Because of that view I saw outside, my appetite was lost again, but I tried my best not to show it to the two in front of me. Pinilit kong pasiglahin ang boses ko habang kumakain kami at nakikisabay sa kuwentuhan ng dalawa na maganang kumain. Pero ang kaba sa puso ko ay hindi na mawala-wala dahil baka anumang oras ay biglang lumitaw ang asawa ko at ang babae niya. Ayaw kong makita sila nina Anna at Jenyfer.
"What's wrong with you today, Joanne?" narinig kong tanong ni Jenyfer. Alam kong hindi lang si Anna ang nakapansin sa kakaibang kinikilos ko, pati na rin ang kakambal nito.
Marahil ay kahit anong pagpipigil ko ay hindi pa rin nakatakas sa mga ito ang kakaibang kilos ko. They known me for long kaya hindi nakapagtatakang hindi nila mapansin kung may kakaiba sa akin lalo na at sinasadya ko talagang bilisan ang pagkain upang makaalis kami kaagad. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti saka sumubo ng natitirang dumplings sa plato ko bago ko sinagot si Jenyfer na may laman pa ang bunganga upang hindi nito mahalata ang pait sa boses ko.
"I have a meeting to attend, and it's urgent," sagot ko bagamat hindi ko alam kong naiintindihan nila ang sinasabi ko dahil puno ang bunganga ko ng pagkain. Mahirap pala ang magpanggap na masaya kahit ang puso ay nilalamon na ng sakit.
But Anna is different. She can always predict my movements. This is the perk of always staying by my side. She always read what was on my mind.
"Why are you rushing? Your afternoon schedule is clear." Uminom siya ng tubig bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Are you rushing to see Creed?" tudyo pa niya.
I am done with my food kaya dali-dali kong ininom ang natitirang barley water na in-order ko saka agad na tumayo kahit alam kong hindi pa tapos ang dalawa. "I am not going to see him, Anna. May meeting lang talaga akong biglaang dumating. Its just came a while ago while we were ordering our food. So, if you are done, can we go?" halata sa boses ko ang pagmamadali upang ipaalam sa dalawa na kailangan na naming umalis. I'm sorry guys. Babawi ako next time. I just need to get out from here. I don't want you two to see Earl with his mistress. Hindi ko na namang maiwasang sumikip ang dibdib dahil sa isiping iyon bagamat labis ang pagpigil ko na hindi iyon makikita sa mukha ko.
Mabuti na lang at patapos na rin sa pagkain ang dalawa kaya agad tumayo ang mga ito. Nais ko lang ilayo ang dalawa rito dahil ayaw kong malaman nila na niloloko ako ng asawa ko. Hangga't kaya kong itago, ay itatago ko ang kataksilan nito sa taong malapit sa akin. I am still hoping that my relationship with Earl will not severe to the point that we break our marriage.
"Hay naku, Joanne. Hindi naman sa pag-aano, pero, ano ba talagang minamadali mo? Alam kong wala kang meeting kasi pinasadya mong ipa-clear ang schedule mo ngayong hapon kasi nga susunduin ka ng asawa mo 'di ba?" Anna insists.
Nakalabas na kami sa VIP room at nagyaya pa si Jenyfer na mag-bathroom muna ito pero agad kong tinanggihan at sinabing sa opisina na lang pero hindi niya ako pinansin at agad itong umalis upang magbanyo. Kaming dalawa ni Anna ang naiwan sa corridor. Napatingin ako sa kanya nang magsalita ito.
"No. It is an online meeting, so I don't need to leave the office. I'm doing it via zoom, and I will handle it independently." Ngumiti ako pero pilit. Anna is persistent. Kapag magtanong pa ito nang magtanong, siguradong mahahalata na nito ang paghabi ko ng kasinungalingan. Ayaw kong mangyari 'yon at siguradong uungkatin na naman nito ang dahilan kung bakit ako nagsisinungaling at siguradong aabot na naman iyon sa usapin tungkol sa pananakit ng asawa ko sa akin.
"Tungkol saan ba ang meeting na 'yan?"
"Just—"
Naputol ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto ng CR. Agad na lumiwanag ang mukha ko dahil akala ko ay si Jenyfer na iyon ngunit natulos ako sa kinauupuan at nawala ang kulay sa mukha ko nang makita ko kong sino iyon.
"Tiffany..." marahan kong sambit. Halos pabulong na iyon kaya hidi ako narinig ni Anna. Pero nakita nito na nagbago ang reaksiyon ng mukha ko at kaagad itong lumapit sa akin.
"What' wrong, Joanne?" nag-aalalang tanong ni Anna.
Hindi ako nakasagot agad. Nanatili kay Tiffany ang tingin ko at muling bumalik sa alaala ko ang nakita ko kanina sa parking lot. Bumalik ang sakit sa puso ko kaya marahan kong nakagat ang aking dila at napalunok upang pigilan ang luhang nais sumungaw sa aking namamasa ng mata. My hand tightly clutch my purse as I continue staring at Tiffany who look at me sardonically. Nakataas ang isang kilay nito at bahagyang nakangisi habang ang braso ay nakakrus sa harapan nito.
I wanted to cry seeing that mocking face looking down on me. Like there are words written on them saying 'your husband is mine' making my heart tighten in pain. Bago ako makasagot kay Anna ay naunahan ako ni Tiffany na magsalita. Humakbang siya palapit sa akin.
"Joanne." Tawag niya sa pangalan ko. "I'm glad to see you here." She said, but her face not even showing a bit of joy, but it was painted with contempt.
Napasulyap sa akin si Anna na bakas ang pagtataka sa mukha. "Kilala mo?" mahina nitong tanong.
Marahan akong tumango. How should I introduce Tiffany to her? Kaibigan ng asawa ko na inaahas ang asawa ko? Pero nanatili akong tahimik dahil kapag bumuka ang bibig ko upang magsalita ay baka pumiyok ang aking boses.
Hindi pinansin ni Tiffany si Anna na para bang itong hangin sa paningin niya, na hindi ito nakikita. Muli siyang nagsalita. "Would you like to know who's with me today, Joanne? He's someone you know and l—"
"Jenyfer!" agad na putol ko sa sasabihin ni Tiffany at agad na nilapitan ang aking kaibigan. Hindi ko siya kayang bigyan ng pansin dahil habang tumatagal ang paghaharap namin ay lalo kong naalala kong paano sila maglampungan sa carpark at lalo lang sumasakit ang puso ko. Hindi ko kayang isipin na niloloko ako ng asawa ko. Ikakatigil ng ikot ng mundo ko kapag iwan niya ako. Pero paano kong harap-harapan ko nang nakikita ang ebidensiya ng pambabae niya?
Mabilis kong hinila si Jenyfer palabas ng restaurant habang si Anna ay naguguluhang sumunod sa amin. I can feel Tiffany's piercing gaze at my back so I scurried out to the carpark.
Alam ko kung ano ang nais na ipahiwatig ng babaeng 'yon. She wants to show infront of me na magkasama ito at ang asawa ko. Kaya nang makita ko na lumabas nang banyo si Jenyfer ay agad ko na itong hinila upang mabilis na makaalis sa lugar na iyon at maiwasan ang babaeng 'yon. Isa pa ayaw kong makita ng kaibigan ko ang asawa ko.
"Sino ba 'yon? Why do you need to avoid here?" Anna suddenly asked. She was the one driving because, in my current state, I am afraid I would bring them into an accident. Nagkunwari na lang akong tinatamad akong mag-drive para pumayag ito. I also sat in the backseat so the twins couldn't see my mood.
"And why did you rush to go out? Is there a blood feud between you two? The woman looks at you like she wants to shoot daggers." Jenyfer cranes her neck to look at me, but I avoid her and stare at the scenery outside the window.
"Just... someone my husband and I knew," marahan kong sagot.
I can hear the loud sigh from Jenyfer as she shifts her gaze in front. I remained silent but saw them secretly exchanging looks in my peripheral view. I chose to stay quiet until we reached the office and asked Anna not to let anyone disturb me. If there is a document that needs my signature, I asked Anna to leave it on her table, and I will get it later in the day. Ang totoo ay gusto kong umiyak upang palabasin ang sakit na namumuhay sa aking puso ngunit ayaw kong makita ako ni Anna. Kaya nagdahilan akong mayroon akong sasalihang online meeting kahit ang dahilang iyon ay hindi pinaniwalaan ni Anna.
Marahil ay nababasa ni Anna na ayaw ko talagang magpaistorbo kaya hinayaan na niya ako at kahit ang pagtawag sa intercom ay hindi nito nagawa. Gabay na ni Anna ang trabaho ko at dahil ito na rin ang nakikipag-usap sa mga investors at suppliers ay ito na rin ang gumawa ng dahilan upang hindi ako istorbohin. Alam kong alam ni Anna na may dinaramdam akong problema pero dahil sa hindi niya ako mapilit na magsalita ay tumahimik na rin ito.
Ilang oras na akong nakatulala sa harap ng computer ngunit hindi naman iyon naka-on dahil lumilipad ang isip ko sa nakita kong tagpo kanina sa parking lot. Hindi ko na namang maiwasan ang pagtulo ng aking luha. Magmula kanina, pagkapasok na pagkapasok ko sa office ay nagsimula nang tumulo ang aking luha at kahit ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin iyon maimpit.
Mahal na mahal ko si Earl at hindi ko kayang ibigay siya sa iba. Hindi ko kayang makita siyang may ibang babae. Ang sakit, parang may ilang espada ang pauli-ulit na sumasaksak sa aking puso at kahit duguan na iyon ay patuloy pa rin iyong sinasaksak. Gusto kong bumalik sa dati naming masayang pagsasama. Pero bakit malabo nang mangyari iyon? Earl is clearly cheating on me.
Ang sabi nila kapag mahal mo ay ipaubaya mo, pero asawa ko ang pinag-uusapan dito. Kahit alam kong niloloko ako ni Earl ay ramdam ko pa ring mahal niya ako kaya't hindi ako susuko. Hindi ko siya ibibigay sa iba.
Masikip na ang dibdib ko sa impit na pag-iyak hanggang sa tumawag si Anna sa intercom at nagpapaalam na umuwi. Nang mapatingin ako sa oras ay saka ko lang napansin na alas-singko na pala ng hapon at oras na ng uwian.
"Hmm."Tanging sagot ko kay Anna saka agad na binabaan ng telepono.
Pagkatapos no'n ay mabilis akong nag-ayos ng aking sarili. I dried my tears and retouch my make-up to cover my swellling face and mostly my eyes. Ang sabi ng asawa ko ay susunduin niya ako upang sabay kaming umuwi. Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko dahil sa isiping iyon at dali-dali akong nag-ayos. Sinugurado ko munang maayos na ang hitsura ko bago lumabas ng opisina.
I am in the elevator and busy checking messages on my phone when it stops, and I step to walk out, but I bump into someone. Dahil hindi ako nakatingin ay hindi ko namalayang may ibang tao palang papasok. Tumingala ako at nakita ko si Creed. Agad na dumagundong ang kaba sa aking dibdib at binilisan ko ang hakbang upang lumabas. But someone stop me by grabbing my arms.
"It's not the lobby yet, Miss Joanne."
Napatanga ako sa aking narinig at namumula ang mukhang muling pumasok sa elevator. Nag-iinit ang mukha ko kaya tumungo ako at iniwasan ang tingin ni Creed na nakatingin sa salamin na dingding ng elevator. Dahil sa sobrang pag-iiwas ko ay hindi ko napansin kung nasaang floor pa lang ako.
Hindi ako kumibo at bahagya ko lang nilingon si Creed saka binigyang ng marahang tango.
"Going home?"
"Hmm." Tumango ako saka inangat ang aking mukha. Pero hindi ko sinalubong ang tingin niya dahil baka mapansin niya ang pamumugto ng mata ko.
"I'm on my way home, too. Ihahatid na kita. I didn't see your car at the carpark, so I presume you didn't drive here?"
Matigas akong umiling upang tanggihan ang alok ni Creed. "No, thanks. My husband will pick me today."
Lumingon ako at nakita ko ang pagguhit ng pait sa mukha ni Creed. "Kung hindi mo na kaya, I am always here, Joanne."
Nawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin at bago pa ako makasagot ay tumunog na ang pinto ng elevator at bumukas na iyon na laking ipinagpasalamat ko. Agad akong nagpaalam kay Creed at mabilis na lumabas bago pa man niya ako mahabol, baka makita pa siya ng aking asawa.
Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ito sumunod habang naghihintay ako sa lobby ng building. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. I am excited that my husband will pick me. Baka iti-treat niya ako sa labas for dinner. Because of that I took out my compact powder to touch up. Gusto kong maganda ako sa paningin ng asawa ko. Pagkatapos noon ay napatingin ako sa oras. Mga limang minuto pa lang ang nakalipas mula nang magsimula akong maghintay sa asawa ko. Earl knows the after office hours so he should be here soon.
But that soon didn't come. Napatingin akong muli sa oras at nakita kong mag-alas nuwebe na ng gabi. Apat na oras! Apat na oras na akong naghihintay sa asawa ko pero hindi pa rin siya dumarating. Nagpasya ako na tawagan siya. Agad namang nag-ring ang telepono niya ngunit ang ikinabog ng dibdib ko ay babae ang sumagot. Si Tiffany.
"Earl is with me, so don't even think of disturbing us!"
Nahulog mula sa pagkakahawak ang cellphone ko nang hindi ko namamalayan. Ni hindi na ako nakasagot kay Tiffany dahil muling nagbabadya ang luha sa aking mata pero labis ko iyong pinigilan dahil ayaw kong makita ako ng empleyado kong ngayon lang papauwi. Nanikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga dahil sa sakit ng isiping kasama na naman ng asawa ko si Earl.
Hindi ko akalaing mas pipiliin niya talagang makapiling ang babaeng 'yon habang pinangakuan niya akong sunduin. Umasa ako. But my tears couldn't contain in my eyes and some finally surge out. It hurts. It hurts so much that I want to scream.
Dali-dali akong tumayo mula sa lobby at naglakad palayo sa building, patungo sa medyo madilim na bahagi kung saan hindi masiyadong nadadaanan ng tao. Doon ako tahimik na umiyak upang kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko, ngunit kahit anong iyak ko ay hindi pa rin naiibsan ang sakit bagkus lalo lang iyong nadadagdagan.
I wanted to cry my heart out, so I hailed a taxi to go home, but a black Mercedes stopped beside me, preventing tears from flowing further down my face. Iniluwa niyon ang sakay na walang iba kundi si Creed. What is he doing here? I can't help but ask myself silently.
Creed answered my question immediately when he walked near me and lifted me from slumping on the side of the street. "Let me take you home, Miss Joanne. Lumalalim na ang gabi at mahihirapan ka nang mag-abang ng taxi mula rito."
Agad akong tumanggi dahil alam kong kapag nalaman ito ng aking asawa ay malalagot na naman ako. "Pasensiya ka na, Mr. James. But I rather wait than—"
"No buts, Miss Joanne. Kanina pa kita nakikitang naghihintay. Its been four hours but until now hindi ka pa rin sinusundo. Come on, I'll take you home." Creed insisted without giving me a room for negotiation.
Tahimik ang biyahe namin. Nagpapasalamat ako at hindi ako inusisa ni Creed, at hanggang sa makarating kami sa bahay ko ay hindi ito umiimik pero ramdam ko na masama ang mood nito at hindi ko mawari kung bakit. Mabilis akong bumaba nang tumigil ang kotse matapos magpasalamat saka agad ding pumasok sa gate. But my step halted when I saw the lights were on. My husband is home? I thought he is out with Tiffany?
Nakaramdam ako ng kaunting kasayahan. Hindi na ako nagsayang ng sandali at agad akong pumasok. Nakahanda na rin ang malawak na ngiti upang batiin siya. But what comes next is my husband's cold and ruthless voice. Something I didn't expect.
"Going home this late. Have fun f*cking with another man?"
Napatda ako sa aking narinig. What is he saying? Siya itong hindi sumipot para sunduin ako. Why is he accusing me that I did something wrong?