webnovel

First Date

"Pwede ba ako muna ang maghatid sa kanya?" paalam ni Teya sa dalawang kasama ko ng makarating na kami sa gate, nasa harap namin ang van nila na lagi kong sinasakyan dati.

"Pwede syempre!" Ako na ang sumagot kasi mukhang nag aalangan pa sina Khero at Grint e. Pagkatapos naming magpaalam ay pumasok sa kaming dalawa sa sasakyan.

"Hayyy namiss ko to!" Masayang litanya ko at iniayos ang upo. Napawi naman ang ngiti ko ng makitang seryoso ang mukha ni Teya. Luh? Anong problema niya?

"Hoy Teya! Bat parang sobrang seryoso ka?" Takhang kinalabit ko siya. Huminga muna ito ng malalim bago kinuha ang dalawang kamay ko.

"Sana...uhmmm...sana habang maaga pa makapili ka na sa kanila, alam kung alam mo ang ginagawa mo pero nag aalala na ako sa pwedeng mangyari" nag aalalang tanong nito. Binawi ko sa kanya ang kamay ko before I cuffed her face.

"Wag kang mag alala, Trust me" I gave her a reassuring smile kaya ngumiti nalang ito pabalik at ibinaling sa bintana ang tingin. 

Tama nga siya, medyo nauubusan na ako ng oras. Siguro dapat mamili na talaga ako. Hayyys hirap naman kapag pinagaagawan. Naku naku.

I stared at the ceiling at napahinga ng malalim. Nasa kwarto ako ngayon at halos mag hahating gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Binabagabag pa din ako sa sinabi ni Teya.

'...nag aalala na ako sa pwedeng mangyari' 

Huminga ako ng malalim at bumangon. Half bath lang ulit ako kahit kaka half bath ko lang kanina para whole bath na siya. HAHAHA aretmetek nemen pele

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin lalong lalo na ang mga mata ko.I have sectoral heterochromia, kaya nag aagaw ang kulay asul at grey sa iris ng mata ko. Kalahati ng iris ko ay ocean blue while the half of it are silver grey.Wala na din ang make up ko kaya kitang kita ang kutis kong kumikintab sa sobrang puti at mamula mula.

I was gorgeous, yan ang dahilan kung bakit ako nagpapangit. Halos lahat ng lumalapit sa akin nandiyan lang dahil maganda ako. Wala e, nasa mundo ako kung saan mahal ka ng lahat pag maganda ka.

"Eh?" napalingon lingon ako sa paligid ko ng hindi maaninag ang kulay pulang mustang ni Khero.

"Good morning honey!" nakangiting bungad ni Grint at naglakad palapit sa akin.Sinagot ko naman siya ng isang matamis na ngiti. He looks cool wearing a navy blue long sleeves rolled up to his elbow and a black pants. His hair are combed up that boost up his visuals. 

"Hey,tumutulo na ang laway mo" napabalik ako sa katinuan ng bigla itong nagsalita, sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Napakurap kurap ako habang pinagmamasdan ang labi niyang sobrang pink at mukhang napakalambot, ganun din ang Adams apple niyang parang tumutusok na sa lalamunan niya. Shet!

Mabilis kong inilapat ang labi ko sa labi niya na halatang ikinagulat niya. Ramdam na ramdam ko kung paano nag init ang mukha ko ng maghiwalay ang labi namin kaya mabilis akong pumasok sa sasakyan at sinapak sapak ang sarili ko. 

Kahit kailan talaga! Jusko naman! 

"If you want a kiss you can ask for it, hindi mo na kailangang magnakaw ng halik" saad niya sa mapang akit na boses at ramdam ko ang titig niya kahit nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha. Nakakahiya kaya bwisit!

"Ewan ko sayo! Mag drive ka na nga!" nahihiyang tugon ko at tumingin sa labas ng bintana para hindi niya ako matitigan. Hindi dahil sa hiya kung hindi dahil baka marape ko siya ngayon dito mismo sa sasakyan nato! Maghunus dili ka nga Arc! My god!

"Honey?" Tawag niya sa akin habang nasa gitna kami ng biyahe. Napakunot ang noo ko, bakit parang hindi yata kami papunta sa school? Takha akong napatingin sa kanya.

"Teka san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya at inikot ikot ang tingin sa bawat madaanan namin.

"Yan ang gusto kong sabihin kanina pa but you don't want to talk to me, you were too shy about the kiss that you--" hindi na niya tinapos ang sasabihin niya, siguro napansin niyang namula na naman ako. Nahihiya talaga ako dun, kahit hindi ako purong pinoy, uso pa din naman ang pagiging Maria Clara noh

"HAHAHA you look cute when you blush, What i want to tell you is that we're going for a date" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Sinuyod ko naman siya ng tingin at napasapo sa noo ko. Kaya pala hindi siya naka uniform.

"D-date? You mean first date?" Napatango tango naman siya. Pakiramdam ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Biglaan naman kasi di ako ready! Jusmiyo

"Btw, can you get that thing at the back seat?" suyo niya kaya sinunod ko naman. Isang malaking bouquet ng pulang rosas ang bumungad sa akin, it was neatly arranged at sobrang tingkad ng kulay,halos mapunit naman ang labi ko sobrang laki ng ngiti. Ang sweet lang kasi sobra.

"I'm not sure about what flowers you want since we never had a chance to date at the past, but red roses symbolizes burning love so I choose it. So you'll feel how my heart flares when I'm with you" 

'Dug dug dug dug dug' 

Napasapo naman ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kalabog nito. Mariin akong napakayap sa bulaklak at ibinaon ang mukha ko don. Ang hirap kiligin sa kotse, di ka makatalon. 

"You like it?" nakangiti niyang tanong. Nginitian ko naman siya at ipinatong ang kamay ko sa isa niyang kamay.

"I love it" 

"Yes!" tuwang tuwa niyang sigaw na para bang nanalo sa lotto. HAHAHA ang cute parang tanga. 

"Para kang sira, mag drive ka nga baka madisgrasya tayo" marahan kong palo sa balikat niya at hindi parin inaalis ang ngiti sa mga labi ko.

"You never know how happy I am! Wohoo" tinawanan ko nalang siya. Knowing the fact na sobrang kasiyahan ang nabigay ko sa kanya kahit sa mga simpleng bagay lang, pakiramdam ko okay lang maging pangit habang buhay kung may isang tao naman na magpaparamdam sayo na ikaw ng pinakamaganda sa mundo niya araw araw.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero hinawakan niya lang ang kamay ko at marahang pinisil.

"You'll see" maikli niyang sagot pero hindi parin mabura bura ang ngiti sa mukha niya.

"Well, I don't mind where as long as I'm with you" sagot ko. 

Kahit sa SM pa kami magpunta ayos lang, SM as in Smokey Mountain. Okay din yun tutal masaya naman siyang kasama edi sabay naming singhutin ang problema ng Manila. Ang basura! HAHAHAHAHA joke

Basta ako excited na sa posibleng mangyari sa amin.

'...posibleng mangyari sa amin'

'...posibleng mangyari sa amin'

Posibleng mangyari sa amin!? Pucha! Heto na naman ang utak kong polluted.