webnovel

The Dyosa Show

Just for fun and entertainment. Hosted by: Dyosa

AriadneWP · 电视同人
分數不夠
17 Chs

EPISODE 7

Hashtag: #TDSChefBlake

📌

Guest:

- Chef Blake

📌

DYOSA: "Hello mga momshies—este Team Wattpad and welcome to The Dyosa Show.

Wala kami ngayon sa studio dahil nandito kami ngayon sa mansyon koooooooo. Ito'y dahil magkakaroon ako ng isang cooking lesson kasama ang guest natin ngayon for tonight—este today pala. Siya lang naman ang personal chef ko na laging nagluluto ng pagkain ko. Please welcome, Chef Blake."

CHEF BLAKE: "Hello Dyosa. Salamat sa pag-invite mo sakin sa mansyon mo—este sa show mo."

DYOSA: "So ano ang ituturo mo samin ngayon Chef Blake?"

CHEF BLAKE: "Ituturo ko sa inyo kung paano magluto ng isang masarap na putahe."

DYOSA: "Gusto ko yan Chef Blake. First time kong mag-cooking lesson kasama ka. Ano ang lulutuin natin ngayon?"

CHEF BLAKE: "Ang lulutuin natin ay ang paborito mong hotdog with eggs. Pero mas gagawin natin 'tong kakaiba at masarap. Kaya ang dish na gagawin natin ay tinatawag kong Adobong Hotdog with Eggs ala Dyosa."

DYOSA: "Adobong Hotdog with Eggs ala Dyosa? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan. Mukhang exciting lutuin hah. Ano ba ang kailangan nating mga ingredients Chef Blake?"

CHEF BLAKE: "Ang mga kailangan nating mga ingredients ay ito:

- 15 pieces of hotdog (jumbo size and sliced into small pieces)

- 3 cups of tomato sauce

- 2 cups of catsup

- 5 pieces of eggs (hard boiled and sliced into small pieces)

- 8 cloves of garlic (peeled and crushed)

- 1 teaspoon of crushed black peppercorns

- 1 onion (peeled and quartered)

- 1 bay leaf

- ½ teaspoon of sugar

At syempre, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal sa ingredients."

DYOSA: "Ready na ang lahat ng ingredients. Ano ang una nating gagawin Chef?"

CHEF BLAKE: "Ang una nating gagawin ay ilagay ang lahat ng ingredients sa isang cooking pot na may sukat na 4½ quarts, may heavy base at may transparent na takip."

(Nilagay na nina Chef Blake at Dyosa ang lahat ng ingredients sa cooking pot.)

CHEF BLAKE: "Sunod ay paghaluin ang lahat ng ingredients gamit ang isang wooden spoon at takpan ito. Siguraduhing katamtaman lang ang apoy para hindi masunog ang niluluto natin."

(Gamit ang wooden spoon ay pinaghalo ni Dyosa ang lahat ng ingredients na nasa cooking pot. Pagkatapos ay tinakpan niya ito.)

CHEF BLAKE: "Kailangan nating maghintay ng 10-20 minutes para maluto ang niluluto natin."

DYOSA: "Okay. Since matagal-tagal pa namang maluto yan ay may itatanong ako sa'yo na gustong-gustong malaman ng mga kababaihan."

CHEF BLAKE: "Okay."

DYOSA: "Ano ang mga katangiang hinahanap mo sa isang babae? Mga babaeng readers. Humanda na kayo dahil malay niyo ay nasa inyo na ang lahat ng mga qualities na hinahanap ni Chef Blake."

CHEF BLAKE: "Ang hinahanap ko sa isang babae ay simple lang, mabait, matulungin, may direksyon sa buhay, may takot sa Diyos, hinding-hindi niya ako lolokohin, at higit sa lahat ay marunong magluto tulad ko."

DYOSA: "O ayan mga momshies—este ladies pala. Kung kayo yun ay may chance kayo kay Chef Blake."

CHEF BLAKE: "Luto na ang ating Adobong Hotdog with Eggs ala Dyosa." *sabay tanggal ng takip ng cooking pot*

DYOSA: "Waaaaa! Naaamoy ko na siya. Ang bango."

CHEF BLAKE: "Ita-transfer na natin 'to sa isang serving bowl."

(Inilipat ni Chef Blake ang niluto nila ni Dyosa sa isang serving bowl at nilagyan nila ito ng design.)

CHEF BLAKE: "Ayan, tapos na."

DYOSA: "Waaaa! Pwede ko na bang matikman ang niluto natin?"

(Hindi sumagot si Chef Blake. Kumuha siya ng kutsara at nagsahog ng niluto nila.)

CHEF BLAKE: "Say ah."

DYOSA: *ngumanga*

(Sinubuan ni Chef Blake si Dyosa ng niluto nila. Ninamnam naman ni Dyosa ang niluto nila ni Chef Blake.)

DYOSA: "Waaaaaaa! Ang sarap!" *mangiyak-ngiyak na sa tuwa*

CHEF BLAKE: *smiles*

DYOSA: "At diyan nagtatapos ang ating cooking lesson. See you all next time sa No. 1 midnight show ng bansa. Ito ang The Dyosa Show. Thanks for guesting Chef Blake. Ang sarap talaga ng niluto natin."

- END OF EPISODE 9 -

📌

Pasensiya na kung masyadong boring at maikli. Tinatamad kasi si Author mag-type.

Gawa-gawa ko lang pala yung recipe kaya wag niyong lulutuin yan sa bahay niyo. Hahahahaha!