"nally wake up!!" nagising ako sa sigaw ng aking magaling na kuya sa tabi ko.
"kuya ang aga pa please get out!" inaantok kong sagot sakanya sobrang puyat ako last night dahil may isang libro akong tinapos na sobrang ganda ng kwento kaya 3am na ako nakatulog.
"it's already 6in the morning and your class will start at exactlt 8am!" this time niyugyog na ako ni kuya dahilab kung bakit tinangal ko ang kumot na nakabalot saken! nakakainis wala pa ako halos tulog!
"fine! fine! magaasikaso na ako just leave me alone okay? nakakainis ka naman kuya!!!" nagdadabig akong bumangon sa kama at sinadya kong ibato sakanya ang kumot na hawak ko at pati na rin ang nadampot kong unan.
"hindi ko na kasalanan kung nagpuyat ka nanaman ng dahil sa bagong bili mo na libro!" akmang aalis na si kuya ng lumingon sya ulit saken "ang please pakibilisan mo ang pagligo dahil malilintikan nanaman ako kay mommy dahil hindi nanaman kita ginising" humakbang na palabas si kuya at sinarado na ang pinto.
inis na inis akong pumasok sa banyo para maligo nakakainis inaantok pa ko! tinatamad pa naman ako pumasok sa school dahil makikita ko nanaman si Agustus kasama anf girlfriend nyang kunwaring anghel sa langit na bumaba sa lupa!
pagtapos kong magasikaso bumaba na ako para mag almusal, nakita ko pa si mommy at daddy na nakaupo na sa hapagkainan agad na ngumiti saken si mommy pagkakita saakin.
"Goodmorning anak.." malambing na bati saken ni mommy at humalik sa aking pisngi ganun din ang ginawa ko kay daddy na busy magbasa ng dyaryo. ganto kami lagi sabay sabay kumaen ng agahan sobrang malapit ako kay mommy pati narin kay daddy dahil kahit sobrang busy sila sa kanilang trabaho ay nagagawa parin nila kaming paglaanan ng oras ng aking kuya.
speaking of kuya mas nauna pa akong bumaba sakanya eh sya nga itong madaling madali saken narinig ko na ang kanyang mga yabag pagdating na pagdating nya sa lamesa.
"akala ko ba ayaw mo ng mahuhuli bakit ang tagal mo? mas matagal kapa saken kumilos! kanina kapa namin hinihintay alam mo ba yun?!" sermon ko sakanya natawa nalang sila mom samin dalawa ganto lang ang senario dito sa bahay para kaming aso at pusa kung magtalo.
"pwede ba nally bigyan mo naman ng katahimikan ang umaga ko araw araw ka nalang ganyan pasalamat ka nga at ginising pa kita kanina" sumbat naman ng napakagaling kong kapatid hindi ko naman sinabi na gisingin nya ako no! pabor nga saken ang matulog at wag nalang pumasok
"tumigil na kayong dalawa kumaen na tayo at baka mahuli pa tayo sa kanya kanya nateng lakad" sabat ni daddy at kumaen nalang kami ng tahimik.
pagpasok ko sa classroom ay nakita ko na agad si agustus kasama ang kanyang girlfriend na si shane! agad kumulo yung dugo ko ng makita kong hinalikan ni gust si shane sa pisnge! ang malanding to! kunwari pa if i know gustong gusto nya naman.
ewan ko ba kung bakit patay na patay ako dito sa lalaking to sabagay gwapo naman kasi sya at hindi maikakaila na madaming nahuhumaling sakanya. maganda rin si shane at sobrang bait daw pero alam kong nagtatago lang yan sa maskara nya ang kanyang totoong ugali ayaw nyang masira ang pagiging campus angel nya tsk!
agad akong umupo sa aking upuan sa pinaka dulo at saktong madadaanan ko ang kanilang pwesto sinadya kong banggain si shane ng malakas.
"aray!" gulat na sabi ni shane habang hawak nya ang kanyang nasaktan na braso agad namang inalalayan ni gust ang kanyang girlfriend na maarte. napaka arte naman nito parang nabangga lang.
"ano ba! tumingin ka nga sa dinadaan mo bulag kaba? o sadyang tanga ka lang?!" galit na sigaw saken ni gust
"kayo ang nakaharang sa daanan sa tingin mo sino ang tanga saten?" mataray na sagot ko sakanya! hayop kang agustus ka! pasalamat ka patay na patay ako sayo kung hindi pinatay na kita!
"babe it's okay kasalanan naman talaga naten kasi nakaharang tayo sa daanan" mahinanong sabi ni shane at tumingin sa akin "pasensya kana nally" at ngumiti ito ng matamis. gusto kong masuka sa ginawa nya saken
"sa sunod wag kayong tanga at tumabi nalang kayo" mataray na sagot ko at dumiretso na sa upuan ko nakita ko pa kung paano manlisik ang mga mata ni gust saakin. tumingin ako sa bintana at tinignan ang malawak na sakop ng paaralan na ito hindi ko alam kung hanggang kaylan ako masasaktan at hanggang kaylan mawawala yung pagtingin ko sa hayop na gust nayan. naalala ko pa noon kung paano ko sya nagustuhan.
2years ago...
nandito kami ngayon ni mommy sa bahay ng kaibigan nya dadalawin nya daw ito dahil ito lang magisa sa bahay na nilipatan nya pero ngayong andito kami ay sakto din na dumating ang kanyang pamangkin.
"ayan naba yung anak mong bunso? malaki na pala at ang ganda" titig na titig na sabi saakin ni tita monica. nahiya naman ako sa paraan ng kanyang pagtitig parang may nais itong iparating saakin na hindi ko maintindihan.
"ano kaba monica wag mong takutin ang aking anak" hinaplos ni mommy ang mahaba kong buhok. "magtataka kapa ba kung bakit maganda ang anak? eh maganda ang nanay" tumatawang sabi ni mommy.
natawa narin si tita.
"oo nga naman magtataka paba ako? pero parang may kamukha sya si -"
"tita? andito na po ako!" naputol ang sasabihin ni tita dahil sa isang binatilyo na pumasok, agad naming nilingon ang bagong dating at ganon na lamang ang pagkatulala ko sa kanyang napaka gwapong mukha. matangos ang ilong, mahaba ang mga pilik mata, makapal na kilay, magulo ang kanyang buhok pero hindi ito nakabawas sa kanyang kagwapuhan bagkos ay mas tumingkad ang kanyang kagwapuhan dahil sakanyang ayos matangkad ito at kayumanggi ang kulay. parang huminto ang aking mundo sa aking nakita at dito ko naramdaman ang kakaibang tibok ng aking puso.
"nally ayos ka lang ba?" agad akong natauhan sa tanong ni tita, mygod!!! ano bang nangyayari saken bakit natulala ako ng ganon sa lalaking to.
"oo nga pala sya ang aking pamangkin si gust, sasamahan nya ako rito" nakangiting sabi ni tita at humalik naman sa kanyang pisnge ang binata... hmmm so gust pala ang pangalan ng pogi na to?
nagulat ako ng biglang tumayo si mommy.
"aalis na kami madami pa pala akong gagawin" nagmamadaling sabi ni mommy
nagtaka naman ako sa kilos ni mommy bakit parang bigla bigla naman yata?
"nally lets go!" nagmamadaling sabi ni mom at hinatak na nya ako. ngumiti nalang ako kay tita na takang taka sa kilos ni mommy...
pagkalabas na pagkalabas namin sa bahay ni tita monica ay binitawan ako ni mom.
"mom what's wrong?" i ask her nagtaka ako sa biglang reaksyon ni mom
"stay away from him nally! stay away from that guy do you understand?" mataas na boses na sabi nya saakin.
"what?! why?" bakit ako pinapaiwas sakanya ni mom? masama ba syang tao?
"just do what i say!! lets go home!" agad na pinaandar ni mommy ang sasakyan.
"hey bakit ang lalim nanaman ng iniisip mo, nagseselos ka nanaman no? maaga nanamang nasira ang umaga mo?" naputol ang pagbabaliktanaw ko dahil sa sinabi ni shelly she's my bestfriend. alam na nya kapag naging tahimik ako
"ano pa nga ba? hays! feeling maganda yang shane na yan akala mo naman sobrang bait may sungay din na itinatago yang babae nayan" naiinis na sabi ko habang tinitignan silang dalawa na sweet akala mo wala sa school daig pa ang nasa motel!
"kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa bulagta yang dalawa nayan" natatawang sabi ni shelly at agad na umupo sa tabi ko
"kung pwede lang talaga pumatay bes" napahalakhak nalang sya sa sinabi ko at agad na dumating ang professor namin hindi ko na ulit nilingon sila gust at shane dahil alam kong masasaktan lang ako sa makikita ko. itinuon ko nalang ang aking atensyon sa tinuturo ng aming guro.
Late na natapos ang last subject namin dahil nag extend ang prof namin dahil malapit na ang exam day ay marami na itong pinapagawa samin.
"susunduin kaba ng kuya mo?" tanong sakin ni shelly habang sabay kaming naglalakad palabas ng school
sasagot na sana ako ng mahagip ng mata ko sa parking lot si gust at shane na magkayakap, agad akong napahawak sa dibdib ko ng may kumirot dito, ganito lagi kapag nakikita ko silang magkasama parang may gustong mawasak sa sa loob ko.
hindi ko maiwan na hindi magselos sa tuwing magkasama sila. Iniisip ko pano kung ako yung kayakap nya? masaya kaya sya gaya ng pagiging masaya nya kapag kasama nya si shane?
"huuy!! tulala ka nanaman dyan! kung ako sayo ibabaling ko nalang sa iba yung atensyon ko, bes wake up sinasaktan mo lang sarili mo itigil mo nayang nararamdaman mo" natauhan ako sa sinabi ni shelly totoo naman lahat ng kanyang sinabi pero hindi ko alam may numumuo sa loob ko na pagasa. tama ba na umasa pa ako? tama ba na sirain ko ang relasyon ng dalawang nagmamahalan?
napabunting hininga nalang ako at nagtuloy tuloy na sa paglalakad naramdaman kong kumapit sa braso ko si shelly at humilig sa aking mga balikat.
"huwag ka mag alala nally andito pa naman ako kahit ayaw nila sayo walang magbabago sa pagsasama naten" napangit ako sa sinabi nya saakin. "maraming salamat shelly"
pagkarating namin sa labas ng gate ay bumitaw na saakin si shelly "ingat ka nally ah? mauuna na ako andyan na yung sundo ko" paalam nya sakin at humalik sa pisnge ko.
"ingat kayo bye" nagsimula na akong maglakad sa kalsada magisa lang akong naglalakad medyo malapit lang naman ang bahay namin hindi na ako nagpasundo pa kila dad dahil alam kong pagod din sila sa kanilang mga trabaho.
maliwanag naman ang kalsada.
habang naglalakad ako ay may humarang na dalawang lalaking naka bonet sa harapan ko. biglang bumilis ang tibok ng puso ko, anong nangyayari!
"s-sin-o k-k-kayo?! anong kaylangan nyo saken?!!" pilit kong nilakasan ang loob ko. hindi dapat ako pangunahan ng kaba kaylangan ko makaisip ng paraan para makatakas sa dalawang ito.
napahakbang ako paatras ng lumakad sila palapit saken kada hakbang nila papunta sakin ay sya naman hakbang ko paatras. akmang tatakbo na ako ng bigla akong hatakin ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko!
"ano ba bitawan nyo ko!!! tulong tulungan nyo ko!!!" pilit kong inaalis ang pagkakahawak nila sakin pero sobrang higpit ng pagkakahawak nila saken. labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon.
"sumama ka nalang samin bata! totoo nga ang sabi maganda ka siguro pwede kana namin pag tiyagaan" sabi ng lalaking nasa harapan ko habang hinaplos ang pisngi ko. labis na kilabot ang naramdaman ko ng lumapat ang kamay nya sa pisngi ko. tuluyan ng tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata. hanggang dito nalang ba ako? tuluyan naba akong mabababoy ng dalawang lalaking nasa harapan ko?
akmang sisirain na ng dalawang lalaki ang uniform ko habang tumatawa na akala moy sabik at nababaliw.
"tulungan nyo ko!!!!" malakas na sigaw ko at isang malutong na sampal ang dahilan kung bakit ako napadapa sa lupa. umiiyak na hinawakan ko ang aking pisngi.
"walang makakarinig sayo bata! dahil planado lahat ng ito pinaguutos samin na patayin kana pero hindi narin masama kung titikman ka namin muna at pagsawaan" tumatawang sabi ng lalaki na mataba habang papalapit sakin pilit kong gumapang para hindi nila maabot. nanlalabo na ang paningin ko dahil sa masaganang luha ko.
nagulat nalang ako ng biglang bumagsak ang lalaking humaplos sa aking pisngi kitang kita ko ang kutsilyong nakatarak sa kanyang puso dahilan kung bakit ito sumuka ng sariling dugo at natumba sa lupa. gulat na gulat naman ang lalaking kasama nito akmang susugod na kita pero mabilis na itinapon ng lalaking esttanghero na naka jacket na itim at may maskara ang kanyang kutsilyo patungo sa puso ng lalaki at humandusay sa lupa na walang buhay.
tulala ako sa aking nasaksihan tumingin sakin ang lalaki at dali dali akong pinuntahan. natakot ako sakanyang paglapit!
"huwag please dont kill me please!!" pagmamakaawa ko sa kanya habang hilam ang mata ko sa luha.
"i wont hurt you, im sorry kung nahuli ako, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo" malumanay na sabi ng lalaki sa harap ko. mahigpit nya akong niyakap at naramdaman ko na ligtas ako sa kanyang mga bisig.
unti unting pumipikit ang talukap ng aking mga mata bago dumilim ang buong paligid ko ay narinig ko pa ang huli nyang sinabi.
"pprotektahan kita kahit anong mangyari nally...."