webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · 奇幻言情
分數不夠
53 Chs

33

CHAPTER 33

v

Nasilayan ko ang pagkurba ng kanyang labi. He's now smirking at me, natutuwa ang gagong pinaglalaruan ako.

"Gusto kasi kitang maging kaibigan, that's what I mean." Nakangisi nitong saad. Nakahinga naman ako ng maluwag atsaka siya tinarayan.

Loko.

"Tigilan mo ako Chrysler." Nakangisi ko naring saad.

"Wow, it's so nice hearing you talking casual to me."

I suddenly became quiet, right they're the highest echelons. I still need to respect them.

"I like that, keep talking to me like that. Talk to me like we're old friends, talk to me like we're having an intimate relationship..." he stopped again.

Ang lakas ng trip ng isang to ngayon ah. Pagkatapos ay humalakhak ang kumag.

"As friends of course. Intimate relationship as friends." Aniya sabay kindat sa akin.

Teka, meron bang ganon?

"Oy! Ang saya niyo diyan sa taas ah! Baba na, mag uusap usap na tayo!" sigaw ni Nathalia.

I rolled my eyes to Chrysler then quickly jumped down the tree. Pagkatapos ay pumunta ako sa likuran ng mga babae upang makinig.

Kumuha ako ng tinapay atsaka kumain habang inihahanda ang sarili upang makinig.

"Okay.. where is the Prince?" Tanong ni Nathalia. Sakto namang pagdating ng prinsipe na nakakunot ang noo habang deretsong nakatingin sa akin.

Lagi namang salubong ang kilay ng isang to, ang gwapo pa naman. Sayang.

"Why the heck are you hiding?" tanong nito sa akin. Lahat naman sila napalingon sa akin.

Huh? Ako nagtatago?

"Teka, hindi naman ako nagtatago ah." Mahina kong sagot.

"Then insert! Huwag kang manatili sa likod!" Galit nitong saad sa akin. Wala akong nagawa kundi ang makisiksik sa tabi ni Greyson at Corinthians. Nasa harapan ko ang prinsipe na ngayon ay mukhang galit pa rin sa akin.

BAKIT BA LAGING GALIT ANG ISANG TO? Piste naman!

Beside him is Chrysler and Nathalia. Napapalibutan namin ang isang malaking mapa.

"Here's our plan. Magkakaroon tayo ng pairings, each pair will be responsible with each other. Kayo na rin ang bahala kung kailan kayo susugod o maghahanap, find a stone and come back alive." Panimula ni Zavan.

Kinagat ko ang tinapay, hindi naman ito gumawa ng ingay ngunit iritadong napalingon sa akin ang prinsipe.

Leche naman!

Ibinaba ko ang tinapay atsaka itinuon ang paningin sa kanya. Nakakairita naman ang isang to, palaging pikon sa akin kung buntis to magiging kamukha ko ang anak nito. Tahimik akong napatawa sa isiping iyon. I can't even imagine the prince being pregnant, and his reaction if his child will look like me.

"Umalis ka sa harap ko, naiirita ako sa ngiti mo." Ani Zavan. Namimilog ang mata kong napatingin sa kanya.

"Aba gago!" Bulong ko.

Wala akong nagawa kundi ang makipagpalit ng pwesto kay Greyson. Baka mamaya magilitan ko sa leeg ang gwapong nilalang na to.

"Okay, we will be having 3 teams meaning by pair. The first team will head north, the second will head west opposite with the third one meaning they will be on the east side of the woods. Do everything to get the stones, I will be having the signal kung kailan at saan tayo magtitipon-tipon. Look at the sky always, I will do everything to look for the hardest stones. We can do this echelons." Pursigidong saad ng prinsipe.

Sa paraan ng kanyang pagsalita, hindi parin nawawala ang kanyang awtoridad. Hindi na nga talaga siguro sa kanya mawawala iyon.

"You have your weapons right? We were trained all our lives for this, I know everyone is prepared."

except me prince.

"I trust our connections, hindi iyon pwedeng mawala. Where are your gadgets?"

"We all have the earpiece Zavan, we can stay connected." Greyson said.

"Good, tonight is the real battle. Protect your buddies whatever it takes at kung sakaling hindi niyo makaya ang kaharap niyo, I'm only one call away."

Nang sabihin niya iyon ay mas lalong tumaas ang paghanga ko sa kanya. I can see his love for his echelons, hindi ito basta basta. Handa siyang magbuwis ng buhay para sa mga ito, iyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Prepare all our things now, take a rest then run as fast as you can. I will blow this area. Makakakita nalang kayo ng sinyales ko kung magtitipon tipon na tayo. I want you all to come back alive, do you understand?"

"Yes prince!"

Yes Prince!

"So sino ang magkakapares?" Tanong ni Nathalia, iyon na rin ang hinihintay ko. Please, gubat makisama ka sa akin. Sana maayos ang makapareha ko.

"I won't go with Greyson, so Chrysler tayo ang magkapartner!" Ani Nathalia. Bahagyang napalingon sa akin si Chrysler, gusto kong ipaglaban niyang ako na lang sana dahil siya lang ang komportable ako sa mga taong ito.

But I just smiled and nodded it's okay. It's okay not to be okay.

"Okay, babe so ibig sabihin tayo?" Tanong ni Greyson kay Corinthians.

"Whatever you say." Ani Corinthians.

Shit, nananadya ba sila?

Namilog ang mga mata ko. Tahimik akong napalingon sa Prinsipe na ngayon ay nakahawak sa kanyang sintido, alam kong hindi siya natutuwa sa oras na ito. Alam kong hindi siya sang ayon.

Oh no, please.

"Okay, we're done with the pairing! ROUSE!" utos ng prinsipe. Napanganga naman ako, so ibig sabihin payag siya sa pairings? Kami talaga ang magkasama sa paghahanap?

"Move move!"

Kanya kanya naman sila sa kanilang mga ginagawa habang ako ay naiwan kasama ang prinsipe.

Jusko! Tulungan niyo po ako!

"Get some rest, aalis kaagad tayo saktong alas nuwebe." bilin sa akin ni Zavan bago umalis. He's not happy, ang kanyang hitsura ay parang napilitan lang. Sino ba namang gugustuhin makasama ang isang tulad ko?

"Hey witch come!" sigaw ni Nathalia sa akin, agad naman akong tumayo atsaka siya pinuntahan. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng mga gamit. Maging ang suot namin ay inayos rin namin, nilinisan at siniguradong maayos ang pagkaka suot upang mas maging komportable.

I cleaned up my bow and arrows, pinatalim ko rin ang dulo nito.

"Hey, have this." Pagkatapos ay itinapon ni Nathalia sa akin ang dalawang dagger. "You'll need it. Use it well." Aniya, tumango ako at muling pinatalim ang mga gamit ko.

"You know, Zavan is really the most important among us. You know that right?" Tumango ako sa sinabi ni Nathalia.

"I want to hear a yes from you."

"Yes." agad kong tugon.

"Kung ganoon, hindi naman sa wala akong tiwala sayo pero kailangan mong pagbutihan ang trabaho mo. You need to protect the prince with all your might, risk anything to save him. That's all our job." I stopped from doing anything and focused on what's Nathalia's saying.

Kung ganoon eh bakit sa isang tulad ko pa ipinares ang prinsipe? Bakit hindi sa kanila?

"You are supposed to be the pawn. Kaya naman kung kinakailangan mong ibigay ang buhay mo para sa prinsipe ibigay mo, isa kang pain at trabaho mo ang protektahan siya." Dugtong niya pa.

Biglang kumirot ang puso ko, ngunit hindi na ito katulad noon.

Noong una kong marinig na pain lang ako ay lubos akong nasaktan, ngunit ngayon makasama lang ang prinsipe ay isang opportunidad sa akin upang maipakita ang aking kakayahan.

"Protect the prince no matter what happens." Ani Nathalia.

Tumango ako at bumuntong hininga. Nabigyan ako ng isang napakabigat na responsibilidad.

"I promise to bring the Prince back alive." even if it means I'll sink.

----

A/N: Let me know your thoughts about this chapter please :>