webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · 青春言情
分數不夠
81 Chs

CHAPTER TWENTY NINE

(Aiyana Condominium, midmorning)

(Gianna's POV)

(Flashback...2 years ago)

"YAN NA NGA ba ang sinasabi ko sayo Edwin! Hindi ka na mapigilan pa sa pag-inom mo kanina, ayan at ginabi tuloy tayo ng uwi. Alas diyes medya na ng gabi pero nasa biyahe pa rin tayo. Inabutan tuloy tayo ng malakas na ulan."

"Mommy naman, minsanan lang naman akong uminom. Tsaka nakita mo naman kung gaano ka-grabe mamilit si Pareng Jimmy."

"Naku, mag-ingat ka lang sa pagmamaneho. Haay, ano ba yan, ang dilim na sa daan. Napakalakas na ng ulan."

Nakasilip lang ako sa bintana. Napakadilim na nga. Di ko malaman pero bigla na lang akong nakaramdam ng takot at kaba.

"Edwin, madulas na ang daan dito, mag-iingat ka."

"Opo Mommy. Alam ko po."

Napapangiti na lang ako kapag naririnig kong nag-uusap sina Mommy at Daddy ng ganyan, to the point na sobrang sweet nila sa isa't isa. Naalala ko tuloy ang tunay kong pamilya. Nasaan na kaya sila? Naaalala pa ba kaya nila ako? 

"Mommy, tulog na ba si Gia?"

Nagkunwari akong tulog nang lumingon sa akin si Mommy.

"Tulog na siya Daddy."

"Mabuti naman kung ganu—-"

* PEEP PEEP PEEEEEP *

"EDWIN, MAY SASAKYAN!!!!"

—-

"Mommy!" bigla akong napabalikwas sa sobrang takot.

Napatingin ako sa paligid ko at napakapit sa kumot ko.

Panaginip. Isa na namang napakasamang panaginip...

"Gia, okay ka lang?" 

Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Dr. Jane na bigla ring nagising mula sa kanilang mahimbing na pagkakatulog.

Tatango na sana ako pero namalayan ko na lang na pumatak ang luha sa mga mata ko.

I know...hindi na ako okay. 

At kailanman ay hindi na ako magiging okay...

Tumabi sila sa akin at niyakap nila ako. 

"That's okay. Nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan." at ngumiti sila sa akin. "Matulog na tayo ulit ha?"

"Dr. Jane, natatakot na po akong matulog ulit...lagi ko na lang po silang napapanaginipan.."

Inakbayan nila ako at hinawakan ang kanang kamay ko. 

"Magpakatatag ka lang palagi, okay? Pasasaan ba't malalagpasan mo rin ang mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa buhay." 

I made a deep sigh then I nod.

"Sige, matutulog na ako ulit. Matulog na rin po kayo. Goodnight Dr. Jane."

Ngumiti siya ulit at saka niya pinatay ang ilaw. Sinubukan ko nang matulog muli at mabuti naman dahil nakatulog na ako ng mahimbing.

(Next Day)

(Gianna's POV)

"Gia, ready ka na ba?" tanong ni Dr. Jane sa akin.

"Yup. Ready na po ako." sabi ko naman sa kanila.

"Heto na pala yung baon mo pati na rin ang allowance mo." sabay abot sa akin ni Dr. Jane ng baunan na may lamang pagkain at pera. "Wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na po Dr. Jane." sabi ko sa kanila.

Natawa sila sabay akbay sa akin. "Anak, hindi ka na iba sa akin. Kaya tawagin mo na lang akong Tita Jane ha? Kasi parang ang awkward masyado kapag Dr. Jane eh." 

"Okay po, Tita Jane." 

"Ay sige na, ihahatid na kita sa school at baka ma-late ka pa. Hahanapin mo pa ang room mo." 

"Sige po." at nagsabay na kami ni Tita na lumabas ng unit na tinitirhan namin.

(Kensington High School)

(Gianna's POV)

PAGDATING namin sa mismong gate ng school ay binilinan muna ako ni Tita Jane ng mga importanteng bagay bago sila tumuloy sa Cambridge Royal Hospital kung saan sila nagtatrabaho bilang surgeon.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang school building ay hindi ko mapigilang mamangha dahil talaga ngang maganda ang school na ito. Mula sa buildings hanggang sa gardens at parks ay talagang napakaganda ng pagkakatayo. Kung titignan ko, hindi lang bongga ang Kensington High School sa kanilang facilities kundi maging sa mga estudyanteng nag-aaral dito, kasi halos lahat ng mga estudyante ay mayayaman at walang nagpapatalo. May tatlong naglalakihang buildings ang school na gawa sa mga materials na ginamit din sa pagpapatayo ng Royal Palace sa London. Napakalawak din ng mga hallways at corridors kaya kapag dumaan ka sa hallway, tiyak na ikaw ang center of attraction dahil halos lahat ng mga mata ay nakatitig sayo. Nakita ko rin ang malaking gymnasium sa tabi ng Building 1 at gayundin ang kanilang auditorium at grandstand na katabi din ng gym. At nabasa ko din sa brochure na bigay sa akin ni Tita na may swimming pool pang nakatayo sa isa sa mga buildings ng school na ito. Kaya ganito na lang katindi ang paghanga ko sa mga nakikita ko.

"OMIGOSH!"

Nabigla naman ako nang marinig kong tumili yung babae sa gilid ko. Anong meron?

"Ano yun, Carla?!" - Girl 2.

"Andyan na sila!" sabay turo nung babae sa kumpol ng mga estudyante na tila ba may pinagkakaguluhan.

"OMG! Andyan na ang The Campus Heartthrobs!" at nagtititiling lumapit yung dalawang babae sa kumpol na yun. Hindi ko maiwasang ma-curious. Sino naman kaya yung mga heartthrobs na tinutukoy nila?

Dahil sa curiousity ko ay napilitan akong lumapit sa kumpol ng mga estudyante. Nakita ko ang pitong lalaking naglalakad sa gitna ng hallway. Napilitan akong gumilid para padaanin sila. May mga nagpapa-autograph pero hindi nila pinapansin. May mga nagpapa-picture pero tinatanggihan nila. At may nagbibigay pa ng gifts pero hindi nila tinatanggap. 

Nagsalubong na lang ang dalawang kilay ko at tinignan ang mga estudyanteng busy pang magpantasya sa apat na yun. 

Psh. Yan ba ang klase ng mga lalaking hinahangaan nila dito? Eh ang sasama naman ng mga ugali.

Kaysa sa pag-aksayahan ko pa ng oras ang mga lalaking yun ay hinanap ko na agad ang registrar's office para malaman ko kung saan ang section ko.

(IV-1 Classroom)

(Kath Rence's POV)

BUSY KAMI ni Satchel sa pag-aaral ng bagong formula na itinuro sa amin nung isang araw sa trigonometry nang biglang dumating si Ms. Nicdao. As usual, binati namin sila at gayundin sila sa amin.

"Anyways Satchel and Kath Rence, napakagaling ng performance ninyo sa preliminary competition ng Mr. Campus Prince and Ms. Campus Princess. Galingan ninyo sa finals ha? Malapit na yun, sa Biyernes na yun." nakangiting bati ni Ms. Nicdao sa amin.

"Thank you po Ma'am." sabi naming dalawa. Nagpalakpakan naman ang buong klase.

"You're welcome. Anyways, before we proceed to our previous lesson last day, magkakaroon pala kayo ng bagong classmate."

Nagulat at nagkatinginan ang mga classmates namin. Maski kami ng mga kaibigan namin ni Sachi ay nagtaka din. Sino naman kaya ang new classmate namin?

Nakita naming may babaing tumigil sa pinto ng classroom. Agad siyang pinapasok ni Ma'am.

"Okay class, she's Gianna Angela Cabrera, you're new classmate. She's from Eton International Academy of Science and niece of one of the popular surgeons in the country, Dr. Jane Diaz."

Nagpalakpakan naman ang mga classmates namin.

Tinignan kong mabuti ang new classmate namin at napansin ko ang napakalaking pagkakahawig ng mukha nung Gianna sa mukha ni Satchel. At mas naintriga ako nang makita kong may balat siya sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg...katulad ni Satchel.

Bakit naman kaya parang iba ang pakiramdam ko sa babaing ito? Dahil ba sa similarities nila ni Satchel? Common naman sa akin kapag may nakikita akong taong magkahawig ang itsura. Pero bakit iba ang pakiramdam ko sa Gianna na ito? Parang nararamdaman kong may koneksyon siya sa isa sa mga kaibigan ko. Pero sino naman kaya sa mga kaibigan ko yun? 

Haist! Kath talaga, kung anu-ano na ang iniisip mo dyan! Mag-focus ka nga muna!

Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang makita kong pinaupo na si Gianna sa tabi ni Yhannie. Muli'y naintriga na naman ako sa babaing ito pagkat pansin kong napakatahimik niya at hindi siya maiimikin. Nung mag-discuss na si Ma'am ay pansin kong siya ang palaging tinatawag para mag-recite at nakakasagot naman siya ng mahusay. Mas lalo tuloy naging kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya.

Haay...sino ka bang talaga...

Gianna Angela Cabrera...