webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · 历史言情
分數不夠
38 Chs

KABANATA 34

Pagkarating na pagkarating namin ni thylandier sa daungan ng  bulakan isinuot na nito ang kanyang sumbrerong tinanggal nya nung sumakay kami ng barko papunta dito.

Inalalayan naman nya akong umakyat sa kalesa pagkababa namin sa barko.

"Saan kayo patutungo?"

Napalingon naman si thylandier sa matandang lalaki na syang magpapaandar sa kalesa

Ibinigay naman ni thylandier ang puting papel sa matanda.. Tanging senyas lang ang ginamit nilang dalawa saka sila nagkaintindihan sa isa't isa.

Patuloy kaming nasa byahe sakay ang kalesa dumaan kami sa kagubatan na syang mas malapit sa 'San Pablo'.

"Siguro naman ay masasagutan mona ang aking mga tanung?"

Nanatiling tahimik si thylandier habang nakasandal ang likuran nito at nakapikit.

Napa cross'arms na lamang ako sa inis ng tulugan ako nito.

"Mas mabuti kong magpahinga ka na lamang ija.. Malayo layo pa ang 'San Pablo ilang ruta pa ang daraanan natin at nasisiguro kong magagabihan tayo."

Kung sa bagay ay napuyat siya dahil buong gabi pala ako nito binantayan..

Napahinga na lamang akong tumango kay manong bago tumingin kay thylandier na nakapikit at hindi alam kung nagtutulog-tulugan lang ito o tulog talaga dahil malayo layo ang naging byahe namin sa sarili nitong barko.

Unti unti kong narerealized na nangingiti akong nakatitig sa payapang mukha nito.

Gwapo nga talaga sya!! Nasa dugo nya ang kabuuan ng ideal guy ko pero ibinigay ko naman kay dairus ang katangiang gusto ko sa isang guy.

Masasabi kong mas gwapo at ma-appeal si thylandier kumpara kina Patricio at Dairus.. O baka naman sadyang iyon na talaga ang nakikita ko sa kanya simula una pa lang ng pagkikita naming dalawa.

Panay ang pag-iling ko habang iwinawaksi ko ang isipang una pa lang ay gusto ko na sya dahil sa nagwagwapuhan ako or talagang nakikita ko ang ideal guy ko sa kabuuan nito kahit wala sa katangian nya ang gusto ko sa isang lalaki.

Siguro ay matutulog na muna ako ng maiwaksi ko ang lahat ng iniisip ko about sa kanya..

"Ija baka matunaw ang iyong asawa.."

Napalingon agad ako kay manong ng magsalita ito.

"H-hindi ko naman po sya tinititigan."

Pag'tanggi ko sa sinabi nito.. Napaka judgemental ni manong sa akin.

"H'wag ka ng tumanggi natatangi ang ganyang mukha, ija."

Kantiyaw ni manong sa akin habang nasa daan ang tingin..

"Piliin mo ang magpapasaya sa iyo,ija."

Nanatili akong naka cross'arms habang nakatingin sa paligid habang naka sakay ng kalesa.

"Kung ano man ang iyong plano ay sundin mo iyon, ija."

Hindi ko alam pero may kirot sa puso ko ng sabihin iyon ni manong sa akin. KUNG ANO MAN ANG MAGIGING PLANO KO YUN DAPAT ANG GAGAWIN KO..

"Sa tingin ko ay mahal nyo ang isa't isa ngunit napaka kumplikado na ng inyong sitwasyon, tama ba ako ija?"

Nanatili lang akong nakayuko at nakikinig sa sinasabi ni manong sa akin.. Hindi ko alam pero lahat ng sinasabi nito ay tama lahat, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay binibigyan nya ako ng clue. CLUE NA HINDI KO ALAM KONG PAANO KO IYON GAGAMITIN AT KUNG PAANO KO IYON TATAGPI-TAGPIIN..

Napahinga na lamang ako at nilingon si thylandier na nanatiling nakasandal at nakapikit..

"Puso at isipan ang nagtatalo sa iyo, ija. Ngunit h'wag mong pigilan ang tibok at sinasabi ng iyong puso habang ginagamit mo ang iyong isipan."

Makahulugang paalala nito sa akin..

"Nagtatalo ang isipan at puso ngunit h'wag mong pigilan ang iyong nararamdaman dahil mas masasaktan ka ng lubos kung pipigilan mo ito."

Hindi ko alam kung bakit sobra sobra ang kaba sa dibdib ko..

"Magpahinga kana ija.. Malayo layo pa tayo."

Isinandal ko na ng tuluyan ang aking likuran at ipinikit ang aking mga mata.

"Piliin mo ang tamang desisyon.. Piliin mong maging masaya kahit na sa pagwawakas nito ang pagkawala ng iyong ala-ala para sa lalaking minahal mo dito sa loob ng nobela."

Hindi ko man narinig ng buo ang huling itinuran ni manong ngunit pakiramdam ko ay pinagsasabihan parin ako nito. PIPILIIN KONG MAGING MASAYA KAHIT SA KAUNTING PANAHON KO DITO SA LOOB NG NOBELA.

Kung sakali mang bumalik ako sa totoo kong mundo hahanapin ko ang tibok ng puso ko para mahanap ko ang lalaking nasa tabi ko.. ANG LALAKING MINAMAHAL KO SA LOOB NG NOBELANG ITO.

**__**

"Handa ka bang sumama sa akin?"

Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni thylandier ng magkatitigan kaming dalawa.

"H-handa akong sumama sa iyo.. Handa na akong makasama ka."

Napangiti ito ng sagutin ko ang tanung nya sa akin.. HANDA AKONG LUMABAN PARA SA IYO.

"Thylandier, Isabel .."

Halos bumagsak sa lupa si thylandier ng umabot sa mukha nito ang kamao ni Patricio.

"Anong kataksilan ito, Isabel?"

Biglang sigaw ni Patricio sa akin habang inaalalayan ko si thylandier na makatayo.

"Patawad Patricio.. M-mahal namin ang isa't isa at hindi ko kayang ibigay sayo ang hinahangad mong pagmamahal mula sa akin."

Lalapitan kona sana si patricio ng bigla nitong ilabas ang kanyang baril at itinapat sa amin.

"Niloko mo ako.. Titiyakin kong walang makikinabang sa iyo kundi ako lang.."

Bigla nyang itinapat ang kanyang hawak na baril kay thylandier na hinila ako patalikod sa kanya.

"P-patawarin mo ako patricio... H-hindi kita kayang lokohin at hindi ko din kayang lokohin ang aking sarili, p-pinilit kong ibigay sa iyo ang hinahangad mo ngunit mahal ko si thylandier, patawad."

Mula sa aming likuran putok ng baril ang bigla naming narinig mabilis kong nasalo si thylandier ng bigla syang tumumba sa aking tabi halos ikadurog iyon ng aking damdamin dahil sa mismong bisig ko nawala ang lalaking minamahal ko.

"T-thylandier h'wag mo akong i-iwanan, Gumising ka nagmamakaawa ako."

Isang lalaki na nakasuot ng itim na salakot sa mukha ang papalapit sa amin.

"Ako na lamang ang tatapos sa kanya, Patricio."

Walang awang binaril muli ng lalaking may itim na salakot sa mukha ang nanghihinang katawan ni thylandier.. Tanging sigaw na lang ang nagawa ko ng hilain ako patayo at palayo sa wala ng buhay na katawan ni thylandier.

**__**

"Lenzy gumising ka..."

Naimulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko.

BAKIT KO NAPANAGINIPAN ANG ISA SA MGA EKSENA NILA NATHALIA, THYLANDIER AT DAIRUS? SINO ANG NASA LIKOD NG ITIM NA SALAKOT.

"Nananaginip ka mahal ko.."

Nahimasmasan lang ako ng marinig ang tinig ni thylandier..

Akala ko mawawala kana sa akin ng lubusan, thylandier.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng yakapin ako ni thylandier.

"Isang masamang panaginip lamang ang nanggugulo sa iyo, mahal ko."

PANAGINIP NA AYAW KONG MANGYARI!!

Hinarap akong muli ni thylandier at ngumiti ito sa akin.. Ngiting nagpapagaan sa aking kalooban.

"Ija isang panaginip lamang ang iyong nasaksihan.."

Makahulugan na turan ni manong sa akin.. Hindi ko alam ang dapat kong isipin sa kanya.

Naramdaman ko ang paghinto ng kalesa..

"Narito na tayo sa pinakamalapit na bahay-panuluyan.. Nawa'y mahanap nyo ang inyong kasiyahan sa isa't isa."

***  ***

"Heto na ang murang panuluyan dito sa aming lugar."

Nakangiting turan ng matandang lalaki sa amin ng nahinto ang kalesa sa isang puting malaking panuluyan ang bumungad sa amin.

"Nawa'y mag kaanak na kayong dalawa.."

Halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng matandang lalaki.

"Lahat ng mag asawang tumutuloy sa panuluyang ito ay nagkakaroon ng anak, ija."

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi ng matanda sa amin.. Kung hindi lang sinabi ni thylandier na mag asawa kami hindi siguro kami makakarinig ng ganito sa matanda.

"Ijo ingatan mo ang iyong asawa.. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kagandang binibini.."

Napalingon ako kay thylandier ng mag iwas ito ng tingin sa akin.

"Salamat po sa inyong payo.."

Napapaiwas na tingin nito sa matandang lalaki.

Bumaba na si thylandier sa kalesa habang inaalalayan ako nito.

"Salamat po uli.."

"Sana ay magkaroon kayo ng masayang pamilya.."

Pagkasabi ng matandang lalaki tuluyan na nyang pinaandar ang kabayo na nasa kalesang sinakyan naming dalawa.

Mukhang hindi iyon mangyayari dahil sa oras na makaalis sa ako dito sa loob ng nobela baka hindi kona makikita ang daan pabalik kay thylandier..

Kumatok si thylandier sa panuluyang itinuro sa amin ng matandang lalaki..

"Anong maipaglilikod namin sa inyo senior?"

Nakangiting turan ng isang babae... I think kaseng age lang namin ito.

"Dalawang silid para sa isang buwan kung maaari.."

Wika ni thylandier sabay ngiti sa mga ito. Tss!! Ngiti ng ngiti ang kumag..

"T-tuloy ho kayo.."

Tugon naman ng isa pang babae na kaseng idad parin namin.

Napatingin ako sa paligid, walang ibang tao roon kundi kaming lima..

Tumango si thylandier at inilagay na nya ang dalawa nitong kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang pantaloon saka ito sumunod sa tatlong babae na kausap namin.

"May ibig ba kayong kainin?"

Tanung na naman ng isa pa sa kanila habang kinukuha ang tatlong susi sa isang mesa.

Malaki laki naman ang salas ng bahay-panuluyan sadyang classic ang ganda at desenyo nito.

"Wag na.. busog pa kami.."

Inis kong habol sa babae saka nauna na akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay-panuluyan na para bang memoryado ko ang bawat sulok nito.

"Senior, Ano ho ang ibig ninyong kainin bukas sa agahan?"

Tanung ng babaeng may hawak ng susi habang binubuksan ang isang malaking pinto pagkarating namin sa ikalawang palapag.

"Anong ibig mong kainin para bukas?"

Nilingon ako ni thylandier. Napaiwas agad ako ng tingin dahil sa lagkit ng pagkakatitig nito sa mukha ko. Bukod sa wala akong pera at wala akong dalang gamit dahil iniwan ni thylandier ang gamit sa unang kalesang sinakyan naming papunta sa daungan.

"Alam nyo po ba madalas tumuloy dito ang matataas na opisyal. Ito ang paborito nilang silid sapagkat ito ang pinakamaluwang at pinakamahal na silid sa aming panuluyan."

Patuloy ng babaeng may kaiksian ang buhok habang nakangiti itong nililingon ang kinatatayuan ni thylandier habang ang dalawa namang babae ay magkatabing nagbubulungan at para bang kinikilig silang tumitingin sa pwestong kinatatayuan ni thylandier. Inis ko namang inismiran ang dalawa bago ko tapunan ng tingin ang babaeng kumakausap sa kanya.

"Maari kona bang makita ang aking magiging silid?"

Mataray kong tanung sa babae ngunit natitigilan silang tumingin sa akin bago nilingon si thylandier na nakikinig sa usapin.

"Kahit anong agahan ay malugod namin iyong kakainin ng aking asawa.."

Wika ni thylandier saka kinuha ang salaping nasa kanyang bulsa.. Bale apat na plastic na may laman na salapi ang ibinigay nito sa babae.. Grabe naman pala ang yaman ng kumag na to.

"Sandali lang nais kong makita ang magiging silid ko? Hindi kami maaaring magsama.."

Muli kong habol tinignan uli nila ako bago na naman nila nilingon si thylandier saka sila sumagot.

"P-pasensya na po senior ngunit isang silid na lamang ang hindi nauukupahan at heto po iyon.. Nais nyo bang magsama sa iisang silid?"

Nakangiti namang turan ng isa pang babae kay thylandier na ikinabigla ko at ikinataas ng kilay ko.

WHUAAT?? ISANG KWARTO LANG?

"Lumipat na lamang tayo ng ibang bahay-panuluyan.. Hindi lang naman siguro heto ang bahay- panuluyan dito sa 'San Pablo?"

"Pasensya na po malayo layo pa po ang ibang bahay-panuluyan dito at heto lamang ang malapit... Marami ho kasing dumating na opisyal upang makiisa sa pagdiriwang ng pista kung kaya't inihanda na namin iyon para sa kanila.. Nagsidatingan na din po ang iba kung kaya't iisang silid na lang ho ang bakante at heto lang po ang nagiisang silid na bakante sa aming bahay-panuluyan."

Napahilamos na lang ako sa inis dahil iisang kwarto lang ang maari naming gamitin.

"Magsama na lamang ho kayo sa iisang silid.."

Suhestiyon ng babae dahilan para mapailing ako ng ilang beses na tumingin pa kay thylandier..

"Hindi kami maaaring magsama sa iisang silid... Hindi kami kasal."

Paliwanag ko sabay turo kay thylandier. Heto ang hindi ko napaghandaan..

Itong sitwasyon naming dalawa.. Si thylandier ang tipong papayag na lang sa sitwasyon makapag-pahinga lang kahit na hindi maaaring gawin.

"Siguro naman ay nakatakda kayong ikasal... Hindi na iyon malaking bagay sa amin."

Saad ng babae sa akin.. Napahawak na lang ako sa aking noo. Pinakita ko sa kanila ang dalawang kamay ko.

"Hindi kami engaged--- Ahhh.. Basta hindi kami nakatakdang ikasal.. W-wa-----"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita na ng tuluyan si thylandier na syang nagpapintig sa aking tenga.

"Maari kaming magsama sa iisang kwarto.. Halika na dito mahal ko.."

Pinanlakihan ko sya ng mata dahil hinila nya ako palapit sa kanya..

"Maari nyo na kaming iwan.."

Ngumiti naman ang tatlo sa amin..

"Nawa'y magkaanak na ho kayo.."

Nakangiting turan ng isa sa babaeng naglalakad na paalis.

HINDI NGA KAMI MAG ASAWA!! ANAK TALAGA..

Halos makagat ko ang ibabang labi ko dahil naramdaman ko ang pagiinit ng pisnge ko.

"Bakit ka pumayag na magsama tayo sa iisang kwarto?"

Tumingin lang ito sa akin saka sya pumasok sa silid..

"H-h'wag mong sabihing magtatabi tayo sa iisang kama?"

Ngumiti ito sa akin bago sya umupo sa sofa na may kahabaan..

"Dito na lamang ako sa sofa.. Diyan ka sa kama."

Napapatingin ako sa kanya at hindi makapaniwalang napapatitig pa..

"S-sigurado ka?"

"Nais mo bang mag tabi tayo?"

Mabilis akong napaiwas sa kanya dahil sa sinabi nito sa akin.

NO WAY!!

"Hindi ako sana'y na may katabi.. Dito na lamang ako sa kama.. Hindi ko naman pwedeng balewalain ang pagiging gentleman mo---- Este pagiging maginoo mo."

Pilit na ngiti ko sa kanya saka ko tinapik tapik ang kama.

Iniwas naman ni thylandier ang kanyang paningin pero nahuli ko ang pangkakangiti nito bago sya humiga sa sofa.

"Maaga kang matulog sapagkat tutungo tayo sa bayan upang bumili ng ating mga kasuotan.. Baka tayo ay mas matagalan dito."

Tatango tango naman akong humiga sa kama.. Gaya ng sinabi ni thylandier ay maaga kaming nakatulog..

Kinabukasan, namulat ko ang aking mga mata ng marinig ang dalawang beses na pagkatok sa pinto.

Umupo ako sa kama at tumingin sa sofa na hinihigaan ni thylandier ngunit wala ito.

"Magandang umaga ho, seniorita... Pinabibigay ni senior ang pulang sa'ya na ito. Maligo na raw po kayo at bumaba na dahil pinaghahanda na ang inyong agahan."

Pumasok ang babaeng may kaiklihan ang buhok saka nya inilapag sa mesa ang pulang sa'ya.

"Hinihintay po kayo ng inyong asawa sa hapag.. Bumaba na lamang ho kayo kapag nakapaligo na kayo, seniorita."

Hindi nga kami mag- asawa..

Tumango na lamang ito sa akin bago sya lumabas ng silid.. Tumayo na din ako para maligo buti na lang at may palikuran na dito sa silid na kinalalagakan naming dalawa.

Pagbukas ko ng palikuran napansin ko ang dalawang drum na punong puno ng tubig..

Tuluyan na akong naligo at nagbihis bago ako bumaba ng silid na inuukupahan namin ni thylandier.

"Nais nyo bang samahan namin kayo sa inyong paglilibot senior?"

"Maganda ho ang tanawin dito, senior."

GUSTO MO LANG MAGPA-GOOD SHOT SA KANYA..

Naiinis akong tumingin sa dalawa na palakad lakad sa azotea ng bahay panuluyan.

"Marami ang magagandang pasyalan dito.."

Nakangiti na namang turan ng babae habang sinusundan nya ng tingin si thylandier.

Mabilis akong nakababa at nakapunta sa kinaroroonan nila ng hindi agad nila napansin ang presensya ko..

"Kung nais nyo ay sasamahan ko kayo sa paglilibot.."

Dali dali akong tumikhim para agawin ang atensyon ng dalawa kaya naman sabay silang napalingon at napatingin sa akin..

"Nais mo bang makakita ng napakaraming bituin sa iyong bunbunan?"

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa inis at nakakairitang pagpapakitang mutibo ng babae kay thylandier.

"Magandang umaga sa iyo, seniorita."

Napataas ang kilay ko ng marinig ang pagkasarcastic nito.

"Hindi maganda ang umagang ito sa akin.. Naaalibadbaran ako sa iyong ugali, binibini."

Kalmado ngunit mas lalo kong narinig ang sarili kong pag kairita.

Ngumiti naman ito at tinaasan ako ng kilay..

"Senior kung mayroon kayong nais naroon lamang ako.."

Nakangiti nitong itinuro ang isang silid na syang ikinalingon ko pa sa kanya..

"Bahay - panuluyan ba talaga ito?? O baka naman nais mong akitin ang aking asawa.."

Naiinis ko ng tanung sa babae.. Natigilan naman ito at tumingin sa akin habang may pataas taas pa ang kilay.

"Seniorita.. Hindi kita papatulan sa iyong kaisipan tungkol sa akin. Hindi ba't hindi naman kayo kasal ? At hindi din kayo nakatakdang ikasal.. Sa tingin ko ay isa kang kerida."

Nanlaki ang mata kong tumingin kay thylandier ng marinig ang palihim na tawa nito.

AKO KERIDA??

"Hoy!! Kung sa tingin mo'y palalagpasin ko ang iyong itinuran nagkakamali ka.. Nais mo bang magkaroon ng nobyo?"

Nanghahamon kong turan sa kanya ng hindi ibinababa ang pride ko at ang nakataas kong kilay.

"Oo naman.. Kung kasing gandang lalaki ni senior."

Napakunot ang noo ko at napatingin ng masama kay thylandier na nahinto sa pagtawa.

"Hindi ko naman papayagan ang iyong gusto.. Nais mong isumpa kita?"

Palihim akong ngumingiti ngiti habang tinitignan ang reaksyon ng babae na syang ikinabigla nito at dali daling dumestansya ng kaunti sa amin.

"I-isa kang mangkukulam.. Siguro ay binigyan mo ng mahika ang senior upang mahumaling ito sa iyo."

Hindi makapaniwalang sigaw nito sa akin.. Buti na lang at tatlo lang kami dito sa azotea kung hindi ay baka pagtitinginan kami ng ibang nanunuluyan dito sa bahay- panuluyan.

"Kung hindi mo titigilan ang aking asawa sigurado akong hindi ka magkakaroon ng nobyo na maginoo at mas makisig pa sa kanya.."

Nakita ko ang paglunok nito habang nakatingin parin sa akin.

"Nais kong bawiin mo ang iyong sumpa.. Isa kang mangkukulam at kerida."

Inis nitong sigaw sa akin bago sya tumakbo palayo sa amin ni thylandier.

Nilingon ko pa ang babae na may ngisi sa labi dahil sigurado akong hindi na ito magtatangkang akitin si thylandier..

"Tila naninibugho ka, mahal ko."

Napaiwas ako sa nangaasar na ngiti at tingin ni thylandier sa akin..

AKO NAGSESELOS?? TSS.. NO WAY!!

"Ahaha... Ako?"

Kunwaring tawa ko sabay turo sa sarili ko..

"Ako naninibugho? Kanino. Sa iyo at sa babaeng yon?"

Inis kong turan sabay turo sa babaeng pumasok sa isang silid.

"H'wag kang mag isip ng ganyan.. Ikaw ang gusto kong makasama kaya naman h'wag mo na lamang isipin ang sasabihin ng iba sa iyo."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil bigla na lang syang nag seryoso.

"Ikaw ang mahal ko, lenzy."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko isang tulak sa amin sigurado akong magdidikit ang labi naming dalawa dahil sa lapit nito.

"Maari na po kayong mag-umagahan.."

Napaiwas ako ng tingin habang kalmadong dumistansiya si thylandier sa akin.

"Tara na... Mag agahan na tayo sapagkat mamimili tayo ng ating kasuotan."

Inilagay ni thylandier ang magkabilaang kamay nito sa bulsa nya napansin ko namang nakasuot na ito ng itim na kansorsilyo (kasuotang pang ibaba) samantalang nakasuot ito ng puting sando..SAAN SYA NAKAKUHA NG MASUSUOT NAMIN?

Tahimik kaming kumakain ng agahan wala ni isa ang nagbalak na magsalita sa amin.

"Nais mo din bang maglibot bago tayo bumili ng ating susuotin?"

Tanging tango lang ang nagawa ko dahil sa kakanguya ko sa kinakain naming binatil na itlog (scramble egg) at sinangag (fried rice..)

"Nais mo din ba akong pakasalan?"

Tango lamang ang sagot ko sa mga sinasabi nito.. Pero nahinto ako at napatitig sa kanya dahil sa tanung nito na ngayon ko lang narealized..

"A-anong sabi mo??"

Naiirita at ramdam ko ang pag iinit ng pisnge ko dahil sa huling tanung nito.

"Wala!!"

Nakangiti nitong sagot sabay iwas ng tingin sa akin.

ABNORMAL!!

Inis akong tumayo ng nakangiti itong nagpaunang tumayo sa harap.

"Bakit ka tumayo?? Ubusin mo ang lahat ng iyan at hihintayin kita sa labas ng bahay-panuluyan."

Tinaasan ko sya ng kilay at muling umupo..

"Baka naman takasan mo ako? Nais mo atang makasama ang babaeng iyon."

Inis kong nilibot ang paligid hanggang sa makita kong lumabas ng bahay- panuluyan ang babaeng nagsabing mangkukulam at kerida ako ni thylandier.

"Tila ika'y naninibugho na naman?? H'wag kang mag-alala hindi kita ipagpapalit kanino'man."

Naisubo ko na lang ang sinangag (fried rice) at binatil na itlog (scramble egg) dahil sa sinabi nito na syang nagpabilis na naman ng kabog ng dibdib ko..

SHEMS!! BAT BA NAGKAKAGANITO AKO??

Matapos kong kumain ay dali-dali akong sumunod kay thylandier sa labas ng bahay-panuluyan.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, senior?"

Halos sumabog na ang inis ng marinig ko na naman ang nakakairitang boses ng babaeng nagsabi sa akin na isa akong kerida at mangkukulam.

"Nais mo ba talagang isumpa kita?? Hindi ka magkakaroon ng nobyo.. Tatanda kang dalaga!"

Halos manlaki ang mata ng babae at dali daling dumistansya kay thylandier na nanatiling nakangiti sa amin.

"Seniorita.. Tila ang init ng iyong ulo sa akin? Hindi na kita papatulan narito na si mang pipo."

Seryosong turan nito sa akin sabay turo sa matandang lalaki na nakasakay sa kalesa.

"Salamat sa iyo, juancha."

Nakangiting turan ni thylandier sa babaeng kinaiinisan ko simula't sapul.

"Isa ka lamang kerida.. Sana ay makita ni senior na isa kang mangkukulam na nagbigay ng mahika sa kanya."

Susugurin kona sana ang babae pero hinila na ako ni thylandier palapit sa kanya.

"Salamat uli sa iyo, juancha. Kami ay aalis na muna."

Tanging tango at ngiti lang ang isinagot ng babae kay thylandier sabay nilingon ako na nakataas na ang kilay sa akin kaya hindi ako nagpatalo sa kanya.

"Magpakasaya ka keridang mangkukulam.."

Pinanlakihan ko ng mata si thylandier ng marinig ang nakakairitang tawa nito sa akin.

"H-hoy!!! Hindi ako mangkukulam at kerida.."

Inis kong sigaw buti na lang at walang nakakarinig sa amin.

"Halika na't hinihintay na tayo.."

Inis kong iwinaglit ang braso ko na hawak nito at inis na nilingon ito.

"Magsama kayo!!"

Nagpauna na ako sa pagsakay ng kalesa at hindi na hinintay pa ang pag sabay ni thylandier sa akin.

"Magandang umaga sa iyo.."

Napatingin ako kay manong ng magsalita ito.

Hindi ko napansin na si manong pala ang nasakyan namin uli.

"Tila mainit ang ulo mo, ija."

Natatawang tanung nito sa akin na syang ikinatingin ko sa kanya.

"Ganoon talaga ang ugali ni juancha.. Pero, mabait ito at maaasahan."

Nanatili lamang akong nakikinig sa sinasabi nito hanggang sa mapatingin ako kay thylandier at sa babaeng kausap nito na may iniabot na liham.

"Magiingat ka sa iyong desisyon.. Tila magwawakas na ang lahat sa inyo.."

Napahinto ako at napatingin sa matanda ng marinig ang seryoso nitong tinig.

"A-ano pong ibig nyong sabihin?"

"Kung nais mong baguhin ang tadhana kailangan mong isakripisyo ang iyong sarili."

I'sakripisyo?? Kailangang may magsakripisyo.

Nahinto ako sa pagiisip ng maramdaman ang presensya ni thylandier na kakaakyat lang ng kalesa.

"Tara na ho, mang pipo."

Nakangiting turan ni thylandier sa matandang hindi na kumikibo.

Katahimikan ang bumalot sa byahe namin papunta sa kung saan man papatungo ang kalesang sinasakyan namin.

"Liham para sa iyo.."

Nakangiti namang turan ni thylandier habang nasa harap ko ang isang liham na hindi pa nabubuksan nino man.

"K-kanino galing ito?"

Nagtataka kong tanung kay thylandier.

"Kay manang ising ang isa habang kay esperanza naman ang isa pang liham.. H'wag kang mag-alala wala pang nakakabasa nito."

Kinuha kona ang liham na bigay ni thylandier sa akin at inilagay ito sa loob ng sa'ya ko.

"Salamat!!"

"Hindi mo ba babasahin?"

Umiling muna ako bago sumagot.

"Mamaya ko na lang babasahin ang liham.."

Tanging tango na lamang ang isinagot ni thylandier sa akin.. Muli na naman kaming natahimik hanggang sa marating namin ang sariling intramuros ng bulakan.

"Heto ho ang palasyo ng opisyal dito sa aming bayan.. Maganda dito at marami ang nagbebenta ng magagandang sa'ya at kasuotang pang lalaki."

Pagmamalaki ni mang pipo sa amin ng huminto sa harap ng intramuros bulakan ang kalesang sinasakyan namin.

"Hihintayin ko na lamang kayo dito, senior."

Tango lamang ang sagot ni thylandier sabay bumaba ito sa kalesa at inalalayan akong makababa..

"Magtiwala ka lamang sa iyong sarili,ija."

Nakangiti nitong bulong sa akin bago kami naglakad papasok sa intramuros bulakan.

Gaya ng sabi ni mang pipo marami nga ang nagbebenta sa loob ng intramuros na ito.

Marami ang nagtitinda ng kamiso at sa'ya ganun din ang abaniko at bakya meron din nagtitinda ng magaganda at makukulay na balabal at pangipit sa buhok.

"Ija.. Nais mo bang bilhin ang kresentmoon na ito?"

Nakangiting turan ng matandang babae sa'kin.

Napangiti ako ng makita ang crescent moon na bracelet na ipinahawak nito sa akin.

"Sampung piso lamang ito.. Sumisimbulo ito sa tunay na pag-ibig at pag-asa."

Napailing na lamang ako ng maalalang wala nga pala akong pera.

PAG-IBIG AT PAG-ASA?

"Bagay sa iyo ito, binibini."

"Pasensya na po.. Wala po akong pambili nito."

Ibinalik ko ang bracelet na hawak ko bago nagpauna sa paglalakad.

Bakit pakiramdam ko may ipinapahiwatig ang matandang iyon sa akin.

Iwinaksi ko ang kaba sa aking dibdib.. Hindi ko tuloy alam kung anong nangyayari sa akin.

"HINDI MO NA MABABAGO ANG TADHANA.."

Pagkarating namin ng simbahan ay pumasok naman kami ni thylandier habang ang ibang pinamili namin ay inilagay sa kalesa habang binabantayan ni mang pipo ang mga ito.

Umupo ako sa pahabang upuan habang si thylandier ay lumuhod habang nakapikit ang mga mata nito..

ANO KAYANG IPINAGDARASAL NITO?

Habang nakapikit ito ay tinitigan ko sya baka heto na ang huling araw ko na masilayan pa sya ng malapitan..

Hinihiling ko na sana ay mabago ko ang tadhana nya.. Hinihiling ko na sana mahanap nya ang kaligayahan at kapayapaan sa puso nya.

"Ano ang ipinagdasal mo?"

Napaiwas ako ng bahagyang tumingin ito sa akin.

ANO NGA BA ANG DAPAT KONG IPAGDASAL NGAYON??

"Ikaw anong ipinagdasal mo?"

"Sasagutin ko lamang ang tanung na iyan kung sasagutin mo ang tanung ko.. Anong ipinagdasal mo?"

Sandaling natahimik na para bang nagiisip ng isasagot.

"Ipagdarasal ko na sana m-mabuhay ka sa nobelang ito.. N-nais kong hilingin na sana mabuhay ka ng matagal sa nobelang ito kahit na wala ako sa tabi mo.. Nais kong mahanap mo ang kaligayan at kapayapaan sa puso mo, thylandier."

Unti unti akong tumingin kay thylandier ng hindi ito kumibo nanatili lang syang nakatitig sa akin hanggang sa magsalita na ito.

"Nais mo din bang malaman ang ipinagdasal ko para sa iyo?"

Nakangiti akong tumango bilang pag sang ayon sa kanya.

ANO ANG IPINAGDASAL MO KUNG GAYON?

Tumahimik ito ng panandalian bago tumitig sa akin kasabay ng titig na iyon ang malakas na kabog ng puso ko na kaming dalawa lang ang makakarinig sa isa't isa.

"Ipinagdasal kong manatili ka sa tabi ko hanggang sa huli ng hininga ko.. Mas nanaisin kong mawala dito sa nobela na kasama ka keysa mabuhay ako na wala ka sa tabi ko.. Hihilingin ko sa iyo na manatili ka na lamang sa aking tabi.."