webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · 奇幻
分數不夠
49 Chs

chapter 19

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGKATALO NG MGA DWARVES AT ELVES.

ABALANG inaalalayan ni haring rieuin tiriin ang mga mandirigma nyang sugatan habang si haring reviin sel ay tinutulongan ang mga taong makasakay sa mga barko.

Natalo ang hukbo ng andican at randeror at ang hukbo ng white counsel, hindi rin naging sapat ang kanilang pagsasanib pwersa para matalo ang hukbo ng teruvron.

Nang mapasok ng mga halimaw ang silid taguan ng mga tao at hari ay isa isang pinatamaan ni haring lurril steil ang mga ito gamit ang palasong may lason. Ngunit napakarami nila at ang hukbo ng white counsel ay unti unting nauubos gano'n din ang kanyang mga sundalo.

Mula sa labas ng silid makikitang paalis na ang mga barko ngunit hindi na sumama si haring lurril steil, bagkos hindi nya hinayaang makapasok sa butas ang mga halimaw.

"Kamahalan!"

Sigaw ng isang kawal sa haring si lurril steil dahil tinamaan ito ng pana sa likod. Unti unti na ring nasisira ang mga gusali ng sentro at ang mga natitirang mandirigma ng white counsel ay masayang nakikipaglaban sa mga halimaw hanggang sa lumantad sa harapan ng mga ito ang kanang kamay ng kadiliman.

"Thron!"

Si haring thron ay nasa kanilang harapan at may dala dala itong bangkay ng isang tao. Nilapitan nya si haring lurril steil na nakaluhod at may mga tama ng palaso sa paa gano'n din sa likod.

Napatawa na lamang si haring thron habang pinagmamasdang tumutulo ang dugo ni haring lurril steil sa sahig hanggang sa hawakan ni haring thron ang ulo nito at tinagpas iyon gamit ang palakol.

"Haring lurril steil!"

"Aming hari!"

"Tignan nyo ang hari!"

Malayo na ang barko ngunit natatanaw ng mga taong nakasakay sa barko na itinaas ni haring thron ang kamay nito na hawak ang ulo ni haring lurril steil, ang mga kawal ni haring lurril steil ay labis ang pagdadalamhati.

"Ikinararangal ko na makasama sa isang digmaan si haring lurril steil!"

Saad ng hari ng mga elfs, habang pinagmamasdan naman ng mga tao ang malawak na dagat.

"Hanggang sa muli kaibigan!babawiin namin ang lupain ng mga tao gaya ng ginawa mo!"

"Kamahalan!patawad!"

Ipinagluksa nila ang pagkamatay ni haring lurril steil, nagpaanod ng mga sirang gamit ang mga elfs at dwarves at saka sinindahan ng apoy tanda ng pakikiramay.

Tinungo ng mga tao at ng mga hari ang lupain ng loli land, tahanan ng mga mababangis na hayop at kaharian ng mga kabayo. Pinaniniwalaang ang loli land ang isa sa mga pinakamatandang lupain sa nuhrim eartin at dito matatagpuan ang mga sinaunang kabayo na may sungay sa ulo at ang mga kabayong may pitong pangalan.

Nang makarating ang mga tao sa gubat ay agad na tinawag ni haring reviin sel ang kanyang mga kasamang hari, sinabi nitong kailangan nilang magtungo sa toretirim upang magtago.

Sa lupain ng mga dwarves magiging ligtas ang mga tao, dahil alam ng mga hari na iisa isahin ni haring thron ang pagsakop sa mga kaharian sa nuhrim eartin.

Hindi sila nagtagal sa loli land at tinungo nila ang toretirim ang lupain ng mga dwarves. Doon sa lupaing iyon namalagi ang mga tao mula sa tarzanaria dahil alam ni haring vinner gair na magiging ligtas sila sa likod ng mga bundok.

Si haring reviin sel ay bumalik na rin sa lupain nito para balaan ang kanyang mamamayan habang si haring rieuin tiriin ay agad na sinakyan ang kabayo para marating ang kanyang kaharian.

Hindi na nakatiis si tamberow laurhim kaya't minabuti nitong makabalik ng maaga sa lupain ng mga dwarves dahil alam nyang may paparating pang hukbo mula sa sagador.

Mabilis nitong nilakbay ang lupain na puno ng panganib at tinawid nya rin ang itim na lupain na walang nililikhang ingay.