Maaga akong nagising ngayon dahil may pasok. Naka labas na kahapon ng hospital si Evan. His parents prepared all the things that needed to be accomplished yesterday. They are so happy that finally okay na siya. His Dad told me na hinahanap pa rin nila kung sino man ang may gawa nun sa anak nila. But I know they can't find anything because of Luke. Luke fixed all the things even the traces na maaring makapag pa turo kung sino ang tunay na salarin.
I looked myself for the last time at the mirror. I need to look pretty today dahil ito ang first day ko ulit sa SWU. Ang kulit kasi ni Evan. Sabi ko nang huwag na munang pumasok ngayon at magpa hinga muna kaso ayaw magpa awat dahil ayaw daw niyang mahuli sa klase. Biruin mo nga naman, MMSIPNAPRNM! /Malandi man sa inyong paningin nag aaral pa rin ng mabuti/
I even told him to stay in their mansion. His unit is not safe. Nag tataka kasi ako kung paano pa nakapasok doon si Lia na hampaslupa e napa palitan ko na noon ang passcode kay B. Nahihiwagaan na ako sakaniya. Naisip ko nga na baka part siya ng underworld or connected siya doon. It's either of the two. But I don't fucking care. I'm not scared to her. Hayop siya. Once na mahanap ko siya hindi ako mag dadalawang isip na pahirapan siya!
Dumiretso ako sa kusina to get the food that I prepared for my boyfriend. Naks! Kinikilig talaga ako kapag naiisip ko na boyfriend ko na si Evan. Pero kapag naiisip ko ang nangyari sakaniya nang gagalaiti ako. ME ako ngayon. /Mixed emotion/
After I got the food ay lumabas na ako. Today is the day. I need to study well dahil magiging kaklase ko siya. Baka mamaya tanungin ako ng Prof tapos hindi ko alam ang sagot edi napahiya ako. Baka isipin niya na ang bobo ko. Mygosh! Baka ma turn off siya sa akin! TCB! /That cannot be/
I talked to Kai last night na ngayon na ako papasok. He said that it's fine kung ma late ko nang maibigay lahat ng documents ko. He'll just fix it. POHAFLKS. /Perks of having a friend like Kai Shinwoo/
Sumakay na ako nang kotse ko at pina andar iyon. Evan doesn't know na doon na ako mag aaral. I want to surprise him. Malamang sa malamang kilig titi non sa akin. Yikes! Ang bastos ko na talaga. Ito na ba ang epekto ng pagiging girlfriend ng isang manyak at bastos? But it's okay. As long na si Evan ang babastusin ko okay na okay ako.
Nag ring ang cellphone ko and I looked at my screen and it's Luke. I answered it.
"Yes my dear brother?"
"Lucia, sa Japan nag punta si Lia." Nag igting ang panga ko sa narinig ko. Mapatay sana siya ng mga Yakuza doon. Bwisit siya. "But after going to Japan they left again going to America."
"Ano ba 'yan? May fieldtrip ba sila? Hayop na babaeng 'yan! Ang dami niyang pera pangbili ng airline ticket ah!"
"Yun nga rin ang pinag tataka ko. His father is working in a company at walang trabaho ang Mom niya. Hindi ganoon ka yaman ang pamilya niya but she lives in one of the prestigious condo at nakapag aral pa siya sa SWU. Where in hindi naman siya scholar. I think someone is supporting her and her family. But I'm not sure yet. I'll find more about it."
"I'll ask B to find information too. It's either she's a part of underworld or connected siya doon. But if she's a part of it, hindi ko siya nakikita even once. I asked my gangmates last night pero hindi raw pamilyar sakanila ang letseng 'yun. And that's impossible kung parte man siya right?"
"Actually, ang hirap niyang hanapan ng information."
"Babaliw baliw lang pala ang babae'ng 'yun pero matindi rin."
"Yes. And one more thing, just a brother reminder. Even though that woman isn't here anymore watch out for Evan. We don't know if he's safe."
"Yes. Don't worry, I can handle this one."
"Okay. I just called to say that. Bye! See you later. I love you."
"I love you, too."
Saktong pagka end ng call ay nakadating na ako sa SWU. I parked my car at bumaba na ako doon. Sinalubong ako ni Kai. Did he wait for me?
"Good morning!" Bati ko sakaniya. "It's good to be back!"
"Yes, welcome back. And please, don't do such things na magiging dahilan nang pagkaka kick out mo ulit. Be a nice girl now, Lucia."
Tinawanan ko nalang siya.
"Grabe ka sa akin, Kai! Anyway, thank you so much for helping me. I'll just get my schedule. Sa registar right?"
"You don't have to go there. Heto na at dala dala ko." Inabot niya sa akin ang papel. I looked at it and it's my schedul nga. Woah!
"Omg! Salamat talaga."
"Gaya ng request mo mag kaklase kayo ni Evan sa lahat ng subjects na meron siya. Some of his subjects ay tapos mo na dahil hindi naman parehas ng curriculum ang university mo sa SWU. Pero I still included you there. Kaya okay lang kung hindi ka na makinig doon dahil tapos mo na rin naman. Kinausap ko na ang mga professors mo."
"So it means parang saling pusa lang ako sa ibang subjects?"
"Yes."
"It's really a good thing to be friends with you."
"I'm doing this because I know once I asked for your help, you'll help me right? Just like our promise."
"Of course I will."
I know Kai since we were a child. My father and his father are friends so we became friends too. We have this kind of agreement na we should give and take. Dahil ganon naman talaga kapag mag kaibigan. Hindi puro take. Hindi puro give. It should be vice versa.
"Do I need to tour you around?"
"Ah no. I'm okay. Tanda ko pa rin naman ang mga rooms dito."
"Okay. So, I'll go ahead. May klase pa ako. Magiging kaklase mo rin ako sa ibang subjects. See you later."
"See you. Thanks again."
Nagpa alam na ako sakaniya at umalis na rin siya. Nag lakad na ako papunta sa unang subject ko. I looked at my schedule at P.E pala ang first subject namin today. Sa gym kami magkaklase. Jusko naka dress pa man din ako ngayon. Pero first day palang naman so maybe wala pang gagawin.
Pag dating ko sa gym ay pumasok ako at hinanap ang bebe of my life. Kaklase ko rin kaya si Lancie at Kennedy? Kaso iba ang course ni Lancie sa amin e. Kahit gaga 'yun Biology ang course niya. TDNE. /Talino daw niya e/ Tandang tanda ko pa ang rason kung bakit 'yun ang course niya. She wants to study life raw. Edi wow.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng gym pero hindi ko mahanap ang bebe Evan ko. Saan na kaya 'yun? Wala pa ba siya? Is he late? Siya 'tong excited pumasok pero mukhang nauna pa yata ako.
Aha! Nadako ang paningin ko sa kabilang banda at nakikita ko si Kent ngayon. Salamat sa makantong mukha niya na nag sa shine kahit sa malayo. Nandoon siya sa isang bleacher habang naka akbay sakaniya si Dred at may limang babae silang kasama at nag kukumpulan. Ang aga naman nilang makipag harutan! Akala ko ba may nililigawan na 'tong si Hong pero bakit nakikipag tawanan pa doon sa mga babae? Salawahan naba siya?
Lumapit ako sa pwesto nila. Napa kunot ang noo ko nang makita ko sa siwang si Evan na tatawa tawa at nasa gitna nang medyo makalapit ako. Siya pala ang center of attraction. Hayop na 'to. Binabash ko si Hong sa pakikipag tawanan e pota nandito rin pala ang boyfriend ko na mas malandi pa sa pokpok!
"Evan, bakit hindi mo sinabi na na hospital ka pala? Edi sana dinalaw kita." Sabi ni BNMMBN 1 /Babae na may malanding boses number 1./
Gagang babae 'to. Close ba kayo para dumalaw ka?! Unang araw ko palang dito sa SWU pero parang sira na agad ang araw ko sa nakikita at naririnig ko. AHNT. /Actually hindi nakakatuwa 'to/
Tahimik lang akong nakatayo dito sa may gilid nila at nakikinig. Taragis kayo ha. Ginigigil niyo ako.
"It's okay. I'm fine now." Wow naman sa sagutan ang malanding Evan na'to! Sumasagot pa talaga.
"Masakit ba? Sino ba may gawa niyan sa'yo?" Tanong ni BNMMBN 2. /Babae na may malanding boses number 2./ Hayuuup!
"Oo nga. I can tell it to my dad para tulungan ka niya! Hmp!" Ampota sa hmp si BNMMBN 3! /Babae na may malanding boses number 3/
Tutulong tulong ka pa na letse ka. Puntahan mo sa America ang may gawa sakaniya niyan atsaka mo patayin! Pero parang gusto ko na pati siya ay mamatay. Mygod! Ganito ba talaga kapag nag mamahal? Nagiging makasalanan?
"O Evan! Tutulungan ka daw pala niya e. Ayiiee!" Pang asar ni Dred. Naningkit ang mata ko sa ayiiee niya. Paki pa alala sa akin na ipapa tumba ko rin 'tong gago na 'to.
Naka kunot na ang noo ko dahil sa mga naririnig ko. Napalingon si Kent sa pwesto ko at nanlaki ang mata niya nang makita niya ako. I evily smiled at him at pinakita ko sakaniya ang kamao ko. Gulat na gulat ang makanto niyang mukha.
"Hehe. Alam niyo girls, okay naman na si Evan e. Malakas 'yan kaya huwag na kayong mag alala. Umupo nalang kayo at mag aral ng mabuti." Kinakabahan na sabi ni Kent. Kabahan ka talaga.
"No! We're really worried. If only I can take some of your bruises, Evan. I will."
"Huwag mong sabihin yan Anna! Baka magka totoo. Okay na 'yan si Evan. Magaling na siya. Upo na kayo dali."
"Bakit mo ba kami pinapa upo Kent? E ikaw nga nagpa punta sa amin dito."
Aba't talaga naman. Siya pala ang may sala ah. Bibinggo na sa akin ang isang 'to sa lahat nang pinag gagagawa niya. Nilingon ulit ako ni Kent at tumango tango ako sakaniya. Para talaga siyang matatae sa itsura niya ngayon. Gago siya.
"H-hindi ko kayo pinapapunta dito!"
"Sana gumaling na ang mga sugat mo, Evan. Pero kahit naman may sugat ka hindi pa rin nag babago na ang gwapo mo." Hindi na siguro ma i drawing ang mukha ko ngayon dahil sa mga pinag sasabi nang mga babaita na'to.
"Patingin nga ng sugat mo, Evan." Hinawakan ng babae ang mukha ng bebe ko at parang nag dilim ang paningin ko. How dare him to touch my bebe's face!!! That's it!
"Get your fucking hands off of his face, bitch."
Napa tingin silang lahat sa akin at gulat na gulat si Evan at Drei. Sabay pa talaga silang nagulat.
"Lu-lucia? Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Dred.
Tumayo si Evan at niyakap ako. Humiwalay ako sa pagkaka yakap niya. Tatamaan sa akin 'to.
"Kayong lima. Umalis kayo dito kung ayaw niyong bigyan ko kayo nang tag lilimang pasa. Layas! Mga letse!"
Mabilis na nag takbuhan ang limang babae at kami nalang ang natira dito sa pwesto. Bilin paman din ni Kai ay magpaka bait ako. Pero kung ganito naman ang madadatnan ko sa araw araw ay baka maka patay ako.
"Ano 'yun, Evan ha? Wala lang ako nakuha mo pang magpa charming sa mga 'yun?"
"Baby, na awa sila sa akin."
"Na awa? Baka gusto mong ka awaan ka talaga ng buong mundo kapag nakipag break ako sa'yo."
"Lucia, hindi magandang biro 'yan ah."
"Bakit? Sapalagay mo nag bibiro ako? Kapag may nakita pa akong ganon at hindi ka umiwas, tandaan mo ako ang iiwas sa'yo habang buhay na gago ka."
"Tinatakot mo ba ako, Lucia?"
"Oo. Bakit? Hindi ka ba natatakot?!"
"Syempre natatakot! Ayaw kong iwan mo ako! Sorry na po. Hindi na po ma uulit."
Umupo ako sa tabi nang pwesto niya kanina at nilagay ko ang bag ko. Umupo siya pati na rin si Dred sa tabi ko at sa tabi ni Evan umupo si Kent.
"But baby, what are you doing here? Don't you have class?"
"I do have."
"Ganiyan ka kamahal ni Lucia, Evan! Kahit may klase siya pupuntahan ka pa. Lucia for the win!" Singit ni Boy Kanto. Baka akala niya nakalimutan ko na ang narinig ko na siya ang nagpa punta sa limang babae na 'yun.
"Kent, sasapakin ko ang mukha mong makanto mamaya. Fuck you, ka. Mag tawag ka ng babae kapag wala si Evan!"
"Sorry na, Lucia. Hindi na rin ma uulit."
"If you have class, go to your school, Lucia. Ano pa ginagawa mo dito? Miss mo na agad si Evan? Naks!" Singit din ni Dred. Tinignan ko siya nang masama. Na alala ko nanaman ang pag "ayiiee" niya kanina at yun na yata ang pinaka masamang ayyiiiee na narinig ko sa tana ng buhay ko.
"Isa ka pa! Huwag mo akong kausapin. Narinig ko ang pag ayiiiee mo kanina." Ginaya ko talaga yung way nang pagkaka sabi niya.
"Sorry na. Pinapasaya ko lang sila e." Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis kong inalis 'yun.
"Ano ka? Clown? Dapat sa akin ka lang nag a ayyiiee! Ako ang girlfriend ni Evan kaya ako lang dapat ang inaasar niyo sakaniya. Nagkaka intindihan tayo, Hong? Tatamaan ka sa'kin."
"Oo na. Hindi na rin mauulit."
Para silang maamong tupa sa pag sabi nang hindi na mauulit. Mag kakaibigan nga talaga sila.
"But baby, really. Why are you here? You should go to your school. Mahal kita pero ayaw ko namang sirain mo ang pag aaral mo dahil sa pag mamahal mo sa akin." Ay wow! Ang lakas niya sa part na 'yun.
"Evan, dito na ulit ako mag aaral. I already talked to Kai yesterday."
"What?!" Sabay sabay nilang tanong. Para silang minions.
"Are you saying the truth baby?"
"Yes. Ito nga oh. Schedule ko."
Pinakita ko ang schedule ko sakanila at pinag agawan nila 'yun. Parang tanga talaga silang magka kaibigan.
"Oh fuck! We have the same schedule." Niyakap ako ni Evan at hinalikan ako sa may pisngi.
"Yes. We do have. Kaya lagi tayong mag kasama starting from now."
"Make out tayo mamaya sa CR." Bulong niya sa akin. Binatukan ko naman siya. Hayup! Pero parang gusto ko. Hehe. Mapag bigyan nga siya mamaya.
"Ayaw mo?" Bulong niya ulit.
"Gusto." Naka ngiti kong sagot sabay taas baba ng mga kilay ko.
"Excited na ako. Tara na kaya?"
"Abnormal. May klase pa tayo."
Natigil ang landian naming nang may mag salita sa harap. Si Jetlee yun ah.
"Excuse me? Can you please listen to me for a while." Siya ang SSC President nang SWU. Ang gwapo rin talaga ng isang 'to. I tried to flirt him before kaso may secret girlfriend siya so I stopped dahil loyal siya. Maharor ako pero ayaw ko namang maka sira nang relasyon. I know my limits.
"You'll have your new professor in P.E.. Ma'am Linda wouldn't be your professor anymore. Just wait for 5 minutes and he'll come."
"Bro, bakit tayo may new prof? Umalis na ba si Ma'am?"
"Hindi. Nakita ko nga siya kanina e."
Umalis na si Jesebel sa harap at nagpa alam. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil wala naman akong paki doon. Ang mahalaga kasama ko si Evan. Hinawakan ko ang kamay niya at pinag salikop 'yun. Mygosh ang laki talaga ng palad niya. Sakop na sakop dede ko dito. Yikes! SHOM!" /So harot of me/
"Evan ang laki ng palad mo no?" Nilaro laro ko ang kamay niya. Iniisip ko tuloy yung nangyari sa Batangas noon. Parang gusto kong mangyari ulit 'yun. Enebe naman 'tong hormones ko! Napaka wild.
"Malaki talaga 'yan. Pero hindi lang 'yan ang malaki sa akin." Natawa ako sa sinabi niya. Pinwesto niya ang kamay naming magka salikop sa may bandang puson niya. Enebe nemen! Lower please.
Pinalipat ko si Kent sa pwesto ko at nag palit kami. Ang awkward naman kung nag lalandian kami at nakapa gitna pa kami sa kanilang dalawa.
"Tara na kasi sa CR, baby?" Bulong nanaman niya sa akin. Oh my goodness! Bakit ganiyan ang tono ng boses niya?! Kaunting yaya nalang talaga niya papayag na ako. Hindi naman ako mahirap kausap e.
Nilagay niya ang isang kamay niya sa may likuran ko at hinimas himas niya ako doon. Para akong kinilabutan sa ginagawa niya.
"Evan..." mahinang bulong ko sakaniya.
"Fuck. Stop saying my name like that, baby. I'm having a boner."
"Ang bastos niyo!!" Napa tingin ako sa likod ko at nagulat ako nang makita si Kennedy doon at mukhang kanina pa siya nakikinig sa amin. Letse.
"Anong ginagawa mo diyan, bru? Kanina ka pa ba?"
"Oo bru! Dinig ko lahat ng bulungan niyo. Nakaka diri kayo!"
"Manahimik ka nga diyan at baka may maka rinig sa'yo." Bawal ko sakaniya.
"Bakit ka kasi nakikinig sa amin?" Tanong ni Evan.
"Nakita ko si Kai kanina. Sabi niya dito ka na daw mag aaral. Kaya pinapalit ko ang schedule ko para magkaklase tayo. Ayaw ko nang kasama si Alex. Masama siyang tao. Hindi siya mabuting ehemplo. Panay pa ang away nila ni Helena. Nag sasawa na akong umawat."
"Buti 'yun. Mas magandang ako ang kasama mo kaysa sakaniya. Baliw ang isang 'yun kaya huwag ka nang makiki halo bilo dun."
"Tama ka bru. Pero masama ka rin naman e. Hehe."
"Good morning everyone! I'm sorry, I'm late."
Napunta ang atensyon naming lahat sa may harapan.
Totoo ba 'tong nakikita ko?
Kinurap kurap ko ang mga mata ko dahil baka naduduling lang ako o nan lalabo na ang mga mata ko.
"Tangina bro."
"Hayop."
"Bakit siya ang prof natin?"
"Parang nag sisi ako na pinapalit ko pa ang schedule ko."
Halos matumba ako sa kinauupuan ko ng makumpirma ko na siya nga yun. Lalo na nang sinulat niya ang pangalan niya sa may board! Letse! Siya magiging prof namin? HAHAHAHAHA.
"Omg! Bakit ang gwapo?!"
"Shit! Okay lang kahit hindi na si Mam Linda prof natin."
"Araw araw na akong papasok."
Dinig na dinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Tinignan ko sina Dred, Kennedy, Kent at Evan at kapwa silang mga naka nganga.
"So class, I'm Luke Adams. And I'll be your professor on this subject starting from now."
Anong ginagawa ng kuya ko dito? Hahaha. Bwisit na 'yan!