webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · 奇幻
分數不夠
57 Chs

Chapter 44

> CHELSA'S POV <

NAKAKAINIS 'TONG SI Nate, kanina pa tahimik at parang tulala. Parang may kung anong tinatago sa 'kin? Laki ng problema ng taong 'to. Kanina late siyang pumasok at parang puyat na puyat. Kanina pa niya kagat-kagat ang lapis at pakamot-kamot ng ulo. Ano kayang trip nito? At ngayon lumayo siya sa 'kin at naupo sa unahan. Kami lang ang tao ngayon sa room kasi yung mga classmate namin nag-snack. Medyo gutom kaya ako, di man lang magyaya! Makapag-spy nga at magamitan ng ninja moves 'to.

"Haist! Ano bang ginagawa mo?!" salubong ang kilay na sigaw niya sa 'kin. Nagulat siguro siya nang bigla kong kunin yung ginagawa niya. Hinablot ko bigla yung papel na dinu-drawing-an niya. May talent pala sa pag-drawing ang boyfriend ko? Plus point!

"Ano 'to ulap?" tanong ko nang makita ko ang drawing niya. Ito yung kanina niya pa pinag-iisipan? Ulap? Kaya pala lutang sa ulap utak niya, eh.

"Haist! Shit!" galit na bulalas niya at bigla niyang hinablot sa kamay ko ang papel. "Seriously, Chelsa? Ulap? Heart 'to! Puso!" lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Weh? Ng ano? Saging?" at lalo atang naasar sa sinabi ko at tiningnan ako nang masama. Pinagtawanan ko pa kasi.

"Alam mo wala ka man lang pagka-artistic sa katawan! Ito ang tinatawag na art! Puso 'to! Bobo ka ba? Di ba obvious?"

"Kung makabobo ka naman! Parang di mo ako girlfriend! At ang layo naman niyan sa heart! Mag-sorry ka!"

"Sorry." Smirked niya. Mukhang napilitan lang? "But not sorry. Pusong-puso nga 'to!" At talagang napilitan nga. "May eraser ka ba?" sabay ganun siya? Bawas point! Pinagpilitan puso raw?

"Wala!" tinaasan ko nga ng boses. Tapos tinalikuran lang ako. Kainis talaga siya. "Saan ka pupunta?" habol ko sa kanya.

"Bibili ng eraser!"

"Gusto ko ng burger at soft drinks!"

"Gusto mo?" tumango ako sa tanong niya. "Di bumili ka!" tapos ayun, lumabas na siya ng pinto. Ang init ng ulo, may regla ba siya? Pero alam ko naman na di niya ako matitiis at bibili rin siya.

Pero kanina parang may pambura pa yung lapis niya? Tapos wala na? Naubos sa ganung drawing lang? At para saan ba yung drawing niyang pusong may kung ano-anong design? Pero puso ba talaga yun o ulap? Parang di naman kasi heart-shaped? Natawa na lang ako. Ang gwapu-gwapo tapos bupol mag-drawing? Parang manok lang na nakahawak ng lapis ang gumawa nung gawa niya. Tapos art daw yun? Kahit nakapikit ako kaya kong i-drawing yun. Pero kinilig ako, ang cute niya magalit.

Ilang saglit lang, pagbukas ng pinto, na-excite ako at napangiti, sa wakas makakakain din! Pero nawala ang ngiti ko nang makita kung hindi si Nate ang pumasok. Kundi ang mga kaibigan niya maliban kay Cristy dahil absent ito ngayon. Sinara nila yung mga pinto sa harap at likod. Naku naman. Hindi burger ang naaamoy ko, kundi bugbog. Nananakit ba ang mga 'to? In fairness, ang ganda ko naman para saktan. Pero sa totoo lang mas takot ako sa kanila kaysa sa grupo nina Kristan. Alam ko naman na mabait sila, kaso nararamdaman kong ayaw nila sa 'kin. At sinabayan pa ng super awkward feeling ko sa kanila.

Napayuko na lang ako nang makita kong papalapit sila sa 'kin. Nakangiti si Jasper na parang lalapit lang sa tropa niya. Pero si Lhyn grabe makatingin, killer lang ang peg niya. Sinisipat-sipat ko ang mga kamay niya baka kasi may hawak na asido at bigla na lang akong sabuyan. Ang lapit na nila sa 'kin! Yung feeling na baka buhatin nila ako at pagtulong-tulungang itapon sa labas ng bintana. Nasa third floor kaya kami.

Waaaaaaah! Nandito na sila sa harap ko!

"Please, guys! Ano bang ginagawa n'yo?" thanks Edward. Saway niya sa mga kasama niya.

"Bakit, bro? Ano bang ginagawa namin?" maangas na tanong ni Jasper. Nagbago ang tingin ko sa lalaking 'to. Dati siya yung parang ang sarap maging kaibigan dahil sa kakulitan niya at napaka-friendly niya, pero ngayon ang siga niya. "Kukumustahin lang namin siya." ani pa niya at tinapik sa braso si Edward.

"Tama! She fainted yesterday, right?" si Lhyn. At buti naman wala siyang hawak na asido sa kamay.

"Bahala nga kayo." Kita ang disappointment sa mukha ni Edward. Tiningnan niya ako bago kami tinalikuran at lumabas siya ng classroom. Sana sunduin niya si Nate. Kaso mukhang ibang direksyon ang pinuntahan niya.

"Kumusta ka na?" si Jasper at tinapik niya ako sa balikat. Pero yung totoo? Tapik ba yun or tinutulak niya na akong mahulog sa upuan?

"Okay na ako. Salamat." Sagot ko. Ano ba 'to? Super kaba ko naman.

"Are you dying?" tanong ni Lhyn na mukhang na-excite pa.

"Hah?" nabigla naman ako sa tanong na yun.

Pinagtawanan niya lang ako. "You're funny talaga! Just kidding! 'Kaw naman masyado kang serious."

Di na ako kumibo. Kung alam niya lang. Pinagmasdan ko na lang sila. Di naman sila mukhang harmful. Pero di rin mukhang harmless. Habang nakatingin ako sa kanila na-amazed ako. Alam ko naman na good looking sila, of course lalo na si Nate ko. Pero ngayong natitigan ko sila nang malapitan, hanep naman talaga sa tropa nila. Mukhang bawal ang ang pangit. Well, I belong. Just kidding!

"Alam mo bang may gagawin dapat kaming commercial ng tropa. Kaso nag-back out si Nate. At yung management ng advertising company, ayaw naman pumayag kung wala si Nate. Request daw kasi ng product management." Nawala ang ngiti sa labi ni Jasper. At yung mga tingin niya, alam kong ako ang sinisisi niya. "Balewala lang naman sa 'min yun. Ang di lang namin matanggap ay yung reason kung bakit?"

"Bakit mo sinasabi sa 'kin yan?" tanong ko.

"Di ka naman siguro stupid para di mo malaman kung bakit?" ngisi ni Jasper.

"What if she is?" pagtataray ni Lhyn.

"Ano bang balak mo?" biglang tanong ni Kyle na ikinabigla ko.

"Hah?"

"May galit ka ba sa tropa namin?" si Karl.

"Wala." Sagot ko.

"Or baka naman naiinggit ka sa'min?" si Zab.

"Hindi!" napalakas ang boses ko. "Ano bang sinasabi n'yo? Ba't n'yo ba ginagawa 'to?"

"Ba't mo ba ginawa 'to?" balik na tanong sa 'kin ni Jasper.

Hindi na ako sumagot. Alam ko kung ano ang tinutukoy nila. Alam ko, pero bakit parang ang hirap sagutin? Pero kailangan ko ba talagang magpaliwanag? Na-in love lang ako at nagbakasakaling mahalin din. Parang gusto ko na lang mag-teleport. Kaso di ko control ang powers ko at super sakit nun.

"Kayo na ba talaga ni Nate?" seryosong muling tanong ni Jasper. "Are you sure na gusto ka niya?"

May sagot sa utak ko, pero di ko mabigkas. Ba't ba natatameme ako sa harap nila? Yung feeling na, pinagtatabuyan na ako pero pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko. Nararamdaman kong pinapamukha nila sa 'kin na di nila ako ka-level. Mas nakakapang-liit ang mga tingin nila kaysa sa mga nangbu-bully sa 'kin. Di ko napigilan ang maluha. Pero bakit ba ako naiiyak? Kainis naman!

"Oh, don't cry girl! Baka isipin pa ng iba binu-bully ka namin. We're just talking here, right?" si Lhyn at hinaplos niya ang buhok ko. Grabe maka-humiliate naman 'to!

Napayuko na lang ako at nagpunas ng luha. Mas gusto ko na yung pakiramdaman na ma-bully ako ng grupo ni Joyce, kaysa yung feeling ko ngayon na kinakausap nila ako.

"Wag mo naman ipamukha sa 'min na masama kami." Si Kyle. Dama ko ang pagiging cold sa boses niya.

"Gusto lang namin maging malinaw ang lahat." Si Karl.

"Sana wag mong masamain. Bigla ka na lang kasing sumulpot sa kung saan. At heto, nagkagulo ang tropa namin." Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa sinabi ni Zab. Kaya ba sila ganito sa 'kin? Nagulo ko ba ang pagkakaibigan nila? Pero nagmahal lang ako.

"Ano ba talagang status niyo ni Nate? Kayo ba talaga?" Si Jasper. Na piling ko kahit anong isagot ko, di ako papaniwalaan. Na parang isa lang akong walang kwentang tao.

"Or maybe, gusto mo lang sumikat? Kaya pinagsisiksikan mo yang sarili mo?" taas kilay ni Lhyn.

"Alam mo bang dahil sa 'yo sobrang nasasaktan ngayon si Cristy? She's almost in suicidal state. Iyak siya nang iyak kagabi. At ngayon hindi siya pumasok. I don't get it? A girl from nowhere makes her life so miserable. Pa'no mong nagawa yun? Ano bang atraso niya sa 'yo?" muling paninita sa 'kin ni Jasper. Pero ano ba talaga ang ginawa ko? May mali ba talaga ako?

"Do you really love, Nate? Because my bestfriend loves him so much." Oo ang sagot ko sa tanong ni Lhyn. Pero di ko mabigkas. Yung feeling na parang wala akong karapatang mahalin si Nate. Kaya di ko alam kung pa'no sumagot.

"Kayo ba talaga, hah, Chelsa?" lalong naging maangas sa pagtanong sa 'kin si Jasper. Ano bang pinu-point nila? Ano bang gusto nilang iparating sa 'kin? Parang sina-psywar nila ako. Napayuko na lang ako. At ba't ba talaga parang ang hirap sambitin ng 'Oo' sa harap nila?

"Ba't di ka sumagot?" tanong ng boses na full of authority. Boses ni Nate na nagmula sa likuran nina Jasper. Para siyang siga ng Tondo na naglakad sa gitna ng mga kaibigan niya at naupo sa arm chair na kinauupuan ko. Nakangiti siyang tiningnan ako. Mga ngiting humaplos sa kumakabog kong dibdib at pumawi ng kaba ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa lap niya. "Ba't di mo sabihin sa tropa ko, kung tayo ba talaga?" tanong niya sa'kin na sinadyang iparinig sa mga kaibigan niya.

"Tinatanggi ka niya, bro." smirked ni Jasper nang di ako sumagot at napayuko lang.

Nilingon niya ang tropa niya. "E, di ako ang tanungin n'yo, kung kami? Dahil hindi ko siya itatanggi." May angas na sabi niya at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Pinukol niya ng tingin si Lhyn. "Lhyn, sige, tanungin mo ako if I love her?" ibang-iba ang hitsura ngayon ni Nate. Ibang side ng pagkatao niya ang nakikita ko ngayon. Yung pagkatao niyang handang ipaglaban ang taong mahal niya. Side na di ko naipakita sa harap niya.

"You, jerk!" inis na sigaw ni Lhyn at tumalikod siya palabas ng classroom.

"So, mas pinipili mo siya, bro, kaysa sa 'min?" nakita ko ang galit sa mukha ni Jasper. Ganun din sa tatlo.

"Wala akong pinipili, dahil di ko kailangan mamili sa kahit na sino." Kumalma ang boses niya. "Ano ba talagang problema n'yo dito? Kinausap ko na kayo. Akala ko maliwag na sa inyo ang lahat? Tapos ginagawa n'yo sa 'kin 'to? Inunawa ko kayo sa pag-iwas n'yo sa 'kin. Kaya sana, try n'yo naman unawain ako, bro."

"But you said, she's just a girl from nowhere na gumugulo sa utak mo? Di kaya naguguluhan ka lang? At dahil sa magulo mong utak, nasasaktan mo si Cristy. At kami, nababalewala mo."

"Ako pa ang nambabalewala?"

"Dahil mas pinili mo siya!"

"Wala nga akong pinipili!" napasigaw si Nate.

"Pero sinaktan mo si Cristy, na tropa namin. Na tropa mo!" napasigaw na rin si Jasper.

"Oo, inaamin ko nasaktan ko siya. Pero kinausap ko naman siya nang maayos. And tama ka, at first naguluhan ako. Pero ngayon sigurado na ako na mahal ko 'tong nasa likod ko." Ayyyyyeeeeiii! Bumilis ng super ang hearty ko! Pero di ko makuhang mag-smile dahil sa takbo ng usapan nila.

"Oh, common, bro! Baka naman naglalaro ka lang? Pagtapos mo, share mo siya sa 'min!" may ganitong characteristic pala 'tong si Jasper? Ang sama niya! Parang gusto ko nang tumayo at kumuha ng upuan at ihampas sa mukha niya! Anong tingin niya sa 'kin laruan?

Pero naunahan ako ni Nate. Binitawan niya ang kamay ko at tumayo siyang nakakuyom ang mga palad. Kita ang panginginig niya. Alam kong galit siya. Ibang pagkatao niya na naman ang nakikita ko. His evil looks appeared. Napaka-deadly ng hitsura niya. Nakatitig lang siya kay Jasper. Bumalik ang takot sa dibdib ko. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Hinawakan ko ang kamao niya pero inalis niya ng isa niyang kamay.

"Ulitin mo pang sinabi mong yan Jasper, at magmumumog ka ng sarili mong dugo." Madiin sambit ni Nate. Di siya sumisigaw pero mas nakakatakot yung pakinggan. Warning na aatras kung sino man ang makarinig. Pero mukhang di yun aatrasan ni Jasper. Humakbang pa siya palapit kay Nate. At nabalot ng tensyon ang classroom.

"She's just a bitch, bro!" ngisi ni Jasper.

"Shit!" sigaw ni Nate.

Tinulak ni Nate si Jasper at isang malakas na suntok ang pinakawalan sa mukha nito. Sumugod si Jasper pero naunahan siya ng sipa sa dibdib ni Nate. Napasigaw sa galit si Jasper, pero umawat na yung tatlo. Hinawakan nina Karl at Zab si Jasper. Umawat naman si Kyle kay Nate na mukhang susugod pa. Ayaw ko siyang makitang ganun. Lalo pa't malapit na kaibigan niya ang kaaway niya at dahil yun sa 'kin. Talaga nga sigurong nagkamali ako?

"Gago ka, Nate!" galit na sigaw ni Jasper.

Tinulak ni Nate si Kyle para sumugod pa. Tumayo ako at niyakap ko siya. "Tama na." iyak ko. "Tama na, Nate. Tama na…" Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Talagang galit na galit siya.

Hinila na ng tatlo si Jasper palabas. Pero pumapalag pa rin siya. Ako naman hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko kay Nate.

"Pagsisisihan mo 'to Nate! You throw our friendship for that girl?!" pahabol pa ni Jasper bago siya tuluyang mailabas ng classroom ng tatlo.

Yakap ko pa rin si Nate. Pero inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya. At tiningnan niya ako. Tingin na nagpahina sa katawan ko at napayuko na lang ako. Sinasabi ng mga tingin niya na, nakaka-disappoint ka! Narinig ko ang pagsigaw niya at sinipa niya ang upuan dahil sa galit. At bigla niya na lang akong hinila palabas ng classroom. Parang maghihiwalay ang braso ko sa katawan ko sa lakas ng paghila niya at nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya sa kamay ko. At boom! Pagkalabas namin, tumambad ang mga echoserang kanina pa siguro nakikinig? May tainga nga ang pader. Trending na naman 'to!

Naglakad kaming parang walang mga taong nakatingin sa 'min. Hindi, siya lang pala ang naglalakad. Dahil ako patakbo na sa bilis ng paghakbang niya. At lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Dinala ako ni Nate sa roof top. Pagdating dun, pabagsak niyang binitawan ang kamay ko. Napahinga siya nang malalim at muli niya akong pinukol ng nakakapanghina niyang tingin. Tinging sinasabing, di ako makapaniwala sa 'yo.

"Ba't di mo masabi yun? Ba't di mo masabi kung ano talaga tayo?! Ba't di mo masabing mahal mo ako?" galit na sunod-sunod niyang tanong sa 'kin. "Pinaglalaruan mo lang ba ako?" naluluha siya pero pinigilan niya.

Sunod-sunod na pag-iling lang ang naging tugon ko. Umiyak akong napayuko't napapikit salo ng mga palad ko ang mukha ko. Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang pagyakap sa 'kin.

"Sorry…" narinig kong sabi niya na lalong nagpaiyak sa 'kin. "I'm sorry…" muling sambit niya.

I really love, Nate. Sobrang sure ako dun, super-super! Pero kapag naiisip ko talaga ang possible consequences na bunga ng relationship namin na 'to, naguguluhan ako. Piling ko sisirain ko lang buhay niya. At mukhang nasimulan ko na yun. Kailangan ba talagang mag-sacrifice for love?

Sana lang talaga may paraan pa para di ako mamatay. Para masamahan ko siya at hawak-kamay kaming haharap sa mga consequences na yun.