webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · 奇幻言情
分數不夠
31 Chs

Chapter 2: Drama

Sam's POV

Nagulat ako nang makita ko ang gumulong na ulo sa harap ko.

Gusto kong sumigaw.

Ngunit pagbuka ng bibig ko, tila walang tinig ang lumabas sa bibig ko.

"Ano yan?"tanong saakin ni Christian.

Gumilid ako upang makita niya ang nasa harap ko kanina.

"Si Honey! Anong nangyare?!"sigaw nito saakin.

"Hindi ko alam! Hindi ko na alam kung anong nangyayari saatin! Una, si Charmaine. Sumunod si Francis. Tapos ito ngayon! Sinong susunod saatin? Ako? Ikaw?"ani ko.

Hindi naman ito agad nakasagot.

Tila ba natulala nalang ito at iniangat ang daliri na ngayon ay nakaturo saakin.

"Hoy! Kevin! Hindi nakakatuwa! Tang ina!"sigaw ko sakanya saka ako lumingon sa likod ko.

Fuck! Katawan ni Honey!

Lumingon ulit ako sakanya ng may halong takot sa aking mukha.

"Takboooooo!"sigaw ko saka ako kumaripas ng takbo.

"Cut! Cut! Cut!" sigaw ng Direktor namin kaya naman ay naupo na ako sa pinakamalapit na upuan na nakita ko.

"Good job guys!"ani pa nito.

"What's good in there? It's so nakakatakot kaya! Parang totoo!"ani ko sakanya.

"Ow, Sammy. It's so cool mo kaya doon. Ang cute cute mo!"ani naman saakin ng manyakis na Direktor namin.

"I know! The hell I care!"sabi ko dito.

Tumayo ako at akmang aalis na sana ng hawakan ako ni Kevin sa kamay.

"Babe, where are you going?"tanong nito saakin.

"Let your filty hands out of my hand or else."I said while I am in the state of the death glare on him.

"Okay, sorry boss!"ani nito saakin saka bumitaw sa kamay ko.

"Where are you going ba?"tanong nito saakin.

"The hell you care."malamig na tuno kong sabi sakanya.

Tumalikod ako dito at nag umpisang maglakad papalayo sakanya.

Napahinto ako.

Lumingon ulit ako sakanya.

"And oh... By the way, stop calling me babe! Hindi naman tayo eh! Mahiya ka nga! You are just a piece of trash saakin nuh!"sigaw ko dito.

"Hindi ka naman mabiro, Sam."malungkot na tuno nitong sabi saka tumalikod saakin at naglakad papalayo.

Tignan mo to. Dapat ako yung mag wa-walk out eh!

Naunahan nanaman ako nitong gago na ito.

Kakaloka!

Magkababata ba talaga kami?

Parang hindi naman nasanay saakin kapag nagbibiruan kami.

Nagtungo ako sa Cr upang mag retouch ng make up ko.

"Hi, sam!"ani ng isang babae na nagreretouch din dito sa tabi ko na ilang hakbang lang rin mula saakin.

"Do I know you?"I asked.

"Nah. But Kevin knows me, nakilala niya ako sa bar when he's drunk."sabi nito saakin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.

"The hell I care."ani ko dito saka ko siya inirapan ng mga mata ko.

Nagulat na lamang ako ng hilain nito ang buhok ko at pang gigilan.

"The hell you care? What the fuck! Stay away from my Kevin!"galit nitong sabi.

Hinawakan ko ang kamay nito saka ako bumwelo at yumuko upang mabuhat ng aking katawan ang katawan niya.

*Bogshhhh!*

Malakas na tinig ang aking narinig mula sa pagkakabagsak niya sa sahig.

Alam kong hindi lahat ng tao kayang indahin yan.

Alam ko rin na may bali yan.

Impossibleng wala. HAHAHA!

"Why should I? Since we we're young, we're best friends. Not just that, our parents wants us to be the future husband and wife to each other someday! So don't you dare to tell me that I should stay away from him!"galit na galit kong sabi sakanya habang nakahiga ito sa sahig at iniinda ang sakit nang pagkakabagsak.

Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak sa tabi.

Ipinagpatuloy ko ang pagmemake up ko.

Maya maya naman ay narinig kong may tinawagan itong mga kaibigan niya.

"Nasa Cr ako girls. Puntahan niyo ako dito, please! Someone bullied me!"

Aba! Bully? Saang parte doon ang bully? Siya itong nauna ah.

Nakakaloka.

Binilisan ko ang pag aayos ko ng mukha.

Kalalagay ko lang ng liptint ko sa aking labi ng biglang pumasok ang mga kaibigan ata nitong babae.

Isang mataba na bansot.

Isang payat na matangkad.

Isang katamtaman na mukhang jeje.

Hindi kayo oobra saakin mga sis! Akala niyo ba.

"Hoy! Ikaw ba ang bumully sa kaibigan namin?!"sigaw saakin ng matabang bansot habang nakaturo ang daliri nito sa direksiyon ko.

"Zyriel! Siya yun!"dinig kong sabi ng babaeng nasa gilid ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin bago ako humarap sakanila.

"Eh ano ngayon kong ako nga? Isa pa hindi ako yung nauna kaya kung pwede magtigil kayo."ani ko sa mga ito.

"Aba! Aba! Matapang itong bago lang sa Gazmouand Academy ah!"sabi naman ng payat na matangkad.

Tinaasan ko sila ng isang kilay upang tuluyan silang maasar.

"Turuan na natin ng leksiyon!"sigaw naman ng jejemon saka sila sabay sabay lumapit saakin.

*Booggsshhh!*

*Bloogggg!*

*Kabloogg!*

*Boggsshh!*

*Pakkk!*

*Bloggg!*

Tumayo ako at inayos ko ang aking sarili.

"Nauna kayo so wala akong kasalanan diyan sa mga bali ng mga buto niyo ha!"ani ko sakanila na tila galit na.

Paano namang hindi. Pinagod nila ako.

Nagretouch ulit ako, syempre may shooting pa kami. Hindi pwedeng pangit ako doon nuh! Ako ata ang mukha ng Gazmouand Academy.

Papalabas na ako ng Cr nang biglang sumakit ang batok ko.

Gawa siguro ng pagod ko sakanila.

Nakakainis kasi itong si Kevin eh!

The great cassanova of all time!

Tapos heto ako! Nadadamay sa mga kalokohan niya.

Babe! Babe kasing nalalaman!

Lumingon ako sa apat na babae.

"Next time, you shouldn't try to fight the queen." ani ko dito bago ako lumingon sa daan ko.

Lumingon ulit ako sakanila.

"And oh! I forgot! Don't you dare to repeat it again or else. You guys will be dead."ani ko muli sa mga ito saka ako tuluyang lumingon sa harap ko at nag umpisa ng maglakad pabalik sa shooting place namin ni Kevin.

"Bakit ang tagal mo?"malamig nitong sabi saakin na sumalubong.

"There is a piece of trash of yours na sinugod ako sa Cr then I fight them back. Hindi naman ako lampa. Next time kasi, kapag magkakaroon ka ng basura, ayusin mo yung pagtatapon para hindi saakin lumalapit. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko nun eh."ani ko dito saka ako lumakad papunta sa kinaroroonan ng make up artist ko.

I may be harsh but this guy.

I love him the most.

Best friend ko siya eh.

Best enemy rin.

Punyeta. HAHAHAHA!

A/N: Hi guys! Can you give me some feedback? Can you give me your thoughts too sa mga susunod na mangyayari :) I love to read it, really! Anyways, this story is slow in updation ha! Im still focusing my self into my acads kasi and the contest na sinalihan ko. Thank you! Please do vote and comment! Thank you so much! 💜