webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · 奇幻
分數不夠
46 Chs

MAY SUSUNDUIN AKONG KALULUWA

Kumalat na nga sa buong Kamaynilaan ang hindi maipaliwanag na sakit. Nagpahayag na rin ang kumpanya ni Don Joaquin sa national tv na nagawa na nila ang bakuna kontra sa nasabing sakit. Ang problema nga lang ay yung mayayaman lang ang makabibili ng bakuna na nagkakahalaga ng labin-limang libong piso. Sa halagang ito ay maghihirap lalo ang mga na sa ibaba at makaka-survive lang ay ang mga makabibili nito.

Malakas ang halakhak ng matanda habang sabay silang nanonood ni Raphael ng balita sa emergency room ng Brgy. Maliwanag.

"Sinisigurado ko sayo Miguel, ay hindi! Raphael na ba? Ayos ah parang screen name lang sabagay artista ka nga pala kung ituring ka ng mga tao. Sa oras na kumanta yang bibig mo sa kinauukulan, bang! papatayin ko ang mga mahal mo sa buhay lalo na yung babaeng mahal mo." nakatutok ang kamay niya sa ulo.

"Napaka-walang hiya mo talaga! Alam mong sa ginagawa mong yan hindi ka tatanggapin sa langit! Magdudusa ka sa impyerno!" galit na sabi ni Raphael.

"Naniniwala ka sa kagaguhan nayan? Ha ha ha isang doctor na naniniwala sa milagro! Eh ngayon pa lang gusto mo magsama kita sa impyerno." sagot ng Don habang ipinapalakpak ang kamay.

Hindi na rin matiis ni Raphael ang makita pa ang Don kaya naman umalis na siya rito. Napakalakas ng pagsara ng kanyang pinto na pati sumbrero ng Don ay nilipad.

"Paalala ko lang sayo ah, wag na wag kang gagawa ng maling hakbang." huling banta nito pero hindi na siya nilingon pa ni Raphael na ngayon ay patungo na kila Faye.

Sa bahay ng mga Alcantara ay patuloy na minamanmanan ng mga tao ni Don Joaquin ang dalaga. Matapos nga ang sandamakmak na kamalasan na nangyari kay Faye nitong mga nakaraan ay nangangamba na ang pamilya nito.

"Anak, nareport niyo na ba yung nangyari sa museum?" tanong ni Tatay Ricardo.

"Opo tay, wala yon, kusa lang talaga bumagsak yung jar sa museum eh puro mga student lang din tao sa loob." nakangiting sagot ni Faye.

"Pero malay natin anak, wala ka bang nagawan ng kahit ano? Baka may nagbabanta na sa buhay mo ah sabihin mo lang."

"Ano ba kayong dalawa! Baka naiinggit lang sa kagandahan ng anak niyo? Di kaya? Ang mahalaga lang naman sakin ligtas yung mga student, wala namang nasaktan bukod sa akin na may konting mga galos" at nagtawanan na naman ulit ang pamilya nang hawakan niya ang kanyang puso, hinahanap kasi nila si Raphael pero hindi na ito pumupunta pa sa bahay.

"Napansin niyo yung mga lalaki sa labas?" pagtataka ni Jennie habang nakapangalumbaba.

"Oh ano meron?"

"Kanina pa yan paikot-ikot diyan sa lugar natin eh."

"Weh? Talaga ba? parang mga construction worker lang sa kabilang kanto may ginagawang building don." sagot ni Faye.

"Ah basta ate! Basta ako masama pakiramdam ko sa mga ungas na yan." pagpupumilit ni Jennie.

"Report kaya natin sa barangay?"

"Mama, wala pa namang ginagawa eh, halika na sa loob na lang muna tayo." yakap-yakap nito si Mama Lisa papasok ng bahay.

Sakay ang kotse ay nasa loob si Ton, nagmamasid ito sa bahay nila Faye. Napakarami nga ng mga nagtatangka kay Faye, halos ikot na nila ang isang street.

Hindi niya kakayanin ang ganitong karaming tao. Isa pa, isang 45 pistol na may silencer lang ang dala niya ngayon dahil hindi niya inaasahan na sobrang dami ng mga gunggong.

Huminga muna siya ng malalim at naka-isip ng paraan.

"Ayos!" nag-dial siya sa kanyang cellphone at tinawagan ang kalapit na police station.

"Hello, ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?"

"S-Sir sa may kanto po ng Camachile may kaguluhan po. Naghahanap yata ng away yung mga lalaki dito, pinuntahan nila yung naka kotse oh." report ni Ton sa pulisya.

"Sandali, sabihin mo samin ang exact location. Sigurado ka bang nanggugulo yan?"

"Sinend ko na po sa inyo ang location. Bilisan niyo po!" at ibinaba na niya ang cellphone. Sampung minuto lang ang byahe ng mga pulis kaya naman binuksan niya ang bintana ng sasakyan at tinawag ang mga lalaking armado.

"Pst! Hoy! Bawal tumambay diyan sa kanto na yan!" sigaw ni Ton. Nagpantig ang tenga ng isa sakanila kaya naman nilapitan niya si Ton.

"Sino ka ba?" ani nito habang humihithit ng sigarilyo.

"Nakatira ko dito! Nakakagulo kayo sa mga tao dito sir, ang ingay niyo at ang baho ng sigarilyo niyo!"

"Aba loko tong bata na to."

"Wag mo ng patulan yan kosa." pigil sakanya.

"Hindi, makakatikim to sakin." kinatok niya ulit ang nagsara na bintana at pinagbuksan siya ni Ton. Lumapit ang lalaki at sinampal-sampal si Ton.

"Ano totoy? Mag-iingay ka pa?" naiwan ang kamay ng lalaki at biglang isinara ni Ton ang bintana.

"Ughh! Aray!!!!! Putangin* mo papatayin kitang bata ka!" sigaw ng lalaki sa sakit. Kinakalampag na nila ang bintana pero hindi lumalabas si Ton. Gamit ang kanyang make-up skills ay may inilagay siya sa kanyang mukha, may kasama pang kaunting dugo.

Ilang sandali pa ay naririnig na sa kalapit ang sirena ng mga pulis.

"Hoy! Kayo jan totoo bang nanggugulo kayo?" tanong ng mga pulis.

"Sir, hindi po kami~"

"Sir, maawa na po kayo! Tinatakot ako ng mga lalaki na ito! Kanina pa sila umiikot sa lugar sir naghahanap sila ng mga biktima!" biglang binuksan ni Ton ang bintana ng sasakyan, paglabas ay bugbog ang mukha ni Ton.

"Anak ng hopia! Binugbog niyo pa yung bata?" Biglang bumaba ang mga pulis at pinagsasampal ang mga armadong tao.

"Gago to ah!"

"Sinong gago?"sinampal ulit siya ng pulis at itinuro ang cctv. "Subukan niyong gumawa ng kagaguhan."

"Boy, dadalhin namin sa prisinto yung mga to, pwede ka bang--"

"Wala namang pasa sa mukha yan eh--"

"Manahimik ka!" isa pa ulit na sampal.

"Natatakot po ako sir! Uuwi na lang po akong bahay, ayaw ko lang po makita mga pagmumukha ng mga yan sa lugar na to!" at biglang sinara ni Ton ang bintana habang tumatawa.

"Tingnan niyo ginawa niyo! Mga bully kayo ah. Sige layas dito sa lugar namin!" pinalayas na nga ng pulis ang lahat ng umiikot sa lugar na hindi tagaroon.

Sumilip sa labas ng bahay si Faye at napansing wala na ang mga tao.

"Sabi ko sayo Jennie mga construction worker yon. Wala na sila oh!"

Mabilis na hinarurot nila Raphael ang kahabaan ng EDSA papunta na sila ngayon sa bahay nila Faye. Makalipas ang kalahating oras ay bumangga sila, walang sasakyan sa harap, pero may dalawang tao rito. Isang matanda at isang bata na may lollipop sa bibig. Hawak-hawak nito sa tenga ang bata, pinipingot.

Napaigtad sa sakit si Kuya Maki maliban kay Raphael na parang wala lang nangyari sa lakas ng bangga. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at tinungo ang dalawang nakaharang sa daan.

"Long time no see." bati ng matanda na may balbas habang pinipingot pa rin ang batang may kagat-kagat na lollilop. "Nararamdaman ko sayo na nasanay ka na yata sa mundo ng tao." banggit ni Azrael, ang anghel na sumusundo sa mga mamamatay na.

"Hindi ko rin alam. Bakit nga ba ko pinagtagal ng Panginoon dito sa lupa? Ano bang nagawa kong kasalanan? May mission ba ako? Hindi ko maintindihan." sagot ni Raphael.

"Pinaaabot nga pala ng Panginoon na ito na ang huling misyon mo bilang isang anghel." sambit ni Lala na isa ring anghel na madalas magpanggap sa katauhan ng isang bata. Inabot niya ang sulat kay Raphael.

"Teka~"

"Tama ang iyong nabasa, ikaw ang gagamot sa kumakalat na sakit sa mundo ng tao." ani ni Lala.

"May nakapagsabi na nahulog na raw ang loob mo sa isang mortal totoo ba?" tumango lang si Raphael bilang pagsang-ayon kay Azrael "Magiging sagabal siya sa plano ng langit Raphael, hangga't maaari iwasan mo na siya sa ngalan ng Panginoon at sa misyon na ipinagkaloob niya sayo."

"Pero na sa panganib ang buhay niya!"

"Alam kong alam mo na bawal tayong mangialam sa buhay ng tao. Mag-iingat ka sa kinikilos mo, mamamatay ka kapag may nakakita sayo sa katauhan ng anghel." pangangaral ni Azrael.

"Nandito ka sa lupa Azrael, nangangahulugan lang na~" nanlaki ang mga mata ni Raphael.

"May susunduin akong kaluluwa." sambit nito.

"Ano ang kanyang pangalan?" tanong ni Raphael.

"Faye Alcantara, dalawampu't-limang taong gulang. May nine days na lang siya sa lupa." pagkasabi nito ni Azrael ay hinawakan siya sa balikat ni Raphael.

Sa isang ihip ng hangin. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay bumagsak ang mga luha ni Raphael. Para itong batang kulang sa atensyon, hindi alam ang gagawin at tuliro.