webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · 青春言情
分數不夠
81 Chs

CHAPTER TWENTY THREE

(Roswell's Mansion, 11 pm)

(Kath Rence's POV)

(Main Hall)

PALAPIT NA kami sa hall nang mapansin kong may apat na babaing nakagapos sa gitna mismo ng hall ng mansyon. For sure, sina Riri yang mga yan, halata naman sa mga cheap na suot nila eh.

Nung naglakad na ako papasok sa hall ay nakita kong nabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Karamihan nga sa kanila'y halos hindi makapaniwala dahil ang nerd na pinagtawanan nila kanina ay isa nang dyosa sa harapan nila. I looked at them so absurdly at binigyan ko sila ng matatalim na irap. 

"Omigosh! Siya na ba yan?"

"Yung nerd na nabuhusan ng burak kanina?"

"Oo! Siya na nga yun!"

"Gaad! Princess Kath Rence is finally back!"

"Anong princess?! She's an empress of Kensington High School! Nakakalimutan nyo na ba yun?!"

At kung ano pang bulung-bulungan ang narinig ko mula sa mga bisita. Puro mga nabigla o di kaya'y sobrang namangha. 

"Pero matakot pa rin tayo sa kanya. Remember, maaaring ganun pa rin ang ugali niya tulad nung first year pa lang siya..."

"Naku, kapag nagkataon, lagot sina Riri. Talaga."

"Sinabi mo pa. Nakakatakot pa namang magalit ang isang empress." 

Buti alam nyo. 

Natigil lang sa pagbubulungan ang lahat nang tignan ko na isa-isa sina Riri. Halos hindi ko na sila makilala sa tindi ng pahirap na ginawa nila Sachi sa kanila. Pero hindi pa rin yun ang naging dahilan upang maawa ako sa kanila, sa halip ay tinitigan ko sila ng mata sa mata. Nung makita nila ako ay bigla silang napasigaw sa sobrang takot.

"S-sino ka?!" ang takut na takot na tanong ni Riri sa akin.

"AKO LANG NAMAN ANG NERD NA PINALIGUAN NINYO NG BURAK KANINA." I said very sarcastically.

"K-KATH R-RENCE?!!" they very shockingly said.

"Yes. Ako nga. Bakit, na-surprise ba kayo?" and I smirked at them.

"Please let us go! Let us go! Nakikiusap kami sayo! Wag mo kaming sasaktan!" ang natataranta na natatakot na pakiusap nila sa akin pero isang malakas na sampal ang natikman ni Riri mula sa akin. Halos mapugto na ang mga mata niya sa sobrang takot at panginginig habang nakatitig siya sa akin. 

"Ang kapal din ng mukha ninyong makiusap sa akin ng ganyan noh, pagkatapos ba naman ng mga kawalanghiyaang ginawa ninyo sa akin kanina, sa tingin ninyo, pagbibigyan ko pa kayo? Hah. Empress na yata ang kaharap ninyo dito ngayon."

Mas lalong nanginig sina Riri sa sobrang takot habang nabigla ang mga bisita sa narinig nila.

Hinawakan ko ang ruffles ng gown ni Yarra ang pinaglaruan ko iyon. "Ba't nagulat kayo dyan? Don't tell me...na nakalimutan na ninyong member pa rin ako ng The Campus Sweethearts. Sinadya ko lang itago ang sarili kong image noon para malaman kung sino talaga kayo kapag kaharap ninyo ang isang ordinaryong tao. And based on my personal experiences, natuklasan ko na napakasama ninyo! Wala kayong kasingsama!" sabay punit ko sa damit ni Yarra. Nawarak ng husto ang damit ng impakta habang natataranta siya na ikinubli ang mga dibdib niya gamit ang ulo niya.

Tss. Pathetic.

Sunod ko namang nilapitan ang takut na takot na si Carly ay kinuha ko ang maliit na koronang nakapatong sa ulo niya.

"A-anong g-gagawin mo d-dyan?!" tarantang sabi ni Carly.

"Malalaman mo rin, wag kang masyadong excited." at inirapan ko siya. "Anyways, maganda pala ang crown na 'to." and I frowned.  "Pero sorry ka dahil hindi bagay sayo ang koronang ito. Bakit? Kasi napakasama ng ugali mo." sabay laglag ko ng korona sa harapan niya. Nagkandatanggal-tanggal ang mga beads ng korona at sa lakas ng pagkakabagsak ay bahagyang nayupi ang gitnang bahagi ng korona. Natahimik ang lahat nang tinapak-tapakan ko ang korona hanggang sa magkandabali-bali ito. Iyak ng iyak ang kawawang si Carly nang makita niyang wasak na wasak ang korona niya. Pinulot ko ang sirang korona.

"Here's your crown, bitch." at inihagis ko ang sirang korona sa pagmumukha niya. 

Sunod ko namang nilapitan si Femme at tinignan ang mamahaling bracelet niya.

"P-please...w-wag y-yang b-bracelet ko...m-maawa ka..." pakiusap niya sa akin pero hindi ako nagpaawat, kinuha ko ang bracelet niya at tinitigan ko ito.

"Is this a Seiko bracelet? Hmp. Maganda na sana ang bracelet na 'to kung hindi ikaw ang nagsuot." at sinenyasan ko ang isa sa mga bodyguards ng party na lumapit. Lumapit naman ang bodyguard sa akin.

"May dala ka bang plais dyan?" tanong ko sa kanya.

"As always, Young Mistress." at ibinigay sa akin ng bodyguard ang kanyang plais. 

"Thank you." at binigyan ko siya ng one thousand pesos na nasa maliit na bulsa ng gown ko. "Take that as a gift."

"Yes Young Mistress." at umalis na ang bodyguard sa gitna ng hall. Muli kong pinagmasdan ang mamahaling alahas ni Femme at itinapat ko ang plais sa pinaka-gem ng bracelet. Kinikilabutan sa sobrang takot si Femme habang mas lalong natahimik ang lahat. 

"Ano kayang magandang gawin sa cheap na bracelet na 'to?" ang nakangising sabi ko. "Mas maganda siguro kung putul-putulin ko na lang ito." at pinagpuputol ko ang bracelet. Mangiyak-ngiyak si Femme habang pinuputol ko sa harapan niya ang bracelet niya. Nalaglag ang mga beads at mga pinutol kong metal lines ng bracelet. Nung makita kong nagkandapira-piraso ang bracelet niya ay ibinulsa ko ang plais. Pinulot ko isa-isa ang  putul-putol na bracelet at inilaglag ko iyon kay Femme.

"Yan, bracelet mo. Ipaayos mo na lang ha, kung may pag-asang maaayos pa yan." at inundayan ko siya ng malakas na sampal bago ako umalis sa harapan niya.

Nilapitan kong muli si Riri at hinila ko ang buhok niya. Nakita ko ang isang Swarovski necklace na nakasabit sa leeg niya. 

"K-Kath Rence, d-do what you want. J-just please...w-wag yang kwintas ko..." pakiusap sa akin ni Riri pero pinutol ko ang kwintas gamit ang plais na dala ko. Kinuha ko ang kwintas at saglit ko itong hinawakan at tinignan. 

"Ano kaya kung putul-putulin ko rin ang kwintas na ito..." at pinutol ko ang kwintas gamit ang plais. Iyak ng iyak at halos mabaliw na sa kasisigaw si Riri habang pinapanood niya ang pagsira ko sa kwintas niya. Nung matapos ko nang sirain ang kwintas niya ay may tinawag akong isa sa mga katulong sa mansyon.

"Pakilinis na lang po yan Aling Nelda at itapon nyo po sa basurahan." utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod. Winalisan nila ang nagkapira-pirasong kwintas ni Riri at itinapon nila ito sa malapit na basurahan sa hall. 

"B-bakit m-mo...g-ginagawa sa a-amin i-ito?! Bakit?!" Riri shouted at me.

"BECAUSE YOU'RE AN EYESORE! AT NADEDEMONYO AKO SA TUWING NAKIKITA KO KAYO!"

Natigilan silang apat sa sinabi ko.

"Oh, ba't natigilan kayo dyan? Hindi ba kayo makapaniwala na bumalik sa inyo ang nakakadiring linya na binitawan ninyo sa akin kanina?"

Hindi sila makaimik sa sobrang kahihiyan. 

"Ugh, nakakapagod palang pahirapan kayo. Sige na nga, pakakawalan ko na kayo. Pero kung inaasahan ninyong hanggang dito na lang ang ganti ko sa inyo, nagkakamali kayo, dahil gagawin kong miserable ang buhay ninyo araw-araw sa Kensington. Mark my word. Bodyguards, kalagan sila." 

Kinalagan kaagad ng mga bodyguards sina Riri at nung makawala na sila ay nagpulasan na sila ng takbo palayo pero nagulat ang lahat nang bigla silang madapa at mahulog sa swimming pool na nasa labas mismo ng hall. Tawanan ng lahat habang nataranta lalo sa sobrang ginaw si Riri at ang kanyang tatlong alipores.

Nung matapos na ang torture session ko sa kanila ay ipinasara ko ang lahat ng pinto sa hall para hindi na makapasok pa ang apat na babaing yun. Agad na nilinis ng mga katulong ang buong paligid at nagsimula na ang party na ilang oras ding naantala nang dahil sa kagagawan ng apat na impaktang yun.