webnovel

Melinda Gabao

A quiet and rainy morning, panahon na pinakapaborito ko lalo na't walang ingay, walang sigawan, walang awayan, walang sisihan akong naririnig.

Gan'to siguro talaga kapag napagdesisyunan mo ng bumukod. Oo mahirap, ikaw lahat ang gumagawa-- paglalaba, pagluluto, lahat na! Nakakapagod lalo na't nakakastress maging senior high.

"Ang bata mo pa, ano ba't bubukod ka? Kung gagawin mo yan, tandaan mo, wala ka ng uuwian dito. Marunong ka na mag-isa di ba? Baka naman may kasama kang lalaki don kaya gusto mong umiba ng bahay?! " umalingawngaw na naman ang hinala ni mama sa tenga ko nung nagpaalam ako na magdorm. Nakakawalang gana tuloy kumain. Oo na, alam ko, syempre, sino ba namang ina ang gugustuhing lumayo ang anak sa puder nya? Kaso kasi imbis na marelax ako pag-uwi galing school lalo akong naistress sa sigawan nila ni papq. Buti na lang si papa suportado pa din ako kaya may pambayad ako kahit papano dito sa tinutuluyan ko. Alam siguro nya ang agony na kasama si mama araw-araw. The bunganga and all. Saka ang lapit lang naman ng nilipatan ko, 2 blocks away lang sa bahay and... wala akong kasamang lalaki! Gustong-gusto ko yang isigaw sa harap nya, kaso ayoko namang masampal. Wala ngang nanliligaw... !

"Linda! Tara na! Late na tayo!"

"Wait! Ito na! "

"Tagal mo namang kumilos. Bilis mo kumain, tagal mo naman sa cr. Ano? Natitibe? MyGhad Linda, kalerki ka. Sabi mo maaga tayo ngayon? "

"Oo na. Excited ka nga ang aga mo kumilos. Nagulat ako 5am pa lang kumikilos ka na. 8am pasok natin uy. "

"Enebe. Di ba napag-usapan na natin to? May laro sina Ashie ko."

"Sa hapon pa yun Allie."

"I know right, pero di ba may morning routine sila ngayon? Syempre manonood tayo. "

"Bakit ba kasi dapat kasama pa 'ko dyan sa panonood mo? Nagja-jogging lang naman sila, anong magandang panoodin don? "

"Yaaannn, nagagawa ng kakaaral, di mo na nakikita ang ganda ng likha ng Diyos. Mag-appreciate ka naman ng mga lalaki sa paligid."

"What for? "

"Look! OMG! ASHIE!! Notice me! "

Nasa school na pala kami. Wasn't able to notice since hinahanap ko ang point ni Allie habang naglalakad kami. Di ba? Kasi what for? Para san pa na mainlove kung masasaktan din naman ako sa huli. Advance ako mag-isip kaya I know na at the end, isa lang naman ang kinahihinatnan ng lahat, to be left behind. Kaya wag na lang. I don't like heartaches, I don't like to be broken. Not at all! In any way possible.

"You know Allie, let's go. It's almost 8am. We're late. Lagot na tayo kay mam."

"1 minute, Linda, 1 minute. "

" Almost 30 minutes na tayo dito. Ni tingnan ka nyang crush mo di man lang magawa. "

"We have to learn the art of waiting, besh. Titingin din yan. Isang sulyap lang Ashie, please, for motivation lang. "

"Don't tell me na you'll sacrifice yourself over the wrath of Mam Pearl para lang sa isang sulyap nyang... "

"OMG! tumingin sya dito Linda! "

"Then I think we can now go? "

At last, nakaalis na kami and muntik lang ma-late. Nagtataka ako, why waste time for someone na di mo naman sure kung gugustuhin ka? Para ka lang nagsusuicide non, di ba? Ikaw na mismo nagtrap sa sarili mo para masaktan in the end. That's why ako, never kong naifocus ang sarili ko sa isang guy. Never... ever... would that happen.