webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · 其他
分數不夠
45 Chs

23: Jealous

HER POV.

Nandito ako ngayon sa may waiting shed, naghihintay ng masasakyan, sanay naman na akong mag-hintay eh. Juk lang. HAHAHAHA.

Tiningnan ko ang orasan ko at ala-singko na pala. Tsk, isang oras na pala akong nag-hihintay? Pero, okay na rin 'to, kesa naman isang taon akong mag-hintay. Juk lang ulit.

Ang tagaaaaaaaaaaaal.

"May hinihintay ka? "

"Ay kabayong butiki! " sigaw ko. Ano ba naman 'yan!

"Ano? Kabayong butiki? Meron ba nun? Ang weird mo talaga. " sabi nya saka pinat ang ulo ko. Ako pa weird ha?

"Oo, merong ganun tsaka ako pa 'yung weird ha? Nahiya naman ako sa kawirduhan mo. " sabi ko sa kanya saka umirap.

"I'm not weird stupid, I'm just sweet. " bulong nya pero rinig ko pa rin.

"Diba sabi ko sayo 'wag kang bubulong na naririnig ko? " sabi ko sa kanya.

"You heard what I've said? " tanong nya na para bang hindi makapaniwala.

"Ay, hindi. Hindi ko talaga narinig. " sarkastiko kong sabi.

"Oohhh. " weirrd?

"Teka nga, hindi ka pa ba uuwi? " tanong ko sa kanya.

"Hindi pa hangga't nandito ka pa. Delikado kasi eh, baka ano pang mangyari sayo. Konsensya ko pa. " sabi nya habang seryoso 'yung mukha.

"Konsensya? Meron ka pala nun? " tanong ko.

"Oo, anong tingin mo sakin? Sobrang samang nilalang? " tanong nya rin.

"Pwede din. HAHAHAHA. "

"Psh! Nagmamalasakit na nga ako eh. " bulong na naman nya na dinig na dinig ko pa din. Tss -_____-

"Ayieee, concern sya sakin. " pangaasar ko sa kanya saka sinundot ang tagiliran nya. Agad naman syang napausog.

"What? Ako? May concern sayo? Wala 'no! Ang sabi ko, nagmamalasakit. Magkaiba 'yun. " idiot talaga. Hayys.

"Shungek! Pareho lang 'yun eh. 'Wag ka ng magkaila, narinig ko naman na eh. Tsaka, dyan sa ginagawa mo, sweet ka na dyan. Ayieee. " sabi ko saka sundot ulit ng tagiliran nya.

"Stop that! " saway nya sakin.

"Ayy, may kiliti ka pala dito ha? " sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkiliti sa kanya.

"Hahaha--stop--hahaha-Clarisse, stop that. HAHAHA. " sabi nya. Ako naman natatawa lang sa itsura nya. May tinatagong kiliti pala 'tong idiot na 'to?

"Ayoko ngaaa. Bleh! " sabi ko saka ko sya binelatan.

"Ayaw mo ha? " tanong nya at nagulat na lang ako ng kilitiin nya na din ako. Hanggang sa makarating na kami sa kalsada. Buti na lang kami na lang ang tao at walang masyadong sasakyan na dumadaan.

"Huy--tama na! Ayoko na! HAHAHAHAHA! " ang sakit na ng tyan ko kakatawa.

"Bahala ka dyan. HAHAHAHAHA! " ang sama nya! Huhuhuhu!

Nakaramdam naman ako ng patak ng tubig. Patak lang ng patak hanggang sa palakas na ng palakas.

"Pasalamat ka at umulan. Hahahaha! " sabi nya ng makasilong kami sa waiting shed.

"Edi salamat! " sabi ko. Sheeeems! Basang-basa na ako! Puti pa naman 'to. Alam nyo na, kahit wala akong future nagba-bra pa rin ako. Sorry na sa pagsasayang ko ng bra. HAHAHAHA!

"Eto oh." Sabi nya saka abot ng coat nya. 'Yung mga uniform kasi ng mga lalaki dito may coat. Share ko lang.

"Hindi sige, 'wag na. " sanay naman na akong malamigan eh. Ang lamig kaya sa piling nya. Charr lang. HAHAHAHA.

"Bilis na. " sabi nya pa.

"Wag na nga. " pagtanggi ko pa rin. Bigla na lang syang pumunta sa likuran ko saka pinatong ang coat nya.

"Ayokong nagkakasakit ka. " sabi nya saka ngumiti.

"Edi wow! " yan na lang ang nasabi ko. Speechless ako mga be.

"Teka nga, bakit ba gusto mong maging sweet? May pinopormahan ka ba? " tanong ko. Alam ko naman kasing hindi ako ang gusto nito eh, pinagpa-praktisan lang ako.

"Ahh, wala akong pinopormahan pero ewan ko kung pinopormahan ko sya. " ayy, ang gulo nya.

"Nililigawan mo ba? " tanong ko ulit.

"Hindi. Natatakot kasi ako sa sagot nya eh." Sabi nya.

"What the?! Ang bully na katulad mo ay torpe? Ang tapang mong i-bully ako pero sagot lang ng babaeng gusto mo kinatatakutan mo na. Hay nako! " sabi ko saka ginaya si onyok.

"Hindi mo kasi maintindihan eh. Iba kasi syang babae, unique kumbaga, hindi sya 'yung babaeng maarte, hindi sya 'yung babaeng pabebe, simple lang sya kaya natatakot ako na baka ayawan nya ako dahil bully nga ako. " sabi nya habang nakatingin sakin.

Parang ako 'yung tinutukoy nya ah?

'Hindi lang naman ikaw 'yung simpleng babae sa buong mundo, Clarisse, kaya wag assuming! '

Sabagay.

"Nako, mahirap nga 'yan. Eh, teka, sino ba 'yan? Maganda ba? Sexy? " tanong ko.

"Malalaman mo rin sa tamang oras at sa tamang lugar. " sabi nya saka ngumiti. Kaya siguro bumabait na 'to dahil gusto nyang magustuhan sya ng taong mahal nya.

"Sus, pumapagibig ka na ha? Naks naman! " sabi ko na lang.

"Oo nga, sigurado ako 'pag nakilala mo 'yun, nako! Iba talaga 'yun. " sabi nya saka ngumiti habang nakatingin sakin.

Mukhang inlove na inlove sya dun sa babae ah. Tsaka, proud na proud.

Pero, bakit parang naninikip 'yung dibdib ko? Bakit parang naiiyak ako na ewan? Bakit parang nasasaktan ako? Abnormal na talaga ako.