I am Gio and I am the secret husband of the girl standing in front of me with a bright smile.
" Good morning Gio!" bati sakin ni Mia na sobrang ganda sa suot nyang floral dress.
"Good morning. Bakit ang saya mo?" tanong ko at tulad ng dati niyang ginagawa lagi siyang hihinto saka kunwari mag-iisip.
" Hmmm kasi pupunta tayong planetarium tapos makakapasok na ko ng national museum. Alam mo ba favorite ko yung spolarium doon at higit sa lahat. " tumigil siya.
Kitang-kita ko kung gaano siya kakilig at kasaya. Kahit na alam kong hindi ako yun.
"At saka magkikita ulit kami ni Dr. Daril mamaya kasi sabi ni dadaan siya ng national museum." dagdag niya at tumahimik lang ako.
"Ano sasakay ka na o iiwan na kita dito?" tanong ko sa kanya at nagpout naman siya.
'So cute' sabi ko sa isip ko.
" Ikaw lagi mo kong gustong iwan kapag binabanggit ko na yung pangalan ni Dr. Daril siguro nagseselos ka sa kanya noh?" akusa ni Mia sakin.
"At bakit naman ako magseselos eh hindi naman kita type. Panget mo kaya." biro ko at tulad ng dati mapipikon siya sabay kurot sa pisngi ko.
Habang ginagawa niya ang bagay na yun. sinuot ko na ang favorite helmet niya sa kanya.
Hindi nagtagal at binitawan nya na rin ako. Pagkatapos kong isuot ang helmet niya sumakay na kami sa motor ko at marahang pinatakbo ito.
I am Gio Mark Sandoval. I am a married man. 3 years na kong kasal kay Mia. Yes she is my wife until an accident happened.
She survived but she lost all her memories to me. For her I am just a stranger na kasama niya sa bahay. Housemate kung baga at every time na nakakakita siya ng mga picture namin lalo na ang wedding picture namin sumasakit ang ulo niya at minsan nahihimatay siya.
"So kamusta naman Doc?" tanong ko kay Dr. Daril na nakatingin lang kay Mia na manghang-mangha sa Spolarium.
"1 and half year na natin hinihintay na bumalik yung alaala niya sayo pero mukhang tuluyan na niyang nalimutan ang lahat. Kung babalik pa ba hindi ko din masasabi. Hindi naman natin pwede ipilit lalo na at sabi mo nga mukhang mas lalong lumalala lalo na at noong mga nakaraang araw ilang beses ka niya tinanong kung sino ka at bakit ka nasa bahay niya." sagot ni Dr. Daril.
Tumango ako. " Opo pero wala na bang ibang paraan? gamot o theraphy para bumalik lahat ng alaala niya?" tanong ko.
Tumingin si Dr. Daril kay Mia. " Actually wala pa kong nahahawakan na ganitong case pero baka may pwede akong irefer sa inyo. Kokontakin na lang kita kapag nakausap ko na ang kaibigan ko." sabi ni Dr. Daril.
"Salamat Doc."
"I am your friend Gio. Tumutulong lang ako. Basta wag na wag mong pababayaan si Mia. Malay mo naman pagsubok lang ito ng Diyos sa inyong mag-asawa. Kaya kumapit ka lang." dagdag ni Dr. Daril bago tuluyan umalis.
'Sana nga' bulong ko habang pinapanuod si Mia na kinakausap si Dr. Daril.
-Flashback-
1 and half years ago.
"Congrats Gio, Dahil sayo nakuha natin ang project. Gusto ko ikaw mismo ang humawak sa project na beach resort ni Atty. Sanchez." sabi ni boss na tuwang-tuwa sa nakuha namin na project.
"Salamat boss. Hindi ko po magagawa yun kung hindi dahil sa team at syempre sa asawa ko din. " sagot ko at halatang kinikilig si Boss Gina.
"Naku ikaw talaga halatang in love na in love kay Mia. So kelan na kayo gagawa ng baby?" usisa ni Boss Gina at natawa lang ako.
"Ay alam ko yang mga ganyan mo Gio so meron na nga?" pangungulit ni Boss sakin.
" Hindi pa po sure pero two months delay na si Mia. Kaya po siya nag leave ngayon para magpacheck up sa Ob gyne niya." sagot ko at tuwang-tuwa naman si Boss Gina.
"Naku ikaw talaga Gio basta ikaw na ang hahawak ng project ni atty. Sanchez ah. Hindi ka na pwede magback out doon. " paalala sakin ni Boss.
" Oo naman boss. Salamat po."
"Wala yun at Congrats ulit. "
Paglabas ko ng office ni Boss nagmamadaling lumapit sakin si Rey, Hr Staff.
" Gio pinatay mo ba yung phone mo?" tanong ni Rey.
" Ah hindi naiwan ko sa bahay. Kanina sa meeting ko lang naalala. Bakit makikitext ka na naman sa mga chicks mo?" biro ko sa kanya.
Seryos ang mukha ni Rey na nakatingin sakin. "Pre wag kang mabibigla ah. May tumawag sakin. Hospital sinasabi na sagasaan daw si Mia."
Halos liparin ko na patungong St. Joseph Hospital at pagdating ko doon sinalubong ako ng isang doctor. Si Dr. Daril.
"Are you the husband of Mrs. Sandoval?" Tanong sakin ni Dr. Daril.
"Yes Doc. Kamusta na ang asawa ko? Maayos na ba siya?" tanong ko at kitang-kita ko ang mukha ko niya na parang hindi alam kung anong gagawin.
"To be honest. Nasa malubha siyang kalagayan at tumatakbo ang oras. Mr. Sandoval you need to sign this waiver na hahayaan mo kaming iligtas ang asawa mo kapalit ng buhay ng anak nyo. " paliwanag niya.
Napakunot noo ako sa narinig ko. "What do you mean?"
"Buntis ang asawa mo. She is two months pregnant pero kailangan mong mamili sa kanilang dalawa. Kailangan mong bilisan Mr. Sandoval habang may chance pa kaming buhayin ang asawa mo. " sagot ni Dr. Daril.
It was the hardest decision I did in my whole life. Yes, I choose Mia. I cant bear to live without her too.
Ilang araw ako na nagpabalik-balik para bantayan siya. Ilang araw at linggo akong inuusig ng konsensya ko pag gising ko. Hanggang isang araw saktong pagdating ko sa kwarto ni Mia nagkakagulo ang lahat.
"Gio gising na siya!" masayang sabi ni mama at agad akong lumapit sa higaan ni Mia.
"Mia mabuti naman at gising ka na. " Masayang sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"Ah... eh... s-salamat p-pero s-sino ka?" tanong sakin ni Mia.
Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumahimik ang buong kwarto.
"Hindi mo ko kilala? Its me Gio. Your husband." sagot ko umaasa na biglang sisigaw siya ng 'JOKE!' pero ni isa walang nagsalita.
"Husband? ako may asawa na? Baka naman nagkakamali ka lang ng napasukan na room Sir. Madami pa kong pangarap kaya impossibleng mag aasawa na ko. Patawa ka eh." sagot niya at tumingin ako sa kanilang lahat.
End of Flashback-
"Gio!" tawag sakin ni Mia.
"Oh Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Kain na tayo. Kanina pa kita tinatawag nakalutang na naman yung isip mo. " sabi ni Mia.
" Ah wala naalala ko lang yung una tayong nagkakilala. The most awkward moment natin."sagot ko at tumawa naman siya.
"Ah yung nagpakilala ka sakin na asawa kita. My God Gio hindi ko talaga maimagine na asawa kita parang nakakadiri. Hahahaha!" dagdag niya.
"Ouch ah ganun na ba ko kapanget. Last time I check madaming nagkakandarapa sakin. Pero kung ikaw syempre nasa unahan ka na agad." biro ko sa kanya.
" Ewan ko sayo. Halika na at nagugutom na ko." Sagot niya sabay hila sakin.
I hold her hand. Tumingin siya pero ngumiti lang ako. Kahit ngayon lang gusto ko siyang mahawakan ng ganito pagkatapos ng mga nangyari sa amin.