ng ama. Nauunawaan niya ito dahil walang kaalam-alam ang ama sa ginawa ng kanyang ina.

"I'll promise to you anak. Babawi ako sa mga pagkukulang ko sayo, babawi ako..." may sinsiridad na sabi nito sa kanya.

Nag-uumapaw sa saya ang puso ni Rheynnette, ngunit may parte rin sa kanya ang nasasaktan, para sa ina.

Kamusta na kaya ito ngayon? Simula nang lisanin niya ang bahay at iwan ang ina, hindi na siya nakakuha pa ng pagkakataon bumalik doon.

"Si inay....gusto ko ho uli siyang balikan-"

"We will anak. Give me more time to do my obligation as your father. I want you to know me more and the rest of my family. Gusto kitang ipakilala sa kanila bilang nag-iisa na tagapag mana at unica hija ng mga Montenegro."

Hindi niya alam kung ano ang dapat itutugon roon. Kaya minabuti niyang tumango na lamang at ngitian ito ng tipid.

Now the table turn into its right place. She's a heiress of Rancho Montenegro, unica hija ng kilalang abogadong si Alfonso Montenegro at apo naman ni General Vicente Montenegro na retired Navy.

"Sir Alfonso, Don Vicente, at ma'am Rheynnette, handa na po ang dinner niyo, pinapatawag na ho kayo ni nanay Leony sa hapag kainan." iyon ang pangalan ng mayordoma.

"Sige Inday, susunod kami. Tara na anak?" her dad offer a hand for her, of course tinanggap naman niya ito.

Ito na ang pinakamasayang gabi para kay Rheynnette, ang makilala at makasama ang ama pati narin ang kanyang lolo Vicente.

Naroon sila sa hapag kainan at masayang kumakain. Na istorbo lamang nang may bisitang dumating at bigla na lamang sumulpot sa harap nila.

"Oh Hardin you're just in time! Tamang tama at kakasimula palang ng dinner. Have a sit hijo!" masayang bungad ng ama sa binata, ngunit mukhang wala itong narinig.

Bakas ang gulat sa mukha ni Rheynnette, hindi rin maitatago ang pagtataka sa kanya, gabundol ang kaba sa kanyang puso.

Mariin ang binibigay nitong titig sa kanya, wari malaki ang kasalanang kanyang ginawa.

"Nga pala hijo. Meet my unica hija, her name is Rheynnette, anak si Hardin, your cousin." walang prenong sabi ng ama.

Kung nakatayo siya paniguradong matutumba siya, mabuti na lamang at nakaupo siya. Hindi maprocess ng kanyang utak ang nalaman.

They're cousin?

For heaven sake!

What was that?

"Uncle...we're-"

"She's the one I am looking for hijo. I'm glad I found my daughter. Siya lamang ang nag-iisang tagapag mana ng mga ari-arian ko kaya naman sana matulungan mo siya sa pag-aasikaso nito. Humihingi ako ng pabor sayo since you know how my ranch works. Inaasahan kita hijo."

Pareho sila ng binata, hindi inaalis ang paninitig sa isa't isa.

"And by the way you should bring Leila here next time. Ipapakilala ko siya sa unica hija ko. Paniguradong magiging magkaibigan sila ng iyong girlfriend."

Girlfriend!

Ha!Wtf!

Ano pa ang hindi ko alam tungkol sa kanya?

Ano pa!

Kung may sayang nangyari meron naman pangit na bumungad, ito ay ang malamang pinsan niya si Hardin at may girlfriend ito, narinig niya mismo sa ama. Hindi siya nagkakamali doon, klaro iyon, walang halong biro.

Nanloloko ang tadhana sa pagitan nilang dalawa ni Hardin, the stranger she fell with is her cousin and taken?

Hindi niya kayang tangapin!

Hindi!