webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · 奇幻
分數不夠
49 Chs

chapter 44

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGPAPASYA NI HARING VINNER GAIR:

SINALUBONG ni haring vinner ang dalawang salamangkero na may tuwa at paggalang. Ang pagyuko ng ulo ng isang hari sa mga salamangkero ay tanda ng paggalang at pagkilala na mas nakatataas ang pamumuhay nila.

Inanyayahan ni haring vinner ang dalawang salamangkero na kumain sa maganda nitong hapag kainan. Naghanda ng masasarap na pagkain ang hari at nagdala din ito ng pulot sa mesa para sa kanyang mga panaohin.

"Nag-abala kapa kamahalan!hindi rin naman kami magtatagal!" Saad ni aces tactirien sa hari ng toretirim.

"Mga panaohin ko kayo!mga kaibigan at kapatid!nga pala ano ang ipinunta niyo rito?"

Kinuha ni tamberow laurhrim ang gintong kalis at nilagyan niya ito ng tubig at sabay inom.

"Kamahalan ang reviin tur ay isasailalim sa pamamahala mo! kailangan ng reviin tur ng mga sundalo at proyeksiyon mula sa iyo!"

"Ang white counsel ay hindi pumayag na magpadala ng mga kawal sa reviin tur kaya't nandito kami upang humingi ng tulong sa inyo kamahalan!" Wika ni aces tactirien habang hinihiwa ang karne ng baka.

"Gusto niyo ay magtungo ako sa reviin tur?" Tanong ni haring vinner sa dalawang salamangkero.

"Opo kamahalan!magtungo ka sa reviin tur bago sumikat ang araw dahil ang mga evilders ay maaaring naglalakbay na ngayon!" Sagot ni tamberow laurhrim sa hari ng mga dwarves.

"Sige magpapadala ako ng hukbo! bago 'yan mag inuman mo na tayo!"

"Matagal na mula nang uminom ako kasama ka kaya't sige aking kapatid na aces uminom tayo para sa tagumpay ng haring vinner!"

"Nusca! Inom!"

Pagkatapos ng salo-salo ay inihanda na ni haring vinner ang unang hukbo na magbabantay sa reviin tur.

"Haring vinner gair sigurado ka bang mahuhusay ang mga dwarves na ipadadala mo sa reviin tur?"

"Kaibigang tamberow!ang mga dwarves ay mahuhusay!"

"Kung gan'on maglakbay na tayo!!

Kasama ni tamberow laurhrim ang hari na nagtungo sa reviin tur habang si aces tactirien ay naglakabay patungo sa andican mountain upang pakiusapan rin ang hari nito na maghanda sa posebling magaganap na digmaan.

"Ang ganda ng mga bituin sa langit hindi ba haring vinner?"

"Siyang tunay salamangkero! At pagmasdan mo rin ang buwan mukha atang pabor sa'tin ang liwanag nito!" Saad ni haring vinner gair sa kanyang kaibigang salamangkero.

"Diyan naninirahan ang pangalawang naging punong diyos ng white counsel,si lady haliya!ang ganda niya ay walang kupas gaya ng kanyang ninuno na si lady mayari!"

"Mga elves!nasusuka ako sa tuwing makikita ko ang pagmumukha nila!dahil sa pagsisinungaling ni lord airin enirin noon na ibibigay niya sa'kin ang tubig na aking kailangan ngunit hindi niya ito tinupad!"

Nakasakay sa kabayo ang dalawa habang naglalakad ang mga dwarves. Pababa na sila ng bundok at ilang sandali na lang palabas na sila ng toretirim mountain.

Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang biglang lumapit ang isang kawal ni haring vinner gair at tinuro nito ang kumikislap na liwanag mula sa tore ng teruvron.

"Kamahalan!saglit lamang at kayo'y tumingin sa maulap na bahagi ng teruvron!"

Nagulat ang hari dahil ang anim na tore ng teruvron ay may liwanag, kumikislap ito ng paulit-ulit.

"Ang dark lord ang kanilang bagong hari!ang ama ni lord teraiziter!bukas na ang tarangkahan ng itim na lupain at ang anim na tore ay may sulo na!ibig sabihin nito naghahayag sila ng pakikidigma!" Saad ni tamberow laurhrim sa haring vinner gair.

Dahil sa oras na sindihan ng teruvron ang anim na tore into ay isa lang ang siyang ibig sabihin. Ito ay ang pakikidigma nila sa mga kalapit nitong lupain.

"Malapit na tayo sa lupain ng reviin tur kaya't maghanda kayo at patunogin ang tambuling babala!" Utos ni haring vinner sa tapat nitong kawal.

Nang makapasok na ang hukbo ng toretirim sa lupaing sakop ng reviin tur ay agad na pinatunog ng mga dwarves ang tambuling babala. Kailangan nilang bigyan ng senyales ang hari ng reviin tur na may paparating sa kanilang kaharian.

"Kamahalan amner shiruner!nandito na ang mga dwarves!" Sigaw ng kawal ni haring amner shiruner sa kanya.

"Tiyak kung matutuwa si haring amner shiruner sa ating pagdating!"

Sinulobong ni haring amner ang dalawa sa labas ng palasyo. Nagbigay galang ang matandang dwarves sa hari ng reviin tur.

"Amner!anak ni haring lurril steil!ipinigmamalaki ka ng iyong ama!" Nang sabihin ni tamberow laurhrim ang mga katagang iyon ay biglang yinakap ni haring amner ang salamangkero at yumuko ito sa harapan niya bilang paggalang.

Pintuloy ng batang hari ang dalawa habang ang mga dwarves ay nagbabantay sa labas ng palasyo.

"Nilikas kona ang mga tao patungo sa tarzanaria! magiging ligtas sila sa tarzanaria sa ngayon!"

"Magaling ang ginawa mo haring amner!ang tarzanaria ay nasa ilalim ng pamamahala ni lady qenhrin at hindi niya ito pababayaan!" Wika ni haring vinner gair sa batang hari.

Malapit na sumikat ang araw,kitang kita ng mga dwarves ang isang hanay ng mga ocrs na paparating sa reviin tur.

"Haring vinner gair!ang mga orcs ay parating na!"

Nagulat si haring vinner gair dahil hindi niya inaasahang ang mga orcs ang pupunta sa reviin tur.

"Umanib na ang nether land sa teruvron!ginawa ng dark lord na pain ang mga orcs!!!matalinong pagpapasya!" Galit na wika ni tamberow laurhrim habang pinanonood ang mabilis na pagdatingan ng mga orcs sa harapan ng toretirim.

Malayo pa lang isa isa ng pinakawalan ng mga dwarves ang palasong may apoy. Tumama iyon sa katawan ng mga orcs na walang kahirap-hirap.

"Ang dami nila!"

"Mag iingat kayo may mga dala silang pangwasak ng pader!"

"Ano ang gagawin natin?may mga dragon sa himpapawid na umaaligid?" Wika ng mga kawal sa kanilang mga kasamahan. Natatakot sila dahil sa mga dragon na nagliliparan sa himpapawid at napaksakit pakinggan ang kanilang tinig.

"Ang mga gaya ninyo ay hindi nababagay dito sa nuhrim eartin kaya't bumalik kayo sa kadiliman!"

Ginamit ni tamberow laurhrim ang kanyang mahika upang mapabilis ang paglabas ng araw,ang ulap sa kalangitan ay unti unting naglaho at ang sikat ng araw ay kumalat na sa buong paligid.

Ang mga ocrs ay patuloy pa rin sa pagdating. May mga dala silang pangwasak ng tarangkahan at mga pader.

"Nagsisimula na! nagsisimula na ang digmaan!"

"Hindi pa haring vinner !hindi pa!"

-BATTLE OF TWO KINGDOM-