"Yeeeeessssss this is it! The day that we all waiting for! Trip to Palawan na!"
Pasigaw ni Marlon habang pinapark ang kanyang sasakyan sa parking lot ng company.
Sa kanyang pagbaba sa kanyang kotse ay ang pagdating naman ni Aimee.
"Partner! This is it! I smell Palawan na!"
Pasigaw muli ni Marlon.
Bigla napabungisngis si Aimee
"Baliw ka talaga! Lets go na mukhang hinahanap na tayo ni Mr. Jimenez."
Tumungo agad agad ang dalawa sa office ni Mr. Jimenez.
"Okay guys! Finally nandito na kayo!
Are you guys ready?"
Patanong ni Mr. Jimenez na may halong excitement.
Yeeesss boss! Pagsang ayon ni Marlon na may halong hiyaw.
"Yes boss."
Mahinang sagot ni Aimee.
"Hmmmm.... Ms. Dela Cruz parang hindi ka ata excited, still doubting pa ba?"
Patanong ni Mr. Jimenez
"No, actually Im also excited pero I'm little bit nervous lang."
Sagot ni Aimee.
"Hmmmmm... dont worry Aimee kaya mo yun at nandiyan naman si Marlon para tulungan ka basta always remember. Always give your best shot, no matter what!"
Ani ni Mr. Jimenez.
"Oh siya baka malate pa kayo sa flight! Maggayak na kayo...."
Dagdag ni Mr. Jimenez sabay bigay ng working papers.
Agad nagpaalam sa isa't-isa at nagtungo na sa airport ang dalawa.
"Take care guys!"
Pahabol na sabi ni Mr. Jimenez.
Pagkarating ng dalawa sa airport nakita nila si Direk Carlo kasama ang tatlong staff na sina Ricky,Louie,at Berting na sasama din papuntang Palawan.
Agad naman nakipag apir si Marlon na may yakap sa kanyang tinuturing na Kuya na si Ricky.
" Kuya Ricky! Namiss kita ah after a month nagkita na ulit tayo.!"
"Oo nga Marlon, pasensiya na busy lang din sa buhay pamilya."
Pangiting sambit ni Ricky sa kanyang kaibigan.
.
"Finally you all here na! After 30 minutes nandiyan na yung airplane na sasakyan natin."
Pasalubong na sambit naman sabi ni Direk Carlo.
"Hmmm... Direk ..Ahhhmmm magsiswimming rin ba tayo dun? Kase nagdala ako ng trunks ko eh"
Sambit ni Marlon sabay kamot sa ulo.
"Siraulo ka talaga Marlon! Pupunta tayo doon para magtrabaho, hindi para mag-outing. Lokoloko to!"
Sambit ni Direk Carlo na tila nainis sa tanong ni Marlon.
" Biro lang Direk, pero sana Direk kahit after natin magwork dun, lets take some time to relax!"
Padagdag na asar ni Marlon.
"Jusko! Marlon ewan ko sayo, pagnakarating na tayo doon lulunurin kita!"
Tugon ni Direk Carlo.
"Direk yang si Marlon, kung alam niyo lang halos gawin niyang kapitbahay dati ang Palawan noong sila pa ni Kaye."
Pangangasar naman ni Aimee...
'Oo nga, Aimee!.. Sandali.. Marlon nasaan na pala yun si Kaye? Simula nung naghiwalay kayo last year, eh wala na kami balita sa kaniya."
Patanong na sabi ni Direk Carlo.
"Ewan ko, Siguro tumira sa mga kweba ng Palawan, Hahaha! Di biro lang wala na din ako balita dun simula naghiwalay kami."
Sagot ni Carlo.
"Loko ka talaga Marlon, ex mo hindi mo alam kung saan na siya."
Ani muli ni Direk na nakapamewang.
"Kaya nga ex diba direk, kaya wala na ako alam dun, basta ang huling balita ko sa kaniya eh nag outing siya kasama mga college friends niya sa Palawan."
Ani ni Marlon na may pagngiwi.
Wala na ngang balita si Marlon kay Kaye simula na biglang hindi na nagparamdam sa kaniya ito.
Hinahanap niya ngunit di talaga siya makakuha ng impormasyon tungkol kay Kaye kaya hinayaan niya na lang at inisip niya na baka ayaw na sa kanya ito
Pero noon daw bali-balita na matapos daw ang outing nila ni Kaye ay hindi na umuwi o bumalik sa kanila.
Pero sabi ng iba ay nasa ibang bansa na ito at may kinakasama na ng iba
Ngunit para kay Marlon isinawalang bahala niya lamang iyon kahit masakit at maraming nagtatanong sa kanya nung panahong iyon.
~Pagbabalik....
Matapos ang mahabang diskusyon.
Lumipas na ang tatlumput minuto.
Dumating na din ang kanilang eroplanong sasakyan patungo sa kanilang pupuntahan.
Isa- isa naggayak ang mga pasahero na sasakay sa eroplanong iyon kasama sila.
Sabay sabay pumasok sa loob at hinanap ang kanilang uupuan.
Matapos makapasok at magbigay ng instructions ang mga staff ng eroplano
At bumiyahe na ito.
Habang nasa biyahe....
Nag order si Marlon sa isang flight attendant ng creamy latte at blue berry cheese cake.
Si Direk naman ay binabasa ang working papers at nagchecheck ng notifications sa phone.
Si Aimee naman nakatingin lamang sa labas at pinagmamasdan ang ulap at ang ibaba nito.
Kalaunan ay nakatulog bigla ito.
At mga ilang sandali ay bigla siya nagising at nadatnan niya siya ay nasa madilim na lugar.
Ng may biglang....
May tumawag sa kaniya
"Aimee! Aimee!"
Sigaw ng isang babae.
Hinanap ni Aimee ang boses na iyon ngunit nabigo siya dahil sa madilim nga ang lugar.
Tila bulag ang kanyang paningin sa sobrang dilim na nababalot sa lugar na iyon.
Ngunit patuloy pa din ang boses na tumatawag sa kanya.
Na siya naman kinatakot niya halos mahuhulog na ang kanyang puso sa bawat pangyayaring nagaganap.
Maya't-maya pa ay may isang liwanag ang kanyang naaninag sa di kalayuan.
Na siya nman kinahinto ng boses na tumatawag.
Agad niya pinuntahan iyon ngunit habang nilalapitan niya ito ay lumalayo naman ang liwanag.
Pinipilit niya lapitan iyon halos tumakbo na siya marating lang sa liwanag
Ngunit nabigo ulit siya
Maya't maya may tumawag ulit sa kanyang pangalan na siya naman kinahinto niya.
Yung boses na tila nasa likod niya lamang.
Halos nararamdaman niya sa kanyang batok ang hininga sa tuwing sinasambit nito ang kanyang pangalan.
Bumalik ulit ang ang kanyang takot
Halos lumalagatak na din ang kanyang pawis sa kaba
Napakalapit talaga ng boses na iyon
Kulang na lang yakapin siya nito.
.
Hindi niya alam kung lilingon siya o hindi.
Nagdadalawang isip siya.
Patuloy pa din ang pagtawag sa kanyang pangalan na nangagaling sa kanyang likuran.
Walang ano-ano'y
Lumunok muna siya at sabay lumingon sa kanyang likuran...
at biglang....
"Aimeeeee!!!"
Sambit ni Marlon.
"Nanaginip ka Aimee."
Ani ni Marlon na
nag-aalala sa kanyang kaibigan.
Panaginip lang pala lahat ng iyon.
Hindi makapagsalita si Aimee dahil sa panaginip niya.
"Hayss! Sandali Aimee kukuhanan kita ng maiinom balisang balisa ka eh."
Sambit muli ni Marlon na puno ng pag-aalala.
Huminga ng malalim si Aimee at kumuha ng panyo sa bag at pinunasan ang kanyang mga pawis sa mukha.
Ilang sandali ay dumating si Marlon at inabot sa kanya ang bottled water at kanyang ininom.
"Ayos ka lang ba Aimee? Ano yung napanaginipan mo? Sabihin mo sa akin."
Tugon ni Marlon na tila nag-aalala pa din
"Ahhh...wala yun! Dala lang siguro to ng pagod, okay lang ako. Salamat ha."
Sagot ni Aimee sabay ngiti at abot ng bottled water.
Lumipas ang isang oras narating na nila ang Palawan.
Lumapag na ang eroplano sa airport ng Puerto Princesa.
Sa bawat paglabas ng pasahero ay may sayang nakikita sa kanilang mukha.
Yung iba dahil first time palang makarating.
Tulad na lang nito na si Aimee na sabi ay first time pa lang daw niya makapunta dito.
Kaya sobra natuwa siya.
Sa sobrang tuwa niya, hindi niya namamalayan ay nalilimutan niya din ang negatibong nararamdaman nito.
"Okay guys! Finally nandito na tayo....oh sige ganto, kanina I talked to Mr. Jimemez and Ms. Tan, dahil nakikita ko naman sa inyo na tuwang tuwa kayo at ayaw ko naman maging killjoy . ..Nakiusap ako kung pwede muna tayo magrelax at mag gala dito ....and Pumayag sila!"
Ani ni Direk Carlo na tila natutuwa
Agad naman natuwa ang lahat.
"Hep hep! But only for three hours! Kase baka gabihin tayo sa byahe papuntang Isla Domingo! Okay ba yun?"
Dagdag ni Direk.
"Sumang-ayon naman ang lahat.
Agad nag ikot sa siyudad ng Puerto Princesa ang grupo at namili ng kung ano- ano tulad ng kwintas, bracelet, damit at iba pa.
Kumain din sila ng iba't- ibang putahe na patok sa Palawan tulad na lamang ng Crocodile Sisig, Adobong Palaka,
At ang exotic na Tamilok.
Syempre sinama din nila ang kanilang paggagala sa kanilang Documentary.
"Grabe ang saya! Sa totoo lang hindi kami nag ganito ni Kaye when we went here."
Ani ni Marlon.
"Basta deretso beach lang kami nun everytime pumupunta kami dito."
Dagdag pa nito.
"Ahhhh.. kaya ganon na lang yung excitement mo. So... happy kana kase nagawa mo na yung gusto mo na di mo nagawa noon."
Patugon ni Aimee.
Sabay pagsang ayon ni Marlon na may kasamang ngiti
Makalipas ang tatlong oras ay bumiyahe na ang grupo sakay ang bangka.
Tinawid nila ang malawak na karagatan na humahati sa siyudad ng Puerto Princesa patungo sa Isla Domingo.
Sabi ng bangkero mga sampung minuto lang ang byahe.
Ang isang staff naman ay parang nakakaramdam ng takot.
"Okay ka lang kuya Ricky?"
Tanong ni Marlon sa isang staff na may pag aalala.
"Ahh ehhh.... di ko alam... matagal pa ba to? Malayo pa ba to?"
Tugon ng lalaking staff na si Ricky na tila kinakabahan na.
" Wag ka magalala kuya, malapit na tayo atsaka kung lulubog man ang bangkang sinasakyan natin, may life jacket naman tayo.
Pagpapaliwang ni Marlon.
"Relax ka lang kuya, Don't be afraid and don't panic."
Pasingit ni Aimee
At pinagawa ni Aimee kay Ricky ang ventialion upang mabawasan ang kaba nito.
"Okay kana? Nakahinga ka ng maluwag?"
Tanong ni Aimee.
"Okay na po mam, salamat.
Pasensiya na medyo may phobia kase ko dito. Baka mamaya may pating dito ha."
Sambit ng lalaking staff na si Ricky.
At biglang nagsitawanan ang lahat.
Lumipas ang sampung minuto.
narating na nila ang Isla Domingo.
.
Mapapansin ay ito lang ang tanging isla meron sa kalagitnaan at kailaliman ng karagatan.
Ang ibang isla ay malayo na at di na matanaw mula sa islang pupuntahan nila.
Mapapansin sa kaliwang bahagi ng isla ay isang light house.
.
At sa itaas ng isla kung saan ito ay bundok ay natatanaw ang Mental Hospital at sa ibaba ay puro kabahayanan.
Mukhang hindi naman ito malayo sa kabihasnan dahil kahit papaano may sariling kuryente ang lugar.
Tinabi na sa pampang ang bangka at isa isa nagsibaba.
Binayaran ni Direk Carlo ang Bangkero ng dalawangdaang piso.
Sa pagbaba nila nagulat na lang sila
Na may habal habal o motor sa lugar na iyon.
Na siya naman kinatuwa ng grupo
At tumungo ang mga ito sa himpilang ng isla sakay ng habal habal.
Pagkarating doon.
Naghihintay na pala doon ang kapitan at ibang kawani ng lugar.
Hininto ng driver ang habal habal at nagsibaba at nagbayad 50 pesos sa driver na iyon.
"Magandang hapon po Kapitan pasensiya na po kung hapon na kami nakarating, namasyal pa ho kami sa Puerto Princesa."
Wika ni Direk Carlo.
"Ayos lamang iyon. Maligayang pagdating pala dito sa Isla Domingo."
Wika ng kapitan.
"Ako nga pala si Kapitan Emmanuel Toledo at aking mga kawani na sina
Roy Beltran, Susan Joaquin at Danilo Palermo."
Pagpapakilala ng Kapitan sa grupo.
"Magalak po kayo makilala."
"Siya nga pala ako nga po pala si Direk Carlo Bagatsing at ang dalawang journalist na si Marlon Ramirez at si Aimee DelaCruz at galing po kami sa NBC para magsagawa ng documentary."
Ani ni Direk Carlo.
"Oh siya! Dahil kilala na natin ang isa't isa.... ehhh...pumasok na tayo sa loob, at naghanda kami ng makakain para sa inyo, sana magustuhan ninyo."
Pag-aaya ng kapitan.
Papasok na sa loob ang lahat ng napansin ni Aimee ang isang babae na nakatayo sa puno sa di kalayuan.
Kumakaway sa kanya ito at nakangiti.
Binawian din ito ni Aimee ng kaway at ngiti.
At maya maya biglang nakaramdam ng kakaiba si Aimee sa babaeng iyon habang kinakawayan niya ito.
Bigla din siya nagsalita sa kanyang isip.
"Bakit bigla na lang ganito ang pakiramdam ko sa kanya, parang may kakaiba sa kanya na di ko maipaliwanag. Kailangan ko ba siya lapitan para kausapin.
Siguro, dahil baka may nalalaman siya "
Tila parang hinihila si Aimee na para lumapit sa babae.
Dagdag pa niya.
"Kailangan ko siya kausapin, maaaring makatulong ito sa aming pagpunta dito. "
Unti -unti siya naglalakad papalapit sa babae ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan
Na tila pamilyar ang boses nito.
Aimee!