webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · 奇幻
分數不夠
49 Chs

chapter 12

Akmang ihuhulog na ang matandang salamangkero sa bangin nang biglang kumalat ang nakasisilaw na liwanag sa paligid. Ang mga pader ay nagiba at ang usok na itim ay naglaho.

Ilang segundo bago nawala ang liwanag, isang nilalang ang tumakbo sa kinaroroonan ni tamberow laurhim.

"Vjrin nair nakor"

(Bumalik ka sa kadiliman)

Ang mga boses na umalingawngaw sa buong paligid ng palasyo ni haring haring hruen sturin ay nagsusumigaw dahil sa galit. Nawala ang boses na iyon at makikitang unti unting nagsasara ang butas sa bangin.

"Umalis na tayo!"

Duguan at naghihina si tamberow laurhim na isinakay sa kabayo.

"Dalhin nyo siya sa kubo at susunod na lamang ako!"

Inutusan nya ang mga palaka na dalhin ang salamangkero sa kanyang kubo. Binalikan ng estranghero ang lumang kastilyo at tinungo ang pinagmumulan ng boses.

"Nu rin jri trar"

(Balotin mo ng liwanag ang kadiliman)

Ang hawak nitong tungkod ay nagkakaroon ng liwanag na siyang kumalat sa buong paligid ng palasyo. Mula sa matataas na pader makikita ang mga narcan na gumagapang palabas ng palasyo.

Tinungo ng estranghero ang hagdan pababa ng palasyo at doon nya nakita ang hukbo ng kadiliman.

Narinig ng estranghero ang boses ng kadiliman na inaakit siya,nabalot siya ng takot dahil sa mahikang taglay nito.

"Sumama ka!samahan mo sila!"

Bulong nito sa estrangherong nilalang.

Hindi nya nakita ang bumulong ngunit naramdaman nya kung gaano ito kalakas. Mabilis na tumakbo palabas ng palasyo ang estranghero at hindi nya na muling tinignan ang abandunadong kaharian.

"Nasaan ako!"

Saad ni tamberow laurhim na bagong gising, malakas na siya at wala na ang mga sugat sa kanyang katawan. Unang bumungad sa kanya ang mga maliliit na palaka at abala ang mga ito na pinagagaling ang mga sugat na natamo ng matandang salamangkero.

"Gising kana pala! Kumain kana mo na salamangkero!"

Saad ng isang estranghero na may hawak na tungkod. Hanggang baywang lamang ito ni tamberow laurhim at makikitang kakaiba ang nilalang na iyon.

"Ang mga peejanri? Pero ubos na ang kanilang lahi?"

"Hindi!Ako at ang aking munting mga kaibigan na lamang ang natitira sa aming angkan, kaming mga peejanri ay isa rin sa mga gumagmit ng salamangka ngunit ang ilan sa'min ay natalo ng kadiliman kaya't halos maubos ang aming lahi!"

Siya si nakein ang peejanri na nakatakas sa digmaan. Isang salamangkero na gumagamit ng itim na mahika, may alam din siya sa paggamit ng dark book dahil siya ay isa sa mga naunang nilalang sa nuhrim eartin.

"Ang digmaan? Kailangan kong bumalik sa tarzanaria!"

"Ang digmaan sa tarzanaria ay lalawak pa! Alam mo kung bakit?"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ang itim na aklat ay nakatago sa bundok ng tarzanaria! 'yon ang dahilan kung bakit sinasalakay ang bundok dahil nais ng kadiliman na mabuhay ang kanilang panginoon!"

"Kaya pala gano'n ang sinabi ni lady qenhrin sa'kin! Ang itim na aklat ang kanilang pakay! Kung wala na sa mga diwata ang aklat isa lang ang ibig sabihin nito! Si lord airin enirin ang may kagagawan ng lahat!"

Agad na isinuot ni tamberow laurhim ang kanyang balabal at saka nagpalaam sa estrangherong peejanri. Ngunit may iniabot ang peejanri sa matandang salamangkero.

"Dalhin mo ang batong ito!"

"Isang orhen (stone magic)"

"Nagmula pa 'yan sa aking ninuno! Sige alis na!"

Agad na sinakyan ni tamberow laurhim ang kabayo at tinungo ang masukal na gubat at naglakbay patawid ng ilog. Ayon sa sinabi ni nakein kailangan nyang tumawid ng dagat upang marating ang kaharian ng mga diwata.

Walang ibang daan kundi ang dagat lamang, kung babalik siya ng tarzanaria aabutin ito ng sampong araw bago marating ang kaharian ng mga engkanto.

Ang hukbo ng sagador ay naghahanda na sa pagsalakay, ang utos na lamang ng kanilang diyos ang kanilang hinihintay.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-