webnovel

Disaster

Isa na namang araw ang lumipas never na tahimik ang mundo ko.. kanina lang ay naganap ang sunog sa pinuntahan kong kainan, buti ay nakaligtas ako. Tapos nung dumating ako sa eskwelahan ay may nagsaksakan malapit sa akin. Creepy right? Well it's my life.

Ewan ko ba, kung saan ako pumupunta ay may disgrasyang nagaganap o nangyayari. I think I am a distraction to this world. Thank God ni minsan sa bahay, wala.

"Alexia," tawag sa akin ni Tita... Step mom ko "Kumusta ang araw mo?"

"As usual po.. Ganon pa rin" pumunta ako sa refrigerator at kumuha ng tubig "Nakaka-pagtaka nga po eh, dito kasi sa bahay ni isang kaguluhan ay walang naganap maliban na lang ho sa minsang pagta-tampuhan at pag-babangayan niyo ni papa.. Pero kasi pag-asa labas ako ng bahay sobra po akong lapitin ng disgrasya"

"A-ah ganun ba? K-kung gayon... Mas m-mabuting nasa bahay ka muna, baka mapano ka"

Third person's pov.

"Sa-lu-do!"

"Kumusta ang pag-hahanap kay Alexia?" Natahimik ang lahat.

"Nasa mundo siya ng mga tao ngayon, Hari" tumango tango ako.

"Kung gayon, natunton niyo na ba ang kanyang tinitirahan?" pinag-masdan ko silang sabay sabay na umiling. "Mga estupido! Hanapin niyo sa madaling panahon at patayin! Hindi pwedeng makuha siya ng mga hréal!"

Hindi pwedeng mabuhay ang babaeng 'yun! Makasisira siya sa plano ko.

Flammea's (Step mom ni Alexia)

Malapit na sila. Di mag-tatagal ay mawawasak na ang barrier na nakapalibot sa bahay, matutunton na kami ng mga Wartzer.

Nag-lakad ako patungo sa attic ng bahay.

Kinuha ko mula sa kahon ang telepono. Ito'y hindi basta basta lang na ibinebenta sa mga mall. Dito ay ang paraan upang maka-usap ang mga imortal.

"Napatawag ka, Mea?"

"Pasensiya na kung naka-abala ako. Pero may kailangan tayong pag-uspan, tungkol ito kay Alexia"

(*Lumipas ang 4 na araw*)

Myra Everlasting's pov.

"Tahimik!" Ang kukulit ng mga batang ire. "Asaan na si Mr. Rellocoma?"

"Headmistress, padating na siguro si Thaddeus."

*Slam

"Fix your behavior Mr. Rellocoma" pumunta ako sa harap nila.

"Frances, Vaughnessa, Thaddeus, Blaize" sabi ko. "Kayo ang napili ko sa misyong ito"

"Yes!"

"Yes!"

Sambit ng dalawa na hindi ko pinili, tinaliman ko sila ng tingin.

"Pero hindi pa namin lubos na nalalaman ang aming kakayahan sa pag-gamit ng mahika" Frances

"Uh, basta nandito si Thaddeus okay lang." Vaughnessa

"Tama si Frances.. Nasa pangalawang taon pa lang kami, hindi bat' mga Scapethra ang dapat gumagawa ng mga misyon?" Blaize

"Hindi pwede, halos lahat ng Scapethra ay nasa misyon na dahil sinasanay sila sa pag-gawa ng mga techniques, 'yung iba na katatapos pa lamang sa misyon ay kailangang bantayan ang seguridad ng paaralan laban sa Wartzer, Isa pa kayo ang pinakamalalakas sa Fetal dept."

"It's fine, we'll take it. But if we succeed this mission, we'll be exempted on the upcoming test. Deal?" ang talino talaga ng batang ito.

"Oo naman.. Deal" sinabi ko kung kailan sila aalis at ang iba pang detalye sa mission.

"Kayo namang dalawa, hindi kayo exempted sa test. Kaya pag-igihan niyo ang pagre-review dahil mahirap-hirap ang pagsusulit na darating"

***

Alexia's

Lumabas ako ng bahay para i-sampay ang mga nilabhang kong damit.

Tsk, tsk. Hindi gaanong sikat ang araw, mukang uulan. I-dryer ko na lang kaya? Wait, sira ata 'yun.

"Tita!" tawag ko. Ilang beses akong tumawag pero hindi pa rin siya nasagot hindi ba nila ako naririnig?

Papasok na sana ako ng makarinig ng malakas na tunog.

*Boom!*

Tumingin ako sa paligid para hanapin kung saan iyon nang-galing. May nag-lliliparang ibon sa bandang kanluran, may mga usok din na sobrang laki at itim. Dumidilim ng lalo ang ulap at ang paligid.

"Alexia! Pumasok ka na sa loob." tawag sa akin ni papa. Agad akong pumasok sa loob ng bahay.

He looked so anxiously.

"Makinig ka," hinawakan niya ako sa magka-bilang balikat. "Umakyat ka sa taas ng bahay, sa attic. Naiintindihan mo?"

Na-ngunot ang noo ko, gusto kong pakalmahin si Papa. "Baki-"

"Basta!, Umakyat ka na. Nandoon ang tita mo naghi-hintay" niyakap ako ni papa, ng mahigpit. 'Yung tipong pinapahiwatig niya na aalis siya ng mahabang panahon.. Para bang mawawala siya, Ano ba Alexia?! Inalis ko sa isipan ang mga nabuong hinala sa akin.

Tinulak ako ni papa ng mahina papunta sa hagdan.

Lumayo siya ng konti sa akin at sinilip ang bintana, sobrang nabahala siya base sa kanyang ekspresyon.

Bigla na lang may sumuntok sa pintuan, parang katok pero sobrang lakas parang masisira na ang pintuan namin sa lakas pero hindi e, ang tibay pa rin.

"Alexia, anak. Tandaan mo mahal na mahal kita, nawa'y mabuhay ka ng masaya walang poot walang sakit. Pumili ka ng taong mamahilin ka ng gaya ng pagma-mahal ko siya." ngumiti siya sa akin ng sobrang lapad, "Akyat na!" malambing at malakas na sabi niya.

Kahit na-guguluhan kusang umakyat ang katawan ko. Ewan ko ba, pero parang may mali.

Nasa attic na ko, harap ko na 'yung pinto ng makarinig ng sigaw ng sakit. Nanlumo ako ng mabosesan ang sumigaw

S-si papa 'yun.

Ayokong mag-isip ng masama pero 'yun ang pumapasok sa isip ko at isa pa, 'yun ang posibleng mangyari.

Anong nangyayari? Tanong na sobrang bumabagabag sa akin hanggang sa binuksan ko na ang pinto ng attic.

"Alexia!" bungad ni tita sa akin. Nagulat ako ng makita na may iba pa palang tao rito, dalawang babae at dalawang lalaki. Naka-cloak sila which is weird.

Mag-sasalita na sana ako ng wisikan ako ng tubig ng isang lalaki. Hindi ko alam kung anong tubig 'yun pero nang-dumampi sa balat ko ang tubig na 'yun ay unti-unti akong nakatulog.

ayus ba?? sana ay nagustuhan niyo!

❤(ӦvӦ。)

clevlyncreators' thoughts