webnovel

The Phantom Slayers: The Destined Teens

missingnotion · 奇幻
分數不夠
14 Chs

13: The Dark Woods

VION

Matapos ang mahaba-habang pagsummon at masakit na pagpangalan ng mga weapon namin ay pinagpahinga kami. Nakakapanghina. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin yung hapdi. Nakaupo ako sa sahig habang sina Lonndin at Thorald ay nakahiga. Si Inari naman ay katabi ko habang si Areti ay abala sa weapon niya. Kaming lima at si Hiruu na lang ang natira dahil pinatawag sina Mr. Mounzeur at Ms. Safarah ni principal. Naramdaman ko naman na tumabi sakin si Hiruu.

"Alam mo bang may dating nagmamay-ari ng weapon mo, Vion?" Aniya ng makaupo. Nagsiupo naman sina Thorald habang si Areti ay lumapit samin.

"Actually, lahat ng weapons na nasa inyo ay may dating nagmamay-ari nyan. Kay Thorald, ang namayapa niyang ama ang gumagamit ng spear. Noong pinagmamasdan ko kayo isa-isa habang pumipili ng weapon, nakangiti si Thorald sa spear. Siguro ay may naalala siya. Am I right?" Baling na tanong ni Hiruu.

"Yes. Naalala ko lang kung pano ako turuan ni papa gumamit ng spear." Sagot nito.

"Kay Inari naman. Isang viking axe. Ang dating nagmamay-ari nyan ay ang kanyang lola. One of the greatest slayer." Napa-woah naman si Inari sa tabi ko.

"Kay Areti ay bow and arrow. Isa yan sa mga legendary weapon dahil ang asawa mismo ni Iro ang may gamit nyan so you're lucky, Areti. Take care of that."

"Seriously? I'm so fluttered. I'll make ingat-ingat this weapon." Conyong sabi ni Areti.

"Kay Lonndin naman ay ginamit ng kanyang ama ang isa at yung isa ay sa kambal nito. Magkasama ang dalawang glock pistol na iyon dahil magkadugo ang gumamit. Also one of the legendary weapon dahil ang lolo ni Lonndin na naging estudyante nina Iro ang unang gumamit ng mga iyan." Tiningnan ko si Lonndin at nakangiti ito. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti.

"Pano naman yung kay Vion, Sir?" Tanong ni Inari.

"To be honest, ang katana na weapon ni Vion ay isa rin sa mga legendary weapon pero walang nakakaalam kung sino ang gumamit nito dahil iniwan na lang ito basta-basta ng may-ari sa principal nitong school dati. Ayon sa sabi-sabi ng mga matagal ng nakatira dito at nag-aaral dito, noong panahon daw ay may dumayo rito na baguhan." Tutok na tutok kami sa pakikinig sa kwento ni Hiruu. Ngayon lang ako naging interesado sa mga kwento.

"Then what happened, Sir?" Tanong ni Areti.

"Gusto nitong mag-aral dito sa academy ngunit hindi pinayagan nina Iro dahil sa identity nito. Hindi makumpirma kung sino siya. Isa siyang misteryo sa bayan na ito noon. Until that person decided to live here. May matandang tindero sa bayan may alam sa taong ito. Sabi niya, lagi itong may dalang katana. Dahil kuryosidad ay tinanong ito ng matanda at ang sagot lamang nito ay para sa pagpatay ng mga hindi nakikita ng normal na mga mata lamang. That's when Iro decided to let that person study here. After 3 years ay bigla na lang itong nawala." Patuloy ni Hiruu.

"Nakita ba nung matanda kung anong itsura nun?" Tanong ni Thorald.

"Oo pero may suot itong mask. Tanging mata lang nito ang nakikita."

"Buhay pa ba yung matandang yun?" Out of nowhere kong tanong.

"Yes. His name is Tasyo. Well, enough of that. Magpahinga na muna kayo dahil may gagawin tayo. Pupunta tayo sa dark woods." Ani Hiruu saka tumayo. Pinagpag niya naman yung sarili niya bago kami iwan sa loob.

"Anong gagawin natin sa dark woods?" Tanong ni Inari samin.

"Test?" Nagtatanong na sagot ni Areti. Tiningnan naman ako ni Lonndin.

"Try asking your brother what're we doing there." Utos niya. Teka? Inuutusan niya ba ako?

"Oo nga naman. Tutal kapatid mo yun, kawayan." Sang-ayon ni Thorald. Teka? Tinawag niya ba akong kawayan? Tiningnan ko naman yung sarili ko. Hindi naman ako ganon ka payat para ikumpara niya ako sa kawayan.

"Wag nga kayong ganyan kay Vion!" Suway ni Inari sa dalawa naming kasama.

"Why don't we go out now? Haler! Kung gusto niyo pang magtagal dito then I'm leaving." Sabat ni Areti sabay tayo't naglakad papunta sa pinto.

Nagsitayuan na rin kaming apat saka sumunod sa kanya. Pagkalabas namin ay papalubog na ang araw. Seryoso ba to? Ganon ba kami katagal sa loob?

"Pagabi na pala? Parang ang tagal natin sa loob. We even forgot to eat lunch and snack." Kumento ni Lonndin habang nakatingin sa labas.

Sabay-sabay naman kaming umalis at napagpasyahang kumain sa cafeteria. Hindi sana ako sasama kaso naalala ko na pupunta pala kami sa dark woods. Ano bang meron sa dark woods?

ARETI

The moment na nakalabas kami sa room kung saan kami pinagsummon ay may kakaiba akong naramdaman. I felt sudden chills run all over my sexy body. Nakakaramdam lang ako nito kapag may phantom sa paligid. Yes, I can feel if there's a phantom around. Kalaunan ko lang ito nalaman.

"Areti! Bilisan mo!" Napalingon naman ako kay Thorald ng bigla siyang sumigaw. Nahuhuli na pala ako sa kanila. Tumakbo naman ako papalapit sa gawi nila.

Napalingon ako sa likuran namin kung saan ko naramdaman yung kakaibang naramdaman ko pero wala akong makita. Hindi ko na lang ito pinansin.

VION

Matapos naming kumain ay pinapunta kami ni Hiruu sa tapat ng dorm ng mga teachers. Walang ideyang tumungo kami roon hanggang sa makita namin sina Hiruu. Si Ms. Safarah naman ay kumakaway.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Hiruu samin. Sabay-sabay naman kaming tumango. May binigay sila saming maliit na backpack.

"Para saan po to Sir?" Tanong ni Inari. Hawak ko pa rin yung backpack. Medyo mabigat ito na tila ba may lamang bato.

"That's your kit. Naglalaman iyan ng mga kakailanganin niyo sa dark woods." Seryosong sabi ni Sir Mounzeur.

"Sa loob ng kit na yan ay may flashlight, signal light, whistle, medicine kit, bottled watter and holy water." Paliwanag ni Hiruu. Kaya pala mabigat tong backpack. Talo pa namin magka-camping nito.

Pinalinya naman nila kami at nasa unahan si Hiruu. Maya-maya pa'y may tatlong guro ang lumabas sa dorm.

"Good evening, Teachers." Sabay-sabay naming bati.

"Sila ang makakasama natin sa dark woods. They are also your teachers. He is Mr. June Salvido. On his right side is Mr. Xergene Zenula. The one on the left is Mr. Quil Eroncho." Pagpapakilala ni Ms. Safarah sa tatlong dumating. "Mr. Salvido and Zenula are both S-rank slayer, while Mr. Eroncho is a 1st grade slayer. Give them respect, understood?" Dagdag niya pa na tinanguan namin.

Matapos ang pagpapakilala nila ay nagpasya na sina Sir Mounzeur na pumunta na kami sa dark woods. Nakalinya pa rin kami at nakasunod kay Hiruu habang sa likuran namin ay sina Ms. Safarah at yung tatlong teachers. Nagtaka naman ako dahil biglang nawala si Sir Mounzeur. Magtatanong sana ako kay Hiruu ng biglang umihip ang malakas na hangin kaya halos lahat kami ay napatigil. Napatingin naman ako sa likuran namin at wala na sina Ms. Safarah. Where'd they go?

"Ang creepy naman dito." Kumento ni Inari. Nakalapit na pala siya sakin.

"Where are the others? They're just here kanina with us!" Takang tanong ni Areti. Napansin niya rin pala. Magsasalita sana si Thorald ng pinatigil siya ni Hiruu. Nakarinig kami ng kaluskos sa paligid.

"Torao! Kuru!" Nabigla naman kami ng biglang sumigaw si Lonndin sa pagsummon ng buki niya. Hawak na niya ang weapon niyang dalawang glock pistol guns.

"Richa! Kuru!" Tawag ni Hiruu sa weapon niya. Naguguluhang tumingin ako sa kanila.

Mas lalong lumakas ang kaluskos sa paligid na tila ba papalapit ito samin. Papalakas ito ng papalakas.

"HELP ME!!!" Gulantang akong napatingin sa pinagmumulan ng sigaw. Kay Ms. Safarah ang boses na iyon.

Napatakbo naman kami sa pinanggalingan ng sigaw ngunit bago pa man kami makarating ay may humarang samin. Mga usa itong maiitim na binabalutan ng berdeng usok. Pinaputukan ito ni Lonndin ngunit hindi nagpatinag ang mga usa. Agresibo itong lumapit samin.

"Mika! Kuru!"

"Ryuu! Kuru!"

"Yumi! Kuru!"

Pagsummon nina Inari sa weapon nila. Ako na lang ang hindi pa nasusummon ng weapon. May kung ano sakin ang pumipigil na gawin iyon. Bigla naman akong tinalunan ng isa sa mga usa na naging dahil ng pagkawala ng balanse ko. Tinusok ito ni Thorald gamit ang spear niya.

"Summon your weapon, Vion!" Bulyaw ni Thorald sakin kaya ginawa ko na.

"Akuma! Kuru!" Sigaw ko. Biglang nagkaroon ng liwanag na asul ang marka sa braso ko't lumabas mula roon ang katana ko.

Tumulong ako sa pagpatay ng mga phantom na usa ngunit masyado silang marami. Kailangan pa naming mailigtas si Ms. Safarah dahil nanganganib siya. Habang isa-isang iniilagan ang pag-atake ng mga phantom ay napaisip ako. Ano ba talaga ang meron dito sa dark woods? Why all of a sudden ay may nagpakitang phantom samin? Is this some kind of a test? Ito na ba yung sinasabi ni Hiruu na gagawin namin dito sa dark woods? Bakit dito pa eh gabi na? Nawaksi naman ang pag-iisip ko dahil sa sigaw ni Hiruu.

"Vion sa likod mo!" Bago pa man ako makalingon sa likuran ko ay naramdaman ko na lang ang sarili kong papabagsak sa lupa't nilamon ako ng kadiliman.