webnovel

this is how you fall in love (GL) [FILIPINO]

Isang babaeng lubog sa utang na may taong sasalo sa kanyang kahirapan. Ngunit may kapalit ito. Kaya bang itaya ang pagmamahal dahil lang sa pera? This is LGBTQIA+ story and available on WATTPAD!

leavamarie · LGBT+
分數不夠
22 Chs

Chapter 4 - One More Kiss

She kissed me in my cheeks.

Nakaramdam akong kakaiba. Eto ba yung feeling na kinikilig ka?

Pinagtutulungan ako ng mga kaibigan ni Ma'am Jacey at tumabi pa nga kanan ko. Sumingit lang siya kanan ko na katabi ko si Clint na ngayon ay si Ma'am Jacey.

Hiyang-hiya na ako sa pinanggagawa nila.

Hindi makagalaw katawan ko at mukhang nilahad niya ang kamay sa likod ko. Sa bawat ng pagkilos niya, kinakabahan ako.

Kinakabahan ba talaga ako?

O Iba na 'to?

Biglang pumasok sa isipan ko si Megan na mahal na mahal ni Ma'am Jacey. Kita ko ngayon na mukhang hindi siya masyadong masaya kumapra noong nagkita sila.

Iba yung ngiti niya kahit medyo masakit lang sa part niya na pagtaboy sa kanya ni Megan.

"Kayo ba?" may nagsalita at biglang may dumating na babae na nakablack dress ito pagkatapos niya magbeso sa babaeng katabi niya.

Tinutukoy kaming dalawa ni Ma'am Jacey.

Hindi ako makasagot.

"We're friends, Kacey." sabi niya at natuwa ang loka. At saka sumingit siya sa tabi ni Ma'am Jacey.

Tss. Nagtatawanan pa ang dalawa. Parang ngayon lang sila nag-usap. Nawala yung feeling ko kanina nang dumating si Kacey. Alam ko naman na maganda siya pero nakakainis man lang. Istorbo sa moment namin ni Ma'am Jacey.

Ang sikip at hindi ako komportable, "Guys, Alis muna ako." pagpapaalam ko at tumayo na ako.

Iniwan ko mag-isa si Ma'am Jacey at nagpahangin ako sa labas ng bar.

Habang nasa labas ako, kaliwa't kanan maraming naglalandian. Yung iba naman lasing habang naghihintay ng magsusundo sa kanila. Pati ba naman dito marami naglalandian.

Ako hinihintay ko lang naman si Ma'am Jacey at matapos ang araw na to. Gusto ko na rin umuwi.

"Akala ko mag-ccr ka lang?" nagulat ako kaya napalingon ako kung sino.

Si Clint.

"Ikaw pala." Nadismaya ako. Akala ko sinundan ako ni Ma'am Jacey.

As if naman susundan niya ako. E, busy naman siya sa kausap niya. Mukha tuloy ako loner dun kanina.

"Hinahanap ka ni Jacey." Ba't hindi siya pumunta dito? Kailangan pang ako pumunta. Kainis.

Naiinis pa rin ako sa pakiramdam kongi to. Parang gusto ko makasira ng pader.

"Dito muna ako magpapahangin lang. Ikaw? Ba't nandito ka?" tanong ko kay Clint at napansin kong may nilabas siyang sigarilyo at lighter.

Inipit niya ang sigarilyo sa bibig niya at sabay ito nagsindi para manigarilyo. Ah... magsisigarilyo muna siya.

Hindi ko gusto ang amoy pero si Clint naman ito mukhang bagay sa awra niya.

"About Jacey, do you like her?" tanong niya at tumingin ako.

"Hindi ah. Bakit ko naman gugustuhin yon?"natatawang sabi ko.

"Defensive mo naman." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Tinanong lang kita kasi mukhang badtrip ka kanina nung dumating si Kacey." Sabi niya.

Ang lakas naman ng radar nito, nakakaramdam ng tama si Clint.

"Hindi naman ako badtrip. Paano ako naging badtrip sa lagay na yon?" pagpapanggap kong sabi at umupo ako sa sahig. Umupo rin siya at tumabi sa akin.

"Sikip na sikip ka nga sa pwesto kanina, e. Halatang banas na banas ka sa tawanan ni Kacey at Jacey." Biro niyang sabi sa akin.

"Hay na'ko. May Megan pa yon."

"Alam mo naman mahal niya pa rin si Megan diba?" tumango ako.

"Pero tinataboy na siya ni Megan." Sabi ko.

"Kung hindi mo kilala si Megan, mas importante sa kanya ang pamilya niya kaysa kay Jacey. Hindi ko nga alam kung bakit minahal ni Jacey yan. Sa una pa lang, ayaw na namin sa kanya. Gusto pa nga niya itago ang relasyon nila ni Jacey dahil hindi siya out sa magulang niya. Pero nahuli namin ni Chloe na magkasama silang dalawa. Ang lakas talaga palagi ng kutob ni Chloe pagdating sa mga ganyan. Kung magiging kayo ni Jacey. Mahuhuli rin namin kayo." Natatawa niyang sabi.

"As if naman maging kami." Sabi niya.

"Bakit hindi? Bagay naman talaga kayong dalawa." Sabi ni Clint at tinapon niya ang sigarilyo niya.

"Alam mo si Jacey, pusong bato man sa iba pero pag nakakita sayo ng magandang pagmamahal sa ibang tao. Mahuhulog yan sayo." Sabi niya at ngumiti ako.

"Hindi nga kami. Driver lang niya ako." Sabi ko, "Tungkulin ko lang ihatid-sundo siya." Tumingin ako kay Clint para maging klaro sa kanya.

"Pero sumama ka kasi nag-aalala ka dahil sa bar pupunta siya." Bakit hindi ako tinatantanan ni Clint na wala talaga akong gusto kay Ma'am Jacey.

"Nabalitaan ko rin naman na yung dating driver niya umaabot ng gabi dahil nagb-bar si Ma'am Jacey. E, may inuuwing pamilya yung tao." Sabi ko.

Humarap siya, "May inuuwi ka rin naman ng pamilya, Scarlet. Bakit hindi ka na lang umuwi at iwan si Jacey dito sa amin. " Sabi ni Clint sa akin na seryoso.

Oo nga bakit hindi na lang ako umuwi ngayon? Tutal masaya naman siya ngayon.

"Your secret is safe with me, Scar." Sabi ni Clint at inakbayan niya ako.

"Clint?" kilala ko ang boses na yon.

Si Ma'am Jacey.

Kumalas sa pagka-akbay ni Clint sa akin at tumayo kami.

"What are you doing here?" inis na sabi ni Ma'am Jacey.

"Umuwi na tayo, Ma'am Jacey." Sabi ko at mukhang gusto manuntok nito si Ma'am Jacey kay Clint.

Hinila ko na si Ma'am Jacey papunta sa sasakyan dahil alam kong lasing na siya. Nagsorry naman si Clint sa akin at lalo na kay Ma'am Jacey dahil inakbayan ako.

Wala naman kaso sa akin yon. Friends lang naman kami ni Clint.

Kanina pang nakabusangot si Ma'am Jacey sa likuran kita ko sa rear-view mirror ng sasakyan niya.

"Gusto mo ba mahimasmasan? Punta tayo sa convenience store, Ma'am Jacey." Sabi ko sa kanya.

"Stop calling me, Ma'am. Masyado kang formal tumawag sa akin." Edi, wag. Masunurin naman ako. Sungit nito kanina lang ang saya-saya niya.

Nandito na kami sa convenience store at pinarada ko ito ng maayos. Pagkatapos, bumaba na ako para alalayan siya.

Pagkapasok namin, umupo agad si Jacey at hinihilot niya ang kanyang sentido. Ako naman busy ako sa pagkuha ng cup noodles sa kanya at tubig. Pagkatapos, binigay ko sa kanya ang cup noodles at tubig sa table.

"Kumain ka muna." Sabi ko sa kanya at pagkabigay ko nahawakan niya ang kamay ko kaya napatigil kaming dalawa.

Kahit mapupungay na ang mga mata niya, nakatingin pa rin siya sa akin ng seryoso.

"Anong meron sa mukha ko? Bakit ganyan ka makatitig?" sabi ko sa kanya at nagising ang diwa niya. Kinuha niya agad ang cup noodles at kumuha siya ng sabay at napaso siya nung sinubo ito.

"Dahan-dahan lang." natatawang sabi ko sa kanya.

Biglang may nagtext sa akin.

Hello~ Clint to. Enjoy sa time niyo ni Jacey. Sulitin mo na bago to bumalik sa dati.

"Nagmessage sa akin si Clint." Sabi ko, "Sino nagbigay ng number ko?" curious kong sabi sa kanya.

"Ako." Inis niyang sabi sa akin.

"Oh? Bakit naiinis ka?" Oo nga pala. Natural na pala mood ni Jacey.

"Wala. S-si Megan kasi hindi niya ako sinasagot sa call at message ko sa kanya."

"Baka blinock ka na." sabi ko sa kanya.

"Ganun ba yon?" sabi niya habang pinukpok niya ang cellphone. Kinuha ko yung phone niya para tingnan ito. Nagulat ako ang dami niyang missed call kay Megan.

"Akin na." Nakita ko sa contacts niya si Megan lang ang nakalagay doon. Hindi siya nagsasave ng contact ng mga kaibigan niya. Ang dami niyang kaibigan pero walang oras para ilagay yung mga contacts sa phone niya.

"Ilagay ko lang yung number ko dito. Kapag may emergency ako tawagin mo. Okay?" sabi ko sa kanya.

"Si Megan lang dapat nasa contacts ko." Sabi niya.

"Hindi nga sumasagot sayo diba? Imbes na siya ang tawagin mo, ako na lang."

Kulit nito ni Jacey.

"Bakit ikaw pa? Alam kong sasagutin ako ni Megan." Pamimilit niya sa akin.

"Di ba naalala mo pinagtatabuyan ka ni Megan? Do you think sasagutin tawag mo sa pangungulit mo sa kanya?" Sabi ko sa kanya. Kung kapatid ko to sarap ko ng murahin ito.

Pero si Jacey to. Alam kong bilin ni Megan na tulungan kong magmove-on si Jacey.

Napabusangot ito at kumain na lang ng cup noodles.

"So kamusta si Clint kasama?" tanong ni Jacey sa akin.

"Huh?" nagulat ako sa tanong ni Jacey tungkol kay Clint kung kamusta siya.

Alam ko lang naman pinag-uusapan namin siya.

Ano sasabihin ko?

Magpapanggap ako na malalim pinag-uusapan namin ni Clint?

"He's okay. Naninigarilyo pala siya." Sabi ko.

"Is that an issue to you?" tanong niya at umiling ako.

"Hindi naman. Pogi siya pero may bisyo." Sabi ko sa kanya.

"So.. turn off ka na nyan?" tanong niya at lumapit siya sa akin.

"H-hindi ah." Sabi ko at ang lapit niya sa akin. Nilapag niya ang cup noodles. Mukhang ubos niya na ito.

Biglang may nagtext ulit.

Kaya agad ko itong tiningnan.

We need to talk soon. May sasabihin kami ni Chloe sayo.

Ano kaya pag-uusapan namin?

"Type mo nga." Pagkukumpirma ni Jacey habang may iniisip ako. Narinig ko naman ang sinabi niya pero binalewala ko na lang ito kahit hindi naman totoo.

Baka ikaw type ko.

Pero ano kaya yung message sa akin ni Clint?

Nakita kong humikab si Jacey at mukhang antok na ito. Kailangan na namin umuwi.

"Uwi na tayo." Sabi ni Jacey at tumayo na kami at pumunta sa sasakyan niya. Ako ang nagmaneho.

Pagdating namin sa bahay niya, ginising ko siya pero ang himbing ng tulog niya. Nakatalikod siya sa akin ngayon habang bukas ang kanan na pinto.

Kailangan ko siyang pilitin gumising.

"Gising na, Ma'am Jacey." sabi ko sa kaniya at gumalaw siya.

"Wait lang, Megan. Tulog muna ako." sabi ni Jacey at humarap siya sa akin at sa braso ko siya nakatulog.

"Ma'am Jacey, gising na po. Si Scarlet po ito yung driver niyo." Tinapik ko siya para magising at namulat niya ang mata sa kaliwa.

"Scarlet? Wala akong kilala." sabi niya at inalalayan ko siya tumayo. Buti na lang sumunod siya.

Pati ba naman dito si Megan pa rin ang nasa isip mo.

Bakit hindi na lang ako?

Hays. Ano ba tong nasa isip ko.

Nandito na kami sa kwarto niya at inihiga ko ito ng maayos. Tinanggal ko ang heels niya sa paanan niya.

Kinumutan siya at nagulat ako hinila niya ako. Mga mukha namin na sobrang lapit na namin sa isa't isa ngayon.

Bigla niya akong hinalikan. Bakit hindi ako makakalas sa halik niya? Bakit parang gusto ko manatili na ganito kaming dalawa? Ang lambot ng labi niya.

Gusto ko sigawan siya kung bakit niya ako hinalikan pero alam kong akala niya si Megan ako.

Hindi tama to. Nagpapakatanga lang ako kaya kumalas na sa halik niya sa akin.

"Megan, dito ka muna." sabi niya na nakapikit pa rin ito. See? Si Megan pa rin nasa isip niya ngayon.

Megan pa rin bukangbibig niya.

Kanina pa siya nakakapit sa leeg ko pero humiga na lang ako sa tabi niya. At dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niya habang himbing ito sa tulog.

Naantok na rin ako. Alam kong nagkahalikan kami pero hindi ko feel dahil bukambibig niya si Megan.

Dapat bang ma-feel ko?

"Mahal mo pa rin ba ako, Megan?" tanong niya habang nagsleeptalk ito.

Kung ako si Megan, baka 'Hindi na' ang isasagot ko nito.

Pero kung hindi ako si Megan...

'Gugustuhin pa lang kita'

ang sagot ko sa tanong mo, Jacey.

***

Ang sarap ng tulog ko at ang lambot ng kama.

Wait.... Pagkamulat ng mata ko, hindi ito ang bahay ko. Nasa bahay ako ni Jacey. Tumingin ako sa bandang kanan ko na wala na si Jacey. Omayghad! Nakakahiya magkatabi kami natulog. Shemay! Nakakahiya talaga. Bumangon agad ako at napafacepalm ako. Biglang may kumatok at binuksan ang pinto kaya napalingon ako.

"Breakfast is ready. Bumaba ka na." sabi ni Jacey kaya nataranta ako na tumayo agad.

"Hindi na ako mag-uumagahan. Sa bahay na lang namin." sabi ko dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ngunit pinigilan niya ako.

"Ako ang dapat wala ihaharap sayo. Inalagaan mo ko nung lasing ako kaya please dito ka na mag-umagahan." seryosong sabi niya at kita kong sincere siya sa sinasabi niya.

Pero kasi... hays.

"Sige na. Pero sandali lang ako. Hinahanap na ko sa bahay." sabi ko at tumango siya.

Sinundan ko siya pababa at nakita ko ang katulong ni Jacey na naghahanda ng pinggan.

"Please prepare for two." sabi ni Jacey sa katulong niya at napansin kong nagulat din siya nandito ako ngayon. Oo alam niyang galing ako sa taas kaya alam kong nagtataka rin ito.

Ayokong pagchismisan kami dito. Pero wala alam kong pagchichismisan na kami nito.

Umupo na ako sa harap ni Jacey na nakayuko lang ako. Kumuha ako ng egg pero parehas lang kami ng kukunin.

"Sayo na lang." natatawang pilit sabi ko.

"Hindi sayo na lang. Ham na lang akin." sabi niya sabay kuha ng ham at nilagay niya sa pinggan niya.

NAgkahiyaan pa sa pagkain. Kumain na lang ako.

"May n-naalala k-ka ba kagabi?" nahihiyang tanong niya sa akin.

Nabilaukan ako at agad na uminom ako ng tubig sa baso.

"Sure kang gusto mo maalala kagabi nangyari?" natatawang sabi ko.

"May mali ba ako nagawa? Nagsex ba tayo or..." sabi niya at natawa lalo ako.

"Anong sex ka dyan. Wala akong balak sayo ha? Wala nangyari kagabi. Tulog ka lang sleeptalk ganun. Bukangbibig mo si Megan as always." sabi ko at wala rin nangyari na hinalikan mo ko.

"Buti na lang walang nangyari." bigla siyang nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko sa kanya.

As if naman kaya kong patulan siya? Type ko lang siya pero hindi naman ako ganung tao para pansamantalahin pagkakataon.

Nakaramdam ako ng pag-ihi kaya tumayo agad ako.

"Kailangan ko lang magcr naiihi ako." sabi ko at tumango siya.

Dali-dali akong pumunta sa cr at umihi ako. Pagkatapos, pagkabukas ko... Si Jacey ang bumungad sa harapan ko.

Nilapitan niya ako at napaatras ako sa loob ng cr. Napasandal ako sa pader. Nilapit niya ang mukha sa akin.

"May nakalimutan kang sabihin sa akin?" tanong niya.

"Ano yon? W-wala naman."

"Kiss?" sabi niya.

"Anong kiss?" kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Klinaro niya ang boses niya, "Did we kiss?" tanong niya sa akin.

Umiling ako kahit alanganin ako sumagot dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Tinulak ko siya at umalis ako sa pwesto. Nagpatuloy ako umalis sa cr.

"I am so curious bakit hindi mo masabi na hinalikan kita?"

Napahinto ako sa paglalakad.

Alam niya.

Alam niya na naghalikan kami.

Ngayon nagkatinginan kaming dalawa ng matagal.

"Let's forget about the kiss. Hindi naman importante yon." sabi ko sa kanya at iniwan ko siya kahit medyo kurot sa puso nararamdaman ko ngayon.

Like it? Add to Library!

Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @leavamarie

> twitter: @leavamarie

This story is also available on Wattpad!

leavamariecreators' thoughts