webnovel

The Forbidden: Awaken (Filipino Ver.)

The Forbbiden Trilogy, Book 1: Sania has been living a simple life with a supporting family and friends. She could never wish for more. But unexpextedly, her perfect life changed when she foolishly entered the secret place and unexplainably had the magical seal. Now, together with her friends, they will experience the a sudden turn of events that they never knew that could ever exist. Not in their life time.

unmannered · 奇幻言情
分數不夠
19 Chs

16 - Pinayungan + Behind the scenes 07 - Maulan

Ikalabing-anim na Kabanata

MAULAN ang mga sumunod na araw dahil may nakapasok daw na bagyo sa bansa ayon sa balita. Masama ang panahon at hindi ko pa nasisilayan ang araw magmula noong Biyernes. Palaging makulimlim ang langit at panay ang pagpatak ng ulan.

Kaya nagtataka ako kung bakit nandito pa rin itong Ailyn na 'to sa amin sa kabilang ng sama ng panahon. Porque ba't halos magkatapat lang ang mga bahay namin, aaraw-arawin n'ya na rito? Halos masanay na rin sa pagmumukha niya si Akinse lalo't sunud-sunod ang suspension ng klase dahil nga sa panahon ngayon.

"Ailyn, pinababayaan mo na yata ang mga kapatid mo," sabi ko habang gumagawa ng border para sa mga larawang nasa harapan ko. "Palagi ka na lang nandito. Umagang-umaga, kumakatok ka, kulang na lang, unahan mo pa ang pagtilaok ng manok."

Tinatapos namin iyong scrapbook namin lalo't nakapagpa-print na naman kami ng bagong mga picture na ididikit.

"Kahit harap-harapan mo pang sabihing ayaw mo akong makita, hindi ako aalis," mabilis niyang sambit na abala rin paggawa ng mga ide-design niya sa scrapbook niya. "Saka marurunong iyong mga 'yon, kahit hindi ako umuwi, mabubuhay sila. Natulog pa nga ulit ang mga busit bago ako umalis."

"Aywan." Inabot ko ang mug ng kape at humigop dahilan para mapatingin sa akin si Akinse na kanina pa tahimik sa tabi ko. May isinusulat siya sa papel na kinuha niya sa attache case ng art materials ko.

"Akinse, o." Inalok ko siya ng mainit-init pang pandesal na binili namin kanina ni Ailyn sa bakery. Ngumanga siya kaya isinubo ko kaagad iyon sa bibig niya.

Mag-a-ala-siete pa lang ng umaga kaya kami pa lang ang mga gising ngayon sa bahay. Malamig at maulan ang panahon kaya siguradong tatanghaliin ng gising sina Mama. Ang dahilan lang naman kung bakit ako nagising ng maaga ay sa alarm clock. Ang sinabi nitong si Ailyn, ibinalita kagabi ang suspension ng mga klase sa lugar namin. Maaga akong natulog kaya hindi ko alam.

"Urgh! Ang lamig talaga!" asik pa ni Ailyn at humigop na rin ng kape kahit pa pilit kong pinapaalalahanan na bawal siya niyon, kaniya lang ay makulit masiyado kaya bahala siya. Mahal ang paki ko.

Biglang tunog ang ng cellphone ko na nakalapat sa mesa. Nasa dining area kaming nagkakalat bilang mas malaki ang space dito kumpara sa coffee table na nasa sala.

Naka-display sa screen ang pangalan ni Lyca, tumatawag.

"O?" pambungad ko.

"Sania! May pasok?" tanong nito.

"Wala. Kagabi pa raw nag-suspend." Muli kong ipinangkuha si Akinse ng tinapay nang makita kong aabot ulit siya. Pinindot ko ang loudspeaker bago ibinabang muli ang cellphone ko sa mesa. "Akala ko nga mayro'n, maaga tuloy akong nagising."

"Hay, nako! Ako rin! Nasira tuloy ang beauty sleep ko!" Ramdam kong pairap-irap na siya ngayon habang kausap ako.

"Ang arte ng boses! Si Lyca ba 'yan!" asiwang asik ni Ailyn. Nakaupo siya roon sa tapat ko kaya may kalayuang pagitan sa aming dalawa.

"Sino-nandiyan ba si Ailyn!" Mas lalong naging highood ang dating ng tono ni Lyca kumpara kanina. "Hoy! Ang aga mong nangangapit-bahay! Pati bagyo, hindi ka napipigilan!"

"Paki mo! Kahit mag-apoy pa ang dadaanan ko, hindi niyon mapipigilan ang pagmamahal ko kay Ihara!"

"Timang! Hindi ka na normal-"

Mabilis kong in-off ang loudspeaker at ibinalik sa tapat ng tainga ko ang cellphone. Nakasimangot na si Akinse, naiinis na sa kanila.

"Lyca, bye na, papatayin ko na-"

"Waaaaaaait!" pigil nito bago ko pa tuluyang mapindot ang end call. "May tanong ako!"

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"'Yong gago, pupunta riyan ngayon?"

Napangiwi ako. Gago? Si Kuya Mago?

"Yata. Dinig ko, nagpapatulong siya kay Kuya Ihara about sa project niya."

At isa pa ring walang makakapigil sa taong 'yon. Halos araw-araw na narito, close na nga sila ni Akinse, sila na lang minsan ang nagkakaintindihan.

"Pupunta ako riyan! Sunduin mo 'ko!" aniya. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang screen ng cellphone ko. Si Lyca pa rin naman 'tong kausap ko.

"Ano? Pakiulit nga."

"Sunduin mo 'ko-"

Pinatay ko na ang tawag at muling inilapag sa mesa ang cellphone.

"Akinse, ano ba 'yang isinusulat mo at busy ka? Ngayon lang kita nakitang harmless, a!" pangingialam ni Ailyn sa nananahimik kong alaga. Hindi sumagot ang huli kaya kuntodo irap si Ailyn.

"Sungit, ha!"

"Huwag mo kasing pagkialaman," bawal ko bago namili ng magandang kulay ng sequent.

Nasa parte na ako ng scrapbook ko na nakalaan para sa mga jejemong picture ni Ailyn. Itim kaya o pink? Aaa ... itim na lang.

"Ang tagal naman gumising ni Ihara. Puntahan ko na kaya siya sa kuwarto niya?" Pilya siyang bumungisngis habang nakatulala sa kung saan.

Kumunot ang noo ko at sinilip ang madilim na paligid sa labas mula sa bintana sa kaniyang likuran. Tanaw roon ang malakas na buhos ng tubig mula sa alulod.

Mas lalo sigurong naaapektuhan ng panahon ang utak ng babaeng 'to.

"Mortal! Tingnan mo!" pangungulit ni Akinse nang busy akong nagdidikit ng mga sequent sa parteng ibaba ng kasalukuyang pahina ng scrapbook ko.

Tumaas ang kilay ko at nakangusong tumingin sa papel na iniladlad niya sa harapan ko.

Pangalan ko ang nakasulat doon-Sania Aureya. Iba't ibang kulay bawat letra. Kaya pala panay ang dampot niya sa colored pencils ko kanina. Ang cute ng penmanship niya. Kumbaga sa tao at para bang nangangalambot ang bawat letra.

Natawa pa ako nang mapansin kong may naka-drawing sa paligid ng doodle niya. Hindi ko mawari kung ipo-ipo ba o 'yong sign 'pag naiinis.

"Ang ganda!" Tumango-tango ako. "Daig mo pa si Isaiya, a?"

Pilit niya pang itinago ang ngiti niya. Proud na proud ang kaniyang itsura.

"Iyo na lang 'yan!" aniya.

"Ano 'yan? Patingin diiiin!"

Lumapat ang tiyan ni Ailyn sa mesa sa tangkang pagsilip sa papel na ibinigay ni Akinse sa akin, pero bago niya pa magawa ay dinakma na ni Akinse ang noo niya at para bang itinulak para mapaupo siya ulit.

"Heh! Huwag mong tingnan!" asik sa kaniya nito kaya mas lalo akong napangisi.

"Ang arte mo! Ano 'yon!"

"Wala kang kinalaman dito, mortal!"

"Anong-mortal ka nang mortal diyan! Si Ailyn ako!"

Maingat kong itinago sa loob ng attache case ko ang sulat ni Akinse. Mukhang may bago na naman akong idadagdag sa scrapbook ko.

"Nagustuhan mo?" biglang tanong ni Akinse na mukhang tapos nang makipag-away kay Ailyn. Nasa tabi siya, nakapatong ang kaniyang baba sa mga braso niyang nakapatong sa mesa, wari bang sinisilip ang mukha ko.

"Sobra." Nginitian ko siya. "Salamat."

Nag-iwas siya ng tingin kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Nawala lang ang atensyon ko sa kaniya nang sunud-sunod ang naging pagtunog ng cellphone ko, indikasyon ng pagpasok ng ilang mensahe. Nang buksan ko iyon ay galing lahat kay Lyca.

From: Lyca

SUNDUIN MO KO HOOOOOOY

SANIAAAA

IWAN MO NA YANG AILYN NA YAN SUNDUIN MO KO DITO SAMEN

HINTAYIN KITAAAA

ASAN KA NA?!??!

HOY!

KAINIS ASAN KA NAAAA!

"Sino 'yan?" tanong ni Ailyn na kasalukuyang naggugupit ng puso sa kulay pink na construction paper.

"Si Lyca. Nagpapasundo."

Pumalatak siya, naiiling. "Pa-VIP talaga ang babae na 'yan!" Umirap pa siya sa mga hawak. "Ano? Susunduin mo?"

"Hindi. Ayokong mabasa ang mga paa ko. Malamig."

Sakto noon nang pumasok muli ang panibagong mensahe galing kay Lyca.

PAGBUKSAN MO 'KO NG GATE NINYO! PAPUNTA NA 'KO!

Nireplayan ko na lang siya bago ibinaba nang tuluyan ang cellphone ko. Pinatay ko na rin para sure.

Nang matansiya kong malapit na si Lyca ay lumabas na ako dala ang payong na kinuha ko sa rack na nasa tabi ng front door. Nakasunod sa akin si Akinse na ayaw magpaiwan sa presensiya ni Ailyn. Siya ang ginawa kong tagapayong habang ina-unlock ko ang kandado ng aming gate.

Nang mahila ko iyong pabukas ay kaagad na nag-zoom in ang mga mata ko sa dalawang bultong natatanawan kong palalapit. Sigurado akong si Lyca iyong isa ... tapos, si ...

"Akinse, tara na." Kaagad ko siyang hinila pabalik sa bahay. Malalaki at mabilis ang paghakbang ko pabalik ng dining area kasunod ang nagrereklamong taong-aso.

"O? Nasaan na si Lyca?" taas-kilay na tanong ni Ailyn.

"Nand'yan na..." Dahan-dahan akong naupong muli sa puwesto ko kanina. "Kasama si Kuya Mago. Pinapayungan siya."

Behind the scenes

L Y C A

"PESTE naman kasi, e! Nawawala ang poise ko rito!" Inis kong pinagpagan ang jogging pants kong natalsikan ng tubig nang magdaan ang isang bike. Kalalabas ko pa lang ng gate namin, kamalasan agad ang bumungad sa akin!

Saglit kong itinabi ko ang dilaw kong payong sa tabi ng gate, malakas ang ulan kaya may kalakihan ang dinala ko. Busy ako sa paghampas ng panyo ko sa 'king pang-ibaba habang maingat na sumisilong sa makipot na buong ng gate namin.

Taragis talaga kasi ang Sania na 'yan! Ang lapit na lang ng bahay niya, hindi pa ako mapuntahan! Para susunduin lang ako, e, ang arte niya! Minsan na nga lang ako magkusang pumunta sa kanila, hindi pa siya matuwa! Aba! Dapat, proud pa siya at excited sa pagdating ko! Napaka-rare na walang pasok, nais ko silang makita. It's worth celebrating for!

With poise kong inilabas ang aking cellphone at nagpunta sa message icon. Nangunguna pa ang pangalan ng busit na si Sania nang mapindot ko iyon.

"Pagbuksan mo 'ko ng gate ninyo! Papunta na 'ko!" Galit ko pang dina-dub ang tinitipa kong text kay Sania.

"Ge," dry pang reply ng walang-hiya.

Ngitngit kong itinago sa bulsa ko ang malapad kong cellphone. Ang lakas naman talaga ng loob ng babaeng 'yon na balewalain ako! Napakagaling! Aba! Ako 'to! Si Lyca Mae Gozun na walang kasing ganda!

Ni-ready ko na ang aking payong. Dinig na dinig ko ang malakas na pagbagsak ng tubig mula sa bubong patungo sa 'king payong nang sandaling payungan ko na ang sarili ko.

Akmang hahakbang na ako paalis sa silong ng bubong ng gate ay biglang dating na isang lalaking palagay ko pa ay narinig kong nagmumura habang pinapagpagan ang sarili. Nakatalikod ang puwesto nito sa akin. Basang-basa na siya sa ulan, bakat na bakat pa sa suot niyang t-shirt ang nagpuputukan niyang muscles sa braso't katawan.

"Tanga nito, hindi kasi nagdadala ng payong," bulong ko at umirap. Ano'ng tingin niya sa sarili niya? Waterproof? And ... nice body, by the way. Kanin na lang ang kulang. Ahihi-

Gigil kong iniling ang aking ulo. Ano ba 'yan, Lyca! Napakalandi mo!

"Tangina naman kasi, bakit kaya walang kapayong-payong sa bahay?" asik ng lalaki sabay harap sa gawi ko.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makaharap ko ang gago. Siya pala ito! Kaya pala medyo pamilyar ang katawan! At ang pangit niya! Napakapatpatin!

Matagal kaming nagtititigan. Siyempre, marami akong gustong sabihin tulad na lang na napakagago niya at ang pangit niya at sunog pa siya, pero ang gusto ko, mauna siyang magsalita. Ano ba ako? Desperadang makausap siya? Mauna siya!

But to my dismay, hindi niya ako pinasin! Tumingin siya sa ibang direksyon bago pumalatak.

O-M-G! Ini-ignore niya talaga ako, ano! My gosh! Ang lakas ng loob!

"Malas..." dinig na dinig ko sinabi niya bago umi-sprint paalis ng silong ng bubong.

Ewan ko ba't hindi ko napigilang tawagin siya bago pa siya tuluyang mabasa ulit ng ulan. Tumapon ulit sa akin ang nakasimangot niya pagmumukha nang harapin niya ako.

"Close tayo? Ba't mo ako tinatawag?" taas-kilay nitong sabi.

Napasinghap ako sa gulat. Ang kapal din naman talaga ng balugang 'to!

"Umuulan! Ba't wala kang payong!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko.

Aba! Naaawa lang naman ako sa kaniya. Kapag may ibang nakakita sa kaniya na basang-basa siya, baka ang sabihin pa ay mukha siyang kawayang sumasayaw sa gitna ng bagyo.

"Ano naman? D'yan ka na nga!"

"Hoy! Gago ka talaga! Pumunta ka rito! Lumapit ka sa akin!" malakas kong tawag na nagpahinto ulit sa kaniya.

"Ayoko!"

"At bakit, ha!"

"Hahampasin mo 'ko ng payong, e!"

"Engot! Hindi!" bulyaw ko bago napaiwas ng tingin.. "P-Papayungan kita dahil naaawa ako sa 'yo ... basang-basa ka na ... k-kina Sania rin ang punta mo, 'di ba?"

Ilang segundo rin siguro kaming natahimik noon. Mabuti't 'di awkward dahil malakas ang ulan, mas naririnig ko 'yon kaysa sa mabibigat kong paghinga.

Wala ba siyang sasabihin? Ba't ang tagal niyang magsalita? Aba, sabihin niya na lang kung ayaw niya para makapag-move on na ako! Ang arte niya! Ako na 'to! Si Lyca Mae Gozun na maganda!

Mariin akong pumikit. Hay, ano ba naman 'to! Ano 'tong kagagahang 'to? Huwag na nga-

Napamulagat ako nang maramdaman kong tumabi siya sa akin. Ramdam ko pa 'yong pagkiskis ng balat niya sa makinis at maputi kong balat.

"Sige, total, nakakahiya rin naman kung darating ako ro'ng basang-basa," sabi niya sabay hablot ng payong sa akin.

"Hoy! Ano 'yan!" pagpoprotesta ko.

Ngumiwi lang siya bago ako hinila paalis sa silong ng bubong. "Ako na ang pagpapayong sa 'ting dalawa. Dumikit ka sa akin, baka mabasa ka."