webnovel

The Wrath Of Jupiter (Tagalog/Filipino)

Portia Jade Montenegro cares about only one thing, ang iahon ang kaniyang sarili sa kahirapan. She only wanted to earn money but who would've thought that she would earn the love and lust of his unpredictable and ruthless boss too?

Luzparadise_ · 青春言情
分數不夠
13 Chs

Sais

"Sir!? Ano ginagawa mo dito?" gulat kong ani muli.

Kumunot ang noo niya. "Why? Am I not allowed to be in here?" tumaas ang kilay niya.

Doon ko na realize na ang pangit ng approach ko sa kanya. Binangga ko na nga siya dahil hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko tapos natapunan ko pa siya ng shake at nadumihan ang suot-suot niyang puting suit tapos kinuwestiyon ko pa kung bakit siya andito.

Gustong-gusto kong sakmalin ang sarili ko para umayos ako pero hindi ko ginawa. Masakit iyon eh, mahal ko sarili ko kaya ayoko saktan sarili ko.

Umiling-iling ako dahil sa mga iniisip ko at dali-daling tumayo. "Naku po Sir! Sorry po!" I said in an apologetic tone.

"Hindi ko po kasi nakita ang dinadaanan ko, masyado kasi akong naaliw sa nakapalibot sa akin. Hindi ko sinasadya." Mangiyak-ngiyak ko na sabi.

"What's so nakakaaliw he--" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng nagsalita ako ulit.

"Sorry po talaga, Sir. Nadumihan ko pa ang puting suit mo," nagpapanic ko na sabi sa kaniya at sabay kuha ng dala kong panyo na nasa bulsa ko. "Aalisin nalang po muna natin iyong dumi tapos ibigay niyo na lang po sa akin ang pang itaas ng suit niyo, ako na ang maglalaba."

Naiiyak ako habang binibigkas ang mga katagang iyon. Nanginging ang kamay kong hawak-hawak ang panyo habang pilit ko na nililinis ang suot-suot ng boss ko na nasa harapan ko.

"Hey," tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Mas nag focus ako sa pag alis ng dumi na nasa puting suit niya.

I frozed nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko na may panyo, natulala ako habang tinitingnan ang malaki niyang kamay na nakahawak sa maliit at matigas kong kamay. Nararamdaman ko na unti-unting umiinit ang dalawang pisngi habang pinagmamasdan ko ang magkahawak na kamay namin.

Pakiramdam ko tumigil ang mundo sa hindi ko malaman na dahilan. Na bo-boang na ba ako? Hindi ko maintindihan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"Hey..." Pagtatawag niya sa akin muli na siyang ikina dahilan kung bakit ako naibalik sa huwisyo. "Are you okay?" Nagaalalang tanong niya, he looks so concerned na mas lalong ikinainit ng pisngi ko.

"You're so red, do you have a fever?" Kumunot ang noo niya pero may bakas pa rin na pag alala sa boses niya.

And that's when I snap into reality, dali-dali akong umiling sa kaniya. "Ah! Hindi po Sir! Wala po akong lagnat." Nahihiya kong sabi sa kaniya sabay iwas ng tingin.

Napalunok ako. I'll try to change the topic, nakakahiya talaga itong sitwasyon ko ngayon!

"Sorry po pala Sir! Hindi ko talaga sinasadya." Paghihingi ko ng paumanhin ulit.

"I know, don't worry." Sabi niya, nagiba agad ang tono ng boses niya. A monotone voice.

"Bilang paumanhin Sir, lalabhan ko na po iyang suit niyo."

"No need," sagot niya na siyang ikinanguso ko.

"Sorry po talaga, Sir." Nakayuko kong sabi sa kaniya.

"Don't be, I am okay and this is just a little mess." Ani niya sabay tingin sa suit niya.

Mas lalo akong napayuko dahil sa kahihiyan at pagsisisi. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang chin ko at ipinataas iyon.

"Chin up," he said in a dignified tone. Napalunok naman ako dahil sa ang lapit ng mukha niya sa akin. Bahagya siyang nakayuko para siguro magka-level ang mukha namin, mas mataas siya sa akin habang ako naman ay maliit.

Napatili ako ng may biglang nagsalita sa likod naming dalawa, napaayos ako ng tayo at si Sir. Jupiter naman ay dahan-dahan na inalis ang kamay niya sa chin ko at tiningnan ang nasa likod namin.

Kumunot ang noo ko nang makita ko na isa iyong babae, the girl behind me looks really pretty. She wore a heavy makeup which matched her red dress, medyo naka curl ang buhok niya at pulang-pula ang mga labi niya.

Taas baba niya akong tiningnan habang nakataas ang dalawang kilay niya na siyang ikinakunot ng noo ko. Nang matapos niya akong tingnan ay binaling niya ang tingin niya kay Sir. Jupiter.

"What is happening here?" Maarte niyang sabi habang nakataas ang dalawa niyang kilay. Lumakad siya papalapit kay Sir. Jupiter at iniwasan niya ang natapon ko na shake sa sahig.

Napapitlag ako when she suddenly gasped. "What happened to your suit!?" gulat niyang sabi sabay pagpag sa suot na suit ni Sir. Jupiter.

Tiningnan ko silang dalawa, the girl looks pissed as he looks at Sir. Jupiter suits tapos si Sir. Jupiter ay parang walang pakialam. Galit ako na nilingon ng babae na siyang ikinalunok ko ulit, alam ko na paniguradong alam na niya kung sino ang may pakana kung bakit madumi ang suot ni Sir. Jupiter.

"Is this your fault!?" naiinis niya na sabi at napayuko naman ako.

"Yes po, I am sorry." Nakayuko kong sambit.

Kasalanan ko naman talaga eh, alangan naman mag sinungaling ako? Hindi ako pinalaking sinungaling ng nanay ko no! Tsaka, I acknowledge my mistakes.

"Do you know that we have to go on a dinner?" umiling-iling ako sa sinabi niya, she sighed.

"Look at you! You look like a mess!" pagkakausap niya kay Sir. Jupiter, iniiwas ko ang tingin ko dahil ang mga tingin ni Sir. Jupiter ay nanatili sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kung naiilang ba ako o nahihiya.

"Do you know this girl?" Tanong ulit ng babae sabay turo sa akin. Tumango si Sir. Jupiter at kita ko kung paano kumunot ang noo and how she squinted her eyes ng babaeng nasa harap namin.

"I do know her," simpleng sagot ng boss ko at tinapunan ako ulit ng tingin. "She is my secretary," he said nonchalantly.

Tinapunan ako ulit ng tingin ng babaeng nasa harap ko "Oh, really?" kita ko kung paano siya umismid at umirap sa kawalan.

Pero mabilis niyang pinalitan iyon ng isang pekeng ngiti sabay abot ng kabay niya sa akin.

"I didn't know you allowed to hire low maintenance people in your company, Jupiter." She laughed na siyang ikinainis ko. Ano ang pinaparating nito sa akin? Inaano ka ba siya?

"By the way, I am Kourtney Saxon. Fiancée of your boss," Nakangiti niyang sabi. Napanganga ako at baka siguro napansin iyon ng babaeng kaharap ko.

"You heard it right, I'll soon be his wife." She said at diniinan ang katagang wife sa harap ko.

Pakiramdam ko ay nabingi ako at biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko maintindihan, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang tinitingnan ko ang babaeng nagngangalang Kourtney na lumingkis sa braso ni Sir Jupiter.

I'll update tomorrow! Thank you for reading!

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Luzparadise_creators' thoughts