webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · 奇幻言情
分數不夠
31 Chs

Chapter 31: The Throne

Fleariza's POV

"Sino ang lapastangang gumawa saaking anak nito??" galit kong sabi sa lahat ng mga nasa Lavreska habang hawak hawak ko ang katawan ng aking anak.

"Wala bang magsasalita sainyo?!" dagdag ko pa saka ko tinignan ang isa sa mga kawal at saka ko ginawa itong bato.

"Ano?! Wala pa bang magsasalita sainyo?!" muli kong tanong. Kitang kita ko sa kanilang mgamukha ang pagkatakot nila dahil sa galit ko at lalo silang natakot ng biglang kumidlat ng napakalakas at lumitaw ang pitong mga manlilikha.

Paanong-

Tama, manlilikha nga rin pala ang dugo ni Zerxes kaya naman hindi na nakapagtataka na buhay ito matapos ko itong patayin noon.

Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit kasama nila si Mizore?

"Lumayas ka sa kinatatayuan mo ngayon." utos ni Zerxes saakin. At sino siya para paalisin ako rito?

Nasa harapan ako ng mga nilalang na aking nasasakupan ngayon at saka niya ako balak paalisin rito.

"Ako ang Hari ng buong Lavreska, inuutusan kitang bumaba sa kinauupuan mo." nagsitinginan ang lahat saakin ng bigla nitong sabihin ang mga katagang iyon.

"Wala kang karapatang paalisin ako sa kung nasaan ako ngayon dahil ako ang Reyna ng Lavreska!" sigaw ko dito saka ko pinaliyab ang katawan ng aking anak na si Martha dahil sa galit ko dito.

Matagal siyang nawala. Matagal kong inakalang patay na siya tapos ngayon, magpapakita siya na parang walang nangyare.

At heto pa, kasama niya pa ang traydor na si Mizore.

"Bababa ka sa pwesto mo o kami mismo ang kakaladkad saiyo paalis diyan?" tanong ng isa sa mga manlilikhang kasama nila Mizore at Zerxes.

"Akin ang trono! Akin ang korona at ako ang Reyna!" galit kong sabi sakanila dahilan upang maglabas ako ng kapangyarihan.

Nag aalab ang galit sa aking puso dahil sa pagpaslang sa aking anak at nagliliyab ng napakalakas ang apoy na hawak hawak ko dulot ng mga nangyayari sa ngayon.

"Huwag mong hayaang masaktan ka pa, Fleariza." ani ni Zerxes saakin bago sila sabay sabay maglabas ng kani-kanilang mga kapangyarihan.

Iba't ibang mga kulay ng apoy ang ipinakita nila sa lahat dahilan upang mamangha ang mga ibang nilalang sa Lavreska.

"Bumaba ka na, Fleariza!"

"Hindi ka namin kailangan sa trono!"

"Hindi ka karapat dapat maging Reyna!" ilan lamang yan sa sinabi ng iba pang nilalang sa Lavreska.

Saan ako nagkamali para tratuhin ako nilang akong ganito.

Isang usok ang nagpakita saaking harapan at saka nagkatawang tao.

"Ang dating Reyna!" saad ng mga taga Lavreska at kitang kita ko sakanilang mga mukha ang tuwa dahil sa pagdating nito.

"Cassiopeia." bulong ko sa hangin ng makita ko ito. Ang dating Reyna bago ang aking kapatid. Aba, matapos nitong pagtaksilan si Zerxes ay nagawa pa nitong magpakita sa buong Lavreska.

"Alam mo ba kung bakit ka hindi ka karapat dapat?" tanong nito saakin ng diretso. Hindi ako nakasagot agad dito dahil nakararamdam ako ng takot at kaba na baka may alam ito sa mga ginawa ko.

Maya maya ay ipinitik nito ang mga daliri nito dahilan upang makalikha ito ng malakas na tunog sa lahat ng asa paligid at lumabas ang isang imahe ko at imahe ng isang kawal na si Lizard.

Humalahak ito ng malakas matapos nitong ipakita sa lahat ang mga pinag gagagawa ko noong kasama ko si Lizard at isa pang Kawal.

"Ano? Karapat dapat pa ba ang Reyna Fleariza niyo sa pwesto niya ngayon?" mariin nitong tanong sa mga taga Lavreska dahilan upang lalo akong maging usap usapan.

"Nakakadiring Reyna!"

"Ibalik si Cassiopeia!"

"Ibalik ang dating Reyna!" dinig kong sigaw ng buong taga Lavreska dahilan upang tumulo ang mga luha ko sa galit ko sa mga ito.

Hinawakan ko ang aking korona na ngayon ay nasa itaas ng ulo ko at saka ko ito inalis sa kinalalagyan nito at ibinaba sa sahig.

Yumuko ako sa dating Reyna bago ako naglakad papalapit dito.

"Hindi pa tayo tapos." ani ko ng maging pantay kami ng posisyon. Ngumisi naman ito at saka humarap saakin.

"Hindi parin ako tapos sa iyo, Fleariza. Mag uusap tayo pagkatapos nito." wika nito. Tinitigan ko lamang ito ng masama kahit gustong gusto ko itong sampalin o bawian ng buhay.

Ihinawi ko ang aking kamay at saka ako nawala sa paningin ng lahat.

Magbabayad kayong lahat sa ginawa niyo.

🌺🌺🌺

Cassiopeia's POV

Ah...

It's good to be back.

Kinuha ko ang korona na inilapag ni Fleariza sa sahig at saka ko ito inilagay saaking ulo.

"Maligayang pagbabalik, Reyna Cassiopeia!" sabay sabay nilang sabi saakin.

"Maraming Salamat! Maari na kayong magsialis." wika ko sa mga taga Lavreska. Nakita ko naman ang tuwa ng mga ito dahilan upang mapangiti ako. Wala silang kaalam alam kung anong mangyayari sakanila pagkatapos kong maisakatuparan ang aking mga plano.

"Maghanda ang lahat para sa mga susunod na araw para sa pagdiriwang!" sigaw ko sa mga ito at saka lalo silang gumawa ng ingay. Ingay na nagbibigay senyales saakin na tuwang tuwa sila sa kaganapan ngayon.

Unti unti naman silang nabawasan sa paningin ko maya't maya.

Tumalikod ako at naglakad papunta sa upuan ng Reyna sa kaharian. Naupo ako sa trono at saka ako nilapitan ng pitong manlilikha.

"Anong ginagawa mo dito, Cassiopeia?" agarang tanong ng Hari. Hindi ba ito natutuwang naririto ako? Ang napakaganda nitong asawa ay muling nagbabalik.

"Para pamahalaan ang Lavreska, mahal ko." nasaksihan ko naman ang ekspresiyon ng mukha nito mg banggitin ko ang dati naming tawagan.

"Ano man ang plinaplano mo, hindi ka magtatagumpay." mariin na sabi ni Mizore na sumingit sa harap namin.

Ang isang ito, ang isa sa pinaka mahinang manlilikhang kakilala ko. Maraming sa pagpapagamit sa katawan mo.

"Huwag kang mag alala, maingat ako sa lahat ng bagay Mizore." ani ko rito bago ako tumayo.

Iniiwas ko ang tingin ko rito saka ako tumayo.

Tinitigan ko si Zerxes saka ko ito nginitian.

"Ah, mahal ko. Ipinasusundo ko na ang mga kambal mo sa mga alagad ko kaya huwag kang mag alala, makakapiling narin natin sila." wika ko dito bago ako tumalikod at naglakad papalayo sa pitong manlilikha.

Sa pagbabalik ko sa Damnivia, hindi ko hahayaang mawala ulit saakin ang nakuha ko na ulit.

Ang akin ay akin at hindi ko hahayaang may kumuha ulit dito.

A/N: Hello guys! Sana ay magustuhan niyo ang next chapter 💚