Kevin's POV
Matapos ang pangyayaring iyon sa bar nung nakaraan. Hindi na ako muling pinahawak ni Sam sa purselas niya.
"Anong tinitingin tingin mo diyan cutie patotie, Kevin?" wika nito saakin habang tinititigan ko siyang kumain. Napangiti naman ako sa katakawang pinapakita niya. Hindi nga naman talaga ito ang Sam na nakasama ko sa paglaki ko.
"Natutuwa naman ako sayo, ang takaw takaw mo." sabi ko sakanya dahilan upang sumimangot ito saakin.
"Oh, bakit ka sumimangot?" tanong ko sakanya. Tinitigan lang naman ako nito at hindi sinagot ang tanong ko. Babatukan ko sana siya kaya lang naalala kong si Morioka ang nasa panlabas na katawan ni Sam ngayon. Inosente at isip bata kasi ang ugali ni Morioka kaya ang hirap.
"Gusto ko ng ice cream." pagpapacute nito saakin. Cute naman talaga ito eh, yaon nga lang nagiging demonyo o kaya taga sundo papunta impyerno kapag si Sam.
"Mamaya mag a-ice cream tayo pagkatapos natin dito sa library." wika ko dito. Malapit narin kasi ang Departamental exam ng Academy kaya naman patuloy talaga ang pagtatambay namin ni Sam dito sa library.
"Gusto ko rin mamaya ng ice cream." Napatingin na laman ako sa lalaking asa likod ni Sam. Anong ginagawa ni Maverick dito?
Lumingon si Morioka sa likod nito at nakita si Maverick. Maya maya ay tumayo ito at saka lumipat sa tabi ko. Agad itong yumakap sa braso ko dahilan upang makaramdam ako ng init sa akin mukha. Tang ina talaga! Bakit ganito? Sa pagkakaalam ko, hindi ganito ang personality ko.
"Oh, bat takot na takot ka saakin? Hindi ba dapat ako iyong umiiwas sayo kasi nga hindi mo ako sinipot noong isang araw?" sabi nito kay Sam.
Tinitigan ko naman si Sam at hinaplos ang buhok nito.
"Kevin, hindi ko alam." mahina nitong sabi saakin saka nito lalong hinigpitan ang yakap nito sa braso ko.
"Pwede ba, huwag mo nalang kaming guluhin. Nagrereview kami dito." sabi ko kay Maverick. Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko at ibinuklat lamang nito ang libro sa harapan ko at nagbasa.
"I won't eat you guys. Bakit ba takot na rakot si Sam saakin?" tanong nito habang nagbabasa. Nakakabilib naman itong kakayahan niya. Nagbabasa habang iba yung iniisip niya. Sigurado ba siyang may pumapasok sa utak niya?
"Yung kasama mo noong nakaraan, kasama mo ba sila?"tanong ni Sam sakanya bago bumitaw sa braso ko.
"Nah. We have new boarders doon sa bahay kaya umalis na sila." diretso nitong sagot kay Sam.
"Asaan sila?" agad na tanong ni Sam dito. Oo nga pala, alam ni Sam na yung mga yun ang dahilan kung bakit nagkaroon ng patayan dito noon.
"Ewan ko." matipid na sabi ni Maverick sakanya.
Maya maya ay dumating si Marlene at Zoren na nakikipag kaibigan sa inner Sam noon.
"Hi, Sam!" bati ni Zoren sakanya. Halata namang plastikada. Ganun din ang ginawa ni Marlene ng makita si Sam.
Agad naman silang umupo sa tabi ni Maverick matapos nilang batiin si Sam.
"Sino na nga ulit kayo?" tanong ni Sam. Oo nga pala, si Sam nga pala na masama ang nakasalamuha ng dalawa. Ang hirap naman nito, dalawang tao sa iisang katawan. Nakakaloka. Shit!
"Hindi mo natatandaan si Zoren at Marlene?" tanong ni Maverick sakanya, umiling naman ito bilang tugon dito.
"Nice to meet you!" masiglang sabi ni Sam sakanila. Napakunot noo naman ang mga ito sakanya.
"Ah eh, makakalimutin lang talaga si Sam." wika ko sa mga ito para hindi sila magtaka.
Lumingon naman saakin si Sam at ngumiti.
"Kevin patotie, I want ice cream na." sabi nito saakin. Napakacute talaga kapag nag gaganito siya.
"Gusto rin namin ng ice cream." singit ni Zoren.
"Mag ice cream nalang tayo sa boarding house since katabi naman nun ang bahay nila Sam." pag aaya naman nung Marlene saamin.
"Good ideya!" masayang sabi ni Sam. Ewan ko ba, bakit takam na takam si Sam sa ice cream.
"Sabay sabay nalang tayo umuwi mamaya after ng class." ani ni Maverick habang nagbabasa parin ito sa harap namin. Ewan ko ba. Sana lahat katulad niya. Multi- tasker eh.
"Sige, gusto ko yan!"masigla ulit na sabi ni Sam dito.
Maya maya ay tumunog na ang kampana at saka kami nagsitayuan at sabay sabay na lumabas sa library.
"See you later!" wika ni Marlene saamin bago kami nag hiwa-hiwalay.
Malamang si Sam, kasama ko ngayon. Hindi naman kami naghihiwalay sa lahat ng course subjects namin.
"Kevin cutie, pwede bang bumili tayo mamaya ng ice cream bago pumunta sakanila. Nakakahiya namang wala tayong ambag." sabi nito saakin.
"Oo naman. Kaya lang talaga bang sasabay tayo sa kanila mamaya? Paano yung mga alaga mo?" tanong ko dito. Syempre naman nuh, sila Mel din iniisip ko.
"Andoon naman si Manang eh." ani nito saakin saka nauna ng maglakad papasok sa loob.
🌺🌺🌺
Zoren's POV
"Tama bang kumain ng ice cream sa tahanan natin kasama ang babaeng iyon?" wika nito saakin. Napakareklamador ng prinsesang ito.
"Oo. Mag go with the flow ka nalang." sagot ko dito bago ako maunang maglakad dito. Hindi porket siya ang Prinsesa ng Lavreska ay ituturing ko na siyang ganun. Kaya kong bawian siya ng buhay anumang oras kaya lang kailangan ko pa siya.
Pagkatapos ng kung ano anong chubaek-ek na mayroon ang mundo nila sa silid na iyon ay agad namang natapos ang sinasabi nilang klase.
Kaya agad naman naming inantay si Maverick sa labas ng Gate. Maya maya ay dumating narin naman sila Sam at Kevin.
Sabay sabay kaming umuwi sa tahanan na pinagtutuluyan namin kasama ang dalawa. Agad namang inilabas ni Maverick ang ice cream na nakalagay sa ref. Malamang alam niya kung ano iyon dahil matagal itong nanatili sa mundo nila para hanapin siya.
"Andito na ang ice cream!" sabi nito saamin. Nakita ko naman ang expression ng mukha ni Sam ng mga oras na iyon. Takam na takam nga ito sa ice cream dahilan upang maglagay ako ng mahika sa pagkain na ito upang makatulog sila.
"Ang sarap sarap talaga ng ice cream!" masaya nitong sabi saakin. Isip bata.
"So kelan kayo lumipat dito?" tanong ni Kevin saamin ni Marlene.
"Hindi ko na maalala eh basta neto neto rin lang." sagot naman sakanya ni Marlene na may halong pag aalinlangan. Ang tanga talaga ng Prinsesang iyon, minsan hindi ko alam bakit hindi nito namana ang katalinuhan ng aking kapatid.
Napuno ng tawanan ang loob ng tahanan namin. Ilang oras pa ang nakalipas habang patuloy kaming nagkwekwentuhan ay nakaramdam sila ng hilo dahilan upang pare parehas silang mawalan ng malay.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Sam upang higupin ang kapangyarihan nito.
Napakadali namang nito. Walang kahirap hirap kunin ang loob nito at kunin ang kapangyarihan nito.
Maya maya pa ay inumpisahan ko nang gawin sakanya ang nais ko ng biglang lumabas ang isa pang Sam sa katawan nito.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Putang ina! Ang hirap kong lumabas dito sa bullshit na katawan na iyan ha!" galit nitong sabi habang tinititigan ang katawan nito kong saan ito lumabas.
"Sino ka?" tanong ko sakaniya. Tumingin ito ng masama saakin.
"Paki mo."mataray nitong sabi saakin saka ipinagpag ang damit nito.
"Puta talaga itong dalawang ito. Kung saan saan nagpupupunta!" inis nitong sabi. Lumingin ito sa direksiyon kong saan ako naroroon.
"Hoy, ikaw! Sa susunod huwag mo ng yayain itong mga ito, anong oras na ba?" wika nito saakin. Ganito ba talaga makipag usap itong isang ito?
"7:08 na nang gabi." sagot ko dito.
"Puta talaga!" inis na inis nitong sabi. Maya maya ay nakita kong nagmahika ito sa harap ko.
Rainbow Eyed Princess.
Nagkita din tayo.
Gumawa ito ng pera sa harap ko at saka inilapag sa harapan ko.
"Thank you pero sa susunod huwag mo na silang yayayain dito dahil nakakaputang ina lang." sabi nito saka hinila ang paa ng dalawa atsaka nito hinila papauwi sakanilang bahay.
Siya ba iyan? Ang walang awang Prinsesa? Ang kinatatakutan ng lahat?
Nasasabik ako sayo.
Nasasabik ako sa dugo mo.
Nakakasabik ka.
A/N: Hai everyone! I'm so sorry kung wala akong update kahapon. Gumawa pa kasi ng Acads, you know hahaha uso parin ang Online Class. @myraulle_jn maraming salamat sa pagsupporta! Sa lahat po ng nakakabasa ng story ko, pasupport po ng story niya, sure kong magugustuhan niyo po iyon. Promise!