webnovel

The Phantom Slayers: The Destined Teens

missingnotion · 奇幻
分數不夠
14 Chs

08: The Terror Teacher and The Academy's History

VION

Ngayon ang ikalawang araw ko bilang estudyante ng academy na to. Nasabi sakin ni Hiruu kagabi na ngayon papasok yung history teacher namin. May mga nabanggit pa siya pero hindi ko na maalala dahil antok na antok na ako kagabi.

"Vion halika na. Hindi ka pwedeng ma-late sa klase mo. Hindi ordinaryong teacher si Mr. Mounzeur." Pagyayaya ni Hiruu habang inaayos yung necktie niya. Matapos niyang gawin iyon at lumabas na kami sa kwarto.

Sabay naman kaming bumaba at lumabas ng dorm. Pagkalabas ay nagpaalam na siyang mauuna dahil may importante pa siyang gagawin. Hinayaan ko na lang. Ngayon ko lang napansin na masyado siyang busy. Tila ba may kung ano siyang tinatago sakin dahil sa tuwing nakikita ko siyang abala sa laptop niya ay lagi niya itong inilalayo sakin.

"Good morning, Vion!" Napatingin naman ako sa bumati dahil isa lang ang bumabati sakin. Nakangiti ito ng napakalapad habang papalapit sakin.

"Same." Maikli kong tugon. Medyo wala pa ako sa mood makipag-usap ngayon. Ang dahilan? Hindi ko alam.

"Sabay na tayong pumasok ah." Nakangiti pa rin niyang sabi. Hindi ko na lang siya pinansin saka kami binalot ng katahimikan. How can she act like nothing happens yesterday? Ganon ba talaga siya?

"Alam mo bang ngayon na papasok yung totoo nating history teacher?" Pagbubukas niya ng topic na tinanguan ko.

"Balita ko terror daw yun. Sana naman fake news. Hindi ako makakapagfocus kapag ganon ang teacher ko." Aniya. Nakaramdam naman ako ng pagkairita dahil sa kadaldalan niya. I never thought that this girl with an innocent face will be this talkative.

"Ganyan ka ba, Inari?" Taka niya naman akong tiningnan dahil sa pagtatanong ko. Nawala naman ang ngiti sa mga labi niya.

"What do you mean?" Tanong niya. Napabuga naman ako sa hangin.

"Acting like nothing happened." Sagot ko na ikinagulat niya. I really just don't like people acting dumb even if they're not.

Hindi naman siya umimik. Much better. Tiningnan ko lang siya at nakatungo ang kanyang ulo. Naiiling na lang ako dahil sa inaakto niya. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa room. Naunang pumasok si Inari na sinundan ko naman. Pagkapasok namin ay tahimik ang buong klase. Napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa may chalkboard. Mataman itong nakatingin sa gawi namin. So, siya yung sinasabi ni Hiruu na si Mr. Mounzeur.

"You're 3 minutes late! You call yourselves students? Gayong simpleng pagpasok ng maaga ay hindi niyo magawa?!" Bulyaw nito samin. Napansin ko namang nagulat si Inari sa sigaw.

"I'm sorry, Sir." Paghingi ng paumanhin ni Inari. Pinaupo niya naman kami. Tahimik lamang ang buong room. Tila nagpapakiramdaman.

"This is your first warning, Mr. Buencamino and Ms. Delejas. After this, I won't tolerate your tardiness."

"Alright! Before I proceed on the lesson, I'll introduce myself first for those who doesn't know me." Aniya habang inaayos ang suot niyang coat.

"I am Mr. Werty Mounzeur. A 1st graded rank slayer and also your history teacher. This academy is my home for almost 35 years." Halos lahat kami ay namangha dahil sa sinabi niya. Pero ang ipinagtataka ko ay ang sinabi niyang isa siyang 1st graded rank slayer. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Okay na ang pagpapakilala ko. I hate long introduction. Let's proceed. I'll be discussing first the history of this school, so better listen. Alam ko kung sino ang nakikinig sa hindi."

"Academia Tcycheiro or Tcycheiro Academy was buit on year 1890. It is said that the great Iro built this academy. This academy is both for gorgeouls or human and for slayers like you. The name Tcycheiro is the combination of all the names of the founder. Tcy is for Terochio Cytrov. He's the first teacher of this academy and the most valuable treasure of Iro because he's his bestfriend. Chei is for Cheiran, the wife of Iro and the first principal. While Iro is for Iroptun. The one who built and founder of this academy." Namangha naman ako dahil sa history ng pangalan nitong academy. Akala ko ramdom letters lang pero it has a sentimental value.

"Tcycheiro was just a normal academy before but after the disaster many years ago, Iro and his bestfriend, Tero, decided to reveal their true identity. You see, hindi sila ordinaryong tao lang. Napag-alaman nila na may kakaiba sa kanila. They can summon ay weapon. They can see a demon creatures wondering around. The two of them thought that it was some magic tricks. Until, Iro noticed that Tero was acting weird each day. Iro also noticed a purple-ish black blight on Tero's body that's why he asked his friend about it. Later on then, Tero confessed his sins to Iro. That he is corrupted by the demon creatures called phantoms. He let his bad emotions grew inside him and let the phantom controll him. Tero, died after a week because of the blight that can't be removed inside his body." Magpapatuloy pa sana siya ng bigla itong napatigil at napatingin sa gawi nina Lonndin. Napatingin din ako rito. Nakataas ang kanang kamay niya. Probably to ask question.

"What disaster happened years ago, Sir?" Tanong niya.

"Paglusob ng mga phantoms. Thousands of the people living here years ago were killed. They let their dark emotions grew inside them and that's where phantoms can controll you. Making you do sins and let you die. And that's the role of slayers. We're going to expell each and every phantom that's corrupting one's good in their heart. Only slayers can see the phantoms around." Pagpapaliwanag nito. Kung ganon ang role ng mga slayers, bakit nandito kami? Nakaupo? Di ba dapat nasa labas kami para maghanap ng mga phantoms na kailangang patayin?

Nagpatuloy naman si Mr. Mounzeur sa pagpapaliwanag habang ako ay hindi na nakikinig dahil sa pag-iisip. Hanggang sa ipinaliwanag na niya ang tungkol sa mga phantoms.

"Phantoms are the demon creature that most likely corrupting the 'good' in one's heart. When a human let his dark emotions rise that is when a phantom occur. There are two types of phantoms. First is the Ayuma. A nature demon creatures. They are the ones we see wondering around. Waiting to corrupt someone. The second one is called Shanki. A human made phantom." Lahat kami ay napasinghap sa sinabi niya. There are phantoms that can be created by a human?

"Shankis are the most dangerous phantoms because they can be controlled by the one who created them. They are the ones responsible sa pagkamatay ng ibang slayers." Pagpapatuloy niya. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya.

"The role of each one of you here is to expell a phantom. You are here to study how to fight and how to kill a phnatom."

"You said earlier Sir na ang Shanki ay human made phantom. Normal human po ba yun?" Tanong naman ni Inari.

"No. They're not normal. They just like us."

"Is it possible for us, soon-to-be slayers, to create a phantom?" Napatingin naman kaming lahat kay Thorald dahil sa tanong niya.

"Yes. If and only if you can." Aniya habang matamang nakatingin sakin. I suddenly felt chills because of his stares.

"Are you a summoner, Sir?" Tanong ng kaklase ko. That question caught me. Is he?

"No pero lahat kami na magtuturo sa inyo ay slayers and summoners." Summoners? What does he mean? Masyado na akong naguguluhan dahil sa dami ng nalaman ko ngayon.

"Nasabi niyo po pala Sir kanina na ikinamatay ng late Tero ay ang blight sa katawan niya. Is it because of the sins he made?" Tanong ni Areti. Himala ata na maayos ang pagsasalita niya hindi na conyo.

"Yes. Tero is also a slayer. When a slayer got blightened, he/she needs to confess his sins. Using ablution."

"Ablution?" Wala sa sarili kong tanong.

"At last nagsalita ka na rin." Napatingin naman ako sa teacher namin na nakatingin sakin. "Ablution ang tawag sa paglilinis sa isang slayer na nagcommit ng maraming kasalanan dahil hinayaan niyang makontrol siya ng isang phantom. Noon, hindi alam nina Iro kung papano gagawin ang ablution kaya namatay si Tero. Kalaunan lang nalaman ni Iro na kailangan ng apat na slayer upang makagawa ng ablution border." Pagpapaliwanag niya. Magpapatuloy pa sana siya ng bigla kaming nakarinig ng katok na naging dahilan ng pagsilingunan namin doon. Mula roon ay may lalaking naka-full suit ang nakatayo. Siya yung nakita ko sa opisina ni Mr. Takano na seryoso habang nasa gilid.

"Sorry to interupt your discussion, Mr. Mounzeur but the principal wants to talk to you." Wika niya bago tinalikuran si Sir Mounzeur. Humarap naman samin si Sir na seryoso ang mukha.

"That's our discussion for today. I'm expecting you all to answer my questions next meeting. Understood?" Nagsitanguan naman kami. Pagkalabas niya ay saka lanag kami nakahinga ng maluwag.

"He's kinda scary. Kanina habang nagdidiscuss siya about sa history ng school, nanlalamig ako dahil sa boses niya." Wika naman ni Inari.

Napatingin naman ako sa pinto kung saan lumabas si Sir Mounzeur at may napansin ako. May kung anong itim na usok ang naroon. What the hell was that thing?