webnovel

This Girl (Tagalog)

Si Chantal Fay Ackerman ay isang ordinaryong babae pero may nakakahangang abilidad. Maraming nakakapansin ng mga achievements nya ngunit hindi parin nya makuha ang atensyon ng kanyang mga lolo't lola. Lahat ay napapahanga. Lahat ay napapabilib. Ang lahat ay kaya nya kahit di mo inaasahang kaya nya. Ngayon, alamin natin ang kwento ng ating bidang si Chantal. Lahat ay mamamangha. Lahat ay bibilib.

Gummy_Sunny · 青春言情
分數不夠
15 Chs

Chapter 5

- - - Chapter 5 - - -

- Chantal's POV -

Pag-upo ko sa loob ng restaurant ay maya-maya ay sumunod na silang lahat sa akin. Nakatingin sa akin si Lake na parang nagmamakaawa.

"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong. Bigla naman syang nag-iwas ng tingin.

"Tsk. Ang hirap pag-maganda." Bulong ni Ivy. Napatingin naman ako sa kanya tapos tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Anong sinasabi mo dyan, sis?" Tanong ko.

"Sabi ko ang hirap maging maganda. Sana nagmana nalang ako sayo." Saad nito at humarap.

"Hindi naman ako maganda, ehh. Tyaka, maganda ka naman, ahh? Gusto mo bang gumanda? Ayosan kita." Nakangiti kong alok. "Ayosan kita bukas, ha? Agahan mo bukas, ha?" Nakangiting tanong ko. Tapos ay natahimik kami ulit tapos tumawag ako ng waiter para kumain na kami.

"What's your order, ma'am?" Tanong ni Julia tapos natigilan ito. "Ahm... Ma'am, you're familiar." Saad ni Julia.

"Ahm..." Lang ang nasabi ko at tinanggal ang salamin ko tapos tinitigan sya. Tapos umawang ang labi nito na parang nagulat.

"Shh..." Saad ko at sumenyas sa kanyang wag maingay. Tapos kinuha na nya ang order namin at makalipas ang ilang minuto ay bumalik sya kasama ang order namin.

"Ma'am, gusto nyo po ba ng chopsticks?" Nakangiting tanong ni Julia.

"Sige." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Tapos ay umalis na sya.

"Loyal customer ka ba dito?" Tanong ni Ashley.

"Ahm... Parang ganon." Saad ko at ngumiti sa kanila.

"Ma'am ito na po chopsticks nyo." Saad ni Julia saka umalis na ulit. Inayos ko ang pagkakahawak sa chopsticks ko at kumuha ng In-order ni Ryan tapos kumagat. Pagkagat ko ay napapikit ako sa sobrang sarap.

"Uhm... Ang hawap(Ang sarap)." Saad ko habang ngumunguya. Pagkatapos kong maubos ang kunuha ko kay Ryan ay yung kay Ian naman ang kinuhaan ko. Hanggang sa lahat na ng pagkain nila ang natikman ko. Napatigil ako dahil nakatingin silang lahat sa akin.

"Anong tinitingin-tingin nyo?" Tanong ko.

"Wala. Ang... Weird... Mo lang." Saad ni Leon.

- Third Person's POV -

Lahat ay nakatingin kay Chantal habang kumakain sya.

"Hindi ba kumakain sa bahay to?" Saad ni Lake sa utak nya.

"Hala. Babae ba talaga to?" Tanong ni Ian sa utak nya.

"Nakakahiya ka talaga, Fay." Saad ni Brent sa isip nya tapos ihinilamos ang kamay sa muhka.

"Anong tinitingin-tingin nyo?" Biglang tanong ni Chantal.

"Wala. Ang... Weird... Mo lang." Saad ni Leon.

"Kain na kayo. Sorry, ganyan lang talaga yang si Fay... Th. Kasi, nasanay syang ninanakawan ako pagkain. Kaya ginawa nya rin sya inyo." Nakangiting saad ni Brent pero may halong pang-aasar.

"Bwesit ka, Brent. Kumain ka nalang ang dami mo pang sinasabi. Muhka ka rin namang unggoy." Saad ni Chantal/Faith at inirapan si Brent. Tatawa-tawa namang sumubo si Brent. Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay biglang nagtanong si Lake.

"Saan ba ang bahay mo, Faith?" Tanong ni Lake.

"Its a secret. Kayo dapat makahanap ng bahay ko." Nakangiting saad ni Faith.

"Sa kanila ko lang sasabihin." Pag-tukoy ni Faith kila Ivy. "For sure, mapagkakatiwalaan ko naman siguro kayo diba?" Tanong ni Faith. "Total, kaibigan nyo na ako. Ayokong magtago ng kung ano-ano sa inyo. Pero sana, wag nyong sirain ang tiwala ko." Nakangiting saad ni Faith pero may kasamang banta.

"Faith..." Mahinang saway ni Brent. "Wag mo silang takutin, Faith." Saad ni Brent.

"Okey, I'm sorry kung natakot ko kayo. Sige, bilisan nyo nang kumain, tapos ipapahatid ko na kayo ka---" naputol ang sasahin ni Faith ng biglang magsalita si Lake.

"Ok lang. Malapit lang naman to sa school, diba? Maglalakad nalang kami pabalik don, tapos doon na namin kukunin mga kotse namin." Saad ni Lake.

"Okey, bahala kayo. Maglalakad lang din ako, ehh." Saad ni Faith.

"Bat ka pa maglalakad? May van naman tayo, ahh?" Gulat na tanong ni Brent.

"Brent, maglalakad na lang ako. Syaka magkaiba ang dereksyon natin. Wag kang pabida." Masungit na saad ni Faith at inirapan si Brent. Pagkatapos nilang kumain ay nagbobotuhan sila kung sino magbabayad.

"Ako na kasi!" Sigaw ni Ryan.

"Mas mayaman ako sa inyo. Kaya ako na magbabayad." Mayabang na saad ni Lake.

"Tangina, mayaman din ako. Kaya kong bilhin buong Quezon. Wag kayong paepal. Ako ang magbabayad." Mayabang na saad ni Leon.

"Kaya kong bilhin pagkatao mo. Ako ang magbabayad." Mayabang na sabat ni Ian.

"Ako." Saad ulit ni Lake.

"Ako nga!" Sigaw ni Ryan.

"Ano ba? Ako nga diba?" Inis na saad ni Leon.

"Hindi, ako na nga ang magbabayad." Saad ni Ian.

"Papiliin nyo nalang kaya si Faith." Saad ni Angel na ikinagulat ni Chantal/Faith.

"Oo nga. Mamili ka nga kung sinong magbabayad." Saad ni Ian.

"Mga gonggong. Wag na kayong mag-abala. Tara na. Si Brent na bahala dyan." Saad ni Faith at tumayo tapos lumapit ito kay Brent at hinalikan si Brent sa pisnge.

"See you tomorrow." Malambing na saad ni Brent. Pabiro naman syang sinapak ni Faith.

"Ang landi mo, tangina ka. Wag kang lumapit sa akin. Baka mapatay kita." Biro ni Faith. "May update na ba?" Biglang seryosong saad ni Faith. "Wala pa bang sinabi si Boss?" Tanong ni Faith na ipinagtaka nila. "Update mo ko." Saad ni Faith at naglakad na. Pero ilang hakbang palang ang inilalayo nya ay humarap ulit sya.

"Hindi ba kayo, uuwi?" Tanong ni Faith at sumenyas na sumunod na. Agad namang sumunod sa kanya apat na lalaki. Nang mapansin iyon ni Faith ay humarap sya ulit kila Brent. "Ohh, Ivy? Hindi ba kayo sasabay?" Tanong ni Faith.

"Magpapahatid kami kay Brent." Saad ni Ivy at ngumiti. "Ingat ka, Faith." Saad ni Ivy at kumaway-kaway.

"Sige, ingat din kayo. Hoy, Brent. Ingatan mo mga kaibigan ko, ha? Susuntukin ko muhka mo." Biro ni Faith at itinaas pa ang kamao nya at saka kumaway ulit kila Angel.

"See you tomorrow, Faith." Sabay na saad nila Angel at Ashley.

"See yah." Saad ni Faith at naglakad na palabas ng restaurant.

- Chantal's POV -

Naglalakad na kami ngayon ng apat na gonggong dito sa may gilid ng kalsada. Dahil gabi na, wala namang masyadong sasakyang dumadaan. Nang makalabas kami kanina sa building ko ay hindi parin sila nagsasalita.

"Oyy." Mahinang saad ko at nagpalit-palit ng tingin sa kanilang apat. "Oyy, Ryan. Oyy." Saad ko at parang nagmamakaawa sa kanilang magsalita sila. Tinitigan naman nila akong parang awang-awa sila sa akin.

"Hayts." Parang hirap na hirap na buntong-hininga ni Lake.

"Oyy." Saad ko na naluluha na. Parang nataranta naman sila ng makita nilang may luhang tumulo galing sa mata ko.

"Ok, eto na. Wag ka nang umiyak." Saad ni Leon at niyakap ako. "Shh... Wag ka nang umiyak." Saad ni Leon habang hinihimas ang likod ko tapos binitawan na ako.

"Malapit na tayo sa school." Saad ko at tumingin sa may parking lot. "Mag-ingat kayo, ha? See you tomorrow." Saad ko at bumitaw na kay Leon saka ako nag-deri-deritso ng lakad.

Malapit na din bahay ko. Kunting lakad nalang.

Pagkatapos ng isang minutong paglalakad ay narating ko narin ang bahay ko. Napatitig ako sa gate at nakita kong mga mga dugo doon.

Mga bobong spotnik kasi. Tsk!

Umiling ako at binuksan ko ang gate.

Shempre, high-tech din yan. Kailangan mo ng blackcard bilang susi. Pero kung makalimutan ko ang blackcard ko ay may back-up password at passcode yan.

Pagpasok ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magbihis.

Bwesit na mga teacher yan. May project agad pagkatapos ng exam. Oh, well. Next week pa naman iyon. Sa linggo ko nalang gagawin.

Nagbago ang isip kong magbihis. Pumasok ako ng cr at binuksan ang mainit at malamig na tubig. Nang mapuno na iyon ay inilagyan ko na iyon ng bath soap at saka ako naghubad at inilubog ang sarili ko sa bathtub.

Habang nagbababad ako sa bathtub ay bigla kong naalala ang pinsan kong si Bea. Sya ang pangalawa sa pinakabata sa aming magpipinsan. Sa aming magpipinsa ay Si Kuya ang pangalawa sa pinakamatanda, ako naman ang pangatlo, tapos si Beana, si Bea, tapos ang kapatid kong si Chandler.

Ang pangalan ng kuya ko ay Chad. Ako si Chantal at ang bunso naming kapatid ay si Chandler. 7 years old palang sya at magkasing edad sila ni Bea pero mas matanda si Bea ng apat na buwan.

Kinuha ko ang phone ko sa may table na katabi ko at di-nial ang number ni Tita Betty. Pagkalipas ng ilang ring ay sinagot na nya.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Tita.

Shempre, masungit sya. Lagi naman, ehh. Kaya magkavibes sila ni Mommy, ehh. Parehas masungit.

"Pwede ko po bang isama sila Bea at Chandler bukas? Manonood po kami ng movies at mag-a-arcade." Tanong ko.

"Sige. Basta wag mo silang gugutumin. At wag mong papagurin. Wag mo din hayaang magkapawis si Bea lalo na si Chandler dahil sakitin ang mga batang iyon. Hindi kasi nagmana sa iyo mga batang iyon. Sige, iuwi mo sila. Wag kayong magpapaabot ng 9PM." Madadang habilin nito at pinatay na ang tawag.

"Tsk. Kung makahabilin parang dadalhin ko sila sa mall. Ehh, dito ko lang naman sila dadalhin sa bahay." Saad ko sa sarili ko at umirap sa hangin. Akmang ibabalik ko na ang phone ko ng biglang may tumawag ulit. Si Mommy.

"Hello, Mom?"

"Ilalabas mo daw ang mga bata?" Masungit nitong saad.

Tsk. Ayan nanaman sya.

"Opo." Saad ko.

"Sige. Anong oras mo ba sila susunduin?" Tanong nito.

"Mga 5PM po. Diretso na po ako dyan galing sa school." Saad ko.

"Sige. Ipapasama ko si Chad dyan."

"What?! Mom naman?!" Gulat kong saad. "Mom, ngayon ko lang masusulo ang mga bata. Pagbigyan nyo naman ako." Saad ko.

"Hindi, wala akong tiwala sayo. Isasama mo ang kuya mo." Madiin nitong saad.

Hindi naman masakit. :)

"Mom, please. Ako nang bahala sa mga bata. Hindi ko na po kailangan si Kuya. Kaya ko pong alagaan ang mga batang yon." Saad ko at pinatay na ang tawag. Pagkatapos ay pinatay ko na ang phone ko dahil mag-su-su-sunod na ang tawag nila. Tumayo na ako at dri-nian na ang bathtub. Saka ako tumapat sa shower at sinabi ang password. Saka bumukas ang shower.

Pagkatapos kong magbanlaw ay nagpunta ako ng walk-in-closet ko at nagbihis ng pantulog. Dahil na bored ako ay binuksan ko ulit ang phone ko at doon na timambad sa akin ang mga missed calls at messages.

Tatlo kay Daddy, isa kay Mommy, tatlo kay Tito, dalawa kay Lola, tatlo kay Lolo, at apat kay Kuya. Ang messages naman ay galing kila Ashley, Angel, Ivy, Brent, at sa apat na ulupong. Meron pang sa pamilya ko.

Lake the unggoy:

Hey, nakauwi ka ba ng safe? Good night. See you tomorrow.

Ryan the Clown:

Hi, Faith. I'm home now. Hope you get home safely. See ya.

Ian the sungit:

Hoy, nakauwi na ako. Mag-ingat ka.

Leon the kuting:

Hi, see you tomorrow.

Baby Ivy:

Hi, Faith. Nakauwi na ako. See you tomorrow. Sabi mo 6PM, diba? Punta ako ng maaga sa address mo bukas. See you.

Ashley the Matapang:

Hey, Faith. Punta kami bukas sa bahay mo.

Angel malabs:

Hi, It's Angel. See you tomorrow, Faith. Love you.

Ang s-sweet naman nila. Naalala pa ako. Pero lintik na Brent yan. Pinamigay ang cellphone number ko ng walang pahintulot. Hindi maaari iyon. Mag-hihiganti ako!

Beana:

Hoy, sagutin mo daw ang tawag nila Grandma and Grandpa.

Kuya:

Chantal, please answer our calls.

"Tsk. Ganyan naman kayo, ehh. Pag may kailangan kayo saka nyo lang ako naaalala." Saad ko sa sarili ko at inilagay ko na ang phone ko sa bedside table ko. Biglang uminit ang ulo ko ng biglang tumunog ang phone ko. Bigla ko itong sinagot ng hindi tinitignan ang caller.

"Ano ba?! Natutulog na ang tao, ehh." Inis kong saad.

"Oww... I'm sorry." Saad galing sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang phone ko at tiningnan ko ang caller.

Shit! Si Ryan!

"A-ahh... Im sorry, BabyRy. Inaantok na kasi ako." Saad ko.

Ohh. Don't judge me, ganyan talaga tawag ko sa kanya.

"It's ok. By the way, nakauwi ka ba ng maayos?" Tanong nito sa akin.

"Uhm... Yez, ikaw ba? Bat ka nga pala nambubulabog? Natutulog na yong tao, ehh."

"Wala lang gusto ko lang malaman kung ok kalang. See you tomorrow, ok? Sige, Sleep tight, Faithful." Saad nya at pinatay na ang tawag.

Faithful? Ang weird.

Napailing ako dahil sa naisip ko at saka ko inilagay sa bedside table ang phone ko. Ipinikit ko ang mata ko pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ako dinadapuan ng antok. Tumayo ako at pumunta ng kusina.

Shuta! Yung cake pala na pinapagawa ng kaibigan ni Kuya!

Pagbaba ko ay binuksan ko ang switch kahit pwede ko namang sabihing lights on pero dahil masipag ako ay ako na ang nagbukas tapos doon ako gumawa ng cake.

Nang matapos ako ay tiningnan ko ang wallclock ko. 10:43 PM palang. Pagkatapos kong ilagay sa box ang cake ay umakyat na ako at doon na ako nakatulog.

- - - To Be Continued - - -