webnovel

The Former Villain

I am Jax Blaine. I already forgot this feeling long time ago. Caring and loving someone is already deleted in my vocabulary. Unfortunately, didn't expect I felt those things again because of that lady.

Parisfrans99 · 现实
分數不夠
57 Chs

Chapter 14

Third Person's POV

Jax doesn't know why he's being like this. He's damn nervous to hell just because of the thought of the two, especially Kitkat. He doesn't usually care about someone but he's worried.

While driving his motor, he can't take the ideas out of his mind about the possibility of what's happening now to them. He doesn't care if that Alfonso betrayed him or not. He just wanted to know how are they doing.

Besides, he received Alfonso's text about their situation and it's already 2 hrs since the text was sent to him. And the worst scenario really happen. The two were being followed as per Alfonso.

...

Papasok na sana ang dalawa sa nakita nilang hotel pero agad napahinto ang binata nang may naramdaman siyang sumusunod sa kanila. Kanina pa niya kasi nakikita ang isang lalaking naka red na damit at naka black cap.

He's being alert because he knows that Jax isn't joking about earlier that there's a possibility that they will be followed.

Nagbuntong-hininga siya at napakamot sa ulo sa inis. Akala niya kasi mag-chill chill lang siya sa hotel.

Lumingon naman si Kitkat sa kanya na may pag-aalala sa mukha kaya agad siyang naglakad ulit para sabayan ang dalaga.

"Sure ka ba talagang sinabi ni Jax iyon sa 'yo?"

Agad niya itong sinamaan ng tingin dahil sa ilang beses na nitong tinanong sa kanya.

"Totoo ba talagang may bomba sa amin? Eh bakit sino bang mag..."

Hindi na natuloy ang sinabi ng dalaga nang tinakpan agad ng binata ang bibig nito.

"Engot ka ba? Manahimik ka nga diyan! Ang lakas pa ng boses mo! Pa'no kung may makarinig sa 'yo? 'Di mo ba alam na pwede kang makulong sa mga pinagsasabi mo?" gigil niyang bulong tsaka lumilingon-lingon sa paligid para tingnan kung may nakarinig ba.

"Eh kasi!" sabi pa ng dalaga nang tanggalin niya ang kamay ng binata sa pagtakip sa bibig niya.

"Wag ka ngang umangal diyan! Ayaw mo ba siyang sundin ha? Nag-aalala lang siya sa 'yo kaya pinapabantayan ka niya sa 'kin! Kung ayaw mo siyang sundin, umuwi ka mag-isa mo at isusumbong kita sa kanya sa pagiging engot mo! Tsk! Sayang lang paghalik niya sa 'yo!"

Agad namang nanlaki ang mata ng dalaga sa huling sinabi ni Alfonso.

"P-paano mo..."

"Hindi ba obvious? 'Yang lipstick mo nagkalat sa bibig mo! Tsk! Kaya pala 'di niyo 'ko pinalabas kanina! Gumawa pala kayo ng milagro! Nahiya pa kayong gumamit sa kwarto ko!"

Pulang-pula naman ang mukha ng dalaga tsaka agad nagtakip ng mukha.

"Manahimik ka nga!"

Agad na lumayo ang dalaga para papasok na sana ng hotel pero pinigilan siya ni Alfonso.

"Saan ka pupunta?"

"Papasok ng hotel! Hahanap ng restroom!"

"Saglit!"

Agad na kinuha ng binata ang 300,000 para iabot sa dalaga na ikinagulat pa nito sa laki ng halaga.

"Saan mo ito..."

"Mag-check in ka muna. Kay Jax galing 'yan sabi niya sa hotel muna tayo sa dalawang araw kasi delikado sa inyo..." mas lalong lumapit si Alfonso sa kanya para bumulong. "Bibili lang ako ng pagkain at damit mo. Wag na wag kang magpapapasok kahit sino maliban sa 'min ni Jax!"

Kahit hindi ma-gets ng dalaga kung bakit ito pinaggagawa ng dalawang lalaki sa kanya ay nabuhayan naman siya ng loob sa huling sinabi ng binata.

"So meaning pupunta din siya rito?"

"Oo nga! At isa pa, huwag kang lalabas ng room kung 'di mo kami kasama! Matigas pa naman 'yang ulo mo!"

Sinimangutan na naman siya ulit ng dalaga. "Wow parang ang tagal na nating magkakakilala no? Makapagsalita ka diyan!"

Pumasok na si Kitkat sa hotel. Tiningnan muna ni Alfonso ang dalaga hanggang sa makarating ito sa front desk bago umalis.

Nagbuntong-hininga ulit siya. "Pota! Ba't ba ako nasangkot dito? Tanginang Jax Blaine na 'yan! Argh!" ginulo pa niya ang buhok niya sa inis.

Mabilis siyang naglakad palayo habang hindi inaalis ang atensyon sa lalaking kanina pa sumusunod sa kanila. Buti na lang at hindi ito sumunod sa dalaga. Pinagdadasal niya lang na wala itong ibang kasama dahil kung hindi, siguradong susundan nito si Kitkat.

Nang makapasok na sa room si Kitkat, hindi niya maiwasang mamangha habang tinitingnan ang loob ng room. Malaki ito at napakaganda ng mga gamit na pang-sosyal talaga.

"Oo nga naman ang mahal ng per night nila dito hays!" Napapailing pa siya dahil sa binayaran niya kanina.

Nang maalala niya ang sinabi ni Alfonso agad siyang pumunta sa cr para i-check kung totoo ang sinabi ng binata tungkol sa lipstick niyang nagkalat.

"Argh! Hindi naman ah!" gigil niyang sabi habang tinitingnan ang labi niya. "Pinahiran kaya ni J-Jax ang labi ko kanina yieeh!" tili nito habang tinatakpan ang bibig dahil sa nahihiya siya sa nangyari at the same time ay kinikilig.

"Ang lambot pa naman ng labi niya yiieh... Luh? So ibig sabihin nito sinasagot na niya ako? Kami na ba? 'Yon na ba ang sagot niya? OMG! Anong date ba ngayon?"

...

Umabot na ng dalawang oras at kalahati habang nakatunganga siya mag-isa sa sofa habang hinihintay sina Jax at Alfonso.

"Nasa'n na ba 'yong asungot na 'yon? Saan bang tindahan 'yon bumili ng pagkain? Hays!"

Muli siyang tumayo at nagdadalawang-isip na buksan ang pinto. Kanina pa niya gustong maglibot-libot sa hotel pero binilinan kasi siya ni Alfonso na huwag lumabas. Hindi niya naman makuha kung bakit ayaw siyang palabasin.

Sa huli, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng room nila at lalabas na sana nang biglang dumating si Alfonso habang sinasamaan siya ng tingin.

"Hehe!" Nag-peace sign pa siya.

Sumimangot naman siya bago pumasok ulit.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya rito habang tiningnan ang mga binili ng binata.

Hinintay niya itong magsalita pero hindi ito umimik sa kanya.

"Saan ka galing? Sabi mo pupunta si Jax dito? Ba't namumutla ka?"

Tinalikuran lang siya nito at agad na nagtungo sa CR nang hindi nagsalita.

"Anong nangyari do'n?" takang tanong niya sa sarili. Napansin din niyang iba na ang kulay ng jacket na suot nito. "Gumagala pa siya mag-isa 'di naman ako sinama!"

Fast food lang ang binili ng binata at kunting damit na masusuot nila. Gusto na sana niyang kumain kaso hinihintay niya si Jax.

Isang oras pa siyang naghintay at napuno na siya ng pag-aalala. Wala siyang idea kung bakit hindi pa lumalabas si Alfonso sa CR eh kanina pa 'yon. Sobra na din siyang nag-aalala nang hindi pa dumating si Jax.

Kinakabahan siya na baka may nangyari na ngang masama sa binata lalo pa't sumali pa iyon sa recruitment.

Nagbuntong-hininga siya at naisipang puntahan ang CR. Kinatok niya ang pinto pero walang sumagot.

"Hoy asungot!"

Magagalit na sana siya rito nang may napansin siyang kulay pula sa may sahig. Kunti lang ito pero alam niya kung ano 'yon.

"Hoy Alfonso! Magsalita ka? Hoy! Napano ka ba?"

Lalong lumakas ang tibok ng puso niya sa kaba at natataranta na siya sa kung anong gagawin dahil sa nakita niyang dugo sa sahig na malapit sa CR.

Mas lalo niyang nilakasan ang pagkatok nito habang tinatawag ang pangalan nito pero wala pa ring imik. Naiiyak na siya dahil sa kung anong mga idea ang pumasok sa kanyang isipan.

Hindi niya mapigilan ang luha niya at naiyak na siya habang walang tigil sa pagkatok sa pinto. Naka-lock kasi ito kaya hindi niya rin mabuksan.

Habang nanginginig, naisipan niyang pumunta sa baba para humingi ng tulong sa mga hotel staff. Kahit alam niyang pinagbawalan siyang lumabas, wala na siyang choice.

Hindi siya mapakali habang hinihintay na mag-open ang elevator. Kinakagat na niya ang labi niya habang pinapahiran ang luha na tumutulo sa kanyang mata.

Hindi rin maalis sa kanyang isipan kung anong nangyari sa binata. Pinagdududahan niyang si Clark ang may kagagawan nito. Kilala na niya kasi ang ex-boyfriend niya at alam niyang kaya itong gawin kay Alfonso.

Pagtunog ng elevator ay papasok na sana siya nang bumungad bigla si Jax na ikinagulat niya.

Agad namang nag-aalala si Jax nang makita ang dalaga na umiiyak kaya mabilis niya itong nilapitan.

"What happened?"

Lot of ideas running through his mind as what he saw the situation of the tiny lady.

"Jax! Tulungan mo 'ko! S-si Alfonso!" sabi nito habang umiiyak.

Agad na tumakbo ang binata habang hinawakan niya ang kamay ni Kitkat. Agad sila pumasok sa room. Dali-dali niyang pinuntahan ang tinurong CR ni Kitkat tsaka 'di nagdalawang-isip na sirain ang doorknob.

Nang mabuksan niya ang pinto, bumungad sa kanila ang nakahilatang si Alfonso na walang malay at duguan ito. Gulat na gulat ang dalaga nang makitang ang suot nitong jacket ay napuno na ng dugo.

"H-hindi naman siya duguan pagdating niya. Hindi niya lang ako iniimikan. S-sabi niya bibili lang daw siya ng pagkain. B-bakit nagkaganyan siya!" paliwanag nito habang humihikbi.

Nakinig lang si Jax at hindi ito nagsalita habang binubuhat si Alfonso papuntang sofa. Pinahiga niya ito tsaka buong lakas na sinira ang suot nitong jacket.

"Call the staff and ask for first aid kit!" utos niya sa dalaga habang tinuro ang telephone sa bedside table.

He checked Alfonso's body and saw how many times he was slice by a dagger. He was also stab at the upper right of his stomach. Seeing the wounds, Jax already knew that it was the members of that unknown organization who did it.

Agad namang inabot ni Kitkat ang first aid kit sa pinto mula sa staff. Inutusan kasi siya ni Jax na hindi ipaalam sa staff ang nangyari sa loob.

Medyo huminahon na ang loob niya nang makitang ginagamot ni Jax si Alfonso. Hindi man dapat mamangha sa sitwasyon nila ngayon pero namamangha pa rin si Kitkat nang marunong pala gumamot si Jax. Na parang sanay na sanay itong maglagay ng bandage.

After he's finished treating Alfonso, he sighed as a relief seeing that Alfonso's life is still safe.

He checked Kitkat who's still worried about what happened. He walked towards her and checked her if something happened to her. He felt relieved after seeing she's fine.

"J-Jax!" malungkot nitong sabi at agad na niyakap ang binata.

Though Jax doesn't want to be hugged by someone, especially by this tiny lady, he stayed still and just pat her head.

"Ano bang nangyayari? Natatakot na ako!" muli nitong paghikbi. Na parang isang batang nagsumbong sa kanyang ama.

Kitkat looked up to see his face and ask, "kagagawan ba 'to ni Clark? Si Clark ba nag-utos nito para saktan si Alfonso? Hindi ko siya mapapatawad! Sumusobra na siya!"

He just listen but didn't reply. Many things keep running through his mind. Lot of emotions he felt this time and he is confused because of how he felt. He's not like this. He's not someone who will get angry and frustrated when someone got hurt because of him. He's not someone to worry about people who he just met in a short while.

After five minutes, he distance himself from her as he meet her worried eyes that's already looking at him.

He was also a bit shocked when he found himself wiping the tears of hers falling from her eyes.

But in a second, Kitkat became worried as she checked Jax's face.

"A-ang dami mong sugat!" pag-aalalang sabi nito.

Dali-daling lumayo si Kitkat sa kanya tsaka kinuha ang first aid kit. Hinila niya rin si Jax at pinaupo sa kama tsaka niya ito hinarap.

"And what the hell are you doing?" sabi nito at sinamaan siya ng tingin tsaka nag-crossed arms pa.

"Manahimik ka na lang. Gagamutin kita! Ang dami mong pasa!" sabi niya at hinihimas ang maputi at makinis na mukha ng binata.

"I don't..."

"Wag na ngang umangal! Gagamutin kita sa ayaw mo at sa gusto kita... Ha?"

Parang umakyat sa kanyang mukha ang lahat niyang dugo dahil sa hiya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jax.

"H-hahaha! Basta gagamutin kita 'wag kana umangal diyan! Ito na nga lang maitulong ko!"

Dahil sa taranta niya ay nilagyan niya ng alcohol ang cotton ball tsaka unang dinampi sa labi ni Jax kung saan may sugat doon.

'Bakit sa lahat ng sugat niya ito agad una kong nakita?' sa isip ng dalaga habang kinakagat ang kanyang labi.

'Ang lambot ng labi niya! Ang pula pa!'

"What the fuck are you thinking right now, idiot?"

"Ha? May iniisip ba ako? Kung anu-ano na lang sinasabi mo diyan Jax ha! Wala ah!" pagtanggi niya habang iniiwasan ang mga masasamang titig ni Jax.

Ilang minuto pa niyang paggamot ng mga sugat ng binata, nakita niya itong nakapikit at nakakunot ang noo. Parang malalim ang iniisip nito.

Napangiti naman si Kitkat habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha nang malapitan.

Nang maalala niya ang nangyari sa bahay nina Alfonso, muli siyang napakagat ng labi. Huminga siya nang malalim tsaka tinanong si Jax.

"Jax... 'Yong kanina hmm... 'yong halikan na 'tin... Ah ahm..." kinakabahan niyang sabi.

Idinilat naman ni Jax ang kanyang mata nang dahan-dahan kaya nagkasalubong ang kanilang tingin.

"Meaning ba no'n... tayo na? Iyon na ba sagot mo sa pagligaw ko sa 'yo?"

...

Itutuloy...

A/N: Don't forget to vote and comment po. Please don't hesitate to correct my typos and grammatical errors. Thanks for reading.