Tinalikuran ni Edward ang dalaga at lumapit kay Maymay.
"Hindi pa tayo tapos Edward! Sisiguraduhin kong sa akin ka babagsak!" ngit-ngit ni Savannah sa isip.
Nilapitan sya ni Markus.
"Looks like it's time for Plan B!" bulong nito sa kanya.
Ngumisi lang sya dito.
"By the way, iha, dito ka na muna magstay ngayong gabi para makapagkwentuhan pa tayo bukas." sabi ni Edison kay Maymay.
"That's a great idea lolo!" singit ni Savannah sa usapan.
Napatingin si Maymay kay Savannah.
Let's just say, wala syang tiwala dito.
"If it's okay with Dodong, I'll gladly stay the night." sagot nya sa matanda.
Hinawakan ni Edward ang kamay nya.
"Of course I want you to stay, Yamyam! Bukas na lang kita ihahatid pabalik sa hacienda." magiliw na nginitian nya ang dalaga.
Ngumiti pabalik si Maymay sa kanya.
"Tingnan ko lang kung makangiti ka pa pagkatapos ng gagawin ko sa'yo!" isip ni Savannah habang nakangiti kay Maymay.
"Ihatid mo na sya sa tutulugan nya Edward para makapagpahinga na si Maymay."
"Let's go, Yamyam!"
"Good night lolo Edison!" paalam ni Maymay.
"Good night iha!" at tumungo na rin ito sa sariling silid.
"Good night lolo Edison!" panggagaya ni Savannah kay Maymay sa mahinang boses.
"May problema ba tayo Savannah?" tanong ni Mary Dale dito.
"Meron ba?" balik tanong sa kanya nito habang nakangiti.
"Anyway, tara na Yamyam! Alam kong napagod ka sa byahe." at hinawakan nya ang kamay ni Maymay para ihatid ito sa kwarto.
Naiwan si Markus at Savannah sa terrace.
Hinatid nya si Maymay hanggang sa loob ng kwarto.
Niyakap nya ang dalaga.
Hindi naman nagpumiglas ito.
"How was dinner? Nag-enjoy ka ba?"
"Hindi naman ako nainform na engaged na pala tayo Dodong."
Napangiti si Edward.
"Bakit ayaw mo ba?"
"Magpropose ka kaya muna bago ko sagutin yang tanong mo!"
"Don't worry! One of these days I will surprise you with a proposal!" at hinalikan nya sa ulo ang dalaga.
"Maiba tayo...sino si Savannah sa buhay mo?" seryosong tanong nya sa binata.
Umalis sya sa pagkakayakap nito at hinarap ang binata.
"She's a friend since high school!"
"Friend? Sigurado kang friend lang? Eh bakit parang gulat na gulat sya ng sabihin ng lolo mo na fiancé mo ako?"
Kinakabahan si Edward sa paraan ng pagtatanong ng dalaga kahit na wala naman syang itinatago.
Tumatakbo sa isip nya ang iba't-ibang ibang larawan ng dalaga sa martial arts at shooting competition.
Napapalunok tuloy sya.
"She's always been very vocal about liking me and that she wants to be my wife!" dire-diretsong sagot nya sa dalaga.
Hindi tuloy alam ni Maymay kung matatawa sya sa itsura nito.
"I see!" ang simpleng tugon nya sa binata.
"Wala kang dapat ipag-alala dahil ikaw ang mahal ko!" pangungumbinse ng binata sa dalaga.
"Oh, I'm not worried about her! I trust you!"
"Sa malanding yun ako walang tiwala!" bulong ni Maymay sa isip.
"Thank you for trusting me!" at niyakap nya ulit ang dalaga na hinayaan naman nito.
"Can I borrow a shirt so I can change my clothes?" pag-iiba na ni Maymay sa usapan.
"Wait! I'll get one for you!" at dali-daling lumabas si Edward papunta sa kwarto nya na katapat lang ng kwarto ng dalaga.
Pagpasok ng kwarto ni Edward ay naroon sa kama nya si Savannah na nakatapis ang kumot sa katawan.
"I've been waiting for you!"
"What the hell are you doing in my room?!?" napaatras si Edward ng makita si Savannah sa kama nya.
Tumayo ang dalaga at akmang lalapit sa kanya.
Umatras si Edward at binuksan ang pinto.
"Get out Savannah! Lumabas ka na hangga't may natitira pa akong respeto sa'yo!" matigas na sabi nya.
Saktong pagbukas nya ng pinto ay naroon si Maymay.
Nanlaki ang mata ni Maymay sa nakitang itsura ng dalaga.
Nang makita ni Savannah si Maymay sa labas ng pinto ay binitawan nya ang kumot na nakatapis sa hubad na katawan nya.
Ngumisi sya kay Maymay.
"What the fuck, Savannah! I told you to get out!" at umiwas sya ng tingin sa kahubaran nito.
Hindi nya alam na nasa labas si Maymay.
"But hon, we're just getting started!" nang-aakit na sabi nito sa binata.
Lalapit na sana sya sa binata ng pumasok si Maymay at ibalot ang kumot sa kanya.
"I see you haven't changed a bit! Wala na bang bago?" mataray na sabi nya sa dalaga.
Nagulat naman si Edward ng makita si Maymay.
"What the hell, bitch! Bitiwan mo ako!" pilit syang nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakabalot ni Maymay ng kumot sa kanya.
"I swear I didn't do anything to her, Yamyam!"
"Don't worry Dodong! Hindi ako tanga para basta-basta maniwala dito sa babaeng ito!" at iginiya nya na palabas si Savannah ng kwarto ni Edward.
"Kung ako sa'yo uuwi na ako bago pa kita mabalian ng buto." she let her words drip with honey.
"Are you threatening me?" sigaw ni Savannah.
Napansin nyang nasa labas din ng kwarto si Markus.
May kutob syang magkasabwat ito at si Savannah kaya medyo nilakasan nya ang boses nya para marinig sya nito.
"Hindi mo pa rin ba ako kilala Savannah? I don't do threats! Wag na wag mo nang gagawin pa ulit yung ginawa mo kung mahal mo pa ang buhay mo."
Nakangiting sabi nya dito at saka sinaraduhan ng pinto.
"Buksan mo 'tong pinto! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Savannah.
Hinawakan ni Markus ang kamay nya.
"Stop it Van! Talo ka na!" mahinang sabi nya dito.
"Shut up Markus! Wala ka talagang silbi kahit kailan!" at tinalikuran nya na ang binata.
Napailing na lang si Markus.
Hindi nya rin maintindihan sa sarili kung ano'ng nakita nya sa dalaga at minahal nya ito.
Sinundan na lang nya ang dalaga.
Pagkatapos isara ang pinto ay hinarap ni Maymay si Edward.
Niyakap naman sya agad ni Edward.
"Thank you for rescuing me!"