A/N
Hehehe eto na naman ako uhmm gusto ko lang sabihin na walang POV dito si Gayle kasi tungkol kanila ethan ang chapter na to. Tsaka pasensiya na kung may mga na autocorrect like minute instead of minuto. Paki unawa nalang hahahaha yun lang naman and thank you for reading this far and umabot nga po pala ito ng 4158 words kaya enjoy hahaha
Please Vote and share
Enjoy reading!
Labyu all♡
-jai♡
Ethan's POV
Kakapasok pa lang naming sa gate ng school pero kung grabe makatili yung mga babae. Alam kong gwapo ako este kami pero wag niyo naman masyado ipakita sa amin na kulang nalang himatayin na kayo sa gwapo namin hahahah. Pumasok na kami sa building A at tangina akala ko malakas na yung tilian sa labas pero mas malakas pala dito, kulang nalang masira yung mga tenga naming sa sobrang lakas.
Feeling ko nga basag na eardrums ko eh. Ilang minuto lang ang lumipas mas lumakas ang tilian, di na ako nakapag timpi kaya tinignan ko silang lahat ng masama. Napatigil naman sila sa pagtili at umalis. May narinig akong tumawa kaya tumingin ako sa gilid ko kung saan nandun si Andrew
" Tanga mo naman nilalasap ko pa yung tili nila dahil sa kagwapuhan ko kaso pinaalis mo na sila hahahaha" sabi ni Andrew habang tumawa ng mahina. Ha! Ano akala niya siya lang ang gwapo sa amin, tangina lang masasabi ko sa kanya.
" Drew di ka pa nasanay dyan lagi naman niyang ganyan eh akala moa yaw pero yung totoo gustong gusto niyang tinitilian siya ng mga babae HAHAHAHA"
isang malakas na batok ang binigay ko kay aiden kahit kalian talaga tong lalaki na to daig pa ang babae kung makatawa. Ikinatawa din naman ni Andrew ang ginawa ko kaya binatukan ko din siya.
" Hoy! Ano ba may ginawa ba ako sayo ha tangina masakit yun ah" sabi niya habang naka hawak sa ulo niya.
"Tigil tigilan niyo ako sa pang aasar niyo baka mang hiram kayo ng mukha sa kabayo" sabi ko at tumawa naman sila parehas.
Sinamaan ko sila ng tingin subalit hindi sila nag patinag at tuloy pa rin sa pag-tawa. Habang kami ay naglalakad kung saan di pa rin tapos tumawa yung dalawa bigla nalang sumigaw si Andrew
"Blaise!!!!" sigaw niya sa babaeng naglalakad papunta sa lockers.
Humarap sa amin yung babae at nagsimula na naman uminit ang ulo ko. Bumungad sa amin si four eyes at tumingin kay Andrew. Ngumiti naman ito sa kanya at kay Aiden pero nung nagtagpo ang aming mga mata agad niyang iniwas iyon at tumingin kay aiden. Siguro nakita niya ang galit sa aking mga mata.
Sa totoo lang di ko pa rin siya napapatawad, sige sabihan niyo na ao ng OA pero hindi ko talaga siya mapapatawad hanggat di ko siya nakikitang nagdurusa. Sabihan niyo na din ako ng masama kasi wala akong pake. This is my nature, alam kong masama ako kaya walanv makakapigil sa akin kung ano ang gagawin ko sa kanya. Bumalik lang ako sa reyalidad ng mag salita si Four eyes.
"Sige una na ako" sabi niya na may ngiti sa mga labi. For sure nagpapacute lang yan dito sa dalawa. Hindina siya tumingin sa akin at umalis na. may tumapik naman sa akin sa balikat kaya tinignan ko ang aking gilid
" Suit natulala ka naman ata diyan?" sabi ni Andrew sa akin habang may isang nakakalokong ngisi sa kanyang mukha
"What's with the frucking smirk?" tanong ko sa kanya
"Wala lang napansin ko kasi na natulala ka nung dumating si blaise" sabi ni Andrew
"Baka naman gusto niya si calli"
" Shut the f*ck up!" sabi ko sa kanilang dalawa at nagpaunang lumakad.
Gusto? Tangina pano ako magkakagusto sa babaeng yun kung makita ko pa nga lang siya nangagalaiti na yung mga kamay ko eh. Tsaka wala sa Vocabulary kong mag ka gusto sa isang babae kung hindi si chibi yun. Fuck naisip ko na naman siya.
Walang araw na hindi ko siya naiisip, masasabi kong kahit wala siya sa tabi ko pero na sa puso't isip ko naman siya. Corny man pakinggan pero yun talaga ang nararamdaman ko. May umakbay sa akin kaya tinignan ko ito kung sino, nakita ko si Andrew with those frucking smirk. Wag niyang sabihin iniisip pa rin niya na may gusto ako kay four eyes, kung hindi tutumba siya ng di inaasahan.
Humarap ako sa kanya at binigyan siya ulit ng batok, humawak naman siya doon at masamang tumingin sa akin. Narinig ko naman na tumawa ng mahina si aiden. Tumingin ako sa kanya ng masama at tsaka lumapit sa kanya.
"Woah chill dre, huwag kang tumingin sa akin ng ganyan.... " sabi niya habang tinataas ang kamay na parang surrender na pero ang boses niya may halong pangloloko na may konting seryoso din. Hindi niyo naman matatanggal kay aiden ang pagiging seryoso sa kanya.
"Oo nga naman bro chill baka masira ang napaka gwapo kong mukha sa sobrang sama ng tingin mo sa akin" tumingin ako kay drew naka hawak pa rin sa ulo niya kung saan lumapat ang kamao ko sa ulo niya kanina sabay tawa nilang dalawa nila ni aiden,ngumisi naman ako sa kanila kaya napahinto silang tumawa
"Tangi naman alam naman nating hinanap pa ako ng mga imbentor para malaman na merong salitang gwapo hahahaha"
Sabi ko habang mayabang na ngumisi sa kanilang dalawa. Sabay naman nila akong binatukan kaya napangiwi ako sa sakit. Tangina pwede naman nila akong batukan pero wag naman yung sabay.
"Dre di masama mangarap"
"Drew hayaan mo na lang siya alam mo namang yan lang ang kaligayahan niya. ang purihin ang sarili! Hahahahaha"
Sinamaan ko sila ng tingin kaya naman mas lalo silang tumawa, nakitawa naman ako sa kanila. Aaminin ko namiss ko to. Natinag kami ng may nag salita sa gilid namin.
"Mr. Leonardo, Mr. Villafuerte at Mr.parallejo? what are you doing here mag iistart na ang class."
"Yes ma'am actually papunta na din po kami dun" sabi aiden, kahit kalian talaga siya talaga ang paborito ng mga professors namin. Tumango naman si ma'am at naglakad na papunta sa class namin. Sumunod na din kami at pumasok sa loob ng room.
Sa likuran kami umupo kung saan malapit nasa tabi ni Andrew si four eyes. Habang ako naman ay nasa kabilang dulo. Ayoko siya kasi baka masapak ko yun, at kapag nagawa ko yun alam kong di ako kakampihan ng mga kaibigan ko in the end ako ang may kasalanan kaya as long as andito yung mga kaibigan ko di ko muna siya guguluhin. Maybe I will tease her a LITTLE bit.
"Good morning class" bati ni miss kitano sa klase
"Good morning ma'am" sabi naman namin.
Inilapag niya ang kanyang mga gamit sa desk at nag simula mag turo. Ilang minuto lang ang lumipas tumigil siya sa pag didiscuss at tsaka kinuha ang mga index card namin, alam namin na kapag kinuha na ni ma'am kitano yung index mag rerecitation na kami. Araw araw ng recitation namin sa kanya eh. Kung si mr. chua surprise lagi ang recitation si miss kitano naman eh araw- araw. At oo miss siya kasi walang asawa bale byuda na siya.
"Lahat ng di makakasagot bawas 10 points sa grade sa akin" sabi ni ma'am kitano sa buong klase.
Bumunot siya ng index card at tinawag ang mga nabubunot na ang iba naman ay nakakasagot dahil madadali lang naman yung tanong pero yung iba naman hindi. Tangina talaga pag nag tanonng siya sa akin ng hindi ko alam! Mafa-fire siya ng di oras. Share holder dito si papa kaya may karapatan ako para mag fire ng mga teacher.
" Mr. Villafuerte" tawag niya kay aiden. Tumayo naman si aiden at humarap kay ma'am
"Yes ma'am?"
"Who was the wife of the future Henry VIII's older brother, Arthur?
"Ma'am it's Catherine of Argon"
"Well done mr. villafuerte as expected magaling ka talaga sa mga studies"
"Thank you ma'am"
May pa as expected pa si ma'am kay aiden pero kapag ako na yung sasagot wala na ngang well done susungitan ka pa. yung totoo may lahi ba tong compass kung maka ikot ng mata sa akin akala mo nag 360 turn na yung mata niya sa akin. Pabalik na sana si ma'am sa desk ng bumalik ito sa amin at tumayo sa harapan ko.
"Mr. Leonardo stand up"
Sabi niya habang hawak hawak ang index ko. Tumayo naman ako na parang bored na bored na habang siya naman ay mukhang pinapatay na ako sa utak niya. tumahimik siya sandali at tsaka nag tanong sa akin.
" What year was the magna carta signed?"
Shit! Alam kong alam ko to pero.....ugh nasa dulo ng dila ko. Tumahimik lang ako sandal at nag isip. Narinig kong nagtatawanan sila aiden kaya mas lalao akong nainis. Ilang minute din ang lumipas tumingin ako kay ms. Kitano nung nalaman ko na ang sagot.
" 1215" maiksi kong sabi sa kanya na ikinataas naman niya ng kilay.
Hindi ako sure sa sagot ko pero tangina sana tama. Tumago naman siya kaya umupo na ako alam kong tama ako kasi nga tumango siya. Tumingin siya sa akin ng mataray at ako naman ay nginisian ko lang siya. Inalis naman niya sa akin ang kanyang tingin at inilipat iyon kay drew. Tumayo naman ang mokong, pag eto di naka sagot tatawanan ko talaga to. Makatawa kanina sa akin akala mo hindi ko alam sagot.
"Who discovered penicillin?"
Tangina napaka dali naman nung sa kanya habang sa akin mahirap. Iniiling ko nalang ang aking ulo kasi I know na paborito din ni ma'am si drew ako lang naman ang hindi kasi daw bastos ako. Well I don't give a fuck kung ayaw niya sa akin. Ayaw ko din naman sa kanya eh mukha pang mang kukulam.
" Alexander Fleming ma'am"
" Right Mr. Parallejo and by the way welcome back." Sabi ni ma'am ng nakangiti.ngumiti din naman si Andrew sa kanya at umupo. Ngunit biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha niya kaya napatingin kami sa titignan niya.
nakatingin siya kay four eyes na susulat sa notebook, hindi siya pinansin ni four eyes kaya naman umubo si ma'am kitano kaya naman ito napatingin sa kanya. Nung una nagulat si four eyes pero bumalik din ito sa pagiging bored look, pabida ang amp.
Akala mo naman kung sinong magaling sa history, aaminin ko matalino siya pero di niya matutumbasan ang talino ko. Every year akong nasa top student list kasama sila aiden. Hindi din kami mahilig sa basketball kasi napaka basic na ang sport na yun pero may hilig kaming sport yun ay volleyball.
Sabihan niyo na kaming mga bading but we like mens volleyball. Bale kami din naman ang pinanlalaban ng university namin sa interhigh. Mamaya ko na sasabihin sa inyo kung ano ang mga position namin sa volleyball. Bumalik ako sa reyalidad ng magsalita muli si ma'am kitano.
" Miss dela Sierra stand the fruck up!"
O___O
Tama ba ang tanginang narinig ko? Minura ni ma'am kitano si four eyes.... HAHAHAHA di lang naman pala ako ang may ayaw sa kanya. Masama naman talaga ugali niya eh kaya mag dusa siya, nawalana vocabulary kong ipa tanggal si ma'am kitano. Nakita ko naman ang galit sa mukha ni aiden simula nung murahin ni ma'am si four eyes.
Sabi na eh may tama to kay four eyes. I just can't believe na mag kakagusto siya sa babae na yan. Bumababa na talaga standard ni aiden, tumingin ako ulit kanila ma'am at four eyes. Wala paring reaction si gayle na mag nag pa init ata ng kanyang ulo.
"When did Korean war end?
"Well as you can see ma'am hindi pa tapos cause north and south korea is still technically in war kaya nga mag kahiwalay pa in ang bansa nila diba. It's too obvious na you want me to fall for that stupid question. So my answer ma'am is it didn't end and we don't exactly know when will it end"
Umupo naman na si four eyes habang si ma'am naman ay umirap muna siya kay four eyes tsaka bumababa papunta sa desk niya. kahit kalian talaga napaka yabang ng babaengyun akala mo kung sinong matalino. Nag ring ang bell kaya nag recess na kami pero bago pa man kami lumabasnarinig kong nag salita si Andrew kaya napatingin kami ni aiden sa kanya.
"Blaise sabay ka na sa amin?" tanong pa niya kay four eyes na nag-aayos ng gamit niya. tumingin naman sa kanya si four eyes. Ngumiti naman ito at tumingin sa aming dalawa ni aiden, bigla naman nag bago ang kanyang ekspresyon ng mukha niya nung mag kita kami.
"Oh sorry I can't kasabay ko kasi sila kierra" sabi ni four eyes habang may maliit na ngiti na naksilay sa kanyang fucking mukha.
"Ahh ganon sige sa susunod nalang" sabi ni Andrew habang nag kakamot ng ulo.
"Sige na una ako , bye!" sabi niya kay Andrew tsaka kumaya, kumaway din naman siya kay aiden at tsaka umalis. Pumunta naman sa amin si Andrew tsaka sabay sabay kaming umalis ng room. At as usual nag titilian na naman ang mga babae kapag dumadaan kami sa harapan nila. Etong si Andrew naman ay todo ngiti pa kaya mas lalong lumakas ang tilian. Si aiden naman ay walang pakielam
"Grabe ang gwa-gwapo talaga nila no!"
"Sa akin ka nalang aiden!"
"Shet nginitian ako ni Andrew!"
"Tanga ako yun!"
"Hi papa ethan!"
Tili ng mga babae sa magkabilang gilid namin tatlo, sa totoo lang naiirita na ako sa mga boses ng mga babaeng to. Pag di talaga sila tumigil isa isa kong tatahiin ang mga bibig neto para matahimik ang hinayupak. Di nalang namin sila pinansin pero kapag may sumisigaw gamit ang pangalan ko tiitignan ko sila ng masama kaya napapahinto sila.
Ayaw kong tawagin nila ako by my first name si chibi lang ang pwedeng tumawag sa akin nun. Clifford lang ang itatawag nila sa akin kapag babae kapag lalaki naman it's pursuit. Sa mag babaekada meron kaming code name kumbaga kasi....... Wala. Wala ka ng pakielam dun author!
( at ako pa sinabihan mo niyan! I ku-kwento ko yun kapag gusto ko kaya tumahimik ka nalang diyan. Shut the freak up ETHAN)
Sabing walang tatawag sa akin ng ethan eh. Hay nako bakit pa kasi ikaw naging author nitong libro na to. Sige na nga talo na ako kaya balik na tayo sa pinag uusapan natin.
Yun na nga pumasok na kami sa canteen atpinag titinginan kami, yung mga babae pasimpleng tumitili habang yung mga lalaki naman ay naka ngisi lang sa amin. Alam kong madami ditong gusto makalaban grupo namin pero sadyang mahihina lang sila kaya wala silang magwa kung hindi ay tumahimik nalang. Umupo naman kami sa nakareserve na upuan talaga namin at tsaka umorder ng food. Yung cateen kasi dito pangrestaurant ang sistema.
"Dre sabi nga pala ni coach may practice tayo mamayang hapon. Kasama na dun sila Sky tsaka Ackie" sabi ni aiden na nakatingin sa cellphone niya. tinignan ko naman yun kaso iniwas niya yung cellphone niya sa akin
"Hala dre nag sisikreto ka na samin ah, di mo na ba kami lab ha!" sabi ni Andrew at may pakiss kiss pang pose. Tangi naman bakla talaga ang ampato binatukan naman siya ni aiden kasabay ng aking pag tawa. Sa totoo lang na miss ko din naman to pero mas ok siguro kung kumpleto kami.
Di naman sa hindi ako masaya ngayon ok lang pero tangina mas gusto ko akapg kumpleto kami. Nung dumating na sa amin ang inorder namin kumain na kami kaso sa kalagitnaan ng aking pagkain, nakita ko ang isang babaeng na may dalang tray ng pagkain. Lalagpasan na niya dapat kami but not so fast you dimwit.
*booogsh*
Pinatid ko siya, sabay sabay naman nag tawanan ang mga estudyante sa loob ng canteen. Napatingin din sila aiden at Andrew sa babaeng pinatid ko, tumingin din naman sila sa akin na parang pinag eexplain ako kung ano ang ginawa ko sa kanya.
"Ano aksidente ko lang naman na harang yung paa ko eh. Tsaka kasalanan ko ba kung bulag siya?" sabi ko sa kanila at tsaka tinignan yunv babae. Tumayo naman si aiden at tsaka inalalayan ang babaeng tumayo....
"Hahahahaha yan ang napapala"
"Masyado kasing malandi eh"
"Wala na atang napaglagyan hahahaha"
Tawanan ng mga tao habang isa isa naman silang tinignan ng masama ni Andrew. Tumingin naman sa akin si aiden habang pinupulot ang gamit ni .......
" Miss ok ka lang ba...... calli?!"
Nung iniwas ko yung tingin ko kay aiden kaya nalipat naman it okay Andrew na nakatingin din sa akin ng masama. Binigyan ko lang siya ng serious look. Nag sukatan kami ng tingin hanggang siya na mismo ang nagiwas ng tingin. Lumapit din siya kay calli kaya mas lumakas ang bulungan ng mga tao. Di ko alam kung ano yung pinagsasabi nila na malandi si four eyes pero nagustuhan ko iyon.HAHAHAHA knowing na hindi lang ako ang may ayaw sa kanya.
"Hrabe napaka landi naman nitong babaeng to"
" Oo nga akala ko pa naman mabait yun pala may tinatago ding pagkamalandi"
"Sarap niyang sabunutan girl"
Tumahimik din naman sila nung tignan naman sila ni aiden. Yung totoo ano ba nagustuhan nila sa babaeng yan at parang parehas pa silang may gusto ni Andrew kay four eyes. May diperensiya na ata mga mata netong dalawa na to eh, mamaya aayain ko sila sa EO hahahaha.
"Balise are you ok? May masakit ba"
"Wala naman, sige una na ako ah"
Tumayo siya at umalis bigla ng cafeteria, tumawa naman ako kaya naman napatingin sa akin silang dalawa. Umupo sila sa tabi ko tsaka ako binatukan ng malakas. Yung MALAKAS napahawak naman ako sa ulo ko tsaka tumngin sa kanila. Pero di ko naman sila tinignana ng msama kasi nasa good mood ako dahil napatid ko si four eyes.
" HAHAHAHA did you si her mukha. Grabe napaka epic ng mukha niya, bagay sa kanya yun. Kaso nga lang kulang pa HAHAHHAHAH"
"Tangi naman anong nakakatawa dun ha!?" sabi ni aiden. Minsan lang siya mag-mura kaya alam kong galit siya. At wala akong pake kahit ipagtanggol niya pa yun. Tutal superhero naman lagi ang papel niya eh.
"Bakit ka galit ikaw ba yung pinatid ko?" sabi ko na may pagka sarkastikong tono. Ayoko man magalit sa kanya pero tangina ako yung kaibigan niya pero yung tangang babae pa rin yung kinakampihan niya eh.
"Eh kung sayo ko kaya gawin yun ha tapos sasabihin ko hindi ko sinsadya!?"
" then do it" biglang sumeryoso ang aking ekpresiyon. Tangina lang pinipili niya bang protektahan yun kaysa sa kaibigan niyang ginawan niya ng masama.
" Fruck you!"
" Fruck you too!"
"Stop it! Para kayong mga bata" saway sa amin ni Andrew.
Umalis naman si aiden sa tabi ko, kinuha niya yung mga gamit niya at tsaka lumabas ng cafeteria. Nanatili naman sa harap kosi Andrew pero kita mo sa mata niya na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko kay four eyes. Pero di naman na siya nag salita. Kasalanan mo to four eyes pag hindi talaga kami nag kaayos sa practice mamaya at napagalitan kami mas malala pa diyan gagawin ko sayo.
Nag ring na din ang bell kaya naman bumalik na kami sa classroom, class ngayon namin sa literature kay miss Farah. Dumating kami sa classroom ng wala pa si miss kaya nag hintay pa kami. Napansin ko din na wala pa si aiden kaya naisipan kong ipatext ito kay Andrew. Sa amin naman kasi kahit mag away kami hindi naman namin kinakalimutan ang isa't isa kahit minu minute pa yan.
Ilang minute din ang lumipas pumasok na si miss farah pero wala pa rin si aiden.
Napansin ko din na wala din si four eyes kaya alam kong mag kasama silang dalawa. Ano ba kasi nakita ni aiden sa babaeng yun at kahit iwan kami eh kaya niya, sa aming grupo kasi walang mang iiwan kahit isang araw pwera nalang kung may importante kaming gagawin bawat isa. Natapos ang buong class pero walang aiden ang nag pakita
"Dre wala bang sinabi sayo si aiden?" tanong ko kay Andrew na kaslukuyang nag cecellphone.
"Wala dre eh. Makikita naman natin siya sa practice mamaya. And excuse na daw tayo sa class ni sir chua kaya pumunta na tayo dahil panigurado nandun na sila coach."
Sagot sa akin ni Andrew at tsaka nag ayos ng gamit. Pumunta muna kami sa canteen para bumili ng energy drink at tsaka pagkain, dumiretso na kami sa volleyball court. Pag dating namin sa court nandun na silang lahat, kasama na dun si aiden. Di niya ako pinansin pero alam kong magse-set siya sa akin.
" Oh Mr. Parallejo welcome back to the team!" bati ni coach paul kay Andrew. Actually volleyball player din si coach dito sa school cause they are representing our school kapag may tournament ang mga teacher. Tapos kami naman sa mga seniors, gaya ng nasabi ko sa inyo kami ang pinanlalaban ng school namin pag dating sa volleyball. Nang matapos ang batian pumunta na kaming dalawa ni Andrew sa lockeroom namin.
Pumunta ako sa locker ko tapos nag palit ako ng damit, kapag nagpra-practice kami ay plain shirts lang sinusuot namin. Nang matapos ako mag palit sakto naman na kaatapos lang maligo ni Andrew.
"Dre mauna ka na dun" sabi sa akin ni Andrew na kasalukuyang nag bibihis na. gusto ko man mauna na pero mas gusto ko siyang hintayin kaya nag hinintay ko muna siya makapag bihis tsaka kami lumabas. May narinig kaming mga ingay kaya paniguado andyan na yung makaka-practice match namin.
Pumunta naman agad kami sa bench kung saan nandun si coach at iba pa namin team mates. Total sabi ko kanina mamaya ko na sasabihin sa inyo kung ano yung position namin, well let me introduce our positions
"Andrew siguraduhin mong mabla-block mo ang bola nila kapag nag fast attack sila then always remember put you strength in your fingertips and put your hand forward in your head not above ok.?"
"Yes sir" sagot ni Andrew. Siguro alam niyo na kung ano position niya.
Andrew Parallejo
Position: Middle blocker
Titled as: Best middle blocker in prefecture
"Aiden if you know that the blockers are not paying attention to you, dump the ball pero kapag masyado silang alerto fast attack is needed. Tsaka visualize all of the movement of your team mates and your opponent." Sabi ni coach na tumingin pa kay aiden
Aiden Villafurte
Position: Setter
Titled as: the king of all setters in spring tournament
"And ethan you know the drill wala na akong sasabihin sayo kasi alam kong alam mo na ang mga sasahin ko sayo kasi ikaw yun captain dito kaya umayos ka wag ka magloloko."
" Yes ser!"
Ethan Clifford Leonardo
Position: Wing spiker
Titled as: the Ace of Venomous team, the leader of wing spikers
"And by the way team wala tayong libero dahil wala pa siya pero for sure papasok na yun mga next month kasi sabi niya sa akin ay makakasama daw siya sa inter high kaya dig lang ng ball."
"Yes coach!" sigaw namin lahat gaya nga nang narinig niyo wala kaming libero kaya walang taga save ng bola kapag malapit ng bumagsak sa court. Konti lang din kami kasi karamihan ng mga seniors basketball ang pinipili, bale mga 10 lang kami. Madami din naman sa aming wing spiker pero ako talaga yung pinakamalakas sa kanila HAHAHAHA
"Huddle up!" sigaw ni Andrew at syempre ako yung captain ako din mag sasabi ng speech namin.
"Whatever it takes, we will fight till the end. Were like oxygen that need to keep flowing, like a snake silent but dangerous and Venomous! Venomous Fight!"
" Ausssss!!" ( Osss ang pag kakasabi niyan)
Sabay sabay na sumigaw ang aking mga team mates, humarap naman kami sa makakalaban namin. Venomous kaya ko naisip na yan ang ipangalan sa team namin kasi napansin kong kapag nag lalaro kami tahimik at seryoso pero asahan mong delikado kaming mag laro dahil sa mga wing spikers namin kasama na ako dun.
Malalakas kami mag spike kaya minsa kahit anong block nila nalalagpasan pa din namin at babagsak sa lupa, malakas din ang mga jump serve namin kaya daw kami delikado kasi baka daw mabali yung kamay niya sa sobrang lakas ng impact ng bola.
*Prrrriiiiiiitttt*
" Line up!" sabi ng referee
Nag line up naman kami sa line ng court. Tinawag ako kasi ako yung captain.
" Captains!"
Kumuha siya ng toss coin tsaka ito tinoss sa amin ang ball at sa kanila naman ang plain color blue sa coin. Lumapag ang sign ng bola kaya kami ang mamimili kung we serve fist or we receive first
"serve first" sabi ko tapos bumalik na ako sa line up namin. Lumine up na din kami sa loob ng court kaya ako ang nasa front row kasama si aiden at Andrew tapos ang nasa likod naman ay sila sky, ackie at harry. Si harry ang magseserve sa amin, isa siya sa pinakamagaling na magserve sa amin.
*Pritttttttt*
LET THE GAME BEGIN!