webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · 现代言情
分數不夠
39 Chs

Starry Sky (Part 1)

Simula nang magkamalay si Bangs sa MNA ay hindi niya naramdaman kahit kailan ang mga emosyong ipinaranas ni Lesley sa kaniya. Nagkaroon ng iba't ibang kulay ang kaniyang mundo at natuto siyang mangarap. Isang normal na buhay sa labas ng MNA kasama ang dalaga.

Ngunit naglaho ang lahat ng iyon nang sabihin nitong hindi sila magkakasama dahil may gusto itong iba. Hindi niya maintindihan ang sobrang lungkot na naramdaman at muling nawalan ng liwanag ang dati na niyang madilim na mundo.

"Bangs, bakit ang irresistible mo?" he heard a whisper in his head.

Pagkatapos ay nakaramdam siya ng napakasarap at pamilyar na sensasyon sa kaniyang mga labi. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakitang hinahalikan siya ng dalaga.

Napuno agad siya ng pagtataka. Akala ba niya may mahal itong iba? Bakit hinahalikan siya nito ngayon? Hindi na siya umalma dahil nangibabaw na ang matinding pagnanasa at init ng kaniyang katawan. Humawak siya sa bewang nito saka mabilis na idinako ang mga palad sa malaman nitong dibdib.

Natigilan ito sa paghalik sa kaniya na lubusan niyang ikinabitin at gulat na gulat na napatitig sa kaniya. Umawang ang labi nito at napaigtad. Mabilis itong umupo at nagtakip ng bibig na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Umupo rin siya nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito.

"Bangs! Gising ka na!" sabik na sabik nitong saad saka mahigpit na yumakap sa kaniya. "Pinag-alala mo ako ng sobra! Alam mo bang kanina pa kita hinihintay na magising d'yan?!"

Humiwalay din ito agad sa yakap at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"Kamusta pakiramdam mo?"

Ilang segundo ang lumipas bago niya ito nasagot.

"Ayos lang ako," matamlay niyang saad tapos ay pinalibot niya ang tingin sa paligid.

Nasaan sila? Ngayon pa lang siya nakapunta sa ganitong lugar. Unang beses niyang makakita ng puno, makalanghap ng sariwang hangin at makatapak sa lupa sa labas ng MNA.

Ngumiti si Lesley na pinapanuod siyang magpaikot-ikot ng tingin sa paligid.

"Bangs," agaw nito sa atensyon niya. "Malaya na tayo."

Napatingin siyang muli sa mukha ng dalaga na puno ng pagtataka.

"Malaya?"

He can see huge excitement in her as she opens her mouth and started giving him the good news.

"Oo, Bangs. Malaya na tayo! Gumana ang plano ni Sir Jacoben na makatakas tayo sa MNA. Wala nang eksperimento, wala nang wards, wala nang Dr. Shane!" ubod ng saya nitong balita sa kaniya. "Wala nang pwedeng manakit sayo!" she addded.

Ngunit kahit anong buti ng balitang narinig, hindi siya nakaramdam ng saya. Matiim niyang tinitigan ang mukha nito tapos ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Para saan pa ang kalayaan na sinasabi nito kung hindi rin naman niya ito makakasama?

"Nasaan s'ya?" tanong niya sa malalim na boses.

Unti-unting napawi ang kagalakan sa mukha nito sa inakto niya.

"Bakit parang hindi ka masaya? Ano'ng problema?"

"Nasaan siya?" ulit niyang tanong.

Kumunot ang noo nitong halatang naguguluhan sa ipinapakita niya.

"Si Sir Jacoben ba ang hinahanap mo? Sa ngayon hindi ko pa alam. Nagkahiwalay kami no-"

"Hindi," putol niya. "Yung- yung mahal mo," aniya habang nagtatagis ang bagang.

Umawang ang labi nito na napagtanto na ang pinagmumulan ng inis niya. Ilang segundo itong napatitig sa kaniya tapos ay malungkot na yumuko.

"Bangs, may ipagtatapat ako sa'yo," anito tapos ay marahang nag-angat muli ng ulo.

"Ang totoo, wala talaga akong ibang mahal o gusto. Mahabang kwento pero napilitin lang ako sa relasyon namin ni Patrick dahil akala ko iyon ang tama. Nagkamali ako. Dahil doon, pareho ko kayong nasaktan at hindi n'yo 'yon deserve," anito tapos ay mabigat na huminga bago muling nagpatuloy.

"Hanggang ngayon iniisip ko kung paano makakabawi sa inyong dalawa, lalo na sa'yo. Parang dinidikdik yung puso ko habang pinapanood kitang parusahan ang sarili mo dahil sa'kin. Tapos nasira ko rin ang relasyon ko kay Patrick bilang kapatid. Nasaktan ko rin s'ya ng sobra at pinagsisisihan ko talaga yung katangahan kong 'yon. Kasalanan ko ang lahat. Sinaktan ko kayong dalawa. Patawarin mo ako."

Kung anong lungkot ng mukha nito ay siya namang pagbalik ng kaniyang sigla. Sa lahat ng sinabi nito ay ang tanging tumatak lang sa isipan niya ay hindi totoong may gusto itong iba.

"Ako ba ang gusto mo?" sabik niyang sabi.

Halata namang nagulat ito sa bigla niyang tanong. Nagdalawang-isip pa itong umamin ngunit tumango rin.

"Itataya ko ba ng ganito ang buhay ko para iligtas ka kung hindi kita gusto?" anitong pulang-pula ang pisngi.

His heart skipped a beat as he stare at her beauty. Hinawakan niya ito sa pisngi at masuyong hinaplos.

"Lesley," pabulong niyang sambit sa pangalan nito na para bang ito ang pinakamagandang salita na lumabas sa bibig niya. Tila nahihiya nitong kinagat ang ibabang labi at nagsalitang muli.

"Pinapatawad mo na ba ako? Alam kong nasaktan talaga kita kaya maiintindihan ko kung magagalit ka pa rin sa'kin."

Dumulas ang hinlalaki niya mula sa pisngi patungo sa malambot nitong labi.

"Ako talaga ang gusto mo?" tanong niyang muli.

Napakasarap pakinggan ng mga salitang iyon at gusto niya itong paulit-ulit na marinig.

Nakipaglaban din ito ng titigan sa kaniya at kita niya sa mga mata nito ang parehong emosyon na nararamdaman niya para rito.

"Oo, ikaw ang gusto ko."

Hindi na niya napigilan ang sarili sa sobrang saya at hinalikan ito. Puno ng pagkasabik siyang humawak sa bewang ng dalaga at inilapit ang katawan sa kaniya tapos ay mahigpit itong yinakap. Ang mga braso naman nito ay pumalupot sa leeg niya.

Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng negatibo niyang naiisip at nakaramdam ulit ng pag-asa lalo na nang sabayan nito ang mainit niyang paghalik. Malas lang ng Patrick na iyon, kung sino man iyong hangal na lalaking iyon na nabanggit ni Lesley kanina dahil siya ang gusto at pinili ng dalaga.

Mas naging mainit ang kanilang halikan ng hindi lang labi ang ginamit niya. She welcomed his tongue inside her mouth and their kiss became deeper when she started answering in the same way. Magkahalo ang kanilang hiningang patuloy sa paglasap sa isa't isa na tila wala nang bukas.

Dahan-dahan niyang inihiga ang dalaga at walang sabi-sabing inangat ang pang-itaas nitong damit na ikinagulat nito.

"S-sandali!" anito saka mabilis na ibinaba ang damit. "B-baka makita tayo ni Kuya Dan. Saka, masyado ka namang mabilis."

Kumunot ang noo niya rito sa pagtataka.

"Mabilis?"

Gusto ba nito ay mabagal na paghalik? Dahan-dahan na pagtaas ng damit?

Marahan siya nitong itinulak mula sa pagkakapatong niya rito at saka umupo. Siya naman ay bumangon at pumantay din ng upo rito.

"Alam mo na. Yung- yung gusto mong gawin. H-hindi pa kasi ako handa."

Lalong nalukot ang noo niya rito. Hindi niya maintindihan ang gusto nitong iparating. Nahalata naman nito ang pagkalito niya kaya mas lininawan pa ang pagpapaliwanag sa kaniya.

"Bangs, virgin pa ako. Wala akong, uhm, experience kaya medyo nabibigla ako. Saka, ayokong mabuntis ng maaga," anitong hindi makatingin sa kaniya.

Bahagyang bumuka ang labi niya nang maintindihan na ang gusto nitong sabihin. Pilyo siyang napangiti at inilapit ang bibig sa tenga nito.

"Dadahan-dahanin naman kita at araw-araw kong gagawin para masanay k—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang takpan nito ang bibig niya. Gusto niyang matawa sa nag-aalab nitong mukha sa hiya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito sa bibig niya at nagpatuloy sa panunukso rito.

"Ginagawa mo ang gusto mo sa'kin kaninang tulog ako pero hindi ko pwedeng gawin 'yon sa'yo?"

Pinaningkitan siya nito ng mata na pilit tinatago ang hiya.

"Iba naman 'yon! Kiss lang 'yon! Ang tawag doon, magical kiss of true love. Ginawa ko 'yon para magising ka na katulad ni Sleeping Beauty. Umepekto naman, diba?" palusot pa nito.

Hindi niya naintindihan ang ilang salitang sinabi nito pero nginisian niya iyon. Alam niya ang tinutukoy nito at rerespetuhin niya iyon.

"Naiintindihan ko. Hindi kita pipilitin," aniya.