webnovel

this is how you fall in love (GL) [FILIPINO]

Isang babaeng lubog sa utang na may taong sasalo sa kanyang kahirapan. Ngunit may kapalit ito. Kaya bang itaya ang pagmamahal dahil lang sa pera? This is LGBTQIA+ story and available on WATTPAD!

leavamarie · LGBT+
分數不夠
22 Chs

Chapter 3 - Kiss

Umuwi na si Megan pagkatapos ang araw ng kalasingan ni Ma'am Jacey. Huwag ko raw kalimutan yung bilin niya sa akin at binigyan niya pa nga ako ng pera para sundin ko yung inuutos niya sa akin.

Hindi ko nga sana tatanggapin pero naalala ko kailangan ko ng pera pambayad sa utang ko. Kaya tinanggap ko.

Madali lang naman ang bilin niya. Tulungan ko lang naman makamove-on si Ma'am Jacey.

Bigla ako napabusina sa isang motorsiklo na sumingit sa harapan namin.

"Look what you're doing. Mamamatay tayo hindi oras eh." pinagalitan pa nga ako ni Ma'am Jacey.

"Eh siya yung sumingit sa harapan natin. Hangga't may kalsada pa sa gilid sumisingit pa siya." inis na sabi ko kaya naman sa inis ko tinapakan ko ang gas.

"Mag-ingat ka nga." sabi ni Ma'am Jacey, "Let's go to Megan House." utos niya sa akin kaya naman tinapakan ko yung brake dahil nasa stoplight kami.

"Hindi po pwede. Pinagbawalan ako pumunta tayo," napatingin ako sa rear-view mirror na nakakunot-noo siya.

"Bakit? Ako ang nag-utos sayo. Pupunta tayo. Driver kita remember?" sabi niya at umiling ako.

"Kahit pumunta tayo, Ma'am. Hindi talaga pwede," pamimilit ko pero ayaw niya pa rin magpatinag.

"Pupunta tayo dahil sinabi ko." iritang sabi niya kaya naman wala na akong magawa kundi sundin ang utos niya.

Siya ang amo kaya wala rin ako magawa kundi siya ang masunod sa aming dalawa. Pero bahala siya kapag hindi siya pinapasok do'n, huwag niya akong sisihin.

Pagkarating namin sa bahay ni Megan, nagbusina ako para buksan ang gate kaya naman may lumabas na lalaking guard at kinatok ang bintana ko.

Binuksan ko ang bintana at pinagmasdan kami ng guard at kumaway ito kay Ma'am Jacey.

"Hello po. Pinagbabawal po kayo ni Madam Megan." sabi ng guard at lumingon ako kay Ma'am Jacey na mukhang naiirita na siya.

Lumabas siya ng sasakyan at kinausap ang guard.

"Papasukin mo kami. Kilala mo naman ako diba?" sabi niya at napakamewang ito.

"Hindi talaga pwede po. Binilin po sa amin ni Madam, bawal na po kayo dito." rinig kong sabi ni guard na napakamot ito ng ulo.

May napansin ako sa side mirror na malaking van pumara sa likod namin. May lumabas na magarang babae na naka dress ito at puno pustora. May kasama itong alalay na tagapayong sa kanya.

"Anong kaguluhan dito sa harap ng bahay ng anak ko?" mukhang nanay ni Megan ito at sumilip siya sa bintana na nakasara ito. Sinusuri niya kung sino ang nakasakay dito.

"Tita, si Jacey ito." sinalubong ng yakap ni Jacey ang mama ni Megan. Pagkatapos, kumalas ito sa pagyayakap.

"Oh! Jacey You're here. What's wrong?" concern na sabi ng mama ni Megan kaya naman hinila ang braso ni Ma'am Jacey sa kagawian niya.

"Hindi po kasi kami pinapasok." Ngayon ko lang nakitang nahiya si Ma'am Jacey. Sa harap lang talaga ng pamilya ni Megan ganito siya kabait.

"Ano ka ba, Kuya! Papasukin niyo sila. That's my order!" sigaw ng mama ni Megan at pinagbuksan kami ng gate.

Naglakad na lang sila papasok ng bahay. Ako naman nauna na para iparada sa parking lot ang sasakyan.

Pagkatapos, lumabas ako para maghintay dito kahit napakainit. Napansin din ako ng driver dahil kaharap lang nakaparada ang kotse nila. Pansin ko rin na magkamukha rin ang sasakyan na sinakyan ng mama ni Megan.

May isang babaeng kasambahay na hingal na hingal.

"Ma'am," pinunasan niya ang pawis niya, "Pasok daw po kayo sabi ni Madam." sabi nito at tumango ako.

"Sige papunta na ako. Salamat." sabi ko at umalis na agad ang kasambahay.

Ba't ba ako pinapasok? Hindi naman ako invited? Driver nga lang ako, e. Actually dapat nasa labas lang kami pero naalala pa ako ni Megan.

Nakarating ako sa may sala ng bahay at nakita ko ang mga picture frame ni Megan kasama ang mga pamilya niya.

"Busy ka dyan ha?" nagulat ako sa nagsalita at napalingon ako kung sino ito.

"Megan, ikaw pala," nagbesuhan kami at pagkatapos naglakad kami.

"Pasensya na ha? Naistorbo ka namin ni Ma'am Jacey." hinawakan niya ang braso ko at napatigil kami sa may hagdanan.

"Si Mommy naman nagpapasok kaya okay lang. Kamusta na si Jacey?" concern na sabi niya.

"Well, eto siya. Habol nang habol sayo. Hirap na hirap akong patigilin siya." sabi ko sa kanya at natawa siya.

"Maganda kasi ako." proud niyang sabi at nagmake-face ako sa kanya.

"Buti pa lang isang beses ko pa lang ginagawa. Paano pa kaya kapag araw-araw?" naiiling kong sabi at tawang-tawa siya.

"Masasanay ka rin sa kakulitan niya." sabi niya at inakbayan niya ako.

Papunta na kami sa sala at nakita namin nakaupo na ang mama ni Megan at si Jacey na tinitingnan kaming dalawa kung bakit kami magkasama.

"Ba't magkasama kayo?" tanong ni Ma'am Jacey sa akin. Umupo muna ako bago sagutin siya.

"Nagkasalubong lang kami." bulong ko sa kanya at nakumbinsi ko siya kaya naman nagfocus siya tumingin kay Megan.

Ngayon parang linta siya makatingin kay Megan. Kanina pa nga naiilang si Megan sa kanya at iniiwasan tumingin din.

"So, how's work, Jacey?" tanong ng mommy ni Megan na kumuha siya ng ulam para sa kanyang pinggan.

"I'm doing well, Tita. CEO na ko ng Company namin," napauwang ng bibig ang mommy ni Megan.

"Buti naman at hindi ka busy para puntahan si Megan," ngumiti si Jacey sa sinabi ng mommy ni Megan.

"Yes, Tita. Hindi naman po ako busy pagdating kay Meg," nabulunan si Megan at sinuntok niya ang dibdib niya habang inaabot ng Mommy ni Megan ang baso niya.

"You two just like a sisters. Kung pinanganak ko lang kayong dalawa, masaya kayo as sisters," pinigilan kong tumawa at siniko ako ni Ma'am Jacey. Nagpeace sign ako sa kanya.

Kung alam mo lang, Tita. Nagmamahalan yang dalawang yan. Grabe makahabol yung isa dyan sa anak niyo. Parang linta nga tumingin, e. Kanina ko pa minamatyagaan kaso hindi ko masuway baka masamain niya.

"Ay! Alam ko na!" she was pointing at Ma'am Jacey, "Ikaw ang magiging abay ng kasal ng anak ko." excited na sabi nito pero napatingin ako kay Ma'am Jacey na hindi nasisiyahan sa nalaman niya.

Ako naman nabulunan kaya naman kumuha ako ng pitsel para punuin ang baso ko at uminom ako.

"Kasal?" seryosong tanong ni Ma'am Jacey, "Kasal talaga, Megan?" inulit niya at tinawag pa niya si Megan na mukhang natataranta si Megan kung paano niya sasabihin ng maayos.

"Ano kasi... I am getting married. Yay," sabi ni Megan na nagpapanggap itong excited. Pero mukhang hindi excited si Ma'am Jacey. Nakikita ko sa mukha na bwiset siya.

"Tita, kausapin ko lang po si Megan," sabi ni Ma'am Jacey sabay tayo nito para puntahan ang pwesto ni Megan. Hinila niya ito paalis ng dining room.

Nakaramdam ako ng pag-ihi kaya magpapaalam ako ako, "Mag-ccr lang po ako saglit," pagpaalam ko sa mommy ni Megan.

"Go ahead," pinayagan ako kaya naman agad ako tumayo para pumunta ng cr.

Hindi ko kabisado 'tong bahay ni Megan kaya dumeretso na lang ako hanggang makarating ako sa isang kwarto. Bubuksan ko na sana kaso nagulat ako may tao pala.

Sina Megan at Ma'am Jacey. Anong ginagawa nila?

Sinara ko dahan-dahan ang pinto. Dumeretso ako sa kabilang room na nakalagay ito ng comfort room. Pumasok ako para umihi. Pagkatapos lumabas ako.

Sinilip ko sila at narinig ko na nag-uusap silang dalawa.

"Please sabihin mong hindi totoo yon," rinig kong nagmamakaawa si Ma'am Jacey kay Megan.

"I am sorry, Jacey. Magpapakasal talaga ako," sabi ni Megan.

Gusto talaga ni Megan magpakasal. Si Ma'am Jacey ayaw bumitaw at hinahayaan lang ni Megan. Iba talaga nagagawa ng love. Magpapakatanga hanggang marealize mong hindi na tama.

"Gusto mo naman ako diba?" napansin kong umiling si Megan.

"Hindi kita gusto, Jacey. Maraming beses ko na sinasabi sayo yan," she lied.

"Hindi ako naniniwala."

"Pwes maniwala ka. You need to accept na hindi ako para sayo, Jacey." kita kong nadidismaya sa mga sinasabi ni Megan sa kanya kaya naman hinawakan niya ang kamay pero pumiglas ito, "Tama na, please? Nasasaktan ka lang sa pinanggagawa mo," umiiyak ngayon si Ma'am Jacey pero nakatalikod na si Megan kaya naman ako nagpanggap na naglalakad paalis sa kwarto.

Rinig kong sinara niya ang pinto, "Scarlet, nandito ka pa kanina?" umiling agad ako.

"H-hindi ah. Nagcr lang ako," sabi ko sa kanya at nakumbinsi ko naman na nagcr lang talaga ako.

"Nando'n sa kwarto si Jacey. Umuwi na kayo. Ayoko na siya makita pa," sabi niya at hinawakan niya balikat ko kaya naman agad siyang umalis.

Wala na talagang pag-asa maayos ang lahat.

Dumeretso ako sa kwarto at kita kong pinupunasan ni Ma'am Jacey ang luha niya. Buti na lang may bitbit akong handkerchief kaya pinakita ko sa kanya.

"I don't need that." sabi niya sa akin.

Sobrang kulit niya talaga. Basang-basa na nga ang kanyang kamay kakapunas niya. Ayaw pa rin tanggapin panyo ko na binigay sa kanya.

"Let's go. We're going to the bar," tumayo siya kaya naman tumayo na rin ako.

Eto na naman tayo sa bar. Iuuwi ko na naman siyang lasing. Napailing na lang ako at sinundan siya.

Kita kong ang lamya niya maglakad kumpara kanina. Ba't ba ang hilig niya pumunta sa bar? Ang mamahalin ng drinks don at ang crowded pa atsaka sobrang ingay magpatugtog ng dj.

Sumakay kami ng kotse at nagsimula na ako magmaneho papunta sa gusto niyang puntahan.

"Gusto ko mapag-isa. Kaya iwan mo na lang ako pagkarating natin."

"Hindi pwede. Sasamahan kita. Baka gusto mo maulit mangyari nung isang araw na tinungga mo yung drinks ni Megan," pag-alalal kong sabi sa kanya at napansin ko sa rear-view mirror na kumunot-noo siya.

"No I won't. I just drink a few drinks there then uuwi na ako," sabi niya.

"Ah basta! Sasamahan kita," pagpupumilit ko pero nakita kong sinamaan niya ko ng tingin.

Hindi uubra tingin mo sa akin.

Tahimik lang siya sa byahe at nakatingin lang siya sa bintana. Nag-iisip siguro ito. Ikaw ba naman magpakatanga sa taong hindi ka naman paninindigan. Ramdam ko siya kaya hindi ko na siya pinilit na huwag uminom kasi alam kong kailangan niya rin. Mismong kailangan niya rin ng masasandalan kahit ako na lang maging sandalan niya.

Sasamahan ko siya kahit saan man siya pumunta.

Nandito na kami sa Queenie's Bar at bumaba na siya. Kinuha ko ang susi at tumakbo ako para sundan siya.

"Don't follow me," hindi niya ako kayang tigilan sa ginagawa ko ngayon sasamahan ko talaga siya.

Pagkapasok namin sa bar, sumalubong sa aming dalawa ang malakas na tugtog ni dj at mga lalaking gusto maki-hook-up pero dedma ang ate niyo. Nasa likuran lang ako ni Ma'am Jacey.

Mga ilang sandali lamang may lumapit sa kanya na grupo.

"Welcome back, Jacey!" sinalubong ng yakap si Ma'am Jacey at tinulak niya ito papalayo ang lalaki na nakaleather jacket ito with ripped jeans.

"Don't touch me." iritang sabi niya at napataas ng kamay ang lalaki.

"Okay. Okay." natatawang sabi ng lalaki.

May lumapit sa akin na babae at hinila niya ko sa kaliwang braso ko, "So, you just bring your date? Akala ko si Megan." sabi nito.

"She's not my date. She's my dri-" hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Ma'am Jacey.

"I'm her friend." sabi ko sa kanila at sabay sila napa-'Ah!'

"Friend ba talaga?" duda sabi ng tropa ni Ma'am Jacey.

"I'm Chloe." inalok niya ko ng handshake at tinaggap ko naman ito.

"Scarlet." pagpapakilala ko at ngumiti siya.

"So we are college friends ni Jacey." sabi ni Chloe sa akin at hinila niya ako papunta sa couch. May katabi akong naka-eyeglasses na napatingin din siya sa akin.

"Who is this girl, Chlo?" tanong ng katabi ko kay Chloe na habang busy siya sa pagrerefill ng drinks.

"Scarlet. Friend ni Jacey." sagot nito.

Nasa kalagitnaan ako na hindi ako komportable sa sitwasyon ko dahil napagitnaan ako ng mga tropa ni Jacey.

Hinahanap ko si Jacey, hindi ko mahanap.

"Looking for Jacey?" tumingin ako kung sino pero itong katabi ko nagsalita.

"Yes. Saan siya?" seryosong tanong ko pero hinanap niya rin kung nasaan siya pero wala rin.

"Kasama siguro niya si Faye." Ano ba naman iniwan niya ako mag-isa dito sa mga kaibigan niya.

"Clint nga pala." inalok din niya ko ng handshake at tinanggap ko rin, "First time magdala ni Jacey ng babaeng hindi namin kilala." kinalabit niya si Chloe at tumango naman ito.

"Oo nga noh? Puro si Megan kasama non palagi, e." sabi ni Chloe at tumabi sa akin. May nilatag na baso siya para sa akin at binuhos niya konti ang Cuervo sa baso ko.

Alam kong matapang tong alak na nilalagay niya sa baso ko dahil nakainom na rin ako dati nito noong kasama ko pa ex ko.

"So friend lang ba talaga kayo ni Jacey? Walang something?" tanong sa akin ni Chloe at napatingin din ang mga tropa ni Ma'am Jacey sa akin.

Shet! Help me. Hotseat na ko dito, Ma'am Jacey.

"Friends lang kami. Walang something." sabi ko at napa-'Weh?' ang iba sa akin. Mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Tanungin natin kung straight ba siya or hindi. Kayo naman masyado kayong fast eh." malakas na pagkasabi ni Chloe at biglang dumating si Ma'am Jacey na nakatingin din sa akin. Nagulat siya sa sitwasyon ko.

Feeling ko namumula pisngi ko.

"Straight ka nga ba?" ginawang microphone yung empty bottle ng Cuervo nito habang sinasabi niya ito.

"Straight ako." Napa-'aww!' ang mga tropa ni Ma'am Jacey.

Gusto ba nila mabaliko ako? Natawa na lang ako sa kanila.

"Parang nadismaya kayo ah." tumatawang sabi ni Clint na katabi ko.

"Expected namin na siya na papalit kay Megan. Eh nabalitaan ko nga na magpapakasal na si Megan." sabi ng katabi ni Ma'am Jacey at walang preno ang pagkasabi nito..

Siguro si Faye ito na sinasabi ni Clint kanina.

"Jacey, totoo ba?" concern na sabi ni Chloe.

"Yes." tipid na sagot ni Jacey at uminom siya ng bitbit niyang baso.

Tumahimik ang paligid at gumitna agad si Chloe.

"Okay. Laro na lang tayo ng spin the bottle with a twist ng truth or dare." sabi niya.

"Baduy ng game mo, Chloe." sabi ng katapat kong lalaki at nagtawanan sila pero walang pakealam si Chloe at tinawanan lang niya ito.

"Okay. Game na!" sigaw ni Chloe at may dala siyang coke na bote.

Pagkatapos, inikot niya na ito at tumapat kay Clint.

Ligtas ako.

"Truth or truth. Joke! Truth or Dare?" tanong ni Chloe habang nakatapat ang empty cuervo na ginagawa niyang mikropono kay Clint.

"Dare na lang." pili ni Clint at napaisip si Chloe at may nagbulong sa kanya na lalaking katapat ko na naka-loose tshirt na black na may kwintas ito na malaki.

"Alam ko na. 5 seconds kiss with someone you like." sabi ni Chloe at tumayo na agad si Clint. Nagkagulo ang lahat ng magtrtropa dahil tinutulok nila ang babae malapit kina Faye at Ma'am Jacey.

Hinalikan ito ng 5 seconds at kumalas ito pero tinulak pa rin ng mga lalaki si Clint para patagalin ito pero umatras na siya. Bumalik na siya sa tabi ko. Kita kong natulala lang si ate girl at panay tulak ng mga katabi niya.

"Okay! May nabiktima na tayo sa unang dare. Sino kaya ang next? Gusto ko matapat sa newbie natin, e." sabi ni Chloe at nakatingin sa akin ang lahat. Nakakahiya anoba!

Huwag naman ako, please?!

Inikot na ni Chloe at dahan-dahang tumapat sa akin. Nagsigawan ang lahat at first time kong nakitang tumawa si Ma'am Jacey.

Ayoko ng dare! Pero baka sabihin nila ang KJ ko kung Truth pipiliin ko.

"Dare or dare?" biro sabi ni Chloe, "Joke ulit! Truth or Dare? Pero mas maganda kung Truth sabihin mo. Saka na yung dare. Sa susunod mo na lang visit dito sa bar." sabi ni Chloe at napangiti ako dahil pumabor sa akin ang tadhana.

"Truth." pili ko at tumingin ako kay Ma'am Jacey na busy ito umiinom.

"So, may pag-asa bang mainlove ka sa babae? Pero okay lang naman kung hindi mo sagutin pero iinom ka nga lang."

Bakit ba pinipilit nila ako mabaliko? Straight nga ako.

"Straight ako pero hindi natin alam. Malay niyo diba?" nakita kong naghiyawaan ang mga kaibigan ni Ma'am Jacey. Tumingin si Jacey na mukhang na-amuse siya sa sinabi ko.

"So guys, may ibabaliko tayo." nagtawanan ang mga tropa ni Ma'am Jacey sa sinabi ni Chloe at napailing na lang ako natawa. Ang saya naman ng mga kabonding sila.

"Balik na tayo sa spin-the-bottle!" sabi ni Chloe at inikot naman niya ng malakas ang bote ng coke. Dahan-dahan na tumapat kay Ma'am Jacey.

"Jacey! Jacey! Jacey!" sigaw ng mga boys kay Jacey na hinihila ito sa gitna kasama si Chloe.

"Sinadya mo to!" inis na sabi ni Jacey at tinawanan lang ni Chloe. Inakbayan niya ito at minasahe.

"So eto na nga. Parang gusto ko ng Dare for Jacey. Pero siyempre tatanungin ko kung ano gusto niya." sabi ni Chloe at tinapat niya ang mikroponong bote ng Cuervo sa kanya.

"Truth or Dare, Jacey?"

"Truth na lang." walang gana sabi niya at napa-boo! ang lahat.

"Dare! Dare! Dare!" sigaw ng mga boys sa kanya at sinamaan lang niya ng tingin pero sige pa rin sila sa pagsigaw ng dare.

"Dare daw!" sabi ko at napatingin sila sa akin. Biglang nagtawanan ang mga kaibigan ni Jacey.

"Dare daw sabi ni Scarlet." sabi ni Chloe at napakamot-ulo si Ma'am Jacey.

"Sige. Dare." ani ni Ma'am Jacey at biglang naghiyawan ang mga boys.

"Kiss mo nga yung type mo." sabi ng nakaloose na tshirt na malaki ang necklace nito.

"Oh!" tinaas ang kamay ni Chloe, "Hindi ako nagsabi nyan. Si Yvon nagsabi." natatawang sabi ni Chloe.

Tumingin sa akin si Ma'am Jacey na seryoso pero umiwas siya ng tingin at panay ikot ng tingin niya sa mga kaibigan niya.

Pero sa huli, nagkatingin na naman kami sa isa't isa.

Lumapit siya sa akin akmang lalapitan niya ako pero hindi ako ready.

Alam kong babae ako pero... basta! Iba pakiramdam ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi.

At nagsimulang naghiyawan ang mga kaibigan niya.

Like it? Add to Library!

Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @leavamarie

> twitter: @leavamarie

This story is also available on Wattpad!

leavamariecreators' thoughts