webnovel

Three Jerks, One Chic, and Me

Haley Miles Rouge described herself as oblivious and unflinching-- isang mataray na babae. Pero ang gusto lang naman niyang malayo sa gulo at magkaroon ng tahimik na buhay. Kaya para tuluyan nang makaiwas, lumipat siya sa Enchanted University.  Mula noon, inasahan niyang magiging tahimik na ang takbo ng buhay nya-- walang gulo o unfortunate events.  Pero noong makilala niya sina Harvey, Jasper, Keiley, at Reed, mas lumala pa ang sitwasyon.  Sa una lang ba ito? O magiging daan din sila para makuha ang hinahangad ni Haley?  Saan nga ba patungo ang itinadhana nilang pagkikita?

Yulie_Shiori · 青春言情
分數不夠
74 Chs

New Come Back

Chapter 59: New Come Back 

Haley's Point of View 

Kuliglig ang tanging maririnig sa labas ng mansiyon ng Smith. Nakatitig sa madilim na kalangitan habang pinagmamasdan ang mga kumukislap na bituin.

Iniisip ko pa rin ang nakita ko kagabi, talaga bang nakita ko 'yung taong iyon? O sadyang guni-guni ko lang?

Narinig ko ang pagbukas ng gate dahilan para mapalingon ako roon, si Reed na papalabas na ng mansiyon. "Haley." tawag niya. Hindi pa talaga kami okay ng lalaking ito kahit kami-kami ang nag-usap tungkol sa gagawin namin para kay Christian.

Humarap ako sa kanya at walang imik siyang tiningnan.

"Ba't hindi ka pa natutulog? Anong oras na, ha?" sabi niya't pumunta sa aking harapan. Nanatili pa rin akong tahimik. Sa kaloob looban ko, ayoko talaga siyang kausapin o makita kaso sa hindi malamang dahilan, hindi ko naman magawang makaalis.

Maybe because deep inside, I'm hoping that we'll talk like how we used to be. It's been a week and 2 days na hindi kami nagkakaayos and I'm also at fault kung bakit hanggang ngayon, 'di pa rin kami magkasundo. 

Balak ko sanang makipag-ayos pero, 

…Mayroon nanaman siyang sinabi na hindi ko nagustuhan.

"Do you like that guy? That Jude. It seems that you're happy when you're with him." tanong niya na nagpainit sa ulo ko. 

Tumungo ako, "You're always like this." mahina pero sapat lang para marinig niya, taka naman itong napatingin sa akin. "You keep on throwing a words without even thinking about it."

What am I mad about?

"Haley…" mainahon na tawag niya kaya inis ko siyang binunggo pagkalagpas ko sa kanya. Pumasok muli sa loob ng mansiyon at dumiretsyo sa kwarto, medyo nagdabog ako dahil sa hindi malamang pagkainis.

Malakas kong isinara ang pinto kahit marami ng natutulog. Patalon na dumapa sa kama kasabay ang pagyakap sa malambot kong unan. Muli, hindi ko nanaman alam kung ano ang dahilan kung bakit ako lumuluha. Ano ba'ng problema ko? Ba't ako umiiyak?  

6:00 AM  

MATAPOS KONG pakainin si Chummy ay lumabas na kaagad ako sa mansiyon para makapasok sa skwelahan. Puyat ako dahil anong oras na rin ako nakatulog kagabi. Kahit walang kabuhay buhay ang katawan kong pumasok, nag go pa rin ako.   

Ibinagsak ko ang dala kong skateboard saka tumuntong doon para makapagsimula ng pumadyak papuntang E.U.

Sa Enchanted University kung saan puro mga witches (not literally) and b*tches ang nag-aaral. Ah, kaya siguro siya tinawag na "Enchanted" kasi nga mahiwaga. I mean it's weird dahil may makikita kang estudyante sa corridor na nagdi-dribble or cross over kahit walang hawak na bola. Like they're having their own world. May nakikita yata sila na hindi namin nakikita.

As in, wow lang 'no? May mga bagay talaga tayong hindi maunawaan. 

At isa pa, may witches talaga rito dahil para kang kinukulam! Saka bawat kilos mo, 'lagi kang babantayan and they will secretly curse you. Pagkatapos kapag may nakita silang kaunting mali, they will easily judge you. 'Di ba? Puno ng kababalaghan ang skwelahan na ito! Masyadog mahiwaga magugulat ka na lang sa nangyayari sa paligid mo.

Really, this is not the generation for the people with a good heart like me. 

Sa market na muna ako dumaan dahil gusto ko munang kumain. Pumunta ako sa baggage para iwanan ang skateboard ko. Baka pagkamalan pang binili ko rito, eh.  

Pumasok na nga ako sa loob ng mismong supermarket kung saan naalala ko ang kauna-unahang pagkikita namin ni Reed. Kahit noong araw na iyon, wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-away.

Ta's ngayon, away pa rin. 

Napailing ako't naglakad na nga lang, nakasalubong ko si Jin pagkaliko ko ro'n a Snacks Area.

"Jin." lumabas na lang sa bibig ko ang pangalan niya kaya napatingin tuloy siya sa akin. Tumaas ang balikat ko at tumalikod, "Okay, aalis na 'ko." humakbang na ako pero hinawakan niya ang balikat ko.

"Uhm…" huminto ako't lumingon sa kanya.

"What?" simpleng tanong ko kahit ang totoo, medyo naiilang ako. Ito minsan ang mahirap kapag minu-mood swing ako. Ang lakas ng impact no'ng hiyang nararamdaman ko. Minsan naman, ang kapal ng mukha ko. Hindi ko rin maintindihan sarili ko minsan. Pabago-bago. 

"Nandito ka pala?" ngiti niyang wika. Hindi, wala pa ako rito.

"Sabay tayong pumunta sa school pagkatapos mong bumili" yaya niya sa akin. Hoy, baka nakakalimutan mo kung ano ang ginawa mo sa akin noong nakaraan? Aba, mas gugulo buhay ko nang dahil din sa 'yo. 

Siniko niya ako ng mahina sa braso, "Sige na, hayaan mong bumawi ako dahil sa ginawa ko last time." kindat niyang sabi dahilan para mapa-bored look ako. Bakit? Sino ka ba?

"Hindi mo naman kasama si Reed kaya ako na muna ang sasama sa 'yo."

nagsalubong ang kilay ko. Narinig ko nanaman kasi ang pangalan niya. 

Umirap ako ng wala sa oras, "As if namang kasama ko palagi 'yon" hindi ko rin naman boyfriend iyon. Pareho kaming may sariling buhay na 'di pwedeng kami palagi ang magkasama. 

Bumuntong-hininga ako, nevermind. Aalis na lang ako, hindi ako magandang kasama ngayon dahil pagod at puyat din ako. Baka sa kanya ko lang maibuhos 'yong inis ko.

Kaso ano ba'ng problema nito at humaharang sa daan ko?!

Tinaliman ko siya ng tingin, "Move." pero umiling lang siya ng hindi inaalis ang ngiti sa labi niya. Bigla kong nakita si Jude sa kanya.

"I'm sorry, okay? Wala lang akong choice kaya nagawa ko 'yon, promise I wil protect you if they're going to attack you." pangungumbinsi niya sa akin dahilan para maglabas ako ng mabigat na hininga. Goodness, ginagawa na lang ng mga tao ang gusto nila sa akin.

Ako naman 'tong tanga na pumapayag kaagad. 

"Geez, fine I get it." nagmartsa na ako kaya sumunod na ito sa akin na animo'y isang aso na tuwang tuwa na nakabuntot sa amo. Hindi naman kami nagtagal dahil nakabili na rin kami ng dapat bilhin 'tapos dumiretsyo na sa E.U gamit ang kanyang sasakyan. 'Di niya ako hinayaang mag skateboard dahil marami na ngang siraulo diyan sa tabi-tabi. 

Narating na namin ang E.U. Bumungad kaagad sa amin ang pagkalakas lakas na tili ng kababaihan pagkababa pa lang niya sa kotse, hindi tuloy ako makalabas. Humawak ako sa noo ko, "Ano ba 'to! Hindi ko lang pala mararanasan ito kila Kei kundi pati rin sa kapatid ni Mirriam." tinakpan ko ang mukha ko. Bakit ba lapitin ako ng mga sikat na tao.

"Jin! I love you!"

"Si Jin ng FlashDrive!"

Inalis ko na nga lang aang kamay sa noo ko. Flash Drive? As in 'yong literal na Flash Drive? Anong klaseng pangalan 'yan? Saan nila ginamit?

Binuksan ni Jin ang pinto ng sasakyan at sinilip ako, "Okay ka lang diyan? Ayaw mo bang lumabas?" tanong niya sa akin dahilan para inis ko itong tingnan.

"Are you an idiot? Do you think I can get out?" tukoy ko sa mga fans niyang nagkakagulo sa labas. Paano na lang kung malaman nilang magkasama kami ng lalaking hinahangaan nila? Edi GULO nanaman! 

Oh, please! I need a peaceful life! 

Tumawa naman siya't pumasok ulit sa loob ng sasakyan. "Then wanna skip class?" tanong niya na mas ikinainis ko.

"No!" pagtanggi ko kaya ang ginawa naman niya ay humawak sa buhok niya't nagkamot.

"How about we stay here?" suhestiyon pa niya kaya napasapo na ako sa noo. He's hopeless…

"Hoy! Anong kaguluhan ang nangyayari rito? Bumalik kayo sa dapat ninyong klase!" napatingin kami sa taong malakas na sumuway sa mga estudyante. Laking gulat na si Rose pala ito. Oo nga pala, siya 'yong naka-assign ngayon mag patrol sa campus. Narinig ko lang din kina Harvey at Kei. 

Unti-unti namang umaalis ang mga estudyante hanggang sa matira na lang si Rose na nakapameywang. Inayos niya ang suot niyang salamin noong mapatingin siya sa gawi namin, lumapit siya sa kotse ni Jin kung sa'n ibinaba nito ang window shield.

Sumilip si Rose sa loob at nagsuot ng kakaibang ngisi. "Ano'ng ginagawa n'yong dalawa, huh?" pagbibigay ng kakaibang ideya ng president of the class namin.  

"W-wala kaming ginagawa! Nagkasabay lang kami!" turo ko kay Jin na halos lumubog na 'yong hintuturong daliri ko sa pisnge niya. "Hindi ba?!" paninigurado ko sa lalaking ito na tinanguan naman niya ng mabilis. 

"O-oo!" sagot niya kaagad kaya nilayo ko na 'yong daliri ko sa kanya. 

"Baka naman magselos si Reed niyan." patuloy sa pang-aasar ni Rose kaya tinawag ko na 'yong pangalan niya. Tumawa siya nang tumawa 'tapos nagpaalam na.  "Bilisan n'yo na baka ma-late pa kayo sa class niyan." ani Rose hanggang sa makalayo na siya sa amin. 

Lumingon si Jin sa akin, "Siya nga pala, may mini-concert ako mamaya sa gym, nood ka." yaya niya sa akin. Concert? Ah, so may banda siya?

Medyo nag-alanganin ako kaya hindi kaagad nakasagot pero dahil sa convincing powers na mayroon siya, wala na rin akong choice kundi pumayag. Makikinig lang din naman ako. 

***

NAGHIWALAY NA kami ni Jin matapos naming masigurong wala ng estudyante, imbes na pumunta ako sa classroom ay dumiretsyo na muna ako sa Canteen. Naiwanan ko kasi 'yong mga pinamili ko sa kotse ni Jin. Ang malas lang. Eh, alangan namang pabalikin ko pa siya para lang kunin pagkain ko? Nakakahiya. 

"Isang tubig" sabi ko kay manang at binigay sa akin ang tubig. Ininum ko na iyon kaagad pagkabayad ko.  

"Bakit ba kasi nandiyan ang nerd na 'yan? Ang losyang manamit."

"Nakakahiya siyang tingnan."

Tumigil ako sa pag-inom at tiningnan 'yong mga babaeng nag-uusap. Pinagkakaisahan nila 'yung babaeng mahaba-haba ang palda't makapal ang frame ng salamin-- In other words, mukha nga talaga siyang nerd. 

Naningkit ang singkit kong mata dahil sa hindi magandang pagtrato nila ro'n sa tao. "These troublemakers..." tahimik akong pumunta sa likuran nila Shane.

Sila nanaman kasi ang gumagawa ng gulo nila.  'Di na nagsawa sa kaka-bully. Ba't ba walang nagsusumbong sa mga 'to nang matuto naman? 

"Nakasuot ka na nga ng salamin, nababangga mo pa rin 'yong mga tao rito. Ano'ng gusto mo? Bilhan kita ng mas malaking eye glasses? Mukhang wala kang pambili, eh." natatawang pang-iinsulto ni Shane, "Ang labo-labo pa ng mata mo, ano pa'ng silbi mo rito, ha?" at patulak pa ang ginawa niyang pagturo ng hinlalaki sa sintido ng babae. Pagkatapos ay binuhusan nito ng tubig ang mukha nung nerdy na babae,

Tinitigan ko muna ang nerdy na iyon bago mapa-bored look. What the hell is she doing?   

Nakatungo lang siya't hinayaan ang sarili na mabasa lang ng gano'n. Nakakainis naman itong babaeng ito!

"You know Haley Miles Rouge, right??" panimula naman ni Aiz. Oh, nadamay nanaman ako rito? "Pareho kayo, eh. Mga walang silbi sa mundo, mga bangaw." 

Tumaas ang dalawa kong kilay, "Ay, oh?" napapitlag naman sila sa biglaan kong pagsasalita kaya mabilis itong lumayo't umatras palayo sa akin, makikita sa mukha nila ang sobrang gulat. 

"Ah, Haley Miles Rouge! We didn't see you"

"Nag e-exist ka pala?"  

Binigyan ko sila ng matamis na ngiti, "You didn't see me? Well, I won't wonder. Wala namang silbi 'yang mga mata ninyo kahit na magsuot pa kayo ng salamin, eh." hindi naman makapaniwalang napatingin si Shane sa akin habang kibit-balikat kong ibinaling ang tingin sa nerd na nakaawang ang bibig.

Tinaasan ko siya ng kilay kaya nanlaki ang mata niya't umiwas ng tingin. Animo'y ayaw ipakita ang mukha niya.

Kumuyom si Shane, "H'wag kang umarte na matapang ka, kahit na ano'ng gawin mo ay wala ka pa ring binatbat" at tinulak niya ako sa balikat, hahayaan ko muna siyang magsaya ngayon. "Masaya ka ba na kasama mo ang mga heatthrobs ng university na 'to?" Io-open nanaman nila 'tong topic na 'to? Kailan ba sila magsasawa sa Three Jerks na 'yon?

"Ano na? Hindi ka na nakapagsalita?" umikot-ikot sa akin si Shane habang tinitingnan ako ulo mula paa, iyong mga estudyante naman ay mga nagsilabas na ng phone. Ah, tuwang-tuwa kayo rito, ah?

"Dumating ka lang dito, nagka-letche letche na 'yong araw ko" binu-bwiset niya lang ang sarili niya. "Oh? Iyak ka na? Bakit hindi ka na makapagsalita? Nasaan na 'yang tapang mo?" pagmamayabang pang tanong ni Shane na nginisihan ng dalawa niyang kaibigan. 

"Nagiging matapang lang naman 'yan kapag may kasama" si Kath na ang sumingit.

Umismid ako't matalim silang tiningnan, "Tapos ka na?" tanong ko na nagpahinto sa kanila. Naglakad na rin ako palapit sa kanila kasabay ang pagpasok ng dalawa kong kamay sa bulsa ng blazer ko upang magpigil.

Noong makahinto sa harapan nila ay binigyan ko pa sila ng nakakatakot na aura kaya mas umurong sila. Doon ay nagkaroon na ako ng lakas nang loob upang mapangisi. Ipinapakita kong hindi na ako puwedeng magpatalo, "I see that I don't need a middle finger to scare you. My eyes are totally enough."

Lumukot ang mukha ni Shane dahil sa sinabi ko samantalang pumaabante naman si Aiz,

"What's wrong with you? Nahawa ka na ba kay Keiley?" nanliit ang mata ko. "Nasa loob lang din ang kulo no'n, eh." dagdag niya. 

"Pati 'yang Mirriam na 'yan? Sumama lang naman 'yon sa inyo nang dahil kila Reed, wala talaga s'yang kwenta" segunda ni Kath. 

Naisara ko ang kamao ko. Hindi ko pa ganoon kakilala si Mirriam pero tama lang ba na sabihin nila iyan? Maliban kila Tiffany, naging kaibigan din nila si Mirriam kaya bakit-- Oo nga pala, nagawa na nila 'yan sa akin kaya magagawa pa nila ulit iyan sa iba. 

Shane wore her devilish smile on her lips, "Pare-pareho kayong mga malalandi, salot sa lipuna--" tulad ng ginawa ni Shane sa nerd na ito ay tinapon ko rin ang laman ng hawak kong bottled water sa mukha niya.

Napasinghap ang mga estudyanteng nakakita habang walang emosyon kong ibinaba't ibinalik ang takip sa plastic bottle.

"Whoa, did you see that?!" 

"Savage!"

Nakangangang nakatingin si Shane sa sahig. Hindi inaasahan na magagawa ko ang ganoon sa kanya. Not all the time mananatili akong mabait sa mga ganitong klaseng tao, mapupuno ka na lang kapag sumusobra na sila.

Mayamaya lang noong matauhan siya, ltumingala siya para makita ako.

"Laitin n'yo na 'ko h'wag lang ang mga kaibigan ko, hindi n'yo sila kilala hindi niyo 'ko kilala...

Bago pa man mawala 'yang mga buhok sa ulo ninyo, you guys should better shut up." and for the last look. I glared at them. Natakot naman sila sa ginawa ko, bakit? Dahil ngayon lang nila ako nakitang ganito.

"I won't go easy on you" dali-dali naman silang umalis sa canteen na sinundan lang ng tingin ng mga taong nandito. Pagkatapos ay tiningnan ko naman ang mga estudyanteng tsimosa't tsismos. "Kayo? Ano pa'ng hinihintay n'yo? Tapos na ang palabas, bumalik na kayo sa mga respective rooms n'yo!" malakas kong utos na mabilis din naman nilang sinunod habang 'yong iba naman ay ginawa lang ang kaninang ginagawa.

I tsked. "Now..." tiningnan ko si Mirriam na naka-disguise ng nerd look. Nakatingin lang din siya sa akin at nambibilog ang mata. "Bakit ganyan itsura mo, Mirriam?" mukha namang nagulat siya nang tawagin ko ang pangalan niya.

"Nakikilala mo 'ko?" hindi makapaniwalang tanong saka ko siya itinayo pagka-abot ko ng kamay ko sa kanya. 

"Alam ko 'yong mata mo" sagot ko. The first thing I notice on other people's faces is their eyes. 

"May extra ka bang damit diyan?" tanong ko dahil talagang basang basa siya. Ang gag* talaga nila Shane.

Umiling si Mirriam bilang sagot at magsasalita pa sana nang makita ko si Jasper na paparating. Sakto! "Jasper! May extra damit ka ba para kay Mi--" mabilis na tinakpan ni Mirriam ang bibig ko. 

"H'wag mong sabihin na ako si Mirriam, hindi niya ako nakikilala." tumaas ang kaliwa kong kilay. Nagtataka man ay tumango na lang ako. She have her own reason kung ba't hindi niya sinasabi.

Inalis na niya 'yong kamay niya sa bibig ko.

"Hi, Haley" bati niya sa akin at napatingin sa katabi ko, "Uy, nerd! Anong nangyari sa 'yo? Basang basa ka" napa-bored look na lang ako. Sinagot niya 'yong sarili niyang tanong.

Inilagay ko ang kaliwa kong kamay sa beywang, "Sakto, pahiramin mo nga si nerd ng damit, wala kasi s'yang dala" ngiti kong sabi at palihim na tumingin sa namumulang si Mirriam. Obviously, she liked him but that wasn't the reason kung bakit siya nakipag kaibigan sa 'min. 

Mula umpisa pa lang, naging mabait na siya sa akin. Hindi ko masasabing naging plastic siya o ano. 

Tumango si Jasper at malawak na nginitian si Mirriam. "Malaki 'yon sa 'yo, okay lang ba?" paninigurado ni Jasper. Tatanggi pa sana ang bruha noong akbayan ko sina Mirriam at Jasper.

"Oo, okay lang 'yan! Nagtatanong ka pa, eh, kung pahiramin mo na lang s'ya 'no? Sige na, sige na! Alis!" sabay tulak sa kanilang dalawa palabas ng canteen. Nagrereklamo pa sila pero hindi ko sila pinansin. 

Natawa lang ako sa kanila.