webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · 奇幻
分數不夠
49 Chs

chapter 23

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG NETHER LAND AT ANG NETHER WAY

MALAMIG ang simoy ng hangin noong mga gabing iyon habang ang buwan ay napakaliwanag at makikita ang mga ilog na masyadong maingay.

Sinamantala ng mga evilders ang paglakbay patungo sa nether land, mga naglalakihang mga barko ang siyang nagtungo sa nether land kasama si haring thron.

Pupuntahan nila ang kaharian ng nether land upang makipag-alyansa sa hari nito na isa ring ganid sa kapangyarihan.

"Staider kailangan na nating umalis patungo sa kabundukan ng balandor upang hanapin ang matandang salamangkero!"

Saad ni tamberow laurhim sa mandirigmang tao na si staider burin high.

"Wala na akong balita mula nang matapos ang panahon ng mga evilders! Hindi ko alam kung nasa kagubatan pa ang ating hinahanap"

"Wala man tayong kasiguradohan ngunit kailangan nating subukan!"

Nilakbay ng apat ang kahabaang daan patungo sa kagubatan ng balandor upang hanapin si aces tactirien, ang salamangkero ng mga puno't halaman.

Anim na araw ang kanilang lalakbayin upang hanapin si aces tactirien. Habang naglalakbay ang apat ay siya namang nagkaroon ng hindi magandang pangitain si baronfiild.

Si baronfiild orin ay isang salamangkero na mahilig tumugtog. Naninirahan siya sa balandor mountain kasama ang mga mababangis na hayop.

Nahulaan nito ang pagdating ng apat gano'n din ang magaganap sa toretirim.

"Nandito na tayo!" Saad ni staider sa mga kasama nya.

Napansin ng isang dwarves ang umiilaw na marka na nakaukit sa puno ng nara kaya't tinawag nya ang matandang salamangkero at tinuro nito ang marka sa puno.

"Ang marka ng zbeirn! Bihira lamang makita ang marka ng aking tahanan na nakaukit sa mga puno maliban kung may isang salamangkero na nananatili sa gubat na ito!"

"Ibig sabihin nandito ang hinahanap natin?" Tanong ng isang dwarves sa matandang salamangkero habang nakasakay sa kabayo.

"Hindi!hindi siya kundi ang isa naming kapatid! Si baronfiild orin, tanggalin nyo ang suot ninyong mga ginto dahil nakikita nya tayo!"

Tinanggal ng mga manlalakbay ang kanilang suot na mga palamuti, hanggang sa marinig ng mga ito ang ungol ng mga hayop na nasa gubat. Ang ungol ng mga mababangis na hayop ay nagpapahiwatig na sila'y nagugutom.

"Pumasok tayo sa pusod ng gubat bilis!" Pag-uutos ni tamberow sa mga kasamahan nya.

Tinungo nila ang pusod ng gubat ngunit pagkarating nila sa pusod ng gubat tumambad sa kanila si baronfiild orin na nakasakay sa itim na gagamba. Naglalaway ang insekto na naglakad papalapit sa apat.

"Kapatid!ang nagaganap ngayon sa toretirim ay hindi maganda! Hindi kaba babalik doon?"

"Tumahimik ka baronfiild orin! Nandito kami para kay aces tactirien sabihin mo nandito ba siya?"

"Ang tanong? May kapalit ba?"

"Ibibigay ko ang mga gintong ito ngunit bago iyon ituro mo kung nasaan ang isa pa nating kapatid!"

Itinaas ni baronfiild orin ang itim nitong tungkod at lumikha iyon ng itim na usok na kumalat sa buong paligid ng gubat. Doon nakita ni tamberow laurhim na si aces tactirien ay naglakbay patungo sa teruvron.

"Ano ang ginagawa nya sa teruvron?" Tanong ni tamberow laurhim kay baronfiild.

"Babawiin nya ang itim na aklat mula sa mga kamay nito!"

"Si lord teraiziter dejirin!"

Agad na sumalakay ng kabayo ang apat at agad na naglakbay pabalik ng nuhrim eartin ngunit huli na ang lahat dahil napuno ng mga barkong pandigma mula sa teruvron ang daanan pabalik sa kabilang pangpang.

"Ipagdidiwang nila ang pagkapanlo sa digmaan! Bilisan na natin!"

Ginamitan ni tamberow laurhim ng mahika ang mga manlalayag, isang mahikang hindi sila nakikita habang papatawid.

Nakarating sila ng ligtas sa pangpang ng hindi napapansin ng mga evilders. Nang makarating na sila sa pangpang ay siya namang nagpakita si lord teraiziter dejirin sa apat.

"Aler lor rin tor teruvron gir nether land!"

(Ang pagsasanib pwersa ng teruvron at nether land ay nalalapit na!"

Saad ni lord teraiziter dejirin na nagtatago sa itim na usok, kahit na isang anino ang diyos ng teruvron ay nagagawa nya pa ring gamitin ang kanyang kapangyarihan.

Hindi kayang pantayan ni tamberow ang kapangyarihang taglay ni lord teraiziter dejirin, si tamberow laurhim ay labis na nanghina dahil sa mahikang pumipigil dito.

Hindi nya kinaya ang itim na salamangka ni lord teraiziter bagkos natalo siya ng mahika nito. Napapaligiran ang apat ng isang makapal na anino na nagmumula sa kapangyarihan ni lord teraiziter dejirin.

"Bumalik ka kung saan ka nanggaling! Hindi ka nababagay dito!"

Isang liwanag ang sumilaw kay lord teraiziter dejirin, ang mahikang iyon ay labis na kinatakutan ni lord teraiziter dejirin dahil hindi lang ang liwanag ang kanyang nakita gayun ding ang itim na salamangka nya'y naglaho.

"Magbabayad kayong lahat!!" Sigaw nito habang unti unting naglalaho.

"Kapatid nandito na ako!"

Boses ng isang nilalang mula sa harapan ng apat,hindi nila maaninag ang mukha nito dahil sa liwanag.