Chapter 56: Cancellation
Kei's Point of View
Mine make-up-an na ako ngayon sa dressing room. Sabi ni Mommy ay dapat daw maging maganda ako sa paningin ng mapapangasawa ko. Hindi niya pa rin ako pinakinggan kahit na ilang beses kong sinabi sa kanya na ayoko. Sinubukan ko ring magpaliwanag sa kanya pero tulad ni daddy ay hindi siya naniniwala sa akin kaya 'di na ako nagpumilit pa.
Masama 'yong loob ko, totoo.
Pero gaya ng palagi kong sinasabi, ano nga ba'ng magagawa ko? Ayaw nilang alamin kung ano ang totoo kaya nagiging ganito sila sa akin.
Tumingin ako sa mga kamay ko. Hopefully, everything will be alright. Nandiyan sila Haley-- 'yong mga kaibigan ko, hindi dapat ako matakot.
"Ayan! Perfect! Mala diyosa na ang fes mo ngayon girl" and guess who did my make-up?
Nginitian ko siya mula sa mirror, "Thank you." siya 'yong bading na kinuha nila Haley na kung hindi ako nagkakamali, George ang pangalan. Isa siyang magaling na hair stylist sa isang parlor. S'ya rin ang dahilan kung bakit yumaman ang parlor ng boss niya.
"O sige na girl, try mo na 'tong kumikinang kinang na breslet na 'to, babagay 'to sa 'yo ng bonggang bongga, pero infairness, huh? Nakita ko 'yan sa Silverworks, ang mahal kaya niyan" nakangiti niyang sabi dahilan para tingnan ko ang bracelet na iniabot niya sa akin.
"Ah, bigay 'to ni Haley." sambit ko ng hindi inaalis ang ngiti sa aking labi. Ito 'yong bigay niya sa akin noong birthday ko.
Biglang napasimangot si George, "Haley? 'Yung masungit na bubwit?" tumaas ang dalawa kong kilay. Bugwit? Maliit ba si Haley?
In-imagine ko naman si Haley, bigla ko tuloy siyang nakita as a cheeky person kahit ayun din naman siya in reality.
Natawa ako, "H-hindi naman."
Matangkad ka lang din kasi George, kaya ganoon.
May kumatok sa pinto dahilan para mapatingin kami ni George roon. Pinapasok ko iyong taong iyon kaya pumasok na siya. Laking gulat nang makita ko si dad. Usually, dapat matuwa ako kasi nakita ko na ulit s'ya at nakauwi pa siya rito sa Pilipinas, pero hindi ko magawang matuwa...
Bakit kung kailan hindi katuwa-tuwa ang magaganap at hindi importante, doon siya uuwi? Nang-aasar ba talaga ang tadhana o si dad?
Hinalikan niya ang noo ko pagkalapit niya sa akin, "Look how gorgeous you are." puri niya pagkalayo sa akin, "Matutuwa ang lalaking mapapangasawa mo" he added.
Gusto kong matawa.
Hindi ako gumawa ng kahit na anong ekspresiyon. Naiinis ako sa fact na natutuwa lang siya dahil sa pansarili niyang kapakanan. Hindi man lang niya iniisip 'yong nararamdaman ng anak niya.
Wala man lang kumusta kumusta, nag desisyon na lang siya ng walang pasabi sa akin at irarason niya na para 'to sa akin.
I suddenly closed my fist. Ano ba'ng p'wede kong gawin para hindi ako magalit ng ganito sa inyo? Dad?
Tumayo ako at humarap kay daddy, nakangiti siya sa akin na animo'y walang ideya sa kung ano ang iniisip ko ngayon. "Are you okay? Is there something bothering you? Or you are still--"
"No dad, I'm fine" I'm not alright, dad!
"Are you sure?" tanong pa n'ya.
Ngumiti ako. "Yes" no!
He hummed,"I see, sabihin mo sa 'kin kung may masakit sa'yo, ha?" tumango ako habang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Yes, dad" It's friggin freaking hurts!
Nilingon niya 'yong taong nag-ayos sa akin, "Tapos na ba siya?" tanong niya na medyo nagpa-intidimate kay George dahil biglang nanginig ang kamay niya.
"Y-yes po" nauutal nitong sagot.
Why did I have to pretend I'm okay when I am not? I'm exhausted from trying to be stronger than what I really feel. I'm so sick of pretending that I'm okay when I'm breaking down inside, I'm actually not fine...
Ibinalik ulit ni dad sa 'kin ang tingin nang marating ang pintuan, "Shall we go?"
You know... I'm still trying...
I nodded and gave him my fake and sweetest smile, "Sure..."
Pretending like nothing is wrong...
***
UMUPO AKO sa chair ng mga host. Katabi ko ngayon si Christian. His sweetest smile turned into devilish smirk. This jerk. I want to get out of here as soon as possible.
Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa harapan. Ngunit mayamaya pa'y napasinghap ako nang hawakan niya ang mga hita ko nang palihim. Tago kasi itong lamesa namin, may table cloth kaya kahit na ano pa ang gawin ni Christian sa akin ngayon, 'di malalaman ng kahit sino.
Kung sisigaw naman ako, walang maniniwala sa akin. Baka isipin pa nilang baliw ako.
Nilingon ko siya na ngayon ay parang anghel kung makangiti sa harapan ng mga tao. Patuloy n'yang hinihimas himas ang hita ko kaya nanginginig na ako. He's insane!
Natatakot ako, kinikilabutan ako, ayoko ng paraan ng paghawak niya.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para mapaatras ang mukha ko, bakas din sa mukha ko ang pagkatakot. "There's nothing to be afraid of. Besides I'm not going to eat you" hindi ako umimik at nakatingin lang sa kanya, "Titikman lang kita"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya na tinawanan niya. "Just kidding... Don't worry, I'm not going to do that, not today but someday" sabay kindat sa akin na siya namang nagpataas ng mga balahibo ko.
Tumingin ako sa harap at inalis ang kamay niya sa hita ko. I hate your twisted mind, you pervert!
Lumabas ang isang emcee at ipinakilala kaming mga host, tumayo kami isa-isa. Pero nagtaka noong hindi mahagip ng paningin ko si dad. Where is he again? Pagkatapos ng mga introduction ng emcee sa stage ay tumuro ang kamay niya sa amin
"Ladies and gentlemen, let's give a round of applause" pumalakpak ang mga tao sa convention.
Pumunta kami ni Christian kasama ang magulang niya't magulang niya sa unahan 'tapos umupo. Wala si dad kaya lima lang. Sanay naman na ako kaya hindi ko siya masyadong hinahanap. 'Lagi naman kasi siyang nawawala. "May inasikaso lang ulit 'yong dad mo" tugon ni mama na mukhang nababasa ang isip ko.
Umiwas lang ako ng tingin pero ibinaling din ang tingin kay Harvey na nasa guest chair kasama sina Mirriam at Jasper.
Harvey...
Mukha namang nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya nginitian niya ako para sabihin na magiging okay din ang lahat. Ngumiti lang din ako pabalik.
Kaso nawala lang nang biglang hinawakan ni Christian ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.
Luminya ng kaunting ngiti ang labi niya 'tapos binulungan ako "H'wag ka na ngang makipag landian diyan, I'll be your husband in the future pero ngumingiti ka pa rin sa lalaking 'yan, huwag mo ng masyadong saktan 'yong sarili mo kasi kung ako sa'yo, lalayo na 'ko."
Nakaramdaman ako ng inis ngunit binigyan din siya ng matamis na ngiti para tuksuin siya ng kaunti, ipinagkrus ko rin ang mga hita ko dahilan para mapatingin siya roon. "Is that so? But right now, I'm already cheating on you, are you even fine with that? Do you still want me to be your wife?" sunod-sunod kong tanong.
Medyo lumukot ang mukha niya dahil doon, mukhang naging effective ang kaunting pang-aasar ko. Natutunan ko lang talaga kay Haley 'yong gano'ng klaseng style.
Mas ngumiti ako at tumingin sa harapan. Habang sinasabi ng emcee 'yong mga ginagawang preparation about sa "Marriage" namin, hindi ko na maiwasang hindi kabahan. Ano ba'ng gagawin ng mga kasama ko? Nasa'n si Haley? Si Reed?
Why can't I see them?
Matapos sa pagsasalita ang emcee ay si Haley naman ang pumunta sa harapang microphone. Lumingon siya sa akin at kinindatan ako. Napaawang-bibig ako ngunit napangiti rin pagkatapos.
Nagtaka sila mama kung ano ang ginagawa niya sa harapan pero hinayaan lang siya ng mga tao at pinakinggan siya, "Christian Llanes, one of the AFFECTIONATE son of Llanes Family, born in Caloocan City" panimula ni Haley, "He is the next heir of their business company" nililingon-lingon niya ang mga tao, "And the future husband of Keiley Jane Montilla"
Para saan ba talaga ito at sinasabi niya iyan?
Kahit kating-kati akong malaman, hinayaan ko lang siya't tahimik na naghihintay sa kung ano ang gagawin ni Haley. She have my trust.
Mukha namang natutuwa ang mga tao na nandito sa loob habang bumubulong na bagay daw kami ni Christian. "But people, pumasok ba sa utak niyo kung karapat dapat nga ba siyang lalaki para sa kaibigan ko although successful ang pamilya nila?" kita ko ang pagkunot ng noo ni Christian.
"Bakit naman hindi?"
"Ano'ng ibig niyang sabihin d'on?"
"Anong mayro'n?"
Tumayo si Christian kaya nilingon ko ulit siya, "Bakit mo naman natanong kung karapat dapat ako para kay Ke--"
Matalim na tiningnan ni Haley si Christian dahilan para mapatikum ito. Medyo tumaas nga rin ang balahibo ko sa paraan ng pagtingin niyang niyon. "P'wede bang umupo ka dahil hindi ikaw ang kinakausap ko?" ramdam ko ang tense kay Christian dahil kita ko ang pagtulo ng pawis nito, pero hindi 'yon ang naging dahilan para umupo siya.
"Pangako ko sa'yo, aalagaan ko ang kaibigan m--"
"That's not the case here, you moron." kalmado pero mahahalata mo pa rin ang sobrang irita sa mukha. Nagkaroon ng kaunting pagbubulungan habang 'di na naiwasan ni mommy na mapatingin sa akin.
"Kei, what is she doing?" naguguluhang tanong ni mommy pero hindi lang ako nakapagsalita dahil hindi ko rin talaga alam kung ano ang binabalak niya.
Taas-noong humarap si Haley kay Christian, "I honestly don't want to do this but this is too much" sambit niya't tinuro si Christian, "...this guy already harassed my friend!"
Nagsimula ang mga bulungan, "I want all of you to stop celebrating because this is not the right thing to do, my friend is not happ--"
"Paano mo nasabi na may ginawa akong masama kay Keiley, huh?!" Hindi na rin napigilan ni Christian ang mapasigaw, "Do you have any proof that I did it? Go, tell me!" Paghahamon ni Christian.
"Oo nga naman"
"Bakit ha-harass-in ni Christian ang anak ng Montilla?"
"I think she's drunk"
Nandilim na ang tingin ni Haley, "Hinahamon mo 'ko?" tanong niya.
Ngumisi si Christian, "Malay ko sa 'yo" kibit-balikat na sagot niya dahilan para mas taliman s'ya ng tingin ni Haley.
"C-Christian, stop it... Hindi mo alam kung ano pa'ng pwede niyang gawi--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil namuo na ang kakaibang ngisi sa labi ni Haley.
"You're indeed in trouble, young man..." ani Haley at humarap ulit sa mga tao, "I will show you some photos, everyone. Tell me if you wouldn't change your minds" pumitik s'ya sa ere dahilan para may lumitaw na image sa screen mula sa projector screen. Sinundan ko naman ang tingin kung sino ang nag o-operate no'n, only to know it's Reed.
He winked at me. "Reed..." mahinang tawag ko habang paunti-unting napapangiti.
Karamihan sa mga taong narito ay nagulat at napasinghap nang makita nila ang litrato ni Christian na may ginagawa sa apat na babae.
"A-ano'ng ibig sabihin nito?" rinig kong sabi ng ama ni Christian na halatang hindi makapagpigil. Nanggigigil ito sa galit. Si tita, napahawak sa bibig niya. Samantalang hindi lang makapaniwala si mommy na nakatingin do'n sa screen, pero mayamaya lang nang ibaba niya ang tingin sa akin.
She feels sorry but I just averted my eyes.
Nilingon ni Christian si Haley, "Saan mo 'yan nakuha?!" sigaw nito kay Haley na makikita mo sa sintido ang paglabas ng ugat nito.
Tinaasan siya ng kilay ni Haley, "BEATS me" at matamis pa itong ngumiti.
Siguro, napikon si Christian kaya nilapitan na niya si Haley at akmang hahablutin ang kwelyo niya noong mabilis siyang sipain sa mukha, pumaikot siya sa ere at bumagsak sa sahig.
Muli, nakarinig nanaman kami ng pagsinghap mula sa nakararami at napatili naman si mommy.
Nakataas ang mga paa ni Haley noong ibaba na niya ito at tila parang dumura sa kung saan, "Humph, pathetic" pangmamaliit ni Haley na nagpahanga sa akin. Kulang na nga lang ay palakpakan ko na siya, eh. Grabe, ang cool talaga niya...
Dahan-dahang umupo si Christian para bigyan ito ng nakamamatay na tingin. Nilapitan na siya ng magulang niya kaya napalingon din si Christian sa mga ito. Namuo ang takot sa mukha niya at pilit pang ngumingiti, "Dad... Please, let me explain."
Mas lumapit sa kanya si tito at kinuha ang kwelyo nito, kaya pati ang katawan niya ay naitaas na nagpatayo sa kanya, "Hindi mo ba alam kung anong klaseng KAPALPAKAN at KAHIHIYAN itong ginawa mo?!" sermon n'ya sa anak niya kahit nandito pa kami.
Si tita, humihingi na ng tawad kay mommy. Napatingin ako sa mga kasama ko na naka-thumps up sa akin. Si Haley nginisihan lang ako habang tumango lang si Harvey.
"Dadalhin na kita sa America!"
"No! No!" Pagtanggi ni Christian
"Samantha!" tawag ni tito sa asawa niya na dali-daling pumunta sa kanya.
Umiling lang ako at lalapitan sana si Haley noong mapansin kong nag-iba ang reaksiyon nito. Para siyang nakakita ng multo habang nakatuon ang tingin sa second floor. Haley?
KINABUKASAN…
"Oh? Kayo na? Bakit hindi n'yo kaagad sinabi sa 'kin?" gulat na tanong ni mommy. Paano ko naman kaya masasabi kung pinapangunahan nila ako ni daddy?
Humingi ng tawad si mommy matapos niyang malaman ang totoo kahapon. Nagkaroon nga kami ng kaunting gulo sa convention center dahil sa naging kinalabasan ng event pero naging maayos din naman kaagad.
"Sorry tita, medyo kinakabahan kasi akong sabihin sa inyo" cool lang na sabi ni Harvey pero namumula talaga ang tainga sa sobrang hiya.
"Nahihiya naman ako bigla. Pero ang totoo niyan, boto talaga ako sa 'yo, kung nalaman ko lang kaagad ng mas maaga, kinausap ko na 'yong daddy ni Kei." sabay tingin sa akin na nginitian ko lang. Ibinalik na niya ang tingin kay Harvey, "Basta h'wag puro lovelife ang inaatupag, ah? Academic Achiever kayong dalawa kaya dapat tuloy-tuloy lang 'yon, gawin n'yong inspirasyon ang bawat isa, no exploration or attitudes and behavior towards sexuality, okay?" paalala ni mommy na mas nagpamula sa mukha namin.
"Mom, you're embarrassing me." ani ko.
Tumango si Harvey na animo'y parang wala lang sa kanya ang sinabi ni mommy, ako lang itong O.A mag react.
"Ngayon ko lang pala natanong dahil ang dami n'yong inasikaso, pero umuwi na ba si dad?" hanap ko kay daddy dahil mula kahapon, hindi ko na siya nakita.
Tumingin siya sa hindi kalayuan, "Na sa agency s'ya ngayon, may importanteng gagawin" sagot n'ya. Nawalan ng buhay ang mata ko. I'm starting not to care anymore…