webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · 其他
分數不夠
45 Chs

25: I'm his Nurse

HER POV.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nagulat na lamang ako ng magising ako sa isang kwarto? Ay, kwarto ko pala 'to. Hehe. Pero, paano ako nakarating dito? Tsaka nasan na si mamang inglisero?

"Uy, baby, gising ka na pala. How are you? " tanong ni Mama pagka-pasok ko.

"I'm okay po. Si mamang inglisero po? " tanong ko. Nakita ko namang napakunot 'yung noo nya.

"I mean, si Jackson po? " pag-uulit ko.

"Nandun sa guest room. Ano ba ang nangyari anak? Nakita ko na lamang kayo sa waiting shed ng L. U na tulog. Nung una nga, akala ko wala kayong malay eh. " sabi ni Mama.

"Naabutan po kasi kami ng ulan, Ma, kaya hindi rin po ako nakauwi kaagad. Sorry po. " sabi ko saka tumungo.

"You don't need to be sorry, anak, it's not your fault. Ang mahalaga ay ligtas kayong dalawa ni Jack. O sya, aalis na muna ako ha? Bibili lang ako ng pagkain natin dahil wala na dyan. Ikaw na munang bahala kay Jackson at sobrang taas ng lagnat ng binatang 'yun. " sabi ulit ni Mama.

"Ganon po ba, Ma? Napainom nyo na po ba ng gamot? " tanong ko.

"Hindi pa anak, dahip ayaw namang kumain. Ikaw na lang ang mag-painom ng gamot sa kanya at magpa-kain. Ikaw din nak, kumain ka na. Sige na, aalis na ako. Bye. " sabi ni Mama saka ako hinalikan sa noo.

"Bye po. Ingat po kayo. " sabi ko habang naka-upo sa kama ko.

"Kayo rin dito. Wala nga pala kayong pasok dahil may bagyo. " pahabol pa ni Mama.

"Ahh. Okay po. " sabi ko at tuluyan na ngang umalis si Mama. Tulog pa rin kaya si mamang inglisero? Puntahan ko kaya? Dalhan ko na lang ng pagkain.

Inayos ko ang hinigaan ko saka bumaba at pumunta sa kusina. Ano kayang niluto ni Mama?

Binuksan ko ang kaserola at tumambad sakin ang mabangong sopas. Waaaaaaah! Sopaas! My peyborit!

Naglagay ako ng sopas sa isang plato. Syempre, kakain muna ako bago ko yun pakainin. Ang sarap talaga ng sopas ni Mama.

Nang matapos na akong kumain ay nilagay ko na sa lababo ang plato ko saka kumuha ng panibagong mangkok. Nilagyan ko 'yun ng sopas. Nagdala na rin ako ng gamot. Nilagay ko sa isang tray lahat para hindi ako mahirapang bitbitin. Hirap na hirap na kasi akong bitbitin 'yung relasyong sa panaginip ko lang naman nage-exist eh. Keme! Hahahaha.

Hindi na ako kumatok dahil nga may dala akong tray. Pagpasok ko palang sa guest room ay muntik ko ng mabitawan 'yung hawak ko. Mygaaash! Bakit wala syang t-shirt? Masyado tuloy nae-expose 'yung abs nya.

'Ha? Anong abs? Tumigil ka na nga, Clarisse, pinagsasamantalahan mo na naman si Jackson eh. '

Sorry na nga eh. Pero, bakit wala syang pantaas? Baka magkasakit sya lalo nyan eh.

Lumapit ako sa kanya at nilapag naman ang tray sa sidetable. Tiningnan ko 'yung mukha nya, ayaw ko sa abs, nilalandi ako eh.

"Mukha kang anghel kapag tulog kaso kapag gising, para kang masamang nilalang. " bulong ko. Tulog naman siguro 'to diba? Ma-picturan nga.

"Bakit mo 'ko kinukuhanan ng litrato? "

"Ay mamang kalabaw na baka! " sheeeeeems! Gising sya?

"Ikaw? Kinukuhanan ko ng litrato? Asa! " sabi ko na lang.

"Weh? Bakit may flash? " tanong nya ulit. May flash ba? Shete naman oh!

"Flashlight 'yun! Kumain ka na nga. Ayan 'yung pagkain mo oh, pati na din gamot mo. " sabi ko sa kanya.

"Pwede pakisubuan ako? Nanghihina pa kasi ako eh. " at umarte pa ang loko na parang bata.

"Ano ka? Bata? " tanong ko.

"Dali naaaaaa. Please. " sabi nya pa atsaka nag-puppy eyes. 'Wag kang pumayag, Clarisse, 'wag na wag na wag!

"Sige na nga. " ay tanga! Bat ka pumayag? Aish!

Kinuha ko na lang 'yung kutsara tsaka 'yung mangkok na may sopas.

"Say ahh.. " sabi ko sa kanya. Ngumanga naman sya.

"Good dog.. " nakita kong napakunot ang noo nya. "Este good boy. " pagbawi ko.

Nang matapos na namin 'yung 'subuan session' namin. (Wag kayong green. HAHAHA) ay pinainom ko na sya ng gamot.

"Bilis na kasi. " pagpipilit ko.

"Ayaw ko ngaaaaaa. " sabi nya na parang bata. Ganito ba talaga sya kapag may sakit? Nagiging isip-bata.

"Paano ka gagaling kung hindi ka iinom ng gamot? " tanong ko.

"Kiss. " at saka sya ngumuso.

"Kiss-kissin mo mukha mo! " sabi ko sa kanya. Sinalampak ko sa bunganga nya 'yung gamot. Jusko, pahirapan!

"Iinumin mo rin naman pala, andami mo pang arte. " sabi ko sa kanya.

"Stupid, ang init. " bigla nyang sabi. Eh? Mainit? Wala na nga syang t-shirt naiinitan pa rin sya? Aba, matindi!

"Oh? Anong gagawin ko? Magpapaka-elsa ako dito at gagawa ng yelo? " tanong ko saka umirap.

"Punasan mo 'ko. " sabi nya at sa tono ng boses nya, halatang seryoso sya.

"Kaya mo na 'yan, malaki ka na. " sabi ko saka aalis na sana kaso nakuha nya 'yung kamay ko.

"Nanghihina pa nga ako diba? " sabi nya saka ngumuso ulit. Wag kang magpapadala sa pagpapa-cute nya, Clarisse. Wag!

"Oo na! " bwiset na sarili ng 'to oh! Hindi kayang sumunod sa kung anong gusto ko.

"Dito ka lang, magpapakulo lang ako ng tubig. " sabi ko sa kanya saka bumaba. Sa may taas din kasi guest room namin eh.

Nag-init ako ng tubig saka kumuha ng maliit na towel sa kwarto ko. Nilagyan ko rin ng malamig na tubig 'yung pinakuluan ko para maging maligamgam.

Sinimulan ko ng punasan sya. Hindi talaga ako tumitingin sa abs nya kasi nga nilalandi ako!

Puro lang ako sa mukha nagpupunas atsaka leeg.

"Baka gusto mong punasan 'yung tyan ko? " tanong nya. Aba--t!

"Pamamahay mo ba 'to? Atsaka, hindi mo 'ko utusan! " sabi ko sa kanya.

"Whatever. " sabi nya. Hayys. Bumaba 'yung kamay ko sa abs nya pero ang mga mata ko, sa ibang direksyon nakatingin.

"Okay na. " sabi ko sa kanya sabay bato ng towek na maliit.

"Aray! " reklamo nya.

Kumuha ulit ako ng panibagong towel saka binasa ng maligamgam na tubig at pinatong sa noo nya.

"Sige, dun na ako sa kwarto ko ha? " pagpapaalam ko.

"Samahan mo muna ako dito. Pleaseeee. " at para na naman po syang bata.

"Okay. Okay. " ewan ko rin sa sarili ko kung bakit hindi ako maka-hindi eh.

"Yehey! " tss. Parang baliktad ata kami ngayon ah? Ako 'yung nagsusungit tapos sya 'yung nagiging isip-bata.

"Pahiga ako sa lap mo ha? " tanong nya.

"May unan ka. " sabi ko habang nagse-cellphone.

"Dali naaaa. " at nag-pout na naman sya.

"Sige na. " sabi ko.

"Ito 'yung cellphone ko oh, para hindi ka maboring. Pwede mong pakialaman lahat dyan. Gallery, messages, facebook, twitter atsaka instagram. " sabi nya habang nakapikit at nakangiti. Tsk, weirdo.

"Hindi ako pakielamera tsaka wala akong karapatan kasi ano mo ba ako? " pang-gagaya ko sa line nya. Nakakainis kasi eh. Makabanat ng ganun, nako!

Naramdaman ko naman na nakatulog na sya.

"Pagaling ka. " bulong ko.