> CHELSA'S POV <
"CHELSA!" BOSES NG lalaki. Nagulat ako nang may tumawag sa 'kin, palabas na sana ako ng gate. Ngayon lang may tumawag sa 'kin ng ganito. Patakbo siyang palapit sa 'kin.
Kristan? Pagtataka ko nang makompirma ko kung sino ang tumawag sa 'kin.
"Chelsa, tama?" Tanong niya, tumango lang ako. Tapos ngumiti siya sa 'kin na parang close na kami.
Kailangan nito? Sa isip ko habang nakatingin sa kanya. Nakakagulat lang talaga kasi.
"Nagulat ba kita?" may pag-aalalang tanong niya sa 'kin. Pagtango lang ulit naging tugon ko.
"Sorry," nag-smile siya. "Kristan, nga pala." Inabot niya ang kamay niya at nakipag-shake hands din naman ako, pero agad kong binawi.
"Sige, mauna na ako." Paalam ko.
"Sandali. Coffee muna tayo." Yaya niya.
"Hah?" gulat much ako. Anyare? Close ba kami?
"Wag kang matakot." Nakangiti na naman siya. Tamis ng ngiti, hah? "Matakot ka kapag tumanggi ka." Waaaahh! Gusto kong tumakbo. Pero hawak niya kamay ko. Kilalang bully pa naman 'to dito sa school. Nakita ko na rin na may pinagtitripan siya kasama mga kaibigan niya. Next victim ba ako?
"S-Sasama ako." Nakayuko kong tugon. Ano ba 'to? Mama! Talagang kinabahan ako. Baka may sako 'to sa bag at bigla na lang akong isako?
Tumawa siya. "Joke, lang. Wag kang matakot. Di kita sasaktan. Harmless naman ako – minsan." Minsan lang? Huhu!
"T-Totoo?" natawa lang ulit siya sa tanong ko.
"Cute ka pala?" matamis ulit ang ngiti niya, tapos mahina akong pinisil sa magkabilang-mukha.
Cute ako? Pero tama naman. Marunong pala siya tumingin ng cute? Pero cute din siya, ah.
"Tara!" sambit niya tapos nauna siyang maglakad sa 'kin. Nakayukong sumunod naman ako. May mga estudyanteng pinagtinginan kami. Parang gusto kong tumakbo palayo. Kaso baka totohanin na saktan ako? Nasaan na ba kasi si papa? Dapat nandito na siya para sunduin ako.
Sa tapat na convenience store kami pumunta. Kala ko pa naman sa coffee shop talaga? Nakita ko sa labas ang grupo nina Nate. Ngayon alam ko na kung bakit dito? At kung bakit ako niyaya nito?
Tumuloy kami sa loob. Pinagbuksan pa ako ng pinto ni Kristan. 'Tong lalaking 'to. Inlababo pa rin kay Cristy, sabi na nga ba, eh? Gusto ata nitong paselosin ang ex niya? Ba't ako naman ang ginamit? Dahil ba sa nakita niya kami ni Nate kanina na magka-holding hands? Kaya ako? Ako na naman? In demand? Third wheel ulit? Kanina si Nate, ngayon si Kristan. Nang dahil sa isang babae? Grabe! Ingat sa paglalakad Cristy baka maapakan mo buhok mo! Sana madapa ka!
Umiiwas sana ako kina Nate, kaso hinila ako ni Kristan. Ngayon, magkakaharap kaming apat – salamin lang ang pagitan. Nakatingin kami sa kanila – nakatingin sila sa 'min.
Tumagal lang nang halos kalahating minuto ang titigan naming apat – ako kay Nate, si Kristan kay Cristy. Ewan ko ba? Ba't di ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanya? Buti siya parang di naman ako gustong mapagmasdan. Parang wala lang sa kanilang nandun kami. Nagkwentuhan lang sila at nagtawanang magkakaibigan. Paglipas nang mga halos kalahating oras, umalis na sila.
Kami ni Kristan, naiwang nakatingin pa rin sa upuang kinauupuan nila kanina. Sabay pa kaming malalim napabuntong hiningan. Tapos natawa na lang kami na nakatingin pa rin sa labas.
"Gusto mo siya?" seryosong tanong ni Kristan. Wala siyang binanggit na pangalan pero alam kong si Nate ang tinutukoy niya. Siguro nga obvious na ang feelings ko para kay Nate.
Tahimik lang ako na nakatingin pa rin sa labas. Di ko siya sinagot at tumayo na ako. "Salamat sa kape," nakangiting sabi ko. "Una na ako." At iniwan ko na siya.
Bago ako lumabas nilingon ko si Kristan, napasubsob siya sa mesa. Di ko kita ang mukha niya pero alam kong napakalungkot niya. Dahil tulad niya, napakalungkot ko rin. Alam kong nasasaktan siya. Dahil ako, nasasaktan din tulad niya.
~~~
PA?
BAKIT, 'NAK?
"Pa?" nagulat ako. Narinig ni papa yung pagtawag ko sa kanya sa isip ko? Tulad nang nangyari sa 'min ni Nate kanina.
Kanina pa gumugulo sa isip ko ang mga nangyari sa 'min ni Nate. Narinig niya ba talaga yung pagtawag ko sa kanya sa isip ko? Posible ba yun? Nakakabasa ba siya ng isip? Telekinesis? Telepathy? Yun ba yung tawag dun? May powers siya? Yan ang mga gumugulo sa isip ko. Kaya naging napakatahimik ko ng sunduin ako ni papa sa school. Hanggang sa makarating na kami ngayon sa bahay.
Sinubukan kong tawagin si papa sa isip ko nang pababa na kami ng kotse. At narinig niya rin ako, sumagot si papa sa isip ko. May powers din si papa tulad ni Nate?
"Pa, ano po yun?" tanong ko kay papa nang di siya sumagot sa tawag ko.
Liningon ako ni papa at ngumiti siya. "Sumunod ka. Ipapaliwanag ko sa 'yo lahat." At bumaba siya ng kotse.
Sinundan ko si papa, narito kami ngayon sa garden. Ang napakalawak naming garden sa likod ng aming bahay, maraming magagandang halaman at bulaklak. Dito ang pinakapaborito kong lugar sa bahay namin. Kung saan narito rin ang mga munti kong kaibigan, ang mga naggagandanhang paruparo. Natutuwa ako kapag nakakakita ako ng paruparo.
Pero isang araw, may pangyayaring bumago sa takbo ng buhay naming buong pamilya. Mula nang araw na yun, may mga uri na ng paruparong kinatatakutan akong makita.
Ipinaliwanag ni papa ang lahat nang tungkol sa mga gumugulo sa isip ko. At ngayon nauunawaan ko na. May mga bagay pa pala akong matutuklasan tungkol sa pagkatao ko. Ako pala yun, at hindi sila. Ako ang may kakaibang kakayahan. Di ako nakakabasa ng isip. Di ko mababasa ang iniisip ng mga tao kung di nila kusang sasabihin sa 'kin yun sa pamamagitan ng isip nila. Ang kakayahan ko, ang makipag-usap gamit ang isip. Parang nagtatawagan lang sa cellphone.
Sinabi din ni papa na wag kung hayaang maging malungkot ako, kung pwede naman akong maging masaya. Kung sakaling magkamali man ako, pwede ko naman daw itama yun. O kaya burahin na lang ang pangyayaring yun. Dahil posible naman yun sa tulad ko.
> NATE'S POV <
NAPAKAGANDA NGAYON ni Cristy, nasa kotse kami ngayon papunta sa 'ming date. Kanina pagsundo ko sa kanya, kitang-kita na napakasaya niya at sobrang excited siya. Kahit ako, excited din. Ang perfect lang talaga kasi ng gabing ito. Kaya talagang napakasaya ko.
~~~
KINABUKASAN.
"Ano musta yung date? Nagustuhan ba ni Cristy yung set-up namin?" si Edward.
"Yung foods naubos n'yo?" si Karl.
"Yung lights effect, ayos ba?" si Kyle.
"Yung music, nadala ba kayo?" si Zab.
Haist! Pagpasok ko pa lang ng classroon sinalubong na nila ako at pinagtatanong. Parang inabangan talaga nila ang pagpasok ko. Pero di ako sumagot. Hay! Kainis! tiningnan ko lang sila at tumalikod ako palabas. Gusto ko munang lumanghap ng sariwang hangin. Ayaw ko munang pag-usapan ang nangyari kagabi.
Paglabas ko nasalubong ko sina Jasper at Lhyn.
"Ginawa n'yo na?" bulong sa 'kin ni Jasper. Nag-smirked lang ako at tiningnan siya nang masama.
"Problema nun?" dinig kong tanong ni Jasper sa apat.
"Ako, may alam ako." Si Lhyn. Tapos naglapitan yung limang ugok. Pero tinalikuran ko na lang. Di man lang hinintay makaalis ako bago ako pag-usapan?
Naglakad ako papuntang canteen. Bumili ako ng soft drinks para pang-cool down. Habang naglalakad ako papunta rito dami kong narinig na bulungan. Pagdating dito ganun pa rin, pero di ko na lang pinansin. Naupo ako at nag-log in sa FB. Muli kong tiningnan yung mga pictures na kagabi ko pa tinitingnan. Na halos di nagpatulog sa 'kin. Pictures na pinagmulan ng away namin ni Cristy. Pictures na sumira sa perfect date sana namin. Pero sino ba talaga ang kumuha ng mga pictures na 'to? At in-upload pa talaga sa page namin at sa iba pang fan made page? Ugh! Ayun, trending dito sa school.
Nasira tuloy yung perfect date namin ni Cristy. Pero bakit ko ba kasi nagawa yun? Pero anong mali ko ba talaga? Haist!