webnovel

"Ang prinsipe ng mga apoy"

Sa isang liblib na lugar, may vulcan na sobrang laki, isang mtandang lalaki na umaakyat doon para mag sanay upang maging malakas, tinatawag syang "Grand Master" sa kanilang lugar.

Noong nag lalakad sya paputang vulcan para mag sanay ay may narinig siyang umiiyak na bata, eto ay kanyang sinundan kung saan yung ingay na umiiyak na bata, hanggang sa napansin niya na nasa loob ito ng isang vulcan.

Kaya agad niya itong pinuntahan at dali dali niyang kinuha ang bata dahil malapit na itong mahulog sa lava ng vulcan, at ng nakuha niya ang bata ay naramdaman niya agad na meron itong taglay na kapangyarihan, ito ay may malakas na awra, kaya sya ay nag dalawang isip na kunin ito, pero kinuha niya ang bata dahil sya ay naawa, kaya dinala niya ito sa kanyang bahay.

makalipas ang 10 taon ay malaki na ang bata, pinangalan niya itong Valir, itinuring nya itong parang tunay na anak. Dito mag sisimula ang kanyang kwento...

"Valir?" hinanap sya ng kanyang Ama na nag kupkop sa kanya.. "nasaan na kaya yung batang yun?" sabi sa isip ng kanyang ama. "Itay nanditi napo ako!..." sigaw habang tumatakbo si valir papunta sa kanyang ama.

"San kaba galing anak?" tanong sa kanyang ama, "tay pumunta lng po ako doon sa unahan para makipag laro sa mga batang nandun" ang sagot ni valir.

"diba kabilinbilinan ko sayo na wag kang lalayo ng bahay.. ang tigas talaga ng ulo mo valir." sabi ng ama ni valir. At humingi ng patawad si valir sa kanyang ama "Sorry po itay di na po mauulit". "Itay may sasabihin nga pala ako sayo, nang pa uwi na po ako e may sumunod sa akin nka mask sila ang bilis nila kumilos parang kidlat, para ata silang ninja, para atang gusto nila akung kunin." paliwanag ni valir sa kanyang ama. "Ito na nga ba sinasabi ko..." sabi ng ama ni valir.

"Sino po ba sila itay, but po nila ako sinusundan? tsaka nga pala itay nung time na hinahabol ako ng mga masamang tao, ay may nag ligtas sa akin" sabi ni valir sa kanyang ama. "Sino anak para mapasalamatan ko sya" ang sagot nman ng kanyang itay.. " hindi po sya tao itay, isa po syang insikto na nag liliyab ang buong katawan.." ang sagot ni valir sa kanyang ama at hindi naniniwala ang kanyang ama sa kanyang sinasabi.. "Anak kung anu- ano pumapasok sa isip mo, hindi totoo yang mga ganyan, guni- guni mo lng yun" ang sabi ng kanyang ama.

"Pero itay totoo yung mga sinasabi ko, d po ako nag bibiro gusto mo tawagin ko sya, para maniwala ka talaga?" sabi ni valir sa kanyang itay.. cge nga tawagin mo nga sya para maniwala ako sayo.." ang sagot nman ng kanyang itay.

tinawag ni valir, ang insiktong nag sagip sa kanya sa panganib.. " Firebee mag pakita ka sakin ngayun din!" ngunit nabigo si valir na ipakita ito sa kanyang ama dahil di nag pakita ang insikto. "oh dba? anu sabi ko, d yan totoo imahinasyon mo lng yan anak, kaya matulog kana okay?" ang sabi ng ama ni valir. " nalungkot si valir at naging matamlay dahil nabigo sya.

"Cge na anak matulog kana maaga pa tayo bukas" ang sabi ng kanyang ama, " san po ba tayo pupunta bukas itay?" ang tanong ni valir sa kanyang ama. " Basta mag pahinga kana para may lakas ka para bukas".

kina umagahan.. nag lakbay ang mag ama patungo sa isang lugar na mapaya pa at walang kataotaong lugar, para mag sanay. "Ano ginagawa natin dito itay?" ang tanong ni valir sa kanyang ama. "Dito tayo mag sasanay para ma depensahan mo ang iyong sarili sa kapahamakan." . at sila ay nag sanay, ng biglang dumating ang isang kalaban nakasuot ng ninja.

"kumusta kana matanda?" sabi ng isang ninja.,. " Hanzo?! " nagulat na tanong ng ama ni valir. "Sino po sya itay?" ang tanong ni valir sa kanyang ama, siya ang dati kung mag aaral anak, na nag traydor sa amin. "Hahaha buti naman na alala mo pa ako tanda, ngayon "panahon na para singilin kita." ang sagot ni hanzo

At hanggang sa humantung sa labanan ang dalawa.. nasaksak ni Hanzo ang katawan ng ama ni valir at pagkatapos ma saksak ang ama nya, ay umalis agad si hanzo na parang kidlat na bigla nlang nawala, at si valir ay natulala bigla at tumulo ang luha, dali-dali nyang nilapitan ang ama nito.." ITAY...!" sigaw ni valir na umiiyak sa harapan ng kanyang Ama.

"Magbabayad ang gumawa sayo nito itay.. igaganti kita!" ang sigaw na sabi ni valir sa kanyang ama. "Anak, may ipagtatapat ako sayo wag ka magagalit" sabi ng kanyang ama na nag aagaw buhay. "Ano po yun itay? "ang tanong ni valir sa kanyang ama, " hindi kita tunay na anak, napulot lng kita sa isang vulcan.. pero itinuring kitang para kung tunay na anak at tsaka may ibibigay ako sayo" ang sabi ng kanyang ama.

"Ano po yan itay?" ang tanung ni valir. "FireBee lumabas kana" ipinalabas si Firebee ng kanyang ama at si valir ay nagagulat sa kanyang natuklasan. "Alaga mo pala si Firebee itay?" ang tanung uli ni valir "Oo matagal ko na syang pinasubaybay sayo para sayung kaligtasan anak alagaan mo syang mabuti ha.." ang sabi ng kanyang ama. " Opo itay" ang sagot ni valir sa kanyang ama, at styaka nawalan ng buhay ang kanyang ama.

Si valir nalang ang bumubuhay sankanyang sarili, sya nag lakbay upang hanapin ang tunay nyang ama, kung san ba sya galing at kung ano ang tunay nyang pagkatao at hinahanap nya kung sino ang pumatay sa kanyang itinuring na ama, para mka paghigante. "Mag babayad ka hanzo hahanapin kita at papatayin gaya ng ginawa mo saking itay" sabi ni valir sa kanyang sarili.

habang sya ay nag lalakbay ay may nakita syang isang napakagandang bulaklak, at ng kanya itong nilapitan ay bumakadkad ito gumalaw, isa pala itong napakalaking bettle, at nagulat si val sa kanyang nakita at sya ay natumba at natulala, nang tumayo ito ay nag sasalita ang malaking bettle at ang sabi nito "My name beleric" at ang sagot nman ni val "wow english?" at sinagot nman cya ni beleric " don't be afraid my friend" at nag tanong si val kay beliric " can you speak tagalog? " he said " no, i can't speak your language", "ah okay" at napaisip si val " buti nman nka pag aral ako hhahha pero hindi nga lng nka pag tapos dahil kinapos sa pera pero okay lng may alam din nman ako sa english eh.. where you from big bug? ", "i came from california but i lost my way home"ang sagot ni beleric".

"okay then i will help to find your way home" ang sagot ni val kay beleric. beleric ask val, " what's your name my friend?" sagot nman ni val " ah.. by the way may name is valir, just call me val for short".. " okay val, thank you for you kindness can i go with you? ang sabi ni beleric. " yeah sure why not" ang sagot ni val.

nag lakbay ang dalawa, nang nakita niya isang lalaki maputi ang buhok, pinag lalaruan nya ang isang lalaki sa kanyang kapangyarihan, may kapangyarihan itong isang hangin, kaya nyang gumawa ng isang tornado at doon niya ipina ikot-ikot ang isang walang kalaban-laban na lalaki.. at tinawag ko sya " Hoy! maputi ang buhok, oo ikaw nga! ", "at sino ka nman?" ang sabi ng maputi ang buhok. "palayain mo sya" sabi ni valir, " bakit gusto mong pumalit sa kanya? ang tapang mo ah.. pwess.."ang sabi ng maputi ang buhok.

At ng pinakawalan ng nkaputi ang buhok ang isang lalaki ay napalaban si valir ngunit hindi niya ma control ang kanyang kapang yarihan tinulongan sya ni beleric ngunit wla pa rin dahil malakas ang kapangyarihan ng kalaban kayat pinalipad lng sila ng napakalaking tornado at silang dalawa ay sugatan, mabuti nlang at hindi dalubhasang nasugatan si beleric at si valir ay kanyang inalagaan hanggang sa itoy gumaling.

at nang gumaling na si valir, ay ipanalabas niya si firebee , sabi ni valir kay firebee "ba't di mo ako tinulungan kanina?" ang sagot naman ni firebee "bakit tinawag mo ba ako?". "kaya pala noh, d pala kita tinawag hahhaha sa totoo lng firebee, hindi kita tinawag dahil ayaw kung madamay ka at chaka ayaw ko mawala ka, sabi ni itay alagaan daw kita ng mabuti, kahit ikamatay ko firebee wag ka lang mawala" ang sagot nu valir".

"Maysasabihin sayo ang iyong ama valir" at lumakas ang apoy sa katawan ni firebee at doon ay lumabas ang imahi ng katawan ng ama ni valir at sinabing " Anak si firebee ay aking matalik na kaibigan siya ay malakas kung sya ay iyong tatawagin, at sasabihin ko sayo na ikaw ang nkatakda kay firebee dahil maykapangyarihan kang nakatago anak.. pag itoy pinag sanib pwersa kay firebee ay mas lalo kapang lalakas at ang iyong kapang yarihan ay di mamapantayan anak.

at nang nalaman ni valir na meron pala siyang kapangyarihan ay pinag sanayan nya ito, tinulungan sya ni beleric mag sanay upang lumabas ang kanyang kapangyarihan hanggang sa nakuha na nya kung paano controlin ang kanyang kapangyarihan, " sa wakas na gawa ko rin" ang sigaw ni valir.

habang sila ay nag iinsayu sa kagubatan ay may isang unggoy sa puno na nagmamasid sa kanilang pag iinsayo.. at ito'y tumalon papunta sa kanila " magaling - magaling " sabi ng unggoy habang pumalakpak. tanong ni valir sa unggoy " Sino ka ba?" anung sadya mo sa amin?. sagot naman nang unggoy "naparito ako para manood ng iyong pag iinsayu,". "wala akung panahon sayo" ang sagot ni valir sa unggoy. "Aba pwes tingnan natin labanan mo muna ako bago ako aalis" ang sabi ng unggoy.

"Sige, kung yan ang gusto mo, sige laban!"ang sabi ni valir "mag ingat ka sa kanya valir" ang sabi ni beleric. " wag mo akung alalahanin bel, kaya ko yang unggoy na yan". Hanggang sa nag laban na ang dalawa, natalo parin si valir sa unggoy, dahil ang unggoy na yun ay gumamit ng illusyon upang ang kalaban ay mawala.. " Mahina kapa talaga bata, kaylangan mo pa talaga na mahabang pag iinsayo.. ako nga pala si sun, tawag nila sa akin monkey king, gusto mo ba na turuan kita paano makipag away?" ang sabi ni sun kay valir.. " opo master sun please turuan nyo po ako pano makipag away"ang sagot ni valir.

"cge tuturuan kita pero sa isang condition dapat patayin mo si vale" ang sabi ni sun, " "ah.. si vale lng pala, walang problema yun, maliit na bagay hahaha". napaisip si sun at nag tanong ulit si valir "master sun, may tanung lng po ako, sino ba si vale???" napakamot ng ulo si sun, " akala ko ba kilala mo.." "hahahaha hindi ko kilala yan eh.." ang sabi ni valir. "Hay nako, iwan ko sayo, mag practise ka na nga.." nag mag insayo na sila maraming natutunan si valir at talagang magaling na gumamit ng kapangyarihan si valir.

Nang nag lakbay ang tatlo ay hindi nila inaasahang magkatagpo sila ni vale, hanzo at isa nilang kasama na sumasaky ng isang lumulutang na skateboard at nag aapoy ng kulay asul ang kanyang buhok, at sila ay nag laban- laban, si valir vs hanzo, beleric vs vale, sun vs gord, "gord nag harap din tayo sa wakas" ang sabi ni sun. "hahaha at sino naman yang mga kasama mong mga pipitsugin sun? ba't di ka nalang makig isa sa amin lalakas kapa" ang sagot ni nman ni gord.

"ha! tingnan nlang natin" sabi ni sun, ng sila na ay nag lalaban- laban ay si hanzo ay natalo ni valir ngunit si beleric naman ay nato ni vale, at si sun at gord ay nag lalaban pa din pareho silang malakas, nag babangga ang kanilang kapangyarihan.

sabi ni sun " sige na valir patayin mo na sila gamitin muna ang iyong napakalas na kapangyarihan. " cge po master sun" ang sagot ni valir, subalit ng mapansin ni gord ang braso ni balir ay may tatak ito na kagaya ng kanyang anak na naiwan nya sa vulcan. " "Anak?" ang sigaw ni gord kay valir, ipapalabas na sana ni valir ang kanyang tinatagong napakalakas na kapangyarihan, ngunit nahinto sya dahil napansin niyang tinawag syang anak ni Gord, kaya nag dadalawang isip siya na palabasin ang kanyang kapangyarihan. kaya naunahan sila ni vale kaya sila ay napalipad ng napakalaking tornado na gawa ni vale, kaya si gord hanzo at vale ay nka alis.