VION
Matapos akong iwan ng principal sa tapat ng dorm ng mga kalalakihan ay gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko o naghahallucinate lang ako. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang nasa harapan ko pa pala si Hiruu kung hindi pa siya nagsalita.
"Okay ka lang ba, Vion?" Tiningnan ko lang siya. Walang imik. Tila ba napipe ako dahil walang lumalabas na boses mula sa bibig ko.
"Lika na." Yaya niya. Kinuha ko naman yung maleta't backpack ko mula sa kanya.
Sumunod lang ako sa kanya habang pumapasok sa loob ng building. Hindi ito ordinaryong dorm. May hall ito katulad sa main building ng academy. Sa mismong hall ay may dalawang malalaking hagdan. Isa sa kaliwa at isa naman sa kanan. Inilibot ko naman ang paningin. Paikot ang mga hagdan nito hanggang sa apat na palapag. Hindi kaya nakakapagod tumaas-baba riyan?
"Doon muna tayo sa receptionist desk. Kukunin ko lang yung susi ng kwarto natin." Aniya at saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng receptionist. Seryoso ba talaga to? Receptionist? Ano to? Hotel?
Lumapit naman ako sa kanila at doon ko napansin ang babaeng kausap ni Hiruu. Balingkinitan ang katawan nito. May mahahabang itim buhok. Ang mukha naman niya ay may makakapal na make-up. Bakit ganon ang mga babae? Ang hihilig sa make-up? Di ba nila alam na maganda na sila kahit sa natural na itsura lang ng mga mukha nila? Teka? Bat ba ako nangengealam? Dyahe naman.
"Sige. Salamat, Mary. Mauuna na kami." Rinig kong paalam ni Hiruu. Tiningnan niya naman ako na tila ba nagbibigay mensahe na aakyat na kami.
"Anong floor ba yung room natin?" Tanong ko. Mahirap na baka nasa huling palapag pa yun.
"Room 206. Nasa second floor yun kaya di ka mahihirapan sa pag-akyat." Wika nito habang nilalaro yung susi gamit ang hintuturo niya.
"Wala bang elevator dito?" Bored kong tanong na inilingan niya.
"Ang laki-laki nitong academy tapos wala silang elevator? Pambihira naman." Dismaya kong sabi. Nakarating naman kami sa tapat ng unit kwarto namin. Medyo hinihingal ako dahil mabigat yung maletang dala ko. Sabi nga ng principal, ang payat ko.
"O, Hiruu! May bago ka na palang kasama!" Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita. Nakasuot ito ng uniform ng academy. Magulo ang buhok at may sangkatutak na piercing sa tenga't ilong. Maging sa labi meron. Hindi ba pinagbabawal dito ang ganyan karaming hikaw sa estudyante?
"Kapatid ko nga pala, Zask. Papasok ka na?" Ani Hiruu sa lalaki.
"Oo. Pinapatawag ang council eh. Ewan ko ba sa principal na yun, hindi malaman kung ano ang tumatakbo sa utak niya." Irita nitong sagot. Teka? School council ba ang tinutukoy niya?
"Mukhang magiging busy kayong council ah. Siya, papasok na kami." Paalam ni Hiruu. Tumango naman yung lalaking tinawag niyang Zask. Kapangalan pa yung hero sa ml na si Zhask with the 'h'.
Nauna namang pumasok si Hiruu at bago ako pumasok ay napansin kong iba ang tingin sakin nung Zask. Ano naman kaya ang nagawa ko sa kanya? Ang weird niya.
"Vion halika na." Ani Hiruu kaya pumasok na ako. Malaki yung kwarto namin. Kasing laki ito ng isang apartment.
"Dyan ka sa kaliwa. Iyang kabinet na nasa tabi ang lagayan ng gamit." Turo niya sa isang maliit na wardrobe. Ngayon ko lang napansin na nasa loob na yung mga kahon namin ngunit dalawa lang ito. Nasan yung dalawa?
"Bakit kulang yung mga kahon?" Tanong ko.
"Pinabalik ko sa bahay yung dalawa. Di naman kasi yun natin masyadong magagamit."
"Bakit niligpit pa natin?" Tanong ko. Umupo naman siya sa kama niya.
"Yun ang utos ni Mr. Takano sakin pero di ko naman alam na magbabago pala ang isip niya." Iiling-iling niyang sabi.
Dahil likas sakin ang hindi umimik, iyon ang ginawa ko. Kinuha ko naman yung maleta ko at isa-isang nilagay sa wardrobe. Buti na lang may mga hanger sa loob kaya naman hindi na ako mahihirapang bumili. Binilisan ko naman ang pag-aayos sa mga gamit ko at saka pumunta sa study table sa nasa tapat ng malaking bintana. Napansin ko naman sa mesa nito ang mga pinamili namin sa mall. Kinuha ko ito at binuksan.
"May mga gamit ka ba sa mga pinabili mo sakin sa mall?" Tanong ko kay Hiruu ng hindi nakatingin dahil abala ako sa mga gamit na hawak ko.
"Wala. Lahat ng nandyan ay gamit mo. I already have mine." Aniya habang abala sa laptop niya.
Matapos kong mag-ayos ay napagpasyahan kong mag-ikot. Ng mag-isa. Ayoko ng kasama. Kapag may nangyari doon ay kargo de konsensya ko pa.
"O pera mo. Bumalik ka dito ng alas 3 ng hapon." Paalala ni Hiruu sakin bago ako lumabas ng kwarto namin.
Tahimik ang hallway pagkalabas ko. That's what I like. The silence. But even though I like the atmosphere, it just felt weird. The environment. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nasa labas na pala ako ng dormitory.
"Pano kaya ako makakalabas dito sa academy na to?" Pagkausap ko sa sarili. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng nasa labas.
"Excuse me, are you new here?"
Napatingin naman ako sa nagtanong. Babae siya na nakapigtails at nakauniform. May babae pa pala sa panahon ngayon na ganon ang ayos ng buhok?
"Yeah." Sagot ko rito.
"Lalabas ka ba ng academy?" Tanong niya ulit. Teka? Bat ba andito tong babaeng to? Kilala ko ba siya or kilala niya ba ako?
"Yeah." Nginitian niya naman ako matapos kong sumagot. She's weird.
"Samahan na kita. Wala kasi akong kasama palabas eh." Aniya sabay angkla ng mga braso niya sa braso ko. Sa gulat ko dahil sa ginawa niya ay naitulak ko siya.
"Hey! Why did you do that?!" Galit nitong sabi. Siya pa may ganang magalit? Ako dapat dahil bigla niya akong hinawakan.
"Look miss, I don't know you so better not touch me. Besides, I don't want your help." Wika ko rito at tinalikuran ko ito.
Naglakad na lang ako ulit hanggang sa makarating ako sa main building. Napatingin naman ako sa malaking fountain sa tapat nito.
"Why does some schools have fountain like this?" Kausap ko ulit sa sarili habang nakatitig sa fountain.
"Vion!!!!" Narinig ko na naman ang sigaw ng principal. Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw at hindi ako nagkakamali. Ang baliw na principal ay papalapit sakin.
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong niya.
"I'm going out."
"Lalabas ka ng academy? Bakit?"
"To wonder around." Bored kong sagot.
"Okie dokie! Tawagan ko lang si Gotter para masamahan ka." Aniya sabay kuha sa cellphone niya at nagdial.
"Gotter! Bring my car here! Pronto!" Sigaw niya sa sa kausap na nasa kabilang linya. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Baka!" Sigaw niya ulit bako patayin ang tawag. Ngumiti naman siya sakin matapos niyang mailagay yung cellphone niya sa bulsa ng pantalon.
"Any minute now ay andyan na yung kotse. Abangan mo na lang sa front gate." Aniya bago ako iwan. Nagtatakang sinundan ko ito ng tingin. Okay? What was that?
Dahil yun ang iniutos ng principal ay sumunod na lang ako. Saktong paglabas ko sa main gate ay may kotse ng nakaabang habang nasa labas ang isang lalaking nakasuot ng full suit at tila ba may hinihintay. Nang makita niya ako ay agad niya akong iginiya papasok sa kotse.
"Ako po pala si Gotter, Sir. Driver po ako ni Principal Takano." Pagpapakilala nito ng makapasok siya sa kotse.
"Vion po." Sagot ko. Ngumiti naman siya gamit ang salamin na nasa uluhan niya.
Nagsimula naman siyang paandarin ang kotse hanggang sa makalabas kami sa academy. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Dapat pala tinanong ko si Hiruu kung saan pwedeng pumunta dito.
"Saan ho tayo, Sir Vion?" Biglang tanong ng driver. Naka-focus ito sa pagdadrive.
"Hindi ho ako pamilyar dito."
"Ganon po ba? Ibababa ko po kayo sa bayan para naman po makapag-ikot-ikot kayo." Aniya. Tinanguan ko na lang ito.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa may bayan. May mga nadadaanan kaming mga bahay. Sari-saring klase ng bahay. May mga stall at stores rin ng mga paninda. Tumigil naman ang kotse sa tapat ng isang stall na puno ng mga libro't mga kagamitan para sa paaralan.
"Dito na ho tayo Sir Vion. Ito po ang number ko. Tawagan niyo na lang po ako kapag uuwi na kayo." Aniya sabay abot ng isang card na may number niya. Hmm. Gotter Regalado. That's his name. Sounds cool. Bumaba naman ako ng kotse.
"May I ask how old are you?" Tanong ko rito bago niya muling paandarin ang makina ng kotse.
"27 po, Sir." Nakangiti niyang sagot sabay alis. He's just 27?
Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid. Naghahanap ako ng pwede kong puntahan.
"Bago ka lang ba rito?" Nagulat naman ako sa nagtanong. Yung vendor na nasa harap ko. Tinanguan ko lang siya at saka nagsimulang mag-ikot.
Qweintche, yan ang pangalan ng bayan. Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ko sa pag-iikot. Namalayan ko na lang ang sarili na nasa loob na ng kotse papabalik sa academy.