May maaliwalas na ngiting nakapaskil sa aking labi pagkatigil ng sasakyan sa tapat ng aking opisina. Paano ba namang hindi ako makaramdam ng saya? Matapos ang agahan namin kanina ay muling mainit na nagsanib ang aming katawan ng aking asawa, sa ibabaw mismo ng mesa at muli akong dinala sa langit dahil sa sobrang sarap ng pagbayo niya sa akin. Ilang beses din akong nilabasan ulit na siyang dahilan kung bakit na-late ako ngayon. Pero walang problema roon dahil pag-aari ko ang building kung saan ang restaurant at ang aking opisina.
Hinatid ako ng aking asawa sa opisina bago ito didiretso sa sariling opisina nito kaya nag-uumapaw ang saya sa dibdib ko. Bago ako bumaba ng sasakyan ay hinalikan ko muna siya sa pisngi ngunit ginantihan naman niya ng mapusok na halik sa labi. Nagpapasalamat na lang ako dahil kissproof ang lipstick na gamit ko.
"Ikaw talaga. Wala kang kasawa-sawa," saway ko matapos ang aming mapusok na halikan. Malawak ang ngiti ko habang puno ng pagmamahal na nakatingin sa kay Earl.
Gumanti siya ng ngiti, "Mahal, kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa'yo. Mahal na mahal kita, lagi mo sana 'yang tatandaan."
Naluluha akong tumingin sa asawa ko dahil sa sinabi niya. Biglang sumagi sa isip ko ang pambababae niya, sigurado ako roon dahil hindi naman niya tinatawag ang kanyang ina na babe! Gustong-gusto kong paniwalaan ang sinabi niya ngunit mabigat sa dibdib ko na tanggapin iyon, lalo na sa mga narinig ko. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti upang itago sa kanya na nasasaktan ako. Humawak ako sa palad niyang nakapatong sa hita ko at bahagya iyong pinisil.
"Mahal na mahal din kita, mahal. Hinding-hindi ako magsasawa na mahalin ka. Ipaglalaban kita sa lahat dahil ikaw lang ang nag-iisang lalaking minamahal ko." Matamis akong ngumiti sa kanya kahit nasasaktan na ang kaloob-looban ko.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi nawala ang kinang ng pagmamahal sa mata niya. Bagkus ay lalo pa iyong nagpamalas ng purong pagmamahal para sa akin. Labis man akong nagtaka ay binalewala ko iyon. Baka nga nagkamali lang ako ng akala kagabi. Baka naman talaga hindi siya nakikipagtawagan sa ibang babae. Maybe I am just assuming things, maybe my husband still love me truthfully. Maybe…
"Hmm… mahal, baba ka na, baka ma-late ka pa lalo. I will pick you up later after office, okay?"
His replies makes me wonder and stunned me for a moment. Pero agad din akong nakabawi at hindi pinahalata sa kanya na bahagya akong nasaktan sa panunulak niya. It was just a simple gesture, there's no need to ponder about it so much. Pero bakit iba ang kinikilos niya kaysa sa pinapakita ng mata niya? Is it because of what I said?
Binawi ko ang kamay kong nakahawak sa palad niya at kinuha ang aking gamit na nakalagay sa backseat saka naghanda na sa pagbaba ng sasakyan. Pagkatapos ay mabilis ko siyang ginawaran ng halik sa pisngi. Nakahawak na ako sa hawakan ng pintuan at akmang bubuksan nang bigla niya akong hinawakan sa braso upang pigilan ang pagbaba ko.
"Joanne!"
Bahagya akong nagulat dahil sa sobrang lamig na ng boses niya nang magsalita. Kumbog din ng mabilis ang dibdib ko dahil nakaramdam ako ng kaba, lalo na nang makita ko ang talim sa mga mata niya.
"Ye-yes, mahal?" I stammered the instance my eyes met his.
"No flirting with another man. I'll pick you upstairs later. Wait for me there."
His answers stunned me. Flirt with other man? He is thinking that I am flirting with other man? Hindi ko mapigilang sintemyento sa aking sarili. Nasasaktan ako dahil sa biglang pagbago ng mood niya at sa kung ano-anong pinagsasabi niya.
"Mahal, I am not doing that."
"Get down." Iniwas niya ang tingin sa akin at dumiretso iyon sa harapan saka binuhay ang makina ng sasakyan.
Hindi ako umimik. Pinigilan ko rin ang sarili ko na hawakan siya at magpaliwanag, baka sisinghalan niya lang ulit ako.
Wala akong nagawa kundi ang bumaba ng sasakyan at agad na dumiretso nang lakad papasok sa loob ng building. Nasa pinakatuktok ng building ang opisina ko, sa tenth floor. Samantalang ang pangwalo at pangsiyam na level ay nirerentahan bilang isang business offices. At ang natitirang mga floor ay puro na restaurant na pagmamay-ari ko. Kada level ay nagse-serve ng iba-ibang cuisine at entertainment para sa mga customers. Mayroon ding rooms kung gusto ng mga guests na mag-staycation. It is like a hotel more than a restaurant.
Ang purpose ko bakit ko naisip ang ganitong concept ay upang maging convenient sa mga guest na pumapasok sa restaurant. Kahit sa ibang branch ng restaurants ko ay ganito rin ang concept.
Nang makarating sa loob ng building ay dumiretso na agad ako sa elevator at tinanguan ko lang ang mga empleyado na bumati sa akin. Agad kong pinindot ang button patungo sa pinaka-top floor kung saan naroon ang opisina ko. Akmang sasara na ang pinto nang biglang may kamay na pumigil doon kaya napatingin ako sa papasaradong pintuan. Mula sa labas ay pumasok ang nakangiting mukha ni Creed, ang lalaking nag-oopisina sa ninth floor. Isa siyang negosyante at ang pamilya niya ay isa sa pinakamayaman sa bansa. Hindi ko maintindihan kung bakit nais niyang magrenta ng opisina sa building ko kahit naman mararami itong pagmamay-ari na building.
"Good morning, Ms. Joanne," bati niya sa akin matapos mai-settle ang sarili at tuluyang makapasok sa loob ng elevator.
Ms. Joanne ang tawag sa akin ni Creed dahil halos magkasing-edad lang kaming dalawa, at ito ang nakasanayan niya dahil magkakilala na kami bago pa man ako ikasal kay Earl. Matagal na kaming magkakilala kaya matagal na rin siyang pinagseselosan ng asawa ko. Kaya kung minsan ay ayaw akong papasukin ni Earl sa opisina dahil ayaw niyang magkita kami ni Creed.
Nginitian ko siya pabalik at binati. "Good morning, Mr. James. You are early today," pormal na bati ko. Ngunit biglang napawi ang ngiti sa labi ko nang bigla kong maalala ang sinabi ng asawa ko na hindi nga pala ako puwedeng makipag-usap sa iba. Iyon ang kabilin-bilinan sa akin ni Earl. Pero sa sobrang bait at kalog ni Creed ay hindi ko siya kayang tanggihan dahil wala naman akong ginagawang masama.
Guwapo si Creed. Mayaman, maganda ang hugis ng katawan at higit sa lahat ay ma-appeal. Habulin ng mga babae. At kung makikita ako ng asawa ko na nakikipag-usap kay Creed ngayon ay siguradong magseselos 'yon at kung ano-ano ang iisipin. Baka saktan na naman ako…
"I am always early, Ms. Joanne." Sumandal siya sa metal na hawakan sa loob ng elevator. "Saka para makita kita," hirit pa niya.
Namula ang mukha ko dahil sa biro niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Ang aga mo namang magbiro, Mr. James." Pilit ang ngiting sagot ko. Nagtagpo ang aming tingin sa salamin na dingding ng elevator at kitang-kita ko na matiim ang pagkatitig niya sa akin. Muli ay agad kong iniwas ang aking tingin at yumuko.
Mabuti na lang at tumunog na ang alarm ng elevator indikasyon na pababa na si Creed dahil nakarating na siya sa palapag na bababaan niya. Palihim akong nagpasalamat at nakahinga nang malalim na hindi ko alam na kanina pa pala pinipigilan.Ngunit hindi iyon tuluyang nakawala dahil bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay may kamay na pumigil doon at muli iyong bumukas. Sumulpot ang ulo ni Creed na may nakapaskil na malapad na ngiti.
"Ms. Joanne, may I invite you for lunch at the café?"
"Sorry, Mr. James, I have an appointment." Kaagad na tanggi ko saka mabilis na pinindot ang close button ng elevator ngunit nakaharang pa rin ang braso niya. "Mr. James, I need to go."
"Please? It's just lunch."
"Sorry, my husband is strict." Wala akong nagawa kundi sabihin iyon dahil alam kong ayaw na ayaw ni Creed na marinig ang anuman tungkol sa asawa ko. His face dimmed and he finally let go of the door, letting it close.
Saka ako nakahinga nang maluwag. Ang akala ko ay hindi pa rin ito makikinig at patuloy pa ring mangulit. Hindi ko siya puwedeng i-entertain kahit gaano pa siya kabait na tao dahil sa oras na makarating sa asawa ko na nakipag-lunch ako kasama ang ibang lalaki kahit na friendly lunch lang iyon ay malalagot na naman ako.
Inayos ko ang hitsura ng aking mukha nang makarating ako sa floor ng opisina ko dahil siguradong sasalubungin na ako agad ng mabait kong sekretarya. Nakaplaster na ang ngiti sa aking mukha eksaktong pagkabukas ng elevator.
"Good morning, Madame!" maaliwalas ang mukhang bati ng aking sekretarya. Mabait ito at maaasahan pagdating sa trabaho. Her smile is sweet and warm. Nakakaalis ng stress. Inilahad nito ang palad upang kunin ang dala kong bag at ang aking coat.
"Good morning, Anna," bati ko pabalik. Inabot ko sa kanya ang bag saka ang hinubad kong coat saka dumiretso sa aking mesa. "Do I have an important meeting for today besides meeting the new suppliers?"
Anna hangs the coat on the rack and places my bag on the small table beside before she turns to me and answers. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Besides meeting the suppliers, you are free for the day, Madamme. You can date your husband." Ngumisi ito.
Mahina akong napatawa. Sana nga ay may oras pa sa akin ang asawa ko para i-date ako. Pasalampak akong naupo sa swivel chair at bahagya iyong pinaikot-ikot. "I wish my husband can give me more time to date. I miss our old days." Ipinatong ko ang aking dalawang siko sa mesa saka nangalumbaba. "Why can marriage be happy even busy at work?" hindi ko mapigilang tanong.
"Madamme, ang kasal ay commitment ng dalawang tao na magsasama sa habang buhay. Nasa sa inyo na 'yon kung paano niyo iyon i-handle. Kahit gaano man kayo ka-busy sa trabaho, kung talagang tunay niyong mahal ang isa't-isa, palagi kayong may oras na ilalaan. Hindi gano'n kadali ang buhay mag-asawa ngunit kapag may respeto at pananalig sa pagsasama walang mafa-fall out of love." Mahabang salita pa uli ni Anna.
"You are right, Anna. Pero paano mo nalaman ang tungkol sa pinagsasabi mo kung hindi ka naman kasal? Huwag mong sabihing napulot mo na naman sa kakapanood mo ng k-drama?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa sekretarya ko at nag-angat ng tingin dito.
Halos magkasing-edad lang kami ni Anna. Dalaga pa siya ngunit may long-time boyfriend. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw pa nitong magpakasal samantalang mabait at mukhang seryoso naman ang boyfriend nito sa kanya. Dahil nga sa magkasing-edad lang kami ang relasyon namin ay parang magkapatid. Kahit ang kakambal nito na si Jenyfer na siyang manager ng isa sa restaurant ko ay ka-close ko rin. Parang hindi ako ang boss nila kung magkakasama kaming tatlo pero kahit ganoon ay naroon pa rin ang respeto nila sa akin. I like this kind of friendship, they all know their limits when it comes to work and when we are jamming out.
"Naku, Madamme. K-drama ang life ko. Mas gusto ko pa ang magmukmok at manood kesa ang gumimik sa labas. Kaya nga minsan ayaw ko makipag-date sa boyfriend ko, eh." Anna grinned. May inabot siya sa aking papeles na kailangang pirmahan na kanina ko pa napansing nakapatong sa mesa.
"Naku, bad 'yan. Kapag ang boyfriend mo, tinanggihan mo ng tinanggihan, sa susunod i-break ka na no'n!" biro ko. Sinimulan kong basahin kung ano ang papeles na kailangan kong pirmahan. Bumungad sa akin ang lease agreement ni Creed James. Mag-e-expire na ang leasing nito sa building ko at muli itong nagpapa-renew.
"Kuh! Hindi ako iiwanan ng boyfriend ko, Madamme. Sa dami ko ba namang alam na posisyon. Hindi ako iiwan no'n sigurado!" Tumawa siya nang malakas.
"Anna Fegi!" nanlalaki ang matang sigaw ko sa buo niyang pangalan. Lumipat ang tingin ko mula sa binabasang agreement at tumingin sa sekretarya ko. Ngunit natatawa lang siya sa pinagsasabi niya. Wala akong nagawa kundi ang umiling na lang sa umaandar na naming kalokohan ng sekretarya ko. Inilapag ko sa isang tabi ang papeles na hawak ko upang tumingin pa ng iba ngunit agad na napansin ni Anna ang ginawa kong iyon. Kaagad niyang kinuha ang papeles at nakakunot ang noong tumingin sa akin.
"Bakit s-in-et aside mo ito, Madamme? This is Mr. James's leasing contract. Hindi ba lagi mo itong inuuna? Besides, kakatawag lang ng sekretarya niya to inquire about the contract dahil malapit na ang due." Hindi makapaniwalang saad ni Anna.
Hindi ako makaimik dahil sa sinabi niya. Naglaro sa isip ko ang imbitasyon ni Creed na mag-lunch kasama ito.
'Madamme!" tawag ni Anna sa akin. "Is this because of your husband? Nagseselos na naman ba siya kay Mr. James?"
Sumandal ako sa swivel chair ko at ipinikit ang mata matapos kong ilapag sa mesa ang mga papeles na hawak.
"Ang kape ko, Fegi. Make me my coffee." Pag-iiba ko sa usapan dahil ayaw kong sagutin ito tungkol kay Creed.
Pero makulit si Anna Fegi. She continue pressing the talk about Creed.
"Madame, Mr. James is a good tenant. Kung ang isyu ay about sa asawa mo you can just ask Creed to avoid you. Hindi 'yong hindi mo siya ire-renew sa leasing."
Bigla akong nagmulat ng mata at tumuwid ng upo saka nakakunot ang noong tiningnan si Anna Fegi. "Sino'ng nagsabing hindi ko siya ire-renew?"
"Hindi ba ikaw, Madamme?"
"Kailan ko sinabi 'yon?"
"Bakit mo itinabi ang leasing papers niya kung gano'n? 'Di ba siya ang lagi mong inuuna?"
I almost wanted to roll my eyes. "Anna Fegi, ang kape ko." Muli kong pang-iiba ng usapan.
Napakamot sa batok ang sekretarya ko at hindi na makasagot. Lumabas ito ng opisina ko upang sundin na ang inuutos ko. Muli akong sumandal sa swivel chair. Habang hinihintay ang pagbalik ng sekretarya ko ay pinasadahan ko muli ng tingin ang leasing agreement ni Creed. May ilan lang nagbago roon at mas lalo pang pinahaba ang panahon ng pag-uupa. Kaagad ko na iyong pinirmahan.
Kakatapos ko lang magpirma sa leasing agreement kay Creed at kumuha uli ako ng ibang papeles na babasahin. Akmang tatawagan ko sa intercom si Anna dahil hindi pa ito bumabalik at kapeng-kape na ako ngunit biglang bumukas ang pinto.
"What took you so long?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin mula sa binabasa kong papeles.
Walang sumagot kaya nangunot ang noo kong tumingala. Ganoon na lang ang pagkagulat ko dahil hindi si Anna ang pumasok kundi si Creed, bitbit ang kape'ng siguradong inihanda ng sekretarya ko.
"Anong ginagawa mo rito, Mr. James?"
Lumapit ito sa mesa ko at inilapag ang dalang kape. "Your coffee, Ms. Joanne."
"I remember correctly that I asked my secretary to bring me my coffee. Not you, Mr. James. Kailan pa kita naging tagapagtimpla ng kape ko?"
"I can make you coffee for a lifetime, Ms. Joanne." Matiim siyang tumitig ng tingin sa akin. Kumapit pa ang kamay nito sa magkabilang sulok ng mesa at bahagyang yumuko sa akin upang magkalapit ang mukha namin.
Agad akong nag-iwas ng tingin. "What do you need Mr. James?"
"I came to get the papers, Ms. Joanne. And to invite you for lunch of course."
"No can do." Kinuha ko ang kakapirma ko lang na papeles at nakaiwas ang tingin na inabot sa kanya.
"This is to celebrate our partnership." Tinanggap nito ang papeles saka umayos ng tayo. "And it is just lunch."
Naikuyom ko ang kamao ko sa kakulitan ni Creed.
"Mr. James, I—"
"I will wait for you at the canteen, Ms. Joanne."
Iyon lang at lumabas na siya nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko. Samantalang ako ay tuluyang sumandal sa upuan at ipinikit ang mata. Malilintikan talaga sa akin ang sekretarya ko dahil sa pagpapasok niya kay Creed.