Maaga kaming nagising upang maghanda ng pagkain. Ngayong araw na ang birthday ni Gian. Buti na lang at saktong Sabado na, wala kaming pasok. Kakatukin ko na sana si Gian sa kwarto niya nang sabihin ni ate Hazel na wala siya sa kwarto niya. Maaga siyang umalis.
"Ange, may damit ka pa bang extra?" Tanong ni Faith. Kakagising lang nito at humihikab pa.
"Uuwi ako maya-maya sa bahay," lumapit ako sa kanya.
"Babalik na lang ulit ako." Dugtong ko.
"Pahatid kita kay Gian. Teka..." Bumalik siya sa kwarto niya.
"Kung gusto mo, papahiramin kita ng damit. Kaya lang 'yong undies?" Tumawa siya nang mahina.
"Hindi na po ate Hazel. Uuwi na lang po ako. Salamat sa pag-alok." Sabi ko at inihanda ang gagamit.
"Ano pa po ba ang pwede kong maitulong?" Tanong ko.
Nakakahiya naman kasing dito na ako natulog tapos 'di pa ako tutulong sa mga gawain nila.
"Okay na, Ange. Salamat ha? Punta ka lagi rito para kahit papaano ay may nakakasama si Faith. Lagi kasi akong wala rito dahil sa trabaho ko." Sabi niya at naglakad papunta sa kusina.
Kahit nakatalikod siya ay ang ganda niya pa rin. Hindi ko nga alam na pambahay lang pala 'yong suot niya. Ang ganda kasi, nagmumukha tuloy akong PA niya dahil sa simpleng suot ko.
"Ano pong trabaho mo?" Tanong ko at sumunod sa kanya.
"Fashion designer."
Napa-wow ako sa sagot niya. Fashion designer? Really? Naging pangarap ko rin ito before kaya nga magaling akong mag-drawing eh. Kaya lang ay bigla na lang akong nawalan ng gana sa lahat, pati sa passion ko.
"Astig!" Komento ko. Kaya pala ang ganda niya manakit at magdala.
"Patingin naman po ako minsan ng mga designs mo, ate Hazel." I giggled.
Sobrang hinahangaan ko talaga ang mga fashion designers, kung wala sila ay hindi magiging maganda ang mga sinusuot natin.
"Sure." Nginitian niya ako. Ang ganda niya talaga. Ang kinis ng balat, ang puti. Ang perfect niya tignan.
Matangos ang ilong niya tapos parang natural red lips pa siya. Medyo makapal ang ilay niya na lalong mas nakapagpaganda sa kanya, 'yong tipong hindi na niya kailangan ng eyebrow pencil. Singkit din siya at hindi naman katangkaran at kaliitan, tamang-tama lang.
"Ange, nasa labas na raw si Gian." Biglang sulpot ni Faith sa kusina.
Kinukusot pa niya ang mga mata niya.
"Sige, salamat, Faith!" Ngumiti ako bago naglakad palabas. Kinuha ko na rin ang gamit ko. Balak kong sa bahay maligo para hindi na ako makadagdag ng gastos nila sa tubig.
Ayaw ko lang talaga ng nakakaabala sa iba.
"Dali, may importante pa akong gagawin." Saad niya nang makita ako.
Kagabi lang, okay pa siya ha. Ngayon ang sungit na naman. Daig pa ang may period.
"Ito na, sir." Sabi ko at sumakay na sa motor. Pinatili ko ang malaking espasyo sa pagitan naming dalawa.
Okay nang mahulog sa motor kaysa mahulog sa taong papaibigin ka lang ngunit hindi ka sasaluhin.
Tinggal niya ang suot niyang helmet. "Suotin mo ang helmet ko."
"Hindi na." Umiling ako. Mas gusto ko ngang walang helmet, para kapag naaksidente kami, ako 'yong mamamatay. Hindi ko na kailangang mag-suicide.
"Isuot mo na. Lumapit ka na rin. Ayaw ko nang paulit-ulit." Hindi mababakas ang inis sa tono ng boses niya. Bakit gano'n?
"Ito na nga eh." Sinunod ko na ang gusto niya para matapos na. Ayaw ko nang makipag-away pa.
"Hindi ka pwedeng mapahamak. Hindi ako papayag." Sabi niya na parang may halong misteryoso ang mga sinabi niya.
Parang may gusto siyang iparating sa akin na ayaw niyang sabihin ng diresto. Binaliwala ko na lamang ito.
Agad naman siyang nagmaneho. Swabeng swabe lang ang pagtakbo ng motor niya.
"Manghihingi sana ako ng tips."
Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya. Hindi ko pa masyadong narinig ito dahil sa tunog ng motor.
"Pardon?" Inilapit ko ang tainga ko.
"Bigyan mo naman ako ng tips sa panliligaw."
Napangiti ako sa tanong niya. "Binata ka na talaga!"
Nang makarating sa bahay ay agad ko siyang pinapasok dito.
"Kilalang kilala mo ba 'yong babaeng liligawan mo?" Tanong ko at pinaupo.
"Medyo." Napangiwi siya.
Mariin ko lang siyang tinignan at pinag-krus ang mga kamay ko.
"Feeling ko kasi, prince charming ako at siya ang princess ko. I want to save her. I want her. I want to win her heart 'cause I love her."
"Chessy!" I commented.
"Na-in love ka na ba?" Tanong niya.
"Oo naman."
"True love?" He chuckles.
I smirk, "anong alam mo sa true love?"
He rolled his eyes. Para siyang bakla. "I know the meaning of true love kaya ibalik mo ang tanong ko sa 'yo."
"Grabe ka naman sa akin! Oh siya, umalis ka na lang tapos paki-lock ang pinto, maliligo lang ako." Sabi ko at naglakad patungong kwarto ko.
"Dito lang ako. Hihintayin kita."
Bago ako tuluyang makapasok ay narinig ko ang sinabi niya at agad na napangiti.
He's such a good friend! Pero medyo natatakot lang ako kasi baka kung anong gawin niya sa akin. I have trust issues. Ni-lock ko ang pinto at inayos 'yong gamit ko.
Inilabas ko na rin 'yong mga gagamitin kong damit.
Pumasok na ako sa cr. Bigla kong naalala na bibili ako ng cake at bracelet niya. Hindi ko pa pala siya nababati.
Nagmadali akong naligo at nag-ayos upang makalabas agad. Gusto ko na siyang mabait eh.
Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis at kumuha ako sa drawer ko ng colored paper at ballpen. A simple letter can makes a person feel special. Kahit ngayong birthday niya lang ay mapa-feel kong special siya.
Later na lang din 'yong bracelet niya. Pinalitan ko ang mga gamit ko mula sa bag ko ng bagong damit, personal things, kasama na rin ang letter.
Kumuha na rin ako ng pera. Bago ako lumabas ng kwarto ay nag-ayos muna ako. Hindi ko alam kung bakit gusto kong maglagay ng pulbo at liptint ngayon.
Pagbukas ko ng pinto ay ang pagbungad ng kamay ni Gian sa noo ko. "Aray!"
"Ay sorry. Kakatukin na sana kita kaya lang 'yong noo mo ang nakatok ko." Tumatawang paumanhin niya.
"Ang sincere mo namang humingi ng sorry." Hinawakan ko ang noo ko.
Ang sakit. Magkakabukol pa ata ako nito eh.
"Sorry na. Kiss ko na lang." Agad niya itong kiniss.
Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. "Yuck!" Sigaw ko at hinabol siya. Bigla kasi siyang tumakbo eh.
Umikot lang kami sa bahay kaya ako na lang din ang sumuko sa paghahabol. Kailan kaya ako susuko sa paghahabol kay Paul?
Bigla akong nalungkot ng maalala si Paul. Kumusta kaya siya. Hindi pa rin siya nag-tetext simula kagabi. Kaya na niya akong tiisin.
"Oh, hampasin mo na ako para makaganti ka. Uuwi na rin kita sa bahay." Ngumisi ito.
"Ha?"
"Punta ka na sa bahay. Ang tagal mong maligo, umabot ng tanghali. Kakain na raw." Lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay niya.
Nagtaka akong tinignan 'yon.
"Hampasin mo na para makaganti ka na sa akin."
Umiling ako. "Hindi ako gumaganti eh."
"Wehhh."
"May pupuntahan pa pala ako. Una ka na." Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras.
11am na pala.
"Samahan na kita. Tara," kinuha niya ang bag ko at nauna na sa labas.
Anong problema no'n?
Sumunod ako at ni-lock ang pinto bago tuluyang pumunta sa gawi niya.
"Akin na 'yong bag ko." Sabi ko at tumakbo patungo sa gawi niya.
"Ako na muna magbibitbit nito. Saan tayo pupunta?" Isinuot na niya ang helmet sa ulo ko.
He's so weird. Ano kayang nakain nito? Ay wala pa ata siyang nakakain kaya siya ganyan.
"Sa mall."