Naalimpungatan ako at tsaka nag inat,Umupo rin ako sa kinahihigaan.
Wala nanaman akong naabutang kasama dito,Tumingin ako sa gilid ng kama at tinignan kung anong oras na,Putangina late na ako!!!
7:35 na.
Hindi man lang nila ako ginising mga tanginangyan.
Pero nang may naalala ako ay unti-unting nagsitaasan ang balahibo ko at pinakaramdaman ang bawat paligid ko.
Napatingin ako sa may pintuan dahil unti-unti itong bumubukas,Napahawak pa ako ng madiin sa kumot ko.
"Charannn!"
Bumungad sa akin ang mukha ni Icel at Clark.
"Sorry ah?Kasi ginamitan ka namin nang pampatulog." Pagkasabi non ni Clark ay pumasok si Aisha.
Napatingin naman ako sa kanya mula ulo hanggang paa,Andami nyang galos karamihan ay sa kamay at meron din syang benda sa ulo.
"Anong nangyari sayo?"Curious na pagkatanong ko dito.
"Kagabi nung sinabi kong bilisan mo ay napansin kong may binubugbog na lalaki sa isang gilid ang ibang guard,Malakas din ang kutob ko na si Clark yun." Pinutol niya ang sasabihin nya at unti-unting tumingin kay Clark.
Nahihirapan syang igalaw ang leeg nya.
"Hindi nga ako nagkamali dahil si Clark nga talaga,Kaya kahit alam kong wala akong laban ay sinubukan ko parin ang makakaya ko at sa pagkakataong yun ay sunod-sunod na nagsipuntahan sila Dwife,Bugbog din sila,Pero nung binubugbog at nakikipag laban kami don ay may napansin akong lalaking pumasok sa Office." Tumingin naman na sya sa akin at tsaka naupo sa gilid ng kama.
"Malaking palaisipan sa akin kung sino yun?At gusto din kitang tulungan nong sumisigaw ka,Maraming Students ang nagising dahil sa sigaw mo mula sa Office pero binalewala lang din nila iyon nong tumahimik ka na"Hirap syang magsalita pero pinipilit nya.
Napatingin naman ako kila Clark at Icel,Na agad naman iniwas ang tingin nila sa akin.
"Clark sabihin mo nga sa akin,Anong meron sa Folder?" Sa pagkakataong iyon ay pati si Aisha napatingin din ng seryoso kay Clark.
"Ayokong sabihin sa inyo,Pero ayoko ring mag-sinungaling" Tumingin pa sya sa sahig at napakagat ng labi.
"Kung sasabihin natin sa kanila ang balak natin Clark ay maari rin silang makatulong" Napakamot pa ng baba si Icel na parang may iniisip.
"Maganda nga ang Idea ko!!" Napapalakpak pa siya at tsaka nakangiting tumingin sa amin ni Aisha.
"At anong Idea naman yan?" Kunot noong pagkatanong ko rito.
"Malalaman mo na lang pag gagawa na sila Jairro ng plano." Pagkasabi nya non ay napatingin sya kay Clark na ngayon ay nag-iisip na rin kung tama ba si Icel sa desisyon nya oh hindi.
"Maari rin silang makatulong" Pag-sang-ayon nito.
"Hep hep hep!!!" Inano ko pa ang kamay ko nang pangseremonya.
"Nasan ang pangako nyo?" Tinaasan ko pa silang dalawa ng kilay,Samantalang si Aisha ay seryoso lamang na nakatingin sa dalawa.
"Anong pangako?" Inosenteng pagtatanong ni Icel.
"Aba!!ang kapal din nang mukha nyo ah!!sabi nyo pag natulungan ko si Khane sa Phobia nya ay ibibigay nyo sa akin ang isang Pendant!" Pikon na pagkasabi ko sa dalawang toh.
Nagtitigan muna sila bago sumagot ang isa.
"Ibibigay ko sayo ang akin Yuna, KUNG kaya na ni Khane na makalapit sa ibang babae" Sagot ni Icel.
Unti unti naman akong ngumiti.
May gahdd this is it!!
"Asan nga pala si Khane?"napatingin naman kami kay Aisha matapos nya tanungin ang katagang iyon.
"Sa ngayon ay Nagamot na rin ang ilong niya" Tugon ni Icel na syang nagtanggal sa ngiti ko
"Bakit dumugo ang ilong niya?"Tumingin ako ng masama kay Icel at kay Clark.
" Tss...nakalimutan pala naming sabihin na si Khane pala ang lalaking pumasok sa Office kagabi,Sya rin ang kasama mo dun"habang sinasabi yon ni Clark ay ramdam kong may pinapahiwatig nanaman sya.
Bakit naman dudugo ang ilong niya kung---.
May phobia nga pala siya sa babae,Kung ganon ay pinipilit nya lang ang takot nya sa akin kagabi?
Nanlaki ang mata ko nang maalala ko na niyakap ko pala siya kagabi,Shemay!!!
"Oh bat ganyan itsura mo?"-Icel
At dahil napansin ko ang sarili ko kung bat andami kong tanong tungkol kay Khane ay pilit ko na lang na iniiba ang usapan.
" Ahm Clark alam ba ng ibang Studyante,Teacher na nasa inyo ang tatlong pendant?",Ngayon ay naging seryoso nanaman ang mukha nilang dalawa ni Icel.
"Ang alam ko lang ay si Ma'am Cherry palang ang nakakaalam sa Teacher,Sa student ay dalawa kayo ni Aisha" Poker Face.
"Mapagkakatiwalaan naman siguro namin kayo Yuna." Pagkasabi non ni Icel ay bumukas nanaman ang pinto.
"Oh to'l nandiyan ka pala!" Nakangiting salubong ni Icel.
"Ay hindi siguro andon ako oh!!" Sabay turo sa labas.
"Hahahahahahaha"Tawa naman ni Clark.
"Baliw" Bineletan pa ni Icel si Jake at tsaka ibinaling ulit ang tingin samin
"By the way,Okay na si Khane." Nagpamulsa si Jake at tsaka parang natatawa na ewan
"Oh?anong nangyari sayo?" Taas kilay na pagtanong ni Aisha
"Mukha kayong tuko"
Dahil sa sinabi nya ay mabilisang kinuha ni Icel ang unan sa gilid ko at akmang ihahampas na sana pero mabilis na nakatakbo ito papalabas.
"Hayaan nyo na."Awat ni Clark.
May excuse letter pala kami kaninang maga sa subject na science kaya di kami pinagalitan ngayon.
" Mamaya Aisha,Yuna,Pumunta kayo sa Library may pag-uusapan tayo nila Jake"Sabay kaway sa amin at mabilisan ng nilisan ang Earth,I mean ang lugar na this.
Hinawakan ko sa kamay si Aisha sa kamay at dahan dahan siyang tinulungang maglakad.
Nahihirapan pa sya,Dahil hindi pa magaling ang mga sugat na natamo nya.
Pagkapasok namin sa Room ay ako narin mismo ang nag alok sa kaniya na maupo.
Umupo na rin ako,Ngayon ay hihintayin na lang namin si Ma'am Divina.
"Alam kong marami kang bagay na gusto tanungin sa akin Yuna"
Napalingon naman ako kay Aisha ng sabihin nya iyon.
"Oh?"
"Gusto ko man sabihin sayo ang dahilan pero,Pag sinabi ko sayo ay baka hindi natin magagawa ng maayos ang kailangan natin tapusin" Hindi sya nakatingin sa akin,Kundi sa blackboard.
"Pshhh kung sinabi mo na lang sana edi nabawasan pa problema ko." Pagtataray ko dito at tsaka nag cross arm at tumingin rin sa Blackboard.
"Kasalanan ang bumuhay sa atin"Ramdam ko na nakatitig na sya sa akin ngayon,Kaya kunot noo ko rin syang tinignan.
" Kasalanan?Hindi ba't dapat ang magulang natin?"
"Kasalanan ang bumuhay satin,At kasalanan din ang papatay sayo sa akin at sa iba pa"
Seryosong tugon nito.
Nagsitayuan ang balahibo ko,Feeling ko ay andami nyang alam at...Nalilito ako,Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron at bakit parang lagi na lang akong Clue Less sa bawat sinasabi nila.
"Kasalanan...Kasalanan...Kasalanan...Pwede ba kahit naman sana ngayon lang" Napatakip na rin ako nang tenga dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.
"Ngayon lang?"
"Kahit ngayon lang sana...Ay tantanan muna tayo ng misteryo at ng problema,Hindi pa ako nakaka move on sa nangyari kahapon...Ngayon naman ay dadagdagan mo nanaman ang isipin ko" Napasandal pa ako at tsaka ko ipinikit ang mata ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Feeling ko ay tinatabunan na ako ng mga problema.
"Kung magsasabi ka naman sana ng mga ganyan ay masasagot mo yung mga tatanungin ko....Kaso hindi eh,Masyado kayong madamot sa kasagutan"Dumukdok na lang ako sa upuan ko para hindi mapansin ng iba naming kaklase.
" Patawad Yuna,Hindi mo man kami maintindihan ngayon,Maiintindihan mo naman kami pagdating ng tamang panahon".
Napataas naman ako ng kilay habang nakadukdok dito sa lamesa.
KAMI?Watdapak!!!.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko,Napipikon...Ako sa di ko malaman na dahilan.
Napa angat ako ng ulo at tsaka hinampas ang upuan ko.
Unti unti namang tumahimik ang Classroom namin at lahat sila ay nasa akin na ang atensyon.
"Aisha,Nahihirapan ako...Nahihirapan akong magisip lalo na't alam kung maririnig mo!!" Naiyukom ko ang kamao ko habang nginitian ng mga peke ang nanonood sa akin ngayon.
"Yuna---" At dahil nababanas ako ay ayokong marinig ang bwiset na boses ng babaeng toh.
"Sa tingin ko ay wala na akong laya sa sarili ko...Bawat kilos ko oh iniisip ko ay mapapansin at malalaman mo." Napasapo pa ako ng noo.
Napansin kong nagsibulungan lahat ng mga kaklase namin at may mga curios na nakatingin.
Tsaka lang huminto ang mga naririnig na ingay dito ng pumasok na si ma'am Divina.
Hindi nadin kami nagpansinan ni Aisha at nakinig nalang din kami...Pero lutang ang utak ko.
Nagpatalumbaba ako sa upuan ko habang boring na pinapanood si ma'am na nagsusulat sa Blcakboard.
Humarap sa amin si Ma'am.
"ang itatanong ko sa inyo ay pambata lang kaya,Sure ako na madaming makasasagot sa itatanong ko."
"Okay Question number one,Who's the father of Physics?"nakangiting pagkatanong ni ma'am.
Nagrereklamo nanaman lahat ng mga kaklase namin liban lang sa amin ni Aisha.
" Ma'am ang hirap naman,Iba na lang"
"Kaya nga ma'am"
Sunod-sunod na pagrereklamo ng mga kaklase namin.
"Miss Romero stand up" Utos ni ma'am habang nakaturo sa akin.
Tumayo naman ako at binulsa ang kanang kamay ko.
"Who's the father of Phy---" di ko na sya pinatapos dahil amboring nya.
"Albert Einstein"
Akmang uupo na sana ako ng-
"Wala pa akong sinasabing maupo ka."Masungit na pagkasabi nito.
Tumayo na lang ulit ako at tsaka walang ganang binalingan sya ng tingin.
" Biology?"
"Aristotle"Mabilisang pagkasagot ko.
" Robotics?"
"Nikolas Tesla,Al Jaza-Ri"
"Chemistry?"
"Antoinne Lavoisier"
"What is the longest word without any repeated letters?"
"Uncopyrightable"
Inismidan nya lang ako at tumalikod sya na parang walang nangyari.
Umupo naman na ako at nadako ang tingin ko sa mga kaklase ko,Gulat sila ngayon di ko alam kung bakit...Mukha lang silang ewan.
Wala namang connect sa subject namin yung tinatanong ni ma'am.
Andito na kami ngayon sa Library dahil recess na rin naman,Hinihintay namin ang DarkH ni Aisha.
Sa palagay ko ay mapapanis na ang mga laway namin dito dahil kanina pa kami walang imik.
Seryoso lang kaming nakaupo dito sa may gilid at kunya kunyariang nagbabasa,Ewan ko lang kay Aisha kung nagbabasa ba sya oh hindi din...Magkaharap kasi kami ngayon lamesa ang pagitan namin.Natatakpan nang librong hawak nya ang mukha nya.
"Oh andiyan na pala kayo!!"
Naibaba ko naman ang hawak kong libro at ganon din si Aisha,Tumingin kami sa pinanggalingan ng boses nayon.
Andon si Khane na nakapamulsa at seryoso lang na nakatingin sa ibang direksyon.
Andiyan din si Jairro,Jake,Dwife,Clark,Icel
Umupo na sila at katabi ko ngayon si Icel,Samantalang si Jairro at Clark ay pinaggigitnaan si Aisha.
Sa kabila naman ang katabi ko ay si Dwife,Si Khane ay andon malayo sa amin ng Konti.
"Napag-usapan kasi namin kung ano nga ba ang pwede nyong maitulong sa amin."Panimula ni Khane.
Para lang kaming nililitis dito.
" Bat di nyo na lang kami diretsuhin?"Mataray na aking pagkasabi.
"Tsss..."
Inirapan ko naman si Khane at tsaka tinignan ng nakakamatay na tingin...Kahit mukha na akong tanga basta matakot sya.
Pero mas lalo lang akong nainis ng tumawa pa sya.
"Asan ang Folder?"
Eto talagang babaeng ito magugulat ka na lang talaga at bigla biglang nagsasalita.
"Yun ang problema,Bigla nalang nawala sa table ko ang Folder."
"Pero Khane may Hidden camera naman na nakalagay malapit don diba?"
Napaisip ng konti si Khane at tsaka napagtanto ang sinabi ni Jake.
"Oo nga pala nakalimutan ko."
Kinuha ni Khane ang cellphone nya.
"Naka connect diyan?"
"Hindi ba halata?"
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sagot nito.
"Tinatanong kita ng maayos tas---"
"Sinagot din naman kita nang maayo---"
"Tama na muna yan Yuna at Khane mamaya nyo na ipagpatuloy yan,Kailangan natin makuha ang Folder dahil dun natin makikita ang tinatagong lugar dito." Mahabang paliwanag ni Dwife.
Unti unti nanamang namuo ang mga tanong sa isipan ko.
Tumahimik na lang ako at pinapanood ang kilos nila Khane.
Lumapit sila lahat kay Khane para panoodin kung ano man ang meron dun.
Liban lang samin ni Aisha.
Kung Map lang ng University na ito ang paguusapan,Andami sa bawat room.
"Kulang ang nakalagay sa mapa na nakabitin sa bawat room."Sabi ni Aisha.
"Ang kumpleto ay nasa Blue Folder na pinipilit nating makuha kahapon".Dagdag nya.
Napatangon nalang din ako.
Kung ganon ay paano nalaman nila Khane na may sikretong lugar dito? Paano nila nalaman na kulang ang nakalagay sa mapa?
"Kilala mo ba ang lalaking ito?"
Napalingon naman ako kala Khane.
"Sa pagkakaalam ko ang lalaking yan ay naka section sa Victory" Sagot ni Icel.
"Ang pangalan nya ay Khiro sya ang lalaking nakalaban natin dati." Pasingit ni Clark.
"Ngayon alam na natin na nasa kaniya ang Folder ano ang balak nyong gawin?"
Pagkatapos tanungin yun ni Dwife ay napatingin sila sa akin.
"Oh ano nanaman?"
"Kailangan ka namin Yuna" Lumapit pa sa akin si Jake at tsaka ngumiti.
"Pshhh diyan naman kayo magaling." Napa kusilap pa ako sa kanila.
"Yuna--"
"Oo na"Asar na pagkasabi ko.
"Paano si Aisha?"tanong ni Jake.
" Hindi pa siya pwede di pa sya gaanong magaling"Pagkasabi non ni Clark ay may inutos sya kay jake.
Lumapit naman si Jake kay Aisha at inalalayan ito.
"Ihahatid muna kita sa Dorm namin dun ka muna habang hinihintay mo kami".
Inalalayan na ni Jake si Aisha at dumiretso na sila papalabas dito sa Library.
" Ikaw ang kukuha ng Folder sa Dorm ni Khiro"Saad ni Clark.
Ngayon ay magkatabi na silang lima habang seryosong nakatingin sa akin.
"Bat ako kung kaya nyo naman?"Tanong ko naman.
"Pinaghihinalaan na nila kami"
.
.
.
.
.
.
.
.
Tanghali na at tapos na ang discussion,Sa huli ay napapayag din ako ng mga Demonyong toh.
Ayaw ko naman talaga eh...Kaso mapilit.
Naka suot na ako ng panlalaki,Nakatakip ang mukha at nakasumbrero.
Tinawanan pa nga ako ng DarkH bago ako pumunta dito,Mga yawa sila.
Andito na ako sa harap ng Dorm ni Khiro 'Kuno' nila. Andon si Jairro sa CCTV...Dating gawi,Con-artist ata trabaho ng mga toh eh,Sa sobrang galing nila,Napabilib ako.
Si Jake andiyan lang siya sa likod ko,Kunya-kunyari ay Nakikipag chika-chika muna sya sa mga studyanteng malapit dito.
At si Khane andon sya sa Fire Alarm malapit dito,Pipindutin nya yon kapag nag sign na ako ng handa na,Tinignan ko muna ang iba pa si Clark ay nagpaiwan na lang daw dahil sya na lang ang magbabantay kay Aisha.
Si Icel di ko alam kung anong balak nya sa buhay,Pero ang sabi nya kung sakaling masabit at mabisto kami sya daw ang mag rerescue,Ano sya si Batman?.
At dahil andito naman narin ako ay huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay Khane at sumenyas.
Nang pindutin nya yun ay naalarma na ang lahat,Kinuha ko ang Pin sa buhok ko tsaka mabilisang binuksan ang pinto.
Nang mabuksan na ay mabilisan akong pumasok at sinarado din ang pinto.
Maglalakad palang sana ako ng biglang may naghagis ng Kutsilyo,Mapalad ako at nailagan ko.
Tumingin ako kung saan ang pinanggalingan non,Andon ang sinasabi nilang Khiro.
"Inaasahan ko na ang pagdating nyo DarH".
Pshhh mukha ba talaga akong lalaki ngayon?Yawa kadin.
Kaya pala ako ang pinapunta nila dito kadi di sila marunong mag lock picking kaya ako na ang pinapunta,Sa susunod ay tuturuan ko na lang sila...Para naman hindi ako ang pinupunta nila sa gantong sitwasyon.
May kinuha sya ulit sa gilid nya pero lumapit ako kaagad dito at sinipa ang sikmura nya.
" Ouch"
Sunod ay sinuntok ko ang mukha nya dahilan ng pagkatumba nya,Namimilipit sya ngayon sa sakit ng mukha nya at sikmura nya,Hindi pa ako tapos.
Nang iniinda nya ang sakit nya ay sinipa ko ng malakas ang ulo nya at kinuha ang panyo sa bulsa ko at tsaka pinaamoy sa lalaki.
Shutdown.
Buti na lang at binigyan ako ni Jairro.
Inikot ko na ang paningin ko hindi ko mahanap ang Blue Folder.
Asan yun?
Pinaghahagis ko ang mga damit nya dito sa may kama pero wala...Lumapit na ako sa drawer nya at binuksan yun.
Unti-unti namang lumawak ang ngiti ko dahil nakuha ko na ang Blue Folder...Ngunit laking gulat ko na lang ng may kumakalabog sa labas.
"Yuna lumabas ka na diyan...Papasok ang kalaban sa Bintana"
Si Khane yun.
Tumingin naman ako sa bintana at di nga ako naagkamali,May nagbukas na ng bintana at nakatakip din ang mukha.
Mabilisan akong lumabas at tsaka nakita ko si Khane,Hinawakan ko ang kamay nya tsaka mabilisang tumakbo.Buti na lang din at hindi sya mahahalata dahil nakatakip ang mukha nya.
Ngunit napahinto kami sa pagtatakbo ng may mga nakatakip din ang mukha na papunta na sa amin.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Khane at tsaka sya hinila para tumalikod.
Pero may mga lalaki nanamang nakatakip ang mukha ang humarang sa amin.
Tatakbo na lang sana ulit kami sa gilid pero meron na naman.
"K-khane" Utal na pagkasabi ko.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay nya dahil hawak ko.
"Wala na kayong kawala sa akin"
Hindi ko man makita ang mukha nya ramdam ko ang pagiging sarkisto at nakangising pagkasabi nito.
"Alam nyo bat di nyo sinama ang apat pang miyembro nyo?At sabay sabay kayong mabubugbog sa mga kamay namin".Sabi naman ng nasa likuran namin.
Kaya kong lumaban pero ang inaalala ko ay si Khane.
Pinaikutan na nila kami.
" marunong ka bang lumaban Khane?"Mahinang pagkasabi ko pero sapat na para marinig nya.
"Hindi ako bakla,Sa babae lang ako takot pero kaya kong lumaban" Nagsitaasan naman ang balahibo ko,Nagiba ang boses nya,Seryoso sya at wala akong nararamdamang takot sa kaniya ngayon.
Ganyan nga Khane.
Isa-isa na silang sumugod sa amin, Sinipa at tinadyakan ko ang mga papalapit sa akin,Wala na akong pake kung sinong matamaan.
Nang mapatumba ko na ang lima ay lumingon ako sa likuran ko tumba na lahat ng kalaban ni Khane at isa na lang ang lalaking nakatayo sa amin at may hawak na kutsilyo.
"Bilib rin talaga ako sa inyo eh noh?"
Lumapit sya kay Khane akmang sasaksakin nya ito ng kutsilyo ng biglang may tumamang bato sa noo nya dahilan para mabitawan nya hawak nya at iinda ang sakit.
Napalingon pa kami kung saan galing yun...Kay Jake, Naka sandal sya sa Pader at kumakagat nang mansanas,May hawak sya na pang tirador sa ibon,Yun siguro ang ginamit nya.
Napalingon ako sa harapan namin mabilisang nagsitakbo papalayo ang mga lalaking nakalaban namin,Meron pang tatlong lalaking humihingi ng tulong sa kasama nila pero wala,Kaya ang ginawa nila ay gumapang sila.
Hinayaan na lang namin sila at hinarap ko si Khane.
"Successful"