webnovel

Three Jerks, One Chic, and Me

Haley Miles Rouge described herself as oblivious and unflinching-- isang mataray na babae. Pero ang gusto lang naman niyang malayo sa gulo at magkaroon ng tahimik na buhay. Kaya para tuluyan nang makaiwas, lumipat siya sa Enchanted University.  Mula noon, inasahan niyang magiging tahimik na ang takbo ng buhay nya-- walang gulo o unfortunate events.  Pero noong makilala niya sina Harvey, Jasper, Keiley, at Reed, mas lumala pa ang sitwasyon.  Sa una lang ba ito? O magiging daan din sila para makuha ang hinahangad ni Haley?  Saan nga ba patungo ang itinadhana nilang pagkikita?

Yulie_Shiori · 青春言情
分數不夠
74 Chs

Together in a Distance

Chapter 48: Together in a Distance

Haley's Point of View 

Pagkauwi pa lang namin mula sa paggagala ay bumalik na ang mga bata sa kani-kanilang mga kwarto habang dala-dala 'yong mga gamit na pinamili ng mga kaklase at schoolmate ko. 

Nag-unat ako't bumuntong-hininga, "Makakapagpahinga na rin ako..." tumabi sa akin si Reed at binigyan nanaman ako ng mapang-asar na ngiti.

"Tabi tayo, ah?" bulong nitong wika. May pumitik sa sintido ko at dahan-dahan siyang nilingunan na may nakakaasar na tingin.  

"You..."

Tinulak naman ako ni Kei papunta kay Reed na kamuntik-muntikan pa akong matapilok. Buti na lang at nahawakan nga rin kaagad ako ni Reed pero mabilis ding lumayo sa kanya. Mas dumoble pa ang pagpitik ng kung ano sa sintido ko.

Inis kong tiningnan si Kei, "Kei!" umakyat ang dugo ko na tinawanan lang niya, pagkatapos ay humingi rin ng pasensiya nang yakapin ako. C'mon, it's not funny. 

Nakita ko naman bigla ang pagngisi ni Kei. At hindi pa ro'n natatapos ang pang-aasar niya, "You're blushing. Is it because I'm hugging you or…" sabay tingin kay Reed na kamot-kamot ang batok habang papasok sa kwarto. Napatingin siya bigla sa akin kaya dahil doon ay mas namula pa nga ako kaysa kanina.

Humalakhak na lumayo sa akin si Kei para bumalik sa kwarto nila ni Harvey. Sumunod na rin ako para hindi maghinala ang mga sisters. "Hindi ka nakakatuwa!" sigaw ko't napailing saka binuksan ang pinto ng kwarto para pumasok sa room. 

Well, I'm just glad that she's not worried anymore.

Bago ko isara ang pinto at pa-simple akong lumingon sa likod na may seryosong mukha.

Pero kung bumalik man ang Christian na iyon.

Gumuhit ng ngisi ang labi ko dahil sa aking naisip. 

Harvey's Point of View

Ipinagpag ko ang unan ko tapos humiga, dalawa ang kama rito kaya hindi ko na rin kinakailangan pang maglatag sa malamig na simento. Tumitig ako sa kisame ng mga ilang minuto.

Tiningnan ang kabilang kama kung saan matutulog si Kei tapos tumingin tingin sa paligid, "Bakit wala pa 'yon?" tanong sa sarili. Nagsama lang sila ni Haley, eh. 

Sakto namang may nagbukas na ng pinto at inuluwa do'n si Kei. "Sorry, ngayon lang" sabi ni Kei na nakapag palit na ng damit sa pajama. Dali-dali din siyang pumasok dito dahil mahirap na't baka may ibang estudyante pa ang makakita sa kanya.

Umupo ako sa pagkakahiga ko at sinundan siya ng tingin na papunta ngayon sa kama niya, "Where have you been?" tanong ko.

Pabagsak siyang umupo sa edge ng kama niya, "Nangapit bahay lang" sagot niya at itinumba ang katawan sa kama. "Now, I'm tired…" nag-unat pa siya niyan dahilan para umakyat ang damit niya kung sa'n nakikita ko ang kanyang pusod.

Umiwas ako ng tingin saka kumuha ng unan para batuhin ang bandang tiyan niya, "Harvey!" umupo ulit siya at nginusuan ako, pero humiga lang ulit ako't tinalikuran siya.  

"Hindi lang ikaw ang nag-iisa rito kaya hindi mo p'wedeng gawin 'yung mga bagay na gusto mo. Don't be too relaxed." hindi siya sumagot, mukhang hindi nanaman niya naintindihan 'yong gusto kong sabihin, lumingon ako sa kanya. Nakayuko siya at mukhang nalungkot yata.

Bumuntong-hininga ako at pumikit na lamang na hinarap ang ulo sa dingding. "Naalala mo ba 'yung pagpapanggap natin dati na tayo?" panimula niyang tanong. Bakit naman bigla niyang natanong?

Iminulat ko ang mata ko, "Forget about that, nagugutom ka ba?" tanong ko.

"I love you." nanlaki ang mata ko at napaupo na lumingon sa kanya nang humawak siya sa pisnge niya't tingnan ang kisame, "Ayan 'yung salita na gustong sabihin ni John."

Halos bumagsak naman ako sa kama dahil doon pero bigla ring nairita dahil sa sinabi niya, "Kanino niya gustong sabihin? Sa 'yo?" pa-simple kong tanong, pilit na tinatago ang inis sa dibdib.  

Sinimangutan niya ako, "No! Kay Rose, of course! Alam naman natin na siya ang gusto no'n, eh." si Rose-- s'ya 'yong president sa klase nila Haley.

 

Naglabas ako ng hininga, "Akala ko sa 'yo, eh." 

"Bakit? Kapag ba sa 'kin, magagalit ka?" tanong niya na nagpakagat sa ibabang labi ko. 

Wala akong mailabas na salita, pero may gusto akong sabihin. Kaasar, ito ang mahirap lalo na't kaming dalawa lang. 

May kumalabog naman bigla mula sa kabilang kwarto. Tsk, ano ba'ng ginagawa ng dalawang 'yon? Buti na lang pala na sa pinakadulo kami, kung hindi baka may makarinig sa 'min mula sa kabilang section o malamang, isa sa mga kaklase namin. 

 "Reed! Ano sa tingin mo 'yong ginagawa mo sa panty ko?! Why are you holding them?!"

"Panty mo 'to?! Akala ko sa bata! Bakit Hello Kitty?"

Muli nanaman kaming nakarinig ng kalabog. Pero mukhang bumagsak na tao 'yon. Sunod, nakarinig na lang kami ng maingay na bagay na tila mukhang tumama sa pader gawa ng pagbato ni Haley.  

Hanggang kailan ba sila mag-aaway?

***

HUMIKAB AKO matapos kong gawin ang pagbabasa ko, humiga ako at mas kinumutan ang sarili ko. Kailangan ko na ring matulog dahil anong oras na rin. "Harvey, wala ka bang naitago diyan kahit na isang bisquit lang?" paghahanap nanaman ni Kei ng pagkain. 

Nakapatay na ang ilaw at ang tanging liwanag lang namin ay ang fluorescent na na sa pagitan namin. Wala pa nga sa kalahating oras 'yon, eh. Tsk, kain nang kain hindi naman tumataba.

Iniunan ko ang braso ko't naglabas ng hininga, "Matulog ka na."

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakanguso na siya, "Please... pagkain. Wala kang naitago?" pangungulit niya.

Muli akong bumuntong-hininga, "Alam mo, masasama ka sa Seven Deadly Sins kapag ipinagpatuloy mo 'yan" suway ko sa kanya. 

"Hehh... Kasalanan ko bang madali akong magutom? Sige na, Harvey..." umalis pa siya sa kama niya para talunan ang kama ko. Tumalbog ako at inis siyang tiningnan. Inalog-alog na niya ako pagkatapos, "Please...?" she said as she begged. Mahirap pala 'tong kasama kapag gabi, palaging pagkain ang hanap.

Kei's Point of View 

Pumayag na si Harvey na tulungan akong maghanap ng pagkain kaya ngayona ay tiptoed kaming naglalakad palabas ng orphanage kung saan naging matagumpay ang pagtakas namin. Nagmadali na kaming tumakbo palabas para walang makahuli sa amin. Pupunta kami ngayon sa malapit na convenience store sa lugar na ito, hindi naman kasi namin p'wedeng kunin ang pagkain sa refrigerator dahil para 'yon sa mga bata.

Naglalakad kami ngayon sa daan, tanging ilaw lang ng post lights ang liwanag. May mga nakatambay pa sa hindi kalayuan at mukhang mga nakainom pa. Napakapit tuloy ako sa damit ni Harvey, "You scared?"

Yumuko ako ng kaunti, "I-I'm not..." pagsisinungaling ko. Hindi ko naman masasabing takot ako, hindi lang siguro ako kumportable.

"I see" tugon niya at naunang naglakad, nabitawan ko tuloy siya. 

"Hey, wai--" 

Tumigil ako nang magsalita ang isang lalaki na nag-iinuman sa bandang waiting shelter. Ginawa nilang inuman 'yong lugar na 'yon.

"Anyong oras na pwero nandito pa dyin kayooo, huh?! Sinuu 'yang kashama mo?" halata sa boses ng lalaki na lasing siya dahil sa pananalita niya. Tinuro rin niya ako kaya huminto si Harvey sa paglalakad at tiningnan lang 'yong lalaki. 

Pagewang-gewang siyang naglalakad papunta sa akin kaya napaatras naman ako. 

"Hindi kya na dapat lumalabash dito" hindi naman siya mukhang masamang tao dahil sinasaway pa niya ako pero hindi ko maiwasang hindi manginig.

Pakiramdam ko katulad s'ya si Christian. That anytime soon, he'll do something awful to me.

He stopped in front of me at tiningnan ang kabuuan ng katawan ko, "Sexy mo naman! Kailangan mo ng umuwi--" hahawakan pa lang ng lalaki ang pulso ko nang mabilis akong ilagay ni Harvey sa likod niya. 

"Pasensiya na po sir, pero uuwi rin po kami pagkatapos" mabilis niya akong inalis sa lugar na 'yon habang hila-hila. 

Mahigpit din ang hawak niya sa kamay ko kaya parang nawala bigla 'yong takot na nararamdaman ko kanina. Tila parang isang bulang mabilis na naglaho. 

I smiled of thinking that it's him. 

*** 

PINAGBUKSAN AKO NI Harvey ng pinto kaya pumasok na ako sa convenience store, "Medyo malamig pala rito, oh?" sabi ko nang pareho kaming makapasok.

"Hindi rin" sagot naman niya't naglakad na sinundan ko lang din, "Kumuha ka na ng gusto mo, may cash akong dala rito" nakatingin lang ako sa noodles nang tingnan ko siya.

"May pera naman ako" at kumuha ako ng Noodles, Koaded para kay Haley, Cheezy, Jumbo Hotdog, Flurpee, at ng kung anu-ano pa. Dinala ko 'yon sa counter at nagbayad. Pagkatapos ay kinuha ang supot nang iabot ito ng kahera, "Wala ka bang kukunin?" tanong ko noong makalapit sa kanya.

Nakaiwas lang siya ng tingin at nakapamulsa, "Wala, sinamahan lang kita" tumalikod siya, "Tara na" naglakad na siya kaya napanguso ako. Hindi man lang maghintay o sabayan akong maglakad? Psh...

Palabas pa lang ako noong may lalaking nagtanong sa pangalan ko. Akala siguro niya wala akong kasama. "Hi miss, puwede kong mahingi pangalan mo?" medyo nahihiya pa nitong tanong sa 'kin. Nakasuot siya ng varsity jacket at medyo lawlaw pa ang dulo ng shorts. He also wears black shades kahit wala namang araw. Maitim din ang mga balat nito at may mga alahas pang suot.

Hindi ba 'yan nahahablot sa kanya? 

Inakbayan bigla ako ng kung sino at nang tingnan ko iyon ay laking gulat kong si Harvey pala iyon, "You don't need to know what my GIRLFRIEND's name, so you" tinapunan niya ng matalim na tingin 'yong lalaki, "…Back off" wala namang nagawa iyon kundi ang umalis habang kamot kamot ang ulo. 

Sinundan lang ni Harvey 'yon ng tingin tapos napamura ng wala sa oras, "Tang*na, ang landi" humarap naman ako kay Harvey at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Although he's always cold towards other people and can't even explain what he really feels, this is the thing that I really liked about him. He's like a cold prince charming in a world of fantasy to me.

Ibinaba ni Harvey ang tingin tapos ay taka akong tiningnan, "Is there something on my face?" he asked pero umiling lang ako bilang sagot saka kami lumabas para makabalik na ng room namin.

*** 

NAGLALAKAD LANG kami sa gitna ng daan habang nakatapat sa amin ang liwanag ng buwan. Nakapamulsa pa rin si Harvey habang nakalagay lang ang mga kamay ko sa 'king likod. 

Patingin tingin din ako sa kaliwa't kanan ko at hindi mapakali sa pwesto ko. Sinabi ko kay Reed na aamin ako kay Harvey ngayong gabi pero ano ba 'tong ginagawa ko?! Hindi ko magawa!

It's useless, I can't do it.

Bumuntong-hininga ako dahil sa ideya na hindi ko pa rin talaga kayang umamin sa kanya kahit ilang taon na ang nakalipas. Nakakalungkot isipin, pero hindi na ako magtataka kung may dumating sa buhay niya na magpapasaya sa kanya dahil sa sobrang katorpehan ko.

Bumaba ang balikat ko. No, I don't want that!

Huminto bigla si Harvey kaya napatigil na rin ako sa paglalakad, "Bakit bigla kang huminto?" tanong ko habang nakatingin sa likod niya. Marami pa ring dumadaan na sasakyan nang ganitong oras, pauwi na siguro sila sa mga tahanan nila. Ilang minuto pang hindi sumasagot si Harvey kaya pumunta na ako sa harapan niya para silipin ang kanyang mukha. 

"Harve--"

"Can I ask you something?" seryoso ang tono ng kanyang boses kaya bigla akong kinabahan. Ano naman kaya ang itatanong niya?

Tumango lang ako kaya ibinaba na niya ang kanyang ulo para tingnan ako ng diretsyo. Hindi na siya seryoso pero may kung anong kahulugan ang tingin niyang ito. Kumikinang ito habang nakatitig sa mga mata kong nakatingin lang din sa kanya.

Wala akong nakikitang matalim na tingin o pokerface na madalas niyang ipinapakita. The only I could see is just a sincere look on his face.

Nakaawang na ang bibig niya at sasabihin na sana ang gustong sabihin noong itikum niya ito, "Nothing, let's just go back." ipinasok na niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa habang nanatili lang akong nakatingin sa likod niya.

Bakit kahit ang lapit lapit mo na sa akin, pakiramdam ko ang layo mo?

Yumuko't napatingin na lamang ako sa basang simento, "Would I really have the right to say I love you?"