webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · 现代言情
分數不夠
39 Chs

Luxies Plate (Part 2)

Mabilis itong nagmaneho hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang rebulto ng nakaupong liyon. Matapos nitong maayos na ipinarke ang sasakyan ay bumaba na rin sila.

Hindi niya napigilang ilibot ang nagniningning niyang mga mata sa ganda ng hardin na nilalakaran nila. Napakaraming bulaklak at mga halaman na ngayong lang niya nakita ang nakatanim sa bawat sulok na madaanan ng kaniyang mata. Umawang ang labi niya sa fountain sa gitna habang mataas itong bumubuga ng tubig. Puno rin ng pagkamangha niyang pinagmasdan ang disenyo ng restaurant na may temang Europa.

"Welcome to Luxies Plate!" bati ng lalaking naka-tuxedo nang malapit na sila sa entrada.

Linagpasan lang ni Mrs. Dapit ang lalaki na kaniya namang nginitian. Pagkapasok ay lalong nanlaki ang mga mata niya sa eleganteng mga upuan at lamesa. Nang tumingala siya ay nasilayan niya ang napakagagandang mga chandelier.

Halatang mayayaman lang ang nakakakain dito dahil pormal ang suot ng lahat na nasa loob mapa-customer man o waiter. Napatingin siya sa suot niyang asul na polo, puting pantalon at puting sneakers. She felt out of place all of a sudden. Mukha siyang taga-hugas ng pinggan rito. Bakit ba kasi siya sumama sa masungit niyang bisor?

May lumapit sa kanilang lalaki na may pulang ribbon sa leeg at nakaputing long sleeves. Binati sila nito saka nakangiting iginiya sila sa isang lamesa tapos ay inabutan sila ng menu.

"Same order from yesterday," saad ni Mrs. Dapit na binalik ang menu sa lalaki.

Tumingin ang dalawa sa kaniya na naghihintay ng oorderin niya kaya agad siyang bumaling sa menu. Umawang ang labi niya sa presyo ng bawat pagkain at nanlalaki ang mga matang nag-angat ng tingin sa dalawa.

"Uhm, tubig na lang," nahihiya niyang sabi.

Tinirikan siya ng mata ni Mrs. Dapit tapos ay humarap sa waiter.

"Add one order of Träipen and that's it. Thank you." Magalang na yumuko at nagpaalam ang waiter tapos ay iniwan na sila.

Tumikhim ito tapos ay nagsalita na.

"So, what's your decision?" tanong nito na diretsong nakatingin sa kaniya.

Naguguluhan niya itong kinunotan ng noo. "Ano pong desisyon?"

"Didn't you talk to Jacoben at B3 about Maridona?"

Umawang ang labi niya sa gulat. "Alam n'yo po iyon?!"

"Oh, no! Hindi ko alam!" sarkasmo nito. "Kaya ko nga tinatanong, 'diba?"

Napakurap-kurap siya at tumitig sa mukha nito na may kaunti pa ring pagdududa.

"Paano n'yo po nalaman?"

"Obviously, I'm part of the plan. Jacoben already told me everything, so are you doing it? Will you be the next mother of mutants?"

Huminga siya ng malalim at komportableng sumandal. Kung ganoon, kakampi pala nila si Mrs. Dapit. Mahina siyang tumango.

"Opo, tinatanggap ko po 'yon para kay Bangs."

Iniling nito ang ulo habang nakatitig pa rin sa mukha niya.

"You're too brave for your own sake. You're just like your mother but less classy."

Namilog ang mata niya. "Kilala n'yo ang tunay kong ina?!"

Kumunot ang noo nito at naningkit ang mga mata.

"Jacoben didn't tell you?"

Umiling siya. Itinikom nito ang bibig tapos ay nag-iwas ng tingin na tila nag-iisip ng malalim. Maya-maya pa ay lumambot ang mukha nito at tumingin na ulit sa kaniya.

"I know your mother, but I'm not gonna tell you who."

"Bakit naman po?!"

"Hindi sa'yo sinabi ni Jacoben so hindi ko rin sasabihin. It just means that it's not the right time yet."

"Kailan naman po kaya iyong tamang oras na 'yon? Bakit hindi n'yo na lang sabihin ngayon?"

"I don't know what Jacoben plans for you, but you have to wait for him to tell you. I'm not in the right place to say it, so shut up now. Lalo mo lang akong ginugutom sa mga tanong mo."

Tinikom niya ang bibig at pinakalma ang sarili. Kuyom ang pareho niyang palad habang iniisip kung bakit ayaw nitong sabihin kung sino ang tunay niyang mga magulang. She got the same reaction from Amanda and Kali. Tapos si Jacoben din ay ayaw magsalita. Bakit?

Ilang minuto pa ay dumating na ang order nila. Napalunok siya sa pagkaing inihain sa harapan niya. Isa itong pie na may napakabangong halimuyak. Hindi naman siya gutom kanina pero biglang kumalam ang tiyan niya.

"Thank you po sa pagkain," saad niya pero hindi naman siya pinansin ni Mrs. Dapit na nag-umpisa nang kumain.

Dinampot na rin niya ang mga kubyertos at sumunod dito. Malapit na nilang maubos ang pagkain nang bigla itong nagtanong.

"Why do you want to save V-03?"

Hindi siya nito tiningala at abala pa rin sa pagkain. Linunok niya ang nginunguya saka sumagot.

"Mahal ko po si Bangs."

"Are you sure wala ka nang ibang habol?"

Napakurap-kurap siya rito. "Wala naman po akong ibang habol."

"What if I tell you that he's a billionaire?"

Mahina siyang natawa sa sinabi nito. "Parang imposible naman po yata 'yon."

Tumigil ito sa pagkain at mariin siyang pinakatitigan.

"Do I look like a person who loves to joke?" masungit nitong sabi tapos at pinaningkitan siya ng mata. "I've been looking out for him my entire life. I'm not going to let some gold-digger fool him."

Bahagyang umawang ang labi niya sa insulto nito. "Hindi ko po alam bakit gan'yan kayo magsalita pero wala po akong masamang intensyon kay Bangs. Kahit na isa pa s'yang bilyonaryo o kahit isa pa s'yang hari hindi mahalaga sa'kin 'yon."

Humalukipkip ito. "It's hard to believe that a girl will fall in love with a man who is crazy, dangerous, who has nothing, and not to mention, a monster. Maliban na lang kung alam mong may makukuha kang kapalit."

Kumuyom ang kamao niya at nag-aalab ang mga matang nakipagtitigan dito.

"Hindi po ako ganoong klaseng babae," diin niya. "Totoo ang nararamdaman ko para kay Bangs at wala kayong karapatan na insultohin ang pagmamahal ko dahil kaya kong itaya ang buhay ko para sa kan'ya," galit niyang sabi.

Sumosobra na talaga itong matandang ito. Masyado siyang hinuhusgahan at minamaliit! Isang minuto itong hindi nagsalita at nakipagtitigan lang sa kaniya. Maya-maya ay ngumiti ito na pinagtaka niya.

"Do you promise to take care of him?" tanong nito na malambot na ang tingin sa kaniya.

"Matagal ko na 'yong ipinangako," matapang n'yang sagot.

"You better keep that promise. He's like a son to me. It's a long story, but, I was his nanny ever since they moved here from Luxembourg. Wala na akong ibang sasabihin sa'yo tungkol sa nakaraan ko pero binabalaan kita, hindi magiging madali ang pagdadaanan n'yo. Rescuing him from MNA is just the tip of the iceberg."

Nagulat siya sa ipinagtapat nito. She was Bangs' Nanny? Luxembourg? What is she talking about? Parang nahihirapan siyang paniwalaan ito. Tapos bigla niyang naalala na si Mrs. Dapit ang nagsabi kay Bangs na hindi na siya babakik sa MNA noong hindi siya nakapasok ng ilang araw kaya nagwala ito. Bakit nito iyon ginawa? Is she testing her? O ayaw lang nitong makita na umasa si Bangs na magkakatuluyan sila?

Isa lang ang sigurado niya. Nakakausap at nakakalapit ito kay Bangs. Ibig sabihin, kaibigan ang turing ng binata rito. Dahil kung hindi, baka natulad na ito sa mga doktor at nurse na hindi na humihinga ngayon. She brushed the thought off her mind. Kahit sino pa siya, ang mahalaga ay kakampi nila ito at pareho sila ng intensyon kay Bangs. Siguro ay sadyang nasa personalidad lang nito ang pagiging masungit.

Nag-angat siya ng noo at sinserong tumingin sa mga mata nito.

"Kung ano man po ang dumating sa aming dalawa, lalabanan po namin 'yon nang magkasama. Alam kong mahal din ako ni Bangs at hindi namin pababayaan ang isa't isa. Kahit ano'ng mangyari alam kong poprotektahan n'ya ako, at gano'n din ako sa kan'ya."

Ngumiti ang isang sulok ng labi nito. "Of course hindi ka n'ya pababayaan! Ibahin mo ang alaga ko sa ibang lalaki d'yan. Kahit na babaero 'yan noon itataya niya ang sarili n'ya para sa mga taong mahalaga sa kan'ya. Unfortunately, that same attitude put him in MNA. But, he has you now. That should make a difference, right?"

Kinagat niya ang ibabang labi. "Uhm, babaero s'ya?" hindi niya napigilang tanong.

Sa dami ng sinabi nito ay iyon talaga ang tumatak sa isip niya. Mapang-asar itong tumawa habang umiiling-iling pa. Lumabi siya at malalim na huminga. Gusto niyang bawiin yung tanong niya.

"Don't be jealous. Ikaw naman ang first love niya," anito matapos siyang pagtawanan. "Go on, finish your food. At huwag ka magtitira kung hindi ikaw ang pagbabayarin ko n'yan."

She pouted but she is smiling inside. Pasimple niyang sinulyupan si Mrs. Dapit na pinagpatuloy na rin ang pagkain tapos ay palihim siyang ngumiti. Mali siya ng pagkakakilala rito. The more she thinks about Mrs. Dapit's actions before, the more she realizes that it was all to protect Bangs. And the closer she looks at her, the more she sees the goodness behind the grumpiness.

Wait!

Muntik na niyang mabitawan ang kutsara nang may maalala.

"Uhm, Mrs. Dapit, bilyonaryo si Bangs?"

Tinignan siya nito at ngumiti.

"Yes. As a matter of fact, we're eating at his restaurant."