webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
分數不夠
49 Chs

Chapter 48

Now playing: Just The Way You Are by Bruno Mars

Jennie

Nandito ako ngayon sa isang restaurant kung saan naghihintay sa pagdating ni Lisa mula sa dinner date kasama ang kanyang mga magulang.

Of course, ako rin naman ay galing din sa dinner date with my parents. Pero syempre, hindi ko papayagan na wala kaming solo date ni Lisa, 'no?

Lalo na ngayon na may panibago na naman kaming na-unlocked na achievements na magkasama.

After kasi ng Graduation Ceremony kanina, dumiretso na kami sa kanya-kanya naming family dates, nakapagtataka nga at hindi na lang pinag-isa ang date ng family namin eh. Well, for me mas mabuti na rin iyon dahil mas mapaghahandaan ko ang date na pinlano ko para sa aming dalawa.

"Hey, Jen." Tawag ng isang hindi pamilyar lalaki, na hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala. Masyado kasi akong abala sa aking cellphone.

"Uhmm, I j-just wanna congratulate you." Utal at medyo nahihiyang sabi pa nito sa akin bago iniabot ang hawak nitong bouquet.

"Happy graduation day!" Sabay kamot nito sa kanyang batok habang nahihiyang napangiti. Ang cute pa dahil mayroon siyang dimple sa magkabilaan nitong pisngi.

Agad naman na kinuha ko sa kanya ang ibinibigay nito sa akin. Ayoko naman na maging bastos 'no? Isa pa, hindi naman siguro masama kung tatanggapin ko ang ibinibigay nitong bulaklak, right?

"T-Thanks!" Utal na pasasalamat ko sa kanya bago ito binigyan pabalik ng isang ngiti.

Napalunok ito bago kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang suot na pantalon.

"I-If you don't mind, can I ask for your phone number?" Tanong pa nito. Noon naman napatawa na lamang ako ng mahina.

Hindi ba siya taga St. Wood para hindi malaman na I'm already taken with my Lisa?

"You are not from St. Wood, am I right? I mean, you're from another University." Pagkukumpirma ko.

Muli ay nahihiyang napatango ito. "I-I'm a fan from the States." Pag-amin nito na mas ikinabilog ng dalawang mga mata ko dahil sa gulat.

Kaya naman pala medyo may pagka-blonde hair siya at kakaiba ang kulay ng kanyang mga mata. Akala ko naman naka-contact lens lamang ito.

"R-Really?" Hindi makapaniwala na bulalas ko. Wala akong ibang masabi dahil sa gulat. Napatango ito.

"I'm living with my mother there, sometimes we go on vacation here in the Philippines." Paliwanag niya bago muling napangiti. "I-I've admired you for a long time, Jenne. Even in times when you haven't dressed like that. And uhmm, I-I just came home to the Philippines today to congratulate you personally because I really want to meet you in person." Dire-diretso na paliwanag nito sa akin na mas lalong ikinagulantang ng mundo ko.

Omg! Parang ayaw mag-sink sa utak ko 'yung mga sinabi niyang iyon dahil sa mga nobela at pelikula ko lamang nakikita at nababasa ang mga ganitong eksena.

Pero ang ipinagtataka ko lang eh paano niya nalaman na nandito ako sa restaurant na ito?

"Ten minutes ago, you posted on your instagram story that you were here at this restaurant, so I hurried to come here just to meet you." Paliwanag nito na tila ba nababasa niya ang katanungan na tumatakbo sa aking isipan.

Napakamot ako sa aking batok.

Oo nga pala. Nag-post ako sa instagram story ko. Parang gusto kong mapatampal sa aking noo dahil sa kahihiyan.

"I'm Calvin, by the way." Pagpapakilala nito sa akin bago ini-extend ang kanyang kamay. Malugod ko naman itong tinanggap.

"Nice to meet you, Calvin. And thank you so much for your kindness and effort." Malawak ang ngiti na pagpapasalamat ko sa kanya. Grabe, ang effort niya ha!

"That's so sweet of you, Calvin." Kapwa kami napalingon ni Calvin na pinanggalingan ng boses na iyon.

At sinalubong ang pormal na mukha ni Lisa na naglalakad papalapit sa amin. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya.

And gosh! My heart! Ang ganda niya sa suot nitong black fitted dress na hanggang kalahati ng kanyang legs lamang ang haba, lalo tuloy na emphasized ang mahahaba at mapuputi nitong mga hita dahilan upang mapalunok ako. Hinayaan lamang din nitong nakalugay ang hanggang balikat nitong buhok.

And her bangs--- napangiti ako ng palihim sa aking sarili, mas lalong hindi talaga na mawawala pa sa kanya iyon.

Everytime na nakikita ko siya, hindi pa rin nagbabago ang mabilis na pagtibok ng puso ko, lalo na sa tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa. Kahit na araw-araw na rin kaming nagkakasama para bang araw-araw mas lumalalim pa ang pagmamahal ko para sa kanya.

Huminto si Lisa sa tapat namin ni Calvin at agad na inilahad ang kanyang kamay upang magpakilala.

"I'm Lisa." Pagpapakilala nito ng kanyang pangalan. "Jennie's best friend." Dagdag pa niya dahilan para mapakunot ang noo ko. May kung anong kirot din ang agad na gumuhit sa dibdib at lalamunan ko dahilan upang manahimik lamang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

Seryoso ba siya na best friend lang ang ipapakilala niya kay Calvin?

Nang marinig iyon ni Calvin ay mabilis na tinanggap nito ang kamay ni Lisa nang mayroong malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Hi! So, you're the best friend, nice to meet you, Lisa." Hindi maitatago ang saya at excitement sa mga mata ni Calvin. Napatango naman si Lisa.

"Yes, I am the best friend and at the same time, her GIRLFRIEND." Bigay diin nito sa huling sinabi habang nakatitig sa mukha ni Calvin waiting for his reaction, habang ako naman ay awtomatikong gumughit ang ngiti sa gilid ng aking labi.

Akala ko pa naman...hmp!

Hindi maitago ang pagkabigla sa mukha ni Calvin. Bigla na lamang kasi itong namutla habang nanlalaki ang mga mata na napalipat-lipat ang kanyang paningin sa aking mukha at kay Lisa.

"I-I didn't know that you were gay!" Utal na pagtanong nito sa akin at pagkukumpirma na rin.

Kagat labi na lumapit ako kay Lisa bago ipinulupot ang aking kamay sa braso nito.

"Yes! I am!" Proud na proud na sabi ko sa kanya bago malagkit na tinignan si Lisa sa kanyang mga mata. "And this beautiful lady, is my girlfriend." Dagdag ko pa.

Lisa couldn't help but giggle, while Calvin swallowed hard as he watched us silently.

"W-Wow!" Hindi napigilan na muling mabilog ang mga mata nito.

"Wow?" Tanong ni Lisa sa kanya.

Napatango ito. "Yes! I'm happy for you two. I mean it!" Kung ibang tao siguro ang nasa harapan namin ni Lisa ngayon, iisipin ko na pinaplastik lamang kami nito, ngunit iba ang nakikita kong kislap sa mga mata ni Calvin, that he's very sincere to his words at talagang masaya talaga siya para sa akin at kay Lisa.

"C-Can I take a picture of you?" Tanong nito.

"Sure!" Mabilis na pagpayag ko habang ang girlfriend ko naman ay napatango lang bilang sagot.

Pagkatapos kaming kunan ni Calvin ng litrato ay agad na nagpaalam na rin ito sa amin. Masaya raw ito na natupad ang isa sa wish niya na makita ako in person, masaya rin daw ito para sa aming dalawa ni Lisa.

Uuwi raw siya sa States na masaya lalo at meron siyang litrato ko at pati na rin si Lisa.

Akalain mo 'yon? Kahit na ang dugyot kong tignan noon may mga tao pa rin pala na hahangaan ka not just because of your looks but what's in your heart.

Just like Nami.

Gosh! I miss her!

Kaya matapos ang isang linggo, magbabakasyon kami ni Lisa sa Japan kasama ang kanyang pinsan na si Miyuki na ngayon ay meron nang boyfriend.

Oo, meron na siyang boyfriend at ito ay walang iba kundi si Austine, na pinagplanuhan noon na i-close si Nami para lang mapalapit kay Miyuki at bilang kapalit din, mapapalapit si Nami sa akin.

Gets n'yo?

Ang galing nila gumawa ng plano no'n. Well, kahit naman papaano eh tumalab din naman. Isa pa, masaya ako para sa kanilang dalawa ni Miyuki.

Habang kami naman ni Lisa ay magpapatuloy ang aming kwento at buhay pag-ibig sa hirap at ginhawa. Marami pa kaming mga pagdadaanan, at mga kakaharaping problema. Parehong magsisimula sa aming buhay kolehiyo at syempre, hindi mawawala ang bubuo kami ng aming kanya-kanyang career.

Ngunit kahit na ano pa man ang mangyari sa hinaharap, kahit gaano pa kabigat at kahirap, palagi naming pipiliin ang unawain at manatili sa isa't isa.

Wala naman talagang perpektong relasyon, hindi ba? Nasa dalawang taong nagmamahalan na lamang iyan kung paano nila ito magpagtatagumpayan.

At hindi dapat ang problema ang mga magwawasak at ang maghihiwalay sa aming dalawa, ngunit ito nawa ang magsilbing inspirasyon at magbubuklod sa aming dalawa hanggang sa umabot kami sa dulo ng walang hanggan.

Masaya ako at buong pusong nagpapasalamat sa Maykapal, dahil sinagot niya ang mga dalangin ko, at ang matagal na panahon na paghihintay ko para sa aming dalawa ay nangyari na. Ito ang dahilan ngayon kung bakit hanggang dito na lamang ang aming kwento.

- THE END -

- It's hard to confess your love to your best friend because one step further will either make you fall deeper or ruin your friendship.

Naging matagal man ang proseso para tuluyang matapos ang nobela na ito, nagpapasalamat pa rin ako ng maraming marami sa mga patuloy na sumusuporta, at sumusubaybay sa mga gawa ko. Nawa ay may napulot po kayong aral sa kanilang kwento! Hanggang sa susunod pong nobela! Abangan po ninyo ang pagbubukas ng kabanata ng dalawang kwento na atin na naman na muling sisimulan, Entitled, I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl), at Ang Kwentong Isinulat Sa Lukot Na Papel (BoyxGirl).

Jennexcreators' thoughts